You are on page 1of 6

Unang Markahang Pagsusulit

sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

I. Panuto: Piliin ang titik na nagpapahayag ng tamang sagot at i-shade ang titik sa sagutang papel.

1. Ang samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang pinagkasunduang
sistema at patakaran.
A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan
2. Binubuo ng mga indibidwal na magkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng
isang partikular na lugar.
A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan
3. Ang lipunan ay samahan ng mga tao na may:
A. Iisang layunin C. Magagandang pangarap
B. Iisang paniniwala D. Magkakaugnay na mithiin
4. Sino ang may akda ng Summa Theologica?
A. Dr. Manuel Dy Jr. C. John Rawls
B. Jacques Maritain D. Sto. Tomas Aquinas
5. Ang pangangailangan na gaya ng pagkain, tubig, tahanan at kasuotan.
A. Pisyolohikal C. Pagmamahal at makisapi
B. Seguridad at kaligtasan D. Kaganapan ng pagkatao
6. Kabuuang kondisyon ng lipunan na nagbibigay daan sa agad na pagtamo ng kaganapan ng pagkatao
ng lahat ng kasapi ng lipunan.
A. Kabutihang panlahat C. Kaunlaran
B. Kapayapaan D. Pagkakasundo
7. Alin ang hindi kabilang sa elemento ng kabutihang panlahat?
A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
8. Alin ang hindi kabilang sa hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi
para sa pagkamit nito
9. Alin ang prinsipyo na nagpapakita na ang bawat kasapi o bahagi ng lipunan ay may kanya-kanyang
gampanin o tungkulin para sa pagtamo ng kabutihang panlahat.
A. Consolidation C. Sovereignty
B. Solidarity D. Subsidiarity
10. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat.
A. Abraham Lincoln C. Martin Luther King
B. Malala Yuosafzai D. Ninoy Aquino
11. Ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito.
A. Komunidad C. Pamayanan
B. Layuning Politikal D. Pamilya
12. Sino ang kinikilala bilang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika?
A. mamamayan C. pinuno ng simbahan
B. pangulo D. kabutihang panlahat
13. Saan inihahambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya C. Barkadahan
B. Organisasyon D. Magkasintahan
14. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang
pamayanan?
A. Kultura C. Batas
B. Relihiyon D. Organisasyon
15. Saan katotohanan nakaugat ang paniniwala na “ang tao ay pantay - pantay”?
A. Likha ang lahat ng Diyos C. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
B. Lahat ay iisa ang mithiin D. Lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
16. Ang paggamit ng likas na yaman para sa pagproseso, produksyon, distribusyon at pagkonsumo ng
mga produkto na kailangan sa lipunan?
A. Ekonomiya C. Pamayanan
B. Pamahalaan D. Pinuno
17. Saan inihahambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya C. Barkadahan
B. Organisasyon D. Magkasintahan
18. Ang pamamamaraan ng tao sa pagkamit na mga pangangailangan upang patuloy na mabuhay.
A. Paglilibang C. Pakikipagkapwa
B. Pamamahinga D. Paghahanapbuhay
19. Sino ang may tungkuling pangasiwaan ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Kabataan C. Mamamayan
B. Kapitalista D. Pamahalaan
20. Ano nag pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng suliraning panlipunan C. Pagpansin sa kakulangan ng pamahalaan
B. Pagbibigay ng karangalan sa pamahalaan D. Pagbibigay ng lunas sa suliranin ng karamihan
21. Sektor ng lipunan na naglalayong mailahad ang katotohanan ayon sa kautusang moral upang
maiayos ang lipunan.
A. Media C. Pamilya
B. Organisasyong Di-pampamahalaan D. Simbahan
22. Ano ang kahulugan ng mass media?
A. Impormasyong hawak ng marami
B. Paghahatid ng maraming impormasyon
C. Impormasyong nagpasalilsalin sa marami
D. Isahang ngunit paghahatid ng impormasyon sa nakakarami
23. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
B. Pagpaparating ng karaingan sa pamahalaan
C. Pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan
D. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
24. Ang mga institusyon ay may tungkuling moral sa bawat isa sa atin. Nararapat lamang na ang mga
gawain na kanilang pinaiiral ay naaayon sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na:
A. Ang lipunan ay may pananagutan sa mga institusyon.
B. Nararapat na ang mga gawain ng mga institusyon ay makakabuti sa lahat.
C. Dapat magpairal ng mga gawain ang mga institusyon na naaayon sa mga mayayaman.
D. Ang mga gawain ng mga institusyon ay nararapat na umaayon sa kanilang pansariling
kabutihan.
25. Ang mga pamamaraan at sistema sa lipunan ay kailangang:
A. Magkakaiba C. Pinagdebatihan
B. Magkakaugnay D. Pinagkasunduan
26. Ang lipunan ay para sa tao. Nangangahulugan ito na:
A. Ang mga tao ay para sa lipunan. C. Ang layunin ng lipunan ay para sa tao.
B. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao. D. Ang lipunan at mga tao ay magkakaugnay.
27. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng kasapi nito
28. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
A. Ang lahat ay magiging masunurin.
B. Walang magmamalabis sa lipunan.
C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
D. Bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.

29. Alin ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas Aquinas?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

30. Alin ang bunga ng paglago ng ekonomiya?


A. Ang mga mahihirap ay biktima ng ekonomiya.
B. Ang lahat ng kasapi ng lipunan ang nagpapatakbo ng ekonomiya.
C. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang mamahala sa takbo ng ekonomiya.
D. Ang mayayaman lang ang nakikinabang sa ekonomiya dahil sila lang ang maraming pambili
ng mga produkto.
31. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa lipunang ekonomiya?
A. Limitadong galaw sa pakikipagkalakalan
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Ang mga may kapital lamang ang nakakapagbukas ng negosyo
D. Paglustay sa kaban ng bayan upang masiguro na ang bahay ay magiging tahanan
32. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.
B. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
C. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
D. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
33. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
B. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating talento.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapasaya sa gawain.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
34. Sa prinsipyo ng subsidiarity, tutulungan ng pamahalan na makamit ng mga mahihirap ang kanilang
mga pangangailangan kaya,
A. Maaari nang umasa sa mga pulitiko.
B. Maghintay na lamang ng biyayang matatanggap
C. Bahala na ang pamahalaan sa lahat ng gastusin ng mga mahihirap
D. Tutulungan ng pamahalaan na maging produktibo ang mga mamamayan upang matamo nila
ang kanilang mga pangangailangan.
35. Alin sa mga sumusunod ang gawain na nakakatulong sa paglago ng ekonomiya?
A. Pag-iipon ng barya sa alkansiya.
B. Paggamit ng angking talento sa pagtatrabaho.
C. Pag-iimbak ng bawang upang tumaas ang presyo.
D. Pagdadagdag ng malaki sa presyo ng paninda upang mas lumaki ang tubo.
36. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin. C. Pagbabawal sa pagtatayo ng mga negosyo.
B. Paglikha ng mga trabaho sa kanayunan. D. Pagpapataw ng malaking buwis sa mga tao.
37. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng isang lipunang sibil?
A. Pagmamasid ng ibon C. Pagsisid sa coral reefs
B. Pagtatanim ng puno D. Malayuang pagbibisikleta

II. Panuto: Tayain ang mga sumusunod na sitwasyon kung ito ay PAGPAPAIRAL O PAGLABAG ng
Prinsipyo ng SUBSIDIARITY o PAGKAKAISA
38-39. Pakikipagtsismisan sa oras ng trabaho.
40-41. Pagsusuplong sa awtoridad hinggil sa illegal na pagtotroso.
42-43. Paghimok sa mga miyembro ng konseho na huwag pumirma sa kautusang bayan na mungkahi
ng kalaban sa partido.

III. Panuto: Piliin ang titik na nagpapahayag ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
44. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa demand ng industriya.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi
para sa pagkamit nito.

45. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Mali, dahil may pagkakataong ang tao ay nagnanais na makapag-isa.
C. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

46. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa ekonomiya maliban sa:


A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Paglustay sa kaban ng bayan upang masiguro na ang bahay ay magiging tahanan
D. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao

47. Ayon kay Dr. Manuel Dy ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan
ang mga tao.
B. Mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang kanilang kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao
dahil ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo
ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
48. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa kanyang
pangangailangan lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
pangangailangan
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay
paggalang sa kanilang mga karapatan
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
49. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mabuting ekonomiya?
A. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
B. Ang mayayaman lamang ang may mainam na pamumuhay
C. Ang mga tao ay walang karapatang makilahok sa mga panlipunang gawain.
D. Ang mga manggagawa ay napipilitang magtrabaho ng higit sa kanilang sinasahod.
50. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
51. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
A. Panghihimasok ng estado. C. Kawalan ng kuwalipikasyon sa mga kaanib.
B. Kawalan ng pangmatagalang liderato. D. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paniniwala

IV. Panuto: Tama o Mali I-shade ang (A) kung wasto ang pahayag at (B) kung mali.

52. Ang lipunan ay nabubuo dahil sa pagnanais ng mga tao na matamo ang pansariling kabutihan.
53. Ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na mawala sa lipunan.
54. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay pagkapanalo sa halalan.
55. Ang mga mamamayan ay maaring magprotesta sa pamamalakad ng pamahalaan.
56. Ang kilos ng mahusay na pamamahala ay mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
57. Ang simbahan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na matutugunan ang mga
pangangailangan ng lahat.
58. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng kasinungalingan dahil dito tayo kumukuha ng mga
impormasyon para sa ating mga desisyon.
59. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng pagkakabatid na
tayo ay nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
60. Ang lipunang sibil ay binubuo ng mga indibidwal na tumutulong sa mga institusyon ng lipunan
na pagkakitaan ang mga pangangailangan ng lipunan.

Inihanda ni Gng. Hannah Faye Navarro


Kagawaran ng Edukasyon
Kaong National High School
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baytang IX
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

GABAY SA PAGWAWASTO
I. REMEMBERING II. ANALYSIS
1. D Lipunan 30. PAGLABAG
1. C Komunidad 31. SUBSIDIARITY
2. A Iisang layunin 32. Pagpapairal
3. D Sto. Tomas Aquinas 33. PAGKAKAISA
4. A Pisyolohikal 34. PAGLABAG
5. A Kabutihang panlahat 35. PAGKAKAISA
6. D Subsidiarity 36. A
7. C Martin Luther King 37. A
8. B Layuning Politikal
9. A Ekonomiya III.
10. D Pamahalaan 39. C
11. D Paghahanapbuhay 40. C
12. D Pagbibigay ng lunas sa suliranin ng 41. D
karamihan 42. A
13. D Simbahan 43. A
14. D Isahang ngunit paghahatid ng 44. D
impormasyon sa nakakarami 45. A
UNDERSTANDING
15. B
16. D IV. EVALUATION
17. C 46. TAMA
18. D 47. KABUTIHANG PANLAHAT
19. C 48. AYON/ PAREHO
20. D 49. MANAIG/MANATILI
21. B 50. LAHAT
22. B 51. KABUTIHANG PANLAHAT
23. C 52. PAMAHALAAN
24. D 53. MAMAMAYAN PATUNGO SA
25. B PAMAHALAAN
APPLICATION 54. TAMA
26. D 55. TAMA
27. B 56. NAMAMAHALA
28. B 57. KAKAUNTI/ WALA
29. B 58. KATOTOHANAN
59. HINDI NAG-IISA/ MAY KASAMA
60. TULUNGAN

You might also like