You are on page 1of 7

Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE-VALENZUELA CITY
LAWANG BATO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mulawinan St. Lawang Bato, Valenzuela City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

PANGALAN:______________________________________________________ PETSA: ________________________________

BAITANG AT SEKSYON:______________________________________________ MARKA: _______________________________

PANUTO:

I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Piliin lamang ang titik ng
pinakaangkop na sagot. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1.Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.

B. Tama, dahil n gating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa

C. Mali, dahil may mga pagkakataon ang tao ang nagnanais makapag-isa.

D. Mali dahil may mga pagkakataon maliban sa pagiging panlipunan.

2. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa

A. Kapayapaan C. Paggalang sa indibidwal na tao

B. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

3. Ano ang kahulugan ng Kabutihang panlahat?

A. Kabutihan ng lahat ng tao

B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

C. Kabutihan ng bawat indibidwal sa lipunan

D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng kasapi ng lipunan

4.Sa Lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilalang tunay na boss?

A. Mamayan B. Pangulo C.pinuno ng simbahan D. kabutihang panlahat

5.Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya at mga hangarin ng isang

pamayanan?
A. Kultura B. Relihiyon C. Batas D.
Organisasyon

6. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity?

A. Pagsasapribado ng mga gasolinahan C. Pagbibigay daan sa public bidding

B. Paniingil ng buwis D. pagkakaroon ng lupang matitirikan para sa pabahay

7. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng Solidarity

A. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan C. Bayanihan at kabitbahayan


B. Pagkakaroon ng kaalitan D. Pagkakaroon ng panhon para sa pagpupulong

8. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.

B. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa kakayahan ng tao

C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahn at kailangan ng tao.

9. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa Lipunang pang-ekonomiya?


A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayanayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay maging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng
bayan.

10. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga bats upang matiyak na;
A. Ang lahat ay magiging masunurin C. Bawat mamamayan ay may tungkulin dapat gampanan
B. Matutugunan ang pangangailangan ng lahat D. Walng magmamalabis sa lipunan

11. Tungkulin ng Mass Media ang pagsasaad ng katotohanan dahil;


A. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
B. Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
C. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
D. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.

12. Ang Likas na Batas Moral ay:


A.Nilikha ni Sto. Tomas de Aquino C. Nauunawaan ng mga tao
B. Inimbento ng mga pilosopo D. Mula sa Diyos

13. Para saan ang mga batas sa lipunan?


A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan C. Itaguyod ang karapatang-pantao
B. Ingatan ang interes ng nakararami D. Pigilan ang mga masasamang tao

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang pantao?


A. Pagbibigay kalayaan sa tao na paunlarin ang sarili at ang pamilya.
B. Pagkondena sa mga paniniil at paglapastangan sa tao.
C. Pagpapanatili ng kapayapaan para sa kaligtasan ng tao.
D. Lahat ng nabanggit

15. Ito ang nagsisilbilng mekanismo ng pamahalaan upang isakongkreto ang ________________ sa tao.
A. pangkalahatang pagpapahalaga C. Pangkalahatang batas
B. pangkalahatang paninindigan D. Pangkalahatang alituntunin

16. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?


A. Ito ay mga gabay na pansarili lamang
B. Ito ay mahahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
C. Ito ay mahalagang bagay para sa lahat ng tao
D. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.

17. Ang _______ ay gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa,at pagkamalikhain at ang


produkto ay dapat nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng tao.
A. Pakikilahok B. Paggawa C. Tungkulin D. Pananagutan

18. Sa paggawa maaaring maiangat ng tao ang kultura at ________ ng lipunang kinabibilangan.
A. Teknolohiya B. Agham C. Kultura D. Moralidad

19. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kailangan niya upang _____ang pangunahing
pangangailangan.
A. Kasikatan B. Yaman C. Pagpapahalaga D. Salapi

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggawang nagbibigay kabuluhan sa pag-iral ng tao?
A. Pagtratrabaho ng ama para sa pag-aaral ng mga anak.
B. Paglalaba ng isang anak dahil may gustong hingin sa ina
C. Hindi paggawa ng takdang aralin ng mga mag-aaral
D. Pagpapasugal sa sariling bahay bilang negosyo

21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang paggawa ay nakapagdudulot ng pagkakataong ipakita
ang tunay na pagbibigay ?
A. Pagtatrabaho ni ate dahil gustong may pambili ng cellphone C. Pagplantsa ni ate sa sariling uniporme
B. Pagtatrabaho ng mga magulang para sa mga anak D. Lahat ng nabanggit

22. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para kapwa, sa kanyang pamilya sa lipunan na kanyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi dapat isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa iba.
C. Kailangang makahanap ng trabaho ang tao na ang layunin ay makatulong sa kapwa.
D.Lahat ng nabanggit

23. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Proseso na pinagdaanan bago malikha ang produkto
B. Kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng produkto.
D. Yamang makakamtan mula sa paggawa

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng Pakikilahok ng isang tao?
A. Pagganap sa tungkulin ng isang tao
B. Nagkakaroon ng pagkakataon upang magtulungan ang mga tao.
C. Nahuhubog ang kakayahan,talent at pakikipag-ugnayan ng tao
D. Lahat ng nabanggit

25. Saan nakatuon ang pansin sa pagsasagawa ng bolunterismo?


A. Sariling adhikain B. Kasikatan C. Paglilingkod at pagmamahal sa kapwa D. Lahat ng nabanggit
26.Bilang isang tao, tayo ay karapatan magtamasa ng katarungan. Ano ang ibig sabihin ng katarungan?
A. Paggalang sa sarili B. Pagsunod sa batas C. Pagtrato sa tao bilang kapwa D. Lahat ng nabanggit

27.Ang mga batas ay ginawa para sa kaayusan ng lahat. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
A. Mamamayan B.Pamahalaan C. Pulis D. Lahat ng nabanggit
28. Ano ang tamang pagpapatupad ng katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas C. Tumawid sa tamang tawiran
B. Patawarin ang humihingi ng tawad D. Bigyang limos ang namamalimos

29. Ayon sa kasaysayan , noong panahon ng Martial Law ay maraming mga bumabatikos sa pamahalaan ang nawala
at ang ilan ay natagpuang patay. Ang nasabing pahayag ay:
A. Tamang pagpapatupad ng katarungan para sa mga nasa pamahalaan.
B. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa katarungang panlipunan
C. Nagpapakita ng paglabag ng mga nasa pamahalaan sa katarungang panlipunan
D. Nagpapakita ng pagbibigay katarungan sa kalayaan ng tao sa lipunan.

30. Alin sa mga sumusunod ang di nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan sa isang baranggay?
A. Pagsasawalang bahala ng mga tanod sa mga kabataang tumatambay sa alanganing oras ng gabi
B. Pagkakaroon ng Ghost employees sa barangay
C. Pagnanahimik ng mga residente sa mga naglipanang kabataang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
D. Paggawa ng programa ng baranggay upang matugunan ang problema sa mga kabataang gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.

31.Tumutukoy sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan sa


abot ng kanilang makakaya.
A. Kapayapaan B. Katarungan C. Katarungang panlipunan D. Katarungang pansarili

32. Alin sa mga sumusunod na katangian ang kailangan mong taglayin sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga na
tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain ng walang pagmamadali at buong pagpapaubaya?
A. Masigasig B. Kasipagan C. Matiyaga D. Malikhain

33. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:


A. Ito ay ang pagsisikap gawin o tapusin an gang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin sa kasiyahan at negatibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain,kapwa at lipunan
D. Tumutulong itosa tao na malinang ang mga kakayahan at katangian

34. Paano makatutulong sa tao ang katangian at birtud ng pagtitipid?


A. Nabibili ang nais at gusting bilhin C. Natututong makuntento sa kung ano ang meron ka
B. Nagiging interesado ka sa material na bagay D. Nabibigyan ng magandang edukasyon ang anak

35. Bakit mahalaga ang kasipagan at pagpupunyagi sa buhay ng tao?


A. Dahil ito ang tumutulong sa taoupang mapaunlad ang sarili at ang kabuhayan
B. Dahil ito ang magdadala sa tao sa katanyagan
C. Dahil ito ang makapag-papalalim sa ating pakikipagkapwa tao
D. Dahil ito ang batayan ng pagiging mabuti ng isang tao

36. Bakit kailangan tukuyin mo muna ang iyong layunin o hangarin ng isang Gawain?
A. Upang matapos mo ito ng mabilisan. C. Para marami ka pang magawa.
B. Dahil ito ang magbibigay direksyon sa nais mong matupad. D. wala sa nabanggit.

37. Bakit kailangang tasahin ang mga Gawain?


A. Para mabilis kang makatapos.
B. Upang marami kang magagawa.
C. Upang maumpisahan ang isang Gawain mula sa pinakamaliit hanggang sa mabuo at matapos ang isang Gawain.
D. lahat ng nabanggit.

38. Ano ang maitutulong ng pag-iwas sa mañana habit sa isang mag-aaral?


A. Naipapasa sa takdang oras ang mga proyekto/awtput
B. Naiiwasang maipunan ng mga gawain o proyekto sa iba’t-ibang asignatura
C. Nabibigyan ng sapat na panahon ang paggawa ng mga proyekto sa paaralan
D. Lahat ng nabanggit

39. Ayon sa Teorya ng Multiple Intelligences, ang lahat ng tao ay may taglay likas na kakayahan, talent o talino.
Sino ang may akda ng Teoryang ito?
A. St. Thomas Aquinas B. Dr. Stephen Covey C. Dr. Edward Gardner D. Dr. Howard Gardner

40. Isa sa pansariling salik sa pagpili ng kurso na tumatalakay sa mga bagay na gustong gawin at nagbibigay ng
kasiyahan.
A. Kasanayan B. Hilig C. Talino D. Mithiin

41. Ang tao ay maaaring magtaglay ng magkakaibang talent ayon sa Teorya ng Multiple Intelligences. Anong uri ng
talento ang taglay ng tao na mahusay sa paggawa ng ula at mga kuwento?
A. Musical/Rhythmic B. Visual Spatial C. Intrapersonal D. Verbal/Linguistic

42. Kung ang isang tao ay magaling sa isports at pagsayaw, anong uri ng talent ang taglay niya?
A. Visual Spatial B. Bodily/ Kinesthetic C. Interpersonal D. Musical/Rhythmic

43. Ang kasanayan ng tao ay nasa apat na kategorya, anong uri ng kasanayan mayroon ang tao na mahusay sa pag-
aayos ng dokumento, impormasyon, bilang at mga files?
A. Kasanayan sa datos C. Kasanayan sa pakikiharap sa tao
B. Kasanayan sa mga bagay-bagay D. Kasanayan sa Ideya

44.. Ang mga taong may kahusayan sa pagpapaandar, pagpapanatili at pagbuo ng makina ay may kasanayan sa
____.
A. datos B. pakikiharap sa tao C. bagay-bagay D. Ideya

45. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung;
A. nagagamit sa araw-araw ng may pagpapahalaga
B. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian
C. nagagampanan ng balance ang tungkulin sa pamilya,trabaho at komunidad.
D. kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa

46. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa.Ano ang
maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. Kapayapaan B. Kaligtasan C. Kaligayahan D. Kabutihan

47. Bakit mahalaga ang magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?
A. Upang siya ay hindi maligaw C. Upang mayroon siyang gabay
B. Upang matanaw niya ang hinaharap D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

48. Saan dapat nakabubuti ang isinasagawang pagpapasya?


A. Sarili, simbahan at lipunan C. Paaralan,kapuwa at lipunan
B. Kapuwa,lipunan at paaralan D. Sarili,kapuwa at lipunan

49. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa buhay?


A. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpapasya
B. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
D. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

50. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o palitan.


A. Tama, dahil araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, dahil mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, dahil patuloy na nababago ang tao sa konteksto ng sitwasyon sa buhay
D. Mali, dahil ito na ang saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo,
na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang Niya.
1 Pedro 2:21

Answer Key:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.

You might also like