You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Zambales
JESUS F. MAGSAYSAY HIGH SCHOOL- ZNHS Annex
Bangantalinga, Iba, Zambales

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Unang Markahang Pagsusulit
SY 2019-2010

Pangalan : ____________________ ________ Petsa: __________________________

Grade & Section: ____________________ ___ Marka: __________________________

Panuto:

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

I. KNOWLEDGE
____1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
____2. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng iisa lamang
b. kabutihan ng isang pangkat sa lipunan
c. kabutihan ng tao
d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
____3. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. pagkilos na naaayon sa ikabubuti ng karamihan
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag sa sarili kaysa sa iba
c. pakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
d. pagkakait ng tulong sa kapwa na nangangailangan
____4. Ang mga sumusunod na elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
____5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. tama, dahil lahat n gating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
____6. Ang kahulugan ng “mass media” ay:
a. impormasyong hawak ng marami
b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyo
c. impormasyong nagpasalin-salin sa marami
d. paghahatid ng madaming impormasyon
____7. Ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ay:
a. ang pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
____8. Ang pananatili nating kaanibng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. pagkakatantong hindi tayo nag iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
____9. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba.
a. Iba’t-iba tayo ng kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
____10. Ang salitang “ekonomiya” ay hango sa griyegong salita na:
a. eko at nomiya b. oikos at nomos c. oko at nomoya d. wala sa nabanggit
____11. Ayon sa isang propesor ng Pilosopiya, binubuo ng tao ang lipunanat binubuo ng
lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. ang tao ang gumagawa ng lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog
ng lipunan ang tao.
b. ang tao ang gumagawa sa lipunan dahil mula sa kanyang pagsilang ay nariyan ang
pamilyang nagaaruga sa kanya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi neto.
c. ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang kontribusyon dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil
matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa
lipunan makakamit ang kanyang kaganapan ng pagkatao.
____12. Ito ay mga halimbawa ng Prinsiptong Subsidiarity, maliban sa:
a. Marangal na pamumuhay
b. Maayos na edukasyon
c. Pagtutulungan
d. Pagkakaloob ng maayos na pabahay
____13. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyong Solidarity, maliban sa:
a. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. Pagkakaroon ng kaalitan
c. Bayanihan at kapit-bahayan
d. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
____14. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. Paglalahad ng impormasyong hindi pakikinabangan
b. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
c. Paglalahad ng iisang panig ng usapin
d. Pagbanggit ng maliit na detalye
____15. Ang pananatili nating kaanibng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. pagkakatantong hindi tayo nag iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
____16. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng
nakararami?
a. Sa ganito natin maipapakita ang pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan ng gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
____17. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan neto sa mga
pangangailangan ng mga tao.
d. Pagkilos upang magsiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
____18. Sa lipunang pang ekonomiya, ano ang pinagkaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong benipisyo sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay ang pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan,
ang patas ay ang pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, patas ay ang paggalang ssa kanilang karapatan.
d. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, patas ay ang pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng
pangangailangan ng tao.
____19. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na:
a. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. Parehong a at b
d. Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
____20. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan:
a. mga batas b. mamamayan c. kabataan d. pinuno
____21. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolikal ay ang:
a. mamamayan b. pangulo c. pangulo at mamamayan d. halal ng bayan
_22. Upang mabuo ang isang lipunan at mabuklod ang mga tao, kailangan ng ?
a. pagbibigayan b. pag-uugnayan c. respeto d. kaganapan
____23. Alin sa sumusunod ang makakapagpatatag ng lipunan?
a. Pagsisikap ng bawat tao
b. Mapanatili ang kabutihang panlahat
c. Pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga
d. Lahat ng nabanggit
____24. Binibigyang diin ng prinsipyong solidary ang sumusunod, maliban sa:
a. Kabutihang panlahat b. tungkulin c. privacy d. kooperasyon
____25. Binibigyang diin ng prinsipyong subsidiarity ang sumusunod, maliban sa:
a. Katauhan ng isang indibidwal b. karapatan c. kalayaan d. pagkakapantay-
pantay
____26. Ano ang kahulugan ng “oikos”?
a. Paaralan b. bahay c. simbahan d. palengke
____27. Ano ang kahulugan ng “nomos”?
a. Pamahalaan b. pamamahala c. pamunuan d. lipunan
____28. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Ang lahat ay magiging masunurin
b. Matutugunan ang pangangailangan ng lahat
c. Bawat mamamayan ay may tungkulin na dapat gampanan
d. Walang magmamalabis sa lipunan
____29. Alin sa mga sumusunod ang makatarungang programa ng gobyerno?
a. Paggiba sa mga tahanan ng mga iskwater
b. Paglilipat ng mga mahirap sa probinsya
c. Paggawa ng mga bahay na abot-kaya ng mga mahihirap
d. Paglulunsad ng mga housing project para marentahan ng mga maykaya
____30. Ipinasok sa emergency room ang isang nasagasaang lalaki. Ayaw siyang gamutin ng
mga taga-ospital sa dahilang wala siyang pambayad. Ano ang tamang reaksyon tungkol dito?
a. Tama lang ang ginawa ng mga taga-ospital.
b. Dapat bayaran ng nagpasok sa kanya ang gastusin.
c. Dapat gamutin muna ang pasyente bago magbayad.
d. Dapat hanapin ang nakasagasa upang masigurong may magbabayad sa ospital.

II. PROCESS
____31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pananagutan?
a. Pakikilahok at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan.
b. Pagboto
c. Pagbabayad ng buwis
d. Lahat ng mga ito
____32. Ang pagunlad, pagbabago at pagsasaayos ng lipunan at bansa ay nakasalalay sa
mga kasaping .
a. Walang pakialam b. masayahin c. responsible d. duwag
____33. Ito ay may layuning turuan at tulungan ang tao na marating ang tagumpay at
masaganang pamumuhay maging sa pamimigay ng kaalaman. Ano ito?
a. paaralan b. pamahalaan c. Pamilya d. simbahan
____34. Sa pamamagitan nito natutuhan ng tao ang katotohanan ukol sa Diyos na hindi
karaniwang natutuhan sa iba pang institusyon. Ano ito?
a. Pamahalaan b. simbahan c. paaralan d. Pamilya
____35. Ang mga sumusunod ay mga gawain o serbisyong ibinibigay ng pamahalaan. Alin
ang hindi?
a. Pagbibigay ng trabaho sa mahihirap
b. Pagkakaroon ng mga batas at programa
c. Matukungan at mapaglingkuran ang mga tao
d. Sumiil sa mga mamamaya
____36. Ito ang pinakamaliit na unit ng lipunan. Ano ito?
a. Pamilya b. pamahalaan c. simbahan d. paaralan
____37. Ang bawat karapatan na tinatamasa ng isang tao sa lipunan at bansang kanyang
kinabibilangan ay may kaakibat na .
a. Kaganapan b. pamilya c. pananagutan d. kasiyahan
____38. Ang bawat tao ay isinilang na may pantay na dignidad at magkatulad na
pangangailangan upang matamo ang .
a. Kaganapan b. pananagutan c. kasiyahan d. lahat ng mga nabanggit
____39. Piliin sa mga sumusunod na pahayag kung paano maaalagaan at maipaglaban ang
karapatan.
a. Sumali sa mga rally at strikes sa kalye.
b. Maging masunurin sa batas.
c. Tumahimik na lamang
d. Wala sa nabanggit
____40. Piliin na sumusunod ang nagpapakita ng pakahulugan ng lipunan:
a. Mga taong lulan ng bus
b. Grupo ng mga taong tumatawid sa kalye
c. Mga Barangay kagawad na nasa meeting
d. Lahat ng nabanggit
____41. Ang lipunan ay samahan ng mga tao na may .
a. Magkaugnay ng mithiin b. magagandang pangarap c. iisang layunin d. iisang
paniniwala
____42. Ang mga pamamaraan at sistema sa lipunan ay kailangang .
a. Pinagkasunduan b. magkaugnay c. magkaiba d. pinagdebatihan
____43. Mahalaga ang lipunan sapagkat sa pamamagitan nito ay natatamo ng mga tao ang
.
a. Kasiyahan b. espiritwalidad c. mataas na kalagayan d. kaganapan
____44. Ang lipunan ay para sa tao. Nangangahulugan ito na .
a. ang layunin ng lipunan ay para sa tao
b. ang lipunan ay binubuo ng mga tao
c. ang mga tao ay para sa lipunan
d. ang lipunan at mga tao ay magkaugnay
____45. Ito ay kailangan upang maisulong ang kanbutihang panlahat para sa ikauulad ng
lipunan. Ano ito?
a. Interes ng bawat tao b. personal na tunguhin c. partisipasyon ng mamamayan
d. magkatugmang pananaw
III. UNDERSTANDING
____46. Ito ay mga aspekto para sa kaganapan ng tao. Alin ang hindi?
a. Paggalang sa pagkatao ng indibidwal
b. Paggalang sa mga magulang
c. Paggalang sa kabutihan at pag-unlad ng buong lipunan
d. Paggalang sa kasiguruhan ng katarungang panlipunan
____47. Si Mang Tony ay mahilig mag-alaga ng hayop lalung-lalo na ng baboy. Kung kaya ang
kanyang personal na hilig ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na amoy sa pamayanan. Ano
ang ipinahihiwatig ng salaysay?
a. Ang pag-aalaga ng baboy ay nakatutulong sa araw-araw na gastusin
b. Maaaring magbago ang buhay kung may pagsisikap.
c. Nakakatulong sa pag-unlad ang pagiging masipag
d. Ang personal na kabutihan ay hindi dapat sumalungat sa kabutuhang panlahat
____48. Alin ang hindi magandang stratehiya para makatulong sa panlipunang pag-unlad?
a. Pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
b. Pagboto sa popular na kandidato.
c. Pagsisikap na makatapos ng pagaaral
d. Paglahok sa gawaing pansibiko
____49. Naging kasapi ng Rotary Club si Mang Kris. Nakaugalian na ng samahan ang
magkaroon ng programangmakatutulong sa mahihirap sa pamamagitan ng Medical Mission
bawat taon. Ano ang pinahihiwatig ng sitwasyon?
a. Pagmamalasakit sa nangangailangan
b. Pagbibigay ng payo
c. Pag-conduct ng Family Planning Seminar
d. Lahat ng nabanggit
____50. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagkakaisa sa mga
proyekto at gawaing pampamayanan?
a. Pag-attend ng meeting sa barangay
b. Pagbabalewala sa mga tungkuling pampamayanan
c. Pagsasawalang-kibo sa mga isyung panlipunan
d. Lahat ng mga ito
Prepared by:

Felice F. Recella

SST - I

You might also like