You are on page 1of 5

Division of Muntinlupa City

LAKEVIEW INTEGRATED SCHOOL DAILY LESSON LOG S.Y. 2022-2023


Paaralan LAKEVIEW INTEGRATED SCHOOL Baitang/ Antas 9
Guro JESSICA T. JOAQUIN Asignatura EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Petsa / Oras NOBYEMBRE 25, 2021 Markahan IKALAWANG MARKAHAN
1:00PM-2:00PM IKALAWANG LINGGO

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga karapatan at tungkulin


ng tao sa lipunan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
C. Mga Kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)
Pagkatuto 2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa
(isulat ang code ng bawat pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)
kasanayan) 3. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na
kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-
IIb-5.4)
II. NILALAMAN KARAPATAN AT TUNGKULIN: PANTAY NA DIGNIDAD
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Kagamitan ng mag-aaral
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Pahina 3-13
4. Karagdagang Kagamitan Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Alternative Delivery Modality Module 1
mula sa Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Powerpoint, Video Presentation, Internet, Laptop
panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Sa nakaraang aralin, naunawaan mo ang proseso ng pagtugon sa
aralin at/ o pagsisimula ng pangangailangan ng iba sa pamamagitan ng kusang-loob na pag-
bagong aralin. oorganisa ng sarili na tinatawag na lipunang sibil dahil hindi sapat
ang kakayahan ng pamahalaan upang tugunan ang
pangaingailangan ng bawat kasapi ng lipunan.

Learning Plan 2022-2023


Gawain 1: Panuto: Gumawa ng talaan sa kuwaderno ng mga
natatandaan mong kahalintulad na pagkilos na iyong nabalitaan.
Usaping Pangalan o uri ng Petsa o taon
ipinoprotesta organisasyon

Tanong: 1. Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito na iprotesta


ang mga ganitong usapin?
B. Pag-hahabi sa layunin ng Ako ay Mahalaga, Naiiba at Natatangi
aralin Pagpapakita ng video ng mag-aaral ukol sa tulang Ako ay mahalaga, naiiba at
natatangi

C. Pag-uugnay ng mga Mga Papel ko sa buhay


halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong  Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit
konsepto at paglalahad ng na halaga kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha
bagong kasanayan #1 ayon sa larawan at wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag
nang Kaniyang sarili sa tao.
 Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang
pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong
karapatan.
 Umuusbong ang karapatan mula sa dignidad sapagkat ang bawat
karapatan ay pagpapakita nang pagkamahalaga ng tao.

ANG KARAPATAN
 tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga
pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang
kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
 Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit
ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan,
kapayapaan, at pagkakaisa.
 Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat
tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at
kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa
karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat
ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang
kanilang kaganapan bilang tao anuman ang kanilang kultura, paniniwala o
rehiyon na pinanggalingan.
Learning Plan 2022-2023
ANG TUNGKULIN
 Ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng
isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling
paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan
at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.

E. Pagtalakay ng bagong TANDAAN ANG KARAPATAN AT TUNGKULIN NG TAO


konsepto at paglalahad ng ✓ Karapatang mabuhay
bagong kasanayan #2 ✓ Tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang
ang mga anak.
Halimbawa: Sa babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan
ang kaniyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.

✓ Karapatan magkaroon ng pribadong ariarian


✓ Tungkulin na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at
gamitin upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
Halimbawa: Pagtulong sa mga Badjao na ipaglaban ang kanilang mga ari-
arian at teritoryo, maging ang mga likas na yaman na sakop nito.

✓ Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya


✓ Tungkulin na pangalagaan ang pamilya.

Halimbawa: Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa


eskandalo na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya at
pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
Pakikipag-isang dibdib sa kasintahan ayon sa ritwal ng tribong
kinabibilangan.

✓ Karapatan sa pananampalataya
✓ Tungkulin na igalang ang ibang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.

✓ Karapatang maghanapbuhay
✓ Tungkulin maghanapbuhay ng marangal
✓ Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at
magpakita ng kahusayan sa anumang gawain.
Halimbawa: Hindi pagpigil sa mga indigenous group na ipagpatuloy ang
kanilang mga hanap-buhay batay sa kanilang paniniwala at kapaligiran
nang hindi naaabuso ang kanilang kultura at katayuan sa buhay.

✓ Karapatang pumunta sa ibang lugar


✓ Tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary, kaakibat ng
karapatang ito na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong
espasyo ng kapuwa.
✓ Tungkulin na sumunod sa mga batas na pinapairal ng ibang lugar o

Learning Plan 2022-2023


bansa
F. Paglinang sa Kabihasaan 1. Anong napagtanto mo habang ginagawa yung gawain?
(tungo sa Formative 2. Anong naramdaman mo habang iniisa-isa yung mga karapatan at
Assessment) tungkulin mo sa bawat papel mo sa buhay?
3. Nakakamit mo ba yung karapatan mo?
4. Nagagampann mo ba yung tungkulin mo?
5. Anong nangyayari kapag di mo nakukuha yung karapatan mo? Ano
yung nangyayari kapag di mo nagagampanan yung tungkulin mo?
6. Paano mo makakamit ang karapatan mo? Paano mo magagampanan
yung tungkulin mo?

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Gawain: Tsart ng mga karapatan at mga paglabag sa mga ito Nalaman mo
araw-araw na buhay na ang kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may mga panahon na
nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang
lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.
H. Paglalahat ng Aralin Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at
kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa
karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat
ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang
kanilang kaganapan bilang tao.
I. Pagtataya sa Aralin Sagutin ang Tayahin sa pahina 10-12 ng ESP9 ADM Modyul 1
J. Karagdagang Gawain para Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin upang
sa takdang aralin at maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin.
remediation.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
magpaaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anung aralin ang aking
naranasan na

Learning Plan 2022-2023


nasolusyunansa tulong ng
punongguro at superbisor.
G. Anong Kagamitang
panturoang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga
kaowa ko guro.

Learning Plan 2022-2023

You might also like