You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
Schools Division Office II of Pangasinan
PINDANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Alcala
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9 (S.Y. 2022-2023)
Pangalan: ______________________________Baitang/ Section: __________ Iskor: _____________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat maging prioridad para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung
uunahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan, ang sumusunod ay maaring maganap maliban sa _________.
A. Magiging maayos ang pagbabadyet B. Maging pantay ang distribusyon sa pamilya
C. Maiiwasan ang suliranin sa kakapusan D. Matutunan ng maisakatuparan ang lahat ng pangarap
2. Naaprubahan ang papeles ni Zoe sa kanyang pinagtatrabahuhan kung kaya’t nadagdagan ng halagang limang libo ang
kanyang sahod. Naisipan niyang bumili ng mga branded na damit para sa kanyang sarili. Alin sa mga sumusunod ang mga
salik na nakakaapekto sa kanyang pagkonsumo?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Panahon D. Presyo
3. Namili sa pamilihang bayan si Mang Kanor ng isang kilong karneng baka. Subalit nang timbangin niya ito sa
timbangang bayan ay kulang ito sa timbang. Ano ang maipapayo mo kay Mang Kanor?
A. Isusumbong ang pamunuan ng eskuwelahan B. Isauli ang binili at bumili na lamang sa iba.
C. Bumalik sa pinagbilhan at sabihin na kulang ang timbang nito. D. Hindi na muli pang bibili rito
4. Bumili ang kaibigan mong si May sa grocery store ng mga pagkain subalit nang babayaran na niya ito, napagtanto niyang
sumobra sa bilang ang nakalaang salapi para sa kanyang mga pinamili. Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, paano mo
maiiwasan ang ganitong suliranin?
A. Kumuha lamang ng iyong gustong bilhin B. Magpasama sa kaibigan na mamili
C. Pigilan ang sarili na mamili ng mga kailangan D. Ugaliing mag badyet at gumawa ng listahan
5.Ikaw, bilang panganay sa inyong magkakapatid ay naatasan ng inyong mga magulang na badyetin ang allowance
ninyong magkakapatid sa loob ng isang linggo dahil aalis sila. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ang iyong
bibigyan ng pagpapahalaga?
A. Makatotohanan at maraming ebidensiya B. Makatotohanan, kaangkupan at organisado
C. Mapagpakahulugan at naaayon sa panahon D. Impormatibo, produktibo, makabuluhan at makatotohana
6.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may kakapusan ang isang bansa?
A. Mga Pilipinong nangibang bansa upang magtrabaho B. Malaking kita mula sa pag-eksport ng mga produkto
C. Disyertong lupain na pagkukunan ng yamang-tubig D. Pagkakaroon ng pangangailangang paglilingkod
7. Ano ang tawag sa pagpili ng isang produkto kapalit ng isa pang produkto.
A. Incentives B. Trade-off C. Marginal Thinking D. Opportunity Cost
8. Aling salik ang nakaaapekto sa pangangailangan ang ipinapakita ng pagkahilig ng mga mayayaman at makabagong
tinedyer sa sophisticated gadgets at personal na kagamitan?
A. Antas ng kita B. Antas ng edukasyon C. Paniniwala sa buhay D. Panlasa ng tao ayon sa gulang
9. Isa rin sa mga pangunahing suliranin ng ekonomiks ang ________ kung saan ang halaga ng produkto na handang ipagpalit.
A. Incentives B. Trade-off C. Marginal Thinking D. Opportunity Cost
10. Ang pamilya Santos ay palaging kinakapos sa badyet tuwing papatapos ang bawat buwan. Dulot ito ng iba’t ibang uri
ng gastusin sa kuryente, tubig, pamasahe, proyekto sa paaralan, medisina, suweldo sa mga katulong, pagkain, junk
foods, cellphone, load at iba pa. Ano ang dapat pakatandaan sa paggawa ng wastong budget?
A. Tukuyin ang mga alternatibong pagpipilian ng mga pangangailangan.
B. Babawasan ang mga pangangailangan na aytem sa badyet.
C. Ito ay dapat tinutugunan ang kagustuhan ng miyembro ng pamilya.
D. Hikayatin na mag-impok upang may pambili ng nais nyang aytem.
11.Tumaas na naman ang singil sa kuryente ngayong Bagong Taon ayon sa Meralco. Ito ay bunsod ng dagdag na presyo
sa petrolyo na ginagamit at iba pang mga salik na ginagamit sa pagpoprodyus nito. Alin sa sumusunod ang
wastong pagpapakita ng lubusang paggamit ng limitadong yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao?
A. Pagtitipid ng kuryente tuwing ginagamit B. Linangin ang iba pang mga likas na yaman
C. Magbalangkas ng mga solusyon sa kakapusan D. Makibahagi sa mga adbokasiya para sa alternatibong enerhiya
12.Bilang miyembro ng pamilya Garcia, ano ang gagawin mo sa personal na antas upang maibsan ang suliraning kinakaharap
ng iyong pamilya?
A. Gumawa ng estadistika ng mga gastusin sa paaralan.
B. Maglista ng mga haka-haka na makakatulong sa pag-unawa ng suliranin.
C.Gumawa ng badyet na naglalayong maging produktibo, at makatotohanan
D.Sundin ang mga hakbang na batayan ng matalinong pagpapasya
13.Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na gaganapin sa gabi pagkatapos
ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring umuwi nang maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase. Sa
kabila nito, nais mo pa ring paunlakan ang paanyaya ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong gawin?
A.Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
B.Hayaang anuman ang kahihinatnan ng piniling pagpapasya.
C.Bigyang-halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
D.Bigyang-halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo.
14.Kaninong teorya ang nagsasabi na ang ekonomiks ay pag-aaral sa pagkakataon at balakid na kailangang harapin upang
matugunan ang ating mga hangarin at pangangailangan.
A. Gerardo P. Sicat B. Karl Marx C. Alfred Marshall D. Bernardo M. Villegas
15. Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang oikonomia na nagmula sa salitang _______.
A. Romano B. Espanyol C. Griyego D. Filipino
16. Ang isa sa mga pakay ng ekonomiks ay ang kung paano ito ipoprodyus. Ang proseso ng paggawa ay nakadepende sa
mga negosyante kung ito ay gagamitan ng mga manggagawa o makinarya, ano tawag sa produksiyon kung saan mas
gumagamit ng mga manggagawa kaysa sa makinarya?
A. Capital Intensive B. Labor Intensive C. Product Intensive D. Company Intensive
17. Ang sangay ng ekonomiks ay nahahati sa dalawa. Ano ang tawag sa sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang pag-
uugali at paraan ng pagpapasya ng maliit na yunit ng ekonomiya?
A. Makroekonomiks B. Mikroekonomiks C. Multiekonomiks D. Homeekonomiks
18. Isa sa mga salik ng produksiyon kung saan sa pamamagitan nito, nabubuo ang produkto mula sa hilaw ng materyales.
A. Entrepreneurship B. Lupa C. Paggawa D. Kapital
19. Naglabas ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng walong pangunahing karapatan ng mamimiling Pilipino. Alin
sa mga sumusunod na karapatan ang tumutukoy sa karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang
makagawa ng makatutulong sa mga desisyong pangmamimili?
A. Karapatan sa Kaligtasan B. Karapatan sa Edukasyon para sa mga mamimili
C. Karapatan na pumili D. Karapatan na katawanin
20. Bilang isang mamimili, ikaw ay may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangailangan,
pangkulusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang tawag dito?
A. Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan B. Karapatan sa Edukasyon para sa mga mamimili
C. Karapatan na pumili D. Karapatan na katawanin
(21-30) PANUTO: Tukuyin ang hindi kabilang sa pangkat. Piliin ang letra ng tamang sagot.
21. A. free goods C. economic goods B. intermediate goods D. high goods
22. A. kita C. ekonomiya B. presyo D. panahon
23. A. karumihan C. kaayusan B. kagandahan D. katarungan
25. A. lupa C. bahay B. kapital D. paggawa
26. A. pagkilos C. pakikiisa B. edukasyon para sa mga mamimili D. malasakit sa lipunan
27. A. pagkilos C. pakikiisa B. malasakit sa lipunan D. tumangkilik
28. A. martilyo C. hilaw na materyales B. papel D. kahoy
29. A. sistemang pangekonomiya C. sistemang komando B. sistemang tradisyonal D. sistemang pamilihan
30. A. manobela C. piyesa B. cellphone D. jeep
31.
36. Bagay na nagdudulot lamang ng kaginhawaan ng tao
a.kagustuhan b. safety c.pangangailangan d.kaligtasan
37. Sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan.
a.alokasyo b.pangangailangan c.economics d. opportunity cost
38. Saan nakatuon ang pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ng tao
a.paggawa ng produkto  b. paggawa ng desisyon c. paggawa ng alternatibo  d. paggawa ng plano
39. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang ikonomia na ibig sabihin
a.pamamahala ng sambahayan  b, pamamahal ng buhay
c.pamamahala sa ekonomiya  d.pamamahagi ng negosyo 
40. .Alin sa mga nakatalang salita ang di kasama bilang bunga ng ekonomiks sa buhay ng isang mag-aaral
 a.mapanuri b.matalino  c. mapagtanong  d. maalalahanin
 41. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya ano ang dapat gawin upang matugunan ang hamong dulot ng kakapusan
a.paggawa ng alternatibo c. paggawa ng matalinong desisyon
 b.pagtatanim ng kahoy d.paggawa ng programa 
42. Kakulangan ang panawag sa suliraning panlipunan dahil ang pangyayari ay
a.madali b. kunti  c. panandalian d.walang yaman 
43. Nakararanas ng kakapusan ang mga tao dahil
a.walang hangganan ang mga kalamidad c.walang hanggan ang pangangailangan ng tao 
b.walang disiplina ang mga tao d.walang pagkakaisa ang mga tao 
44. Upang matugunan ang suliranin sa kakapusan at kakulangan  ang tao ay dapat na marunong
a.magtipid  b. magtanim  c.magisip  d. magkonserba 
45. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto
b. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
c. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
d. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto
46. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong
karapatan ang dapat ipaglaban dito?
a. Karapatang Dinggin b. Karapatan sa kaligtasan
c. Karapatang Pumili d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
47. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging
makatutulong sa mga desisyong pang-mamimili.
a. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
b. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
c. Karapatan sa Palatastasan
d. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
48. Tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa paggawa at pagsakatuparan ng mga patakaran at
batas ng pamahalaan.
a. Karapatang Dinggin b. Karapatang Pumili c. Karapatan sa Kaligtasan d. Karapatan sa Patalastasan
49. Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan.
a. Kamalayang Kapaligiran b. Mapanuring Kamalayan c. Pagkilos d. Pagkakaisa
50. Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya na patalastas,
mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain?
a. Karapatang Dinggin b. Karapatan sa Kaligtasan c. Karapatan sa Patalastasan d. Karapatang Pumili

You might also like