You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

REGION III
Division of Nueva Ecija
BONGABON NATIONAL HIGH SCHOOL
Bongabon, Nueva Ecija

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


S.Y. 2018-2019

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________________


Taon at Pangkat : ______________________________________ Petsa: ___________________

Pangkalahatang Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan.


a. Deplasyon c. Replasyon
b. Implasyon d. Depresasyon
_____ 2. Sa paikoy na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng proseso ng
bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa bahay kalakal
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin
ng bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho
para sa mga bahay-kalakal.
_____ 3. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
a. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansyal
b. Dahil repleksyon ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng
bansa
c. dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking
boto sa eleksyon
d. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad sa ekonomiya
_____ 4. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto
a. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income
(GNI) nito.
b. Ang gawaing nagmumula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National
Income (GNI)
c. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income
d. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National
Income
_____ 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product (GDP) ng
bansa?
a. Mataas ang remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
b. Masiglang pkikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
c. Maayos na pamumuno ng pamahalaan sa pamumuhunan
d. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa
_____ 6. Ano ang nagiging epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
a. mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang konsumo
b. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
_____ 7. Si Malia ay umutang kay Tristan ng P100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa
kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan.Ano ang halaga ng isang
kilong karne ng manok?
a. Php 95.00
b. Php 100.00
c. Php 105.00
d. Php 110.00
_____ 8. Sa paanong paraan malulutas ang Demand Full Inflation?
a. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksyon
b. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
c. Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ang karagdagang paggasta
d. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
_____ 9. Ang dinepositong Php 100.000.00 ni Jacinta Magsaysay sa bangko ay nagpapakita ng paglabas
( outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya . Ano ang nararapat gawin upang pumasok
(inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
a. Magpataw ng interes upang mahikayat ng pag-impok
b. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong Kapital sa negosyo
c. Ibaba sa interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao
d. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko
_____ 10. Ang patuloy na pagbaba ng presyo ng mga bilihin ay nangangahulugang …
a. deplasyon c. implasyon
b. depresasyon d. debalwasyon
_____ 11. Ang pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga produkto na pangkaraniwang
kinokonsumo ng mga mamimili.
a. basket of goods c. cost of living
b. price deflator d. CPI
_____ 12. Ang I,plasyon na bunga ng mataas na demand kaysa sa supply
a. Cost push c. hyperinflation
b. demand pull d. structural inflation
_____ 13. Ang isinasaad na kakayahan ng piso na makabili ng produkto at serbisyo
a. CPI c. PCI
b. GNP d. PPP
_____ 14. Ang kita na mayroon ang bawat mamamayan kung ang kabuuang produksyon ay hinati sa buong
populasyon.
a. Pambansang kita c. Per Capital Income
b. disposable personal income d. Deplasyon
_____ 15. Ang implasyon na sanhi ng pagtaas ng gastos sa paggawa ng produkto at serbisyo
a. cost push c. structural
b. demand pull d. special
_____ 16. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa Economic performance
nito,dapat bang gumawa ng hakbang upang mapataas ito?
a. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa buong daigdig
b. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan
c. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
_____ 17. Ang tawag sa mga bansang may mataas na pagbabahagi ng kita ng isang bansa
a. First world c. Third world countries
b. Newly industrialized country d. Highly industrialized country
_____ 18. Ag Ahensya ng pamahalaan na nagsusuri sa kalagayan ng ekonomiya
a. NEDA c. DOLE
b. DTI d. DFA
_____ 19. Ang mga negosyante na mahilig bumili ng mga produkto na madali at mabilis tumaas ang presyo
a. stockholders c. kartel
b. speculators d. monopolista
_____ 20. Ang sapilitang kontribusyon na sinisingil ng pamahalaan sa mga taong naghahanapbuhay at sa mga
kompanya
a. tubo c. buwis
b. kita d. interes
_____ 21. Si Mr. Chan isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat
isinasama ang kanyang kita?
a. sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya doon
b. sa National Product ng Pilipinas dahil ditto nagmula ang kanyang kita
c. sa Gross Domestic Product dahil ditto nagmula ang kanyang kita
d. sa Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong ditto nagmula ang kanyang kita
_____ 22. Biilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang
baon na ibinibigay ng iyong magulang.
a. bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi
b. bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
c. bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
d. bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari
_____ 23. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan , malinaw na inilalahad sa balita na:
ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan
a. ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan
b. hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang
bansa
c. ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipino na nakabase sa ibayong
dagat
d. hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP
_____ 24. Ang pag-aaral sa maliit na yunit ng lipunan sa eknomiks
a. maykroekonomiks c. makroekonomiks
b. consumer price index d. sambahayan
_____ 25. Ang nag-uugnay at may kinalaman sa paglikha ng produkto at serbisyo na makatutugon sa
pangangailangan ng tao
a. pagnenegosyo c. ekwilibryo
b. pamilihan d. produksyon
_____ 26. Ito ay isang buwis para sa mga negosyo na ipinapataw sa iba’t-ibang proseso na dinadaanan ng mga
produkto at serbisyo para maging isang yaring produkto
a. VAT c. Kota
b. Taripa d. porsyento
_____ 27. Ang itinatag noong 1946 sa Washington Dc na kilala sa tawag na International Bank for
Reconstruction and Development
a. World Bank c. WTO
b. BSP d. APEC
_____ 28. Kapag pinagsama –sama ang kabayaran ng bawat salik ng produksyon ay makukuha ang :
a. Gross National Product c. Net Domestic Product
b. Gross Domestic Product d. National Income
_____ 29. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng bilihin sa halos lahat pamilhan sa buong
ekonomiya
a. Price act c. depalsyon
b. implasyon d. consumption
_____ 30. Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya sa dapat bigyang-pansin ng pamahalaan.Ito ay
may kinalaman sa..
a. paggamit ng mga produkto at serbisyo c. paglinang ng likas na yaman
b. paglikha ng mga produto at serbisyo d. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman
_____ 31. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing Gawain ng bawat
sektor ng ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng
sambahayan.
a. nagmamay-ari ng salik ng produksyon
b. gumagamit ngmga salik ng produksyon
c. nagbabayad ng upa o renta sa lupa
d. nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
_____ 32. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. kita at gastusin ng pamahalaan
c. kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. transaksyon ng mga institusyong pampamilihan
_____ 33. Bilang isang mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon
a. bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
b. bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan]
c. bumil lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo
d. bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
_____ 34. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa
Marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala dito.Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na
korapsyon.Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan ng matuldukan ang
napakatagal na problemang ito.
a. hinahayaan na lamang ng mga Pilipino ang pamahalaan at mga hukuman ang umusig sa mga
tiwaling opisyal sa gobyerno
b.idinadaan na lamang nla sa samut saring protesta ang kanilang mga hinaing sa talamak na
korapsyon ng pamahalaan
c. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon maliit man o malaki nakahanda silang
ipaglaban kung ano ang tama at nararapat
d. pagsasawalang kibo na lamang ng maga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating
bansa
_____ 35. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan,dapat bang ang
malaking kita lamang ang pagtutuuunan mo ng pansin?
a. oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki
b. oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya nararapat na kumita rin ng malaki
c. hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo
d. hindi, dahil kakayanin lalo n ng mga mahihirap ang mataas na presyo
_____ 36. Ito ay ahensya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas
a. PDIC
b. DBP
c. Bangko Sentral
d. Pre-Need Companies
_____ 37. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php 25,000.00 at ang kanya naming kabuuang gastusin ay
Php 21,000.00. Magkano ang maari niyang ilaan sa pag-iimpok?
a. 1,000.00
b. 2,000.00
c. 3,000.00
d. 4,000.00
_____ 38. Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan
upang makalapit sa bangko
a. GSIS c. Pag-ibig Fund
b. SSS d. Bahay-sanglaan
_____ 39. Ahensya ng pamahalaan na layunin na magkaroon ng pondo sa mga programang pansakahan.
a. Land Bank of The Philippines
b. Metro Bank
c. Banco De Oro
d. Bank of Philippine Island
_____ 40. Ang tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mga mamamayan
a. pagkain c. sasakyan
b. buwis d. serbisyo
_____ 41. Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng malusog na ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang
tinaguriang kapitan ng industriya?
a. manedyer c. kapitalista
b. manggagawa d. entreprenyur
_____ 42. Sa ekonomiks may iba’t-ibang sektor ng ekonomiya na napapaloob rito, Anong sektor ang
nagkakaloob ng yaring produkto
a. kompanya c. sambahayan
b. pamahalaan d. agrikultura
_____ 43. Sa paikot na daloy ng produkto at serbisyo alin ang mga negosyo o produkto na ginagawa at di na
pinagbabayad ng buwis?
a. hoarding c. smuggling
b. imitasyon d. underground economy
_____ 44. Ang ponding inilalaan ng mga negosyante sa pagkasira o pabkaluma ng mga makinarya .
A. badyet c. debalwasyon
b. imbentaryo d. depresasyon
_____ 45. Ang pagtatago ng normal na dami ng produkto ng mga kompanya upang gamitin sa hinaharap
a. hoarding c, reserbasyon
b. imbentaryo d. pamumuhunan
_____ 46. Ang pagbabago ng isang bansa na nagpapakita ng pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan
a. pag-unlad c. pagpapayaman
b. pagsulong d. industriyalisasyon
_____ 47. Ang pagsukat ng GNI sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga gastusin ng bawat sektor
a. growth rate c. final expenditure
b. factor income d. industrial origin
_____ 48. Ang anumang natantyang produksyon mula sa kapasidad ng isang bansa
a. real GNP c. nominal GNP
b. actual GNP d. potential GNP
_____ 49. Ang itinatakdang kita ng pamahalaan na kailangan ng isang pamilaya para matugunan ang
pangangailangan sa buhay
a. poverty line c. minimum wage
b. cost of living d. poverty incidence
_____ 50. Sa kasalukuyang panahon mahalaga sa pamilayang Pilipino ang pagkakaroon ng araw-araw na
gastusin. Ano ang halaga ng kailangan ng isang pamilya upang mabuhay ?
a. sahod c. subsistence
b. presyo d. cost of living

Prepared by:
(SGD) MARIA CHRISTINA R. FAJARDO -Master Teacher I
(SGD) ANNIE C. RAMOS -Teacher II
(SGD) ROMINA M.ANDRES -Teacher III

Noted by: (SGD) ILDIE L. ESTEBAN -HT IV

You might also like