You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Albay
Malabiga HighSchool
Libon, Albay

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _______________


Baitang at Seksyon: ______________________________________ Marka: ______________

A. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pillin at bilugan ang pinaka tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya.


A. Makroekonomiks C. Microekonomiks
B. Distribusyon D. Produksiyon
2. Sila ang nagmamay-ari ng apat na salik ng produksiyon.
A. Pamahalaan C. Mga Dayuhan
B. Bahay-Kalakal D. Sambahayan
3. Ang pamilihang pampinansiyal ay inilalarawan sa anong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. Wala nabanggit
4. Sa unang modelo ng paikot ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapaliwanag na ang bahay-kalakal at
sambahayan ay iisa lamang.
A. Tama C. Walang Kasiguraduhan
B. Mali D. Wala sa nabanggit
5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Sa sambahayan nagmula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagproseso ng
bahay-kalakal.
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho
para sa mga bahay-kalakal.
6. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. Transaksiyon ng mga institusying pampinansiyal
7. Upang matustusan ang kakulangan ng bansa, kailangang makipag-ugnayan sa ibang
bansa. Ito ay tinatawag na ___________.
A. Sektor ng Pagluluwas(Export) C. Kagawaran ng Customs
B. Panlabas na sektor D. World Market
8. Ito ay ang kabayarang tinatanggap ng mga kapitalista
A. Sahod C. Tubo
B. Interes D. Kita
9. Sila ang nangongolekta ng buwis at nagbibigay ng serbisyong pampuliko.
A. Bahay-Kalakal C. Pamahalaan
B. Sambahayan D. Panlabas na Sektor
10. Ang nagsisilbing pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
A. Bahay-Kalakal C. Pamahalaan
B. Sambahayan D. Panlabas na Sektor
11. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A.ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.kita at gastusin ng pamahalaan
C.kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
12. Paano maipapanumbalik ang equilibrium sa paikot na daloy ng ekonomiya na maaaring mawala dahil sa maling pag-
iimpok?
A.mag-impok sa bangko sa pamamagitan ng pamumuhunan o investments
B.mag-impok sa pamamagitan ng insurance
C.mag-impok sa pamamagitan ng mutual funds or stock trading
D.mag-impok sa kaha de yero upang hindi mapakialaman ng iba
13. Ang dinepositong Php100,000 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ngpaglabas (outflow) ng salapi sa paikot na
daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
A.Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
B.Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit ng panibagong kapital sa negosyo.
C.Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao.
D.Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
14. Ang pamahalaan ang nangungunang sektor na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang palawakin angating kalakalan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gawain nito?
A.Pagkakaloob ng mga subsidyat transfer payments
B.Pagsusuplay ng mga salik ng produksyon at yaring produkto
C.Paniningil ng buwis sa mga domestic products
D.Pagtataguyod ng maayos na ugnayang panlabas
15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng sambahayan at buhay-kalakal sa dayuhang sektor?
A.Bumili ang negosyante ng gawang bote para paglagyan ng kanilang produktong suka.
B.Dahil uso ang rubber shoes na gawa sa ibang bansa, nag-import ng mga ito ang negosyante at ibinenta sa
Pilipinas.
C.Ipinagawa ng pamahalaan ang mga kalsada, tulay, at paliparan upang mapabilis ang pagdala ng mga produkto.
D.Dahil sa lumalagong negosyo ng negosyante, lumalaki na rin ang kanyang kita kaya naman naisipan na niyang
mag-impok sa bangko.
16. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, alin sa mga pahayag ang pinakaangkop na ugnayan ng sambahayan at bahay-
kalakal bilang pangunahing dalawang sektor ng ekonomiya?
A.Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B.Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produktonggagamitin ng mga bahay-
kalakal.
C.Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
D.Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-
kalakal.
17. Ito ay isang pook na kung saan pumupunta ang mga tao para sa pagbebenta at pagbibili ng mga produkto at kalakal.
A.Sambahayan
B. Bahay-kalakal
C.Pamilihan
D. Pamilihang Pinansyal
18. Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A.Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B.Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C.Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
D.Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
19. Si Mr.Chen, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang
kanyang kinita?
A.Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
B.Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C.Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
D.Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyangkita.
20. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance
nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A.Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B.Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C.Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
D.Oo, dahil repleksyon ito ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

21. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?


A.Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansyal.
B.Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
C.Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon.
D.Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
22. Ang mga sumusunod ay kabilang sa “7 Habits of a Wise Saver” maliban sa:
A.Kilalanin ang bankong napili para paglagakan ng inyong pera.
B.Alamin ang serbisyo at layunin ngiyong bangko
C.Makipagtransaksyon sa mga taong bago pa lang nakilala
D.Maging maingat.
23. Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?
A.Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa bahaging kita na hindiginagasta at ang pamumuhunan ay ang kapital na
ginagamit ng mga bahay-kalakal upang makalikha ng kita.
B.Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa kapital na ginagamit upang makalikha ng kita, ang pamumuhunan ay ang
bahagi ng kita na hindi ginagastos.
C.Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa kapital ng isang negosyo, ang pamumuhunan ay ang paglagak ng pera sa
bangko.
D.Ang pamumuhunan ay ang paglaan ng pera para sa hinaharap, ang pag-iimpok ay ang paglagak ng pera sa
bangko.
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tama ukol sapag-iimpok?
A.Ang pag-iimpok ay hadlang sa pag-unlad.
B.Ang pag-iimpok ay ang paglaan ng kita o pera sa isang matatag na bangko.
C.Ang pag-iimpok ay ang pagtatago ng pera o kita nang matagal sa isang alkansya.
D.Ang pag-iimpok ay ang paggamit ng pera sa maluhong paraan.
25. Batay sa kahalagahan, ayusin ang mga sumusunod: kumita, gumastos, mag-ipon
A.gumastos, mag-ipon, kumite
B.mag-ipon, gumastos, kumite
C.kumita, mag-ipon, gumastos
D.gumastos, kumita, mag-ipon
26. Alin sa mga sumusunod na pangungusanp ang TAMA?
A.Ang halaga ng piso ay hindi naaapektuhaan ng implasyon
B.Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang implasyon ay demand pull o cost-push.
C.Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon
D.Ang halaga ng piso ay bumababa kapag bumababa ang implasyon.
27. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A.Bumili lamang sa mga supermarketogrocery upang matiyak ang presyo.
B.Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C.Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
D.Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
28. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
A.deplasyon
B.implasyon
C.depresyon
D.alokasyon
29. Ang mga sumusunod ay maaaring dahilan ng implasyon, maliban sa
A.Pagdepende sa impormasyon para sa hilaw na sangkap
B.Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
C.Pagbaba ng suplay ng salapi
D.Monopolyoo kartel
30. Si Marcela ay umutang kay Juan ng Php. 200.00 na ipinambili niya ng isang kilong isda. Sa kasalukuyan, kung 5%
ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilo ng isda?
A.Php 200.00
B. Php 210.00
C.Php 250.00
D. Php 195.00
31. Isa sa dahilan ng implasyon ay ang pagtaasng palitan ng piso sa dolyar. Ano ang bunga ng sitwasyong ito?
A.Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
B.Nagbubunga ito ng pagtaas ng GNI ng bansa
C.Nagbubunga ito ng malawakang pagbaba ng presyo
D.Nagbubunga ito ng pagdami ng suplay ng mga produkto.
32. Alin sa mga sumusunod ang posibleng solusyon upang malutas ang problema sa implasyon?
A.Bumili lang ng mga naka-sale na produkto.
B.Iasa sa mga mambabatas ang pagbibigay ng wastong solusyon sa implasyon.
C.Gumawa ng mga polisiya na magbibigay ng sapat na kaalaman sa patakarang pananalapi at pagnenegosyo.
D.Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro na mapangasiwaan ang
pangkalahatang presyong mga bilihin.
23. Kompyutin ang antas ng implasyon: CPI 2007= 188.55 ; CPI 2008= 191.50.
A. 1.56%
B. 1.54%
C. 1.52%
D. 1.50%
34.Ito ay uri ng Price Index na sumusukat sa pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga
konsyumer.
A.GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
B.Wholesale or Producer Price Index (PPI)
C.PurchasingPower
D.Consumer Price Index (CPI)
35.Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng isang taon. Ano ang negatibong epekto ng
implasyon sa ekonomiya?
A.Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
B.Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
C.Pagdami ng perang nasa sirkulasyon
D.Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
36. Kung ang kabuuang kita ng pamilyang Santos ay P25,000.00 at ang kanilanamang kabuuang gastusin ay P21,000.00.
Magkano ang maaari nilang ilaan para sa pag-iimpok?
A.Php 1,000.00
B. Php 3,000.00
C.Php 2,000.00
D. Php 4,000.00
37. Kung si Angie ay may Asset na ang halaga ay Php 380,000.00 subalit may utang siya sa Rural bank na may kabuuang
halaga na Php 180,000.00. Magkano ang net worth ni Angie?
A.Php 560,000.00
B. Php 180,000.00
C.Php 380,000.00
D. Php 200,000.00
38. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa polisiya sa pagbabadyet.
A.Expansionary Fiscal Policy
B.Contractionary Fiscal Policy
C.Net Lending
D.Patakarang Piskal
39. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A.kapag malaking bilang ng lakas-paggawa ay walang trabaho
B.kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
C.kapag may pag-angat sa gross domestic product ng bansa
D.kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
40. Ang pamilyaAsuncion ay gumagastos ng P60,000 sa kanilang buwanang gastusin sa bahay. Ang ina ng pamilya ay
kumikita ng P30,000 kada buwan bilang guro at ang kanilang ama ay P50,000 bilang inhinyero. Magkano ang perang
naitatabi o naiimpok ng mag-anak kada buwan?
A. P10,000
B. P20,000
C. P30,000
D. P40,000
41. Malaking porsyento ng pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa buwis. Alin sa mga sumusunod na buwis ang
ipinapataw sa mga negosyante na nagbukas ng negosyo at gayundin sa iba pang propresyon na inaatasang kumuha ng
lisensiya?
A.Real State Tax
C.Income Tax
B.Business/Occupation Tax
D.Residence Tax
42. Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa Adwana. Alin sa sumusunod ang tumutukoy
dito?
A.Porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari ng pabrika.
B.Binabayarang selyo sa iba’t-ibang dokumento.
C.Binabayarang porsyento ng halaga ng local na kalakal.
D.Halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galing sa ibang bansa.
43. Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan. Alin sa mga sumusunod
ang hindi hakbang ng paghahanda ng Pambansang Badyet?
A.Nagpapalabas ng buget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya ng
pamahalaang pambansa.
B.Hinihikayat ang partisipasyon ngmga civil society organization at iba pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng
mga ahensiya ng pambansang pamahalaan.
C.Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
D.Ipagtanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM
44.Ang mga proyektong pampublikoay di-matutulungan kung walang sapat na pananalapi ang pamahalaan. Sa mga
pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang hindi kasama?
A.Buwis
B.Dayuhang pagkakautang
C.Pensyon ng mga retiradong kawani ng pamahalaan
D.Taripa mula sa inaangkat na Kalakal
45.May dalawang paraangginagamit ang pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang mapangasiwaan ang paggamit
ng pondo. Gamit ang sariling pagpili ngangkop na graphic organizer, iguhit ito sa loob ng kahon.
46.Ang badyet ng bansa ay inihanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing
pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo maliban sa isa.
A.Badyet ayon sa sector
B.Badyet ayon sa expense class
C.Badyet ayon sa mga rehiyon
D.Badyet ayon sa mga maintenance and other operating expenses ng organisasyon.
47.Gumawa ng slogan para sa tema ng BIR 2018 tax campaign “I love Philippines, I pay taxes correctly”. Gawin sa loob
ng kahon.
48. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pamahalaan na magtakda ng mga regulasyon kaugnay sa pananalapi?
A. Patakarang Piskal
B. Pagbabadyet
C. Patakarang Pananalapi
D. Patakarang Panlipunan
49. Bakit itinatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas?
A.upang mangasiwa at mamahala sa sistema ng pananalapi ng bansa
B.upang mangalaga sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya
C.upang maparami ang mayaman sa bansa
D.upang mahikayat ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa
50. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwing walang naipong pera. Anong
patakarang pananalapi ang kailangang ipatupad?
A.Expansionary Money Policy
B. Insurance Claims
C.Contractionary Money Policy
D. Bottom-up Budgeting
51. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangunguna sa pagpaplano ng taunang pambansang badyet?
A. Kagawaran ng Agrikultura
C. Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
B. Kagawaran ng Pananalapi
D. Kagawaran ng Rentas Internas
52. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong
magulang?
A.Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
B.Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
C.Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D.Bilhin ang nararapatbilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan
53. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng bangkong rural?
A.Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkongito ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng pabahay at iba
pa.
B.Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan.
C.Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok.
D.Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.
54. Bilang isang empleyado, bakit mahalagang maghulog ka sa SSS?
A. Para makapag-ipon
C. Para makatulong sa ibang tao
B.Para makautang
D. Para makatanggap ng benepisyo
55. Ang isang taong nagtratrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaraan sa serbisyong kanyang ginagampanan.
Paano ginagamitang salapi dito?
A.Paraan ng Pakikipagpalitan ( Medium of Exchange)
B.Pamantayan ng halaga
C.Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
D.Taguan ng halaga
56.Sa panahon ngayon, ano ang mahalagang ginagawa ng mga institusyong pananalapi?
A.Nagpapautang
B.Tumutulong sa nangangailangan
C.Namamagitan sa mga nagpapautang at gumagamit ng salapi
D.May kapangyarihang maglipat ng pondo
57.Ang mga tao ay dumulog sa mga bahay-sanglaan sa kadahilanang?
A.Mababa ang interes ng pautang
B.Madali at mabilis ang paraan ng pag-utang
C.Pwedeng isangla ang mga gamit
D.Pwedeng umutang na maaring bayaran sa mahabang panahon
58. Bakit hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita sa pamimili?
A. Upang magkaroon ng impok para sa hinarap na mga gastusin
B. Upang magkaroon ng extrang pera para sa paglilibang
C. Upang may panggastos sa ibang luho
D. Upang may pambili sa mga bisyo ng nasa sambahayan
59. Ano ang ibig sabihin kung ang una hanggang ikaapat na modelo ng pambansang
ekonomiya ay kabilang sa siradong ekonomiya?
A. Ang ekonomiya ng bansa ay nalulugi
B. Ang siradong ekonomiya ay nakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya
C. Ang siradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa dayuhang ekonomiya
D. Ang siradong ekonomiya ay nangangahulugang malakas ang ekonomiya natin
60. Bilang isang mamamayan, mahalaga ba na mayroong maayos na sistema ng
pangongolekta ng buwis sa ating bansa?
A. Oo, dahil gagamitin ang buwis sa pagbili ng magagarang sasakyan ng mga politiko
B. Oo, dahil makakatulong ito sa pagpapalaki ng pork barrel ng ating mga namumuno
C. Oo, dahil ang buwis ang gagamitin para maisakatuparan ang mga pampublikong paglilingkod
D. Wala sa nabanggit

-LOLLI-

You might also like