You are on page 1of 7

Reading Material: Araling Panlipunan 7

Sa ilang araw na pagtatapos ng National Consciousness Month ngayong Setyembre, isang


aktibidad tungkol sa kapayapaan ang binigyang pagpapahalaga.
Pinangunahan ni Captain Norsal Dimaporo, Hepe ng Armed Forces of the Philippines Peace
and Development Office ang isa sa napakalaking event ng sinasabing PEACE celebration,
ang Peace Symposium 2023 na may temang “The Synergy of Peacebuilding Actors in
Sustaining the Gains of Peace” sa Quezon City, na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng
pamahalaan mga bisita mula sa hanay ng PNP, AFP at iba’t ibang sektor ng mga kababaihan,
relihiyon, foreign communities at marami pang iba.
Layunin ng nasabing okasyon ang pagkilala sa mga naiambag at mga magagawa pa upang
mas pagtibayin pa ang usaping pangkapayapaan tulad ng napakasensitibong peace process sa
Bangsamoro.
Dito, ipinakilala din ang mga ahensyang nagtutulong-tulong tulad ng AFP, PNP at ng
OPAPRU upang wakasan ang conflict na kadalasa ay naiuugnay sa mga malalayong lugar ng
bansa.
Apat na indibidwal mula sa local at international sector ang nagbahagi ng kanilang kaalaman
at karanasan sa conflict areas ng kanilang nasasakupan sa nasabing symposium.
Kabilang sa mga dumalo sina Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation &
Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez, Jr., Presidential Assistant Wilben Mayor ng
OPAPRU, at Philippine National Police Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa
nasabing okasyon.
Dito, ipinunto ni OPAPRU Secretary Galvez ang kahalagahan ng pagkakaisa tungo sa long-
lasting peace ng ating bansa
Dagdag pa nito, nagpapaslamat ang kanilang ahensya sa patuloy na suporta ng AFP sa
usaping peace process. Na aniya noon pa man ay katuwang na ng ating pamahalaan, at hindi
ito makakamit kung walang malakas na kolaborasyon kasama ang sambayanang Pilipino.
Ibinahagi rin ni Galvez ang dagdag na budget sa taong 2024 na nagkakahalaga ng P5 bilyon
para sa Pamana Project sa Bangsamoro, at sa iba pang mga proyekto ng kanilang ahensya na
nagsusulong ng mas pinalakas na usaping pangkapayapaan.

Reading Material: Araling Panlipunan 8


Mahalaga ba? Kung ang magiging resulta ay ang pagtatapos ng karahasan at bagong anyo ng
kapayapaan, mahalaga pa ba kung sino ang nakipaa-ayos para sa kasunduan? Tiyak naman
na ang pinakamahalaga sa lahat ay magtapos ang karahasan at kung ang ibig sabihin nito ay
dodominahan ng kalalakihan ang proseso ng kapayapaan, hayaan na lamang na ganito.
Mahalaga ba kung ang mga pahayag ay walang ispesipikong pagtukoy sa gender? Maraming
iba pang isyu na hindi pa nabibigyan ng pansin. Nitong mga nakaraang taon, ang sinikong
pangangatwiran na tulad nito ay naging tampulan ng pagtatalo dala ng pagdami ng
kababaihan at ilang kalalakihan ang nagpapahayag ng kanilang boses kaugnay ng naging
bunga at pangmatalagang epekto sa di pagsali at pagsasantabi sa kababaihan sa iba’t ibang
proseso na nagaganap upang wakasan ang digmaan at karahasan. Sapagkat hindi isinama ang
mga tinig ng kalahati ng popu lasyon, sinasabi ng mga kritiko na ang mga kasunduang
pangkapayapaan na dinomina ng kalagayan sa isang makatarungang lipunan. Ayon sa
obserbasyon ni Satbeer Chhabra, “Kapag luma lahok ang mga kababaihan sa negosayon para
sa kapayapaan at sa pag sasaayos at paghuhulma ng isang kasunduan pangkapayapaan, nasa
kanilang isipan ang pag-iingat sa kinabukasan ng kanilang pama yanan at mga komunidad.
Ang inaalala nila ay kung papaano makakapamuhay ang kanilang mga anak at apo sa
kanilang bayan at ano ang mapapakinabangan nila sa kasunduang ito.”24 Ang mga
kasunduang dinominahan ng kalalakihan ay may tendensyang nakatutok sa isyu ng
kapangyarihan, at lumiliit ang pagbanggit sa mga pangunahing isyu ng ekslusyon/inklusyon,
panlipunan at katarungan na dala-dala ng digmaan. Kapag hindi sistematikong isinama ang
kababaihan, ang palagiang mga isyu sa proseso ng kapayapaan tulad ng pagbabahagian sa
kapangyarihan, debolusyon, awtonomiya, repormang konstitusyonal, repormang
parlyamentaryo, pagkakaroon ng lupa at ari-arian, reporma sa sistema ng seguridad- ay
bahagi lamang na natutugunan kapag nagagawa ang isang kasunduang gender-blind.
Ipinapakita ng ilan sa mga halimbawa ng negosasyon sa kapayapaan, mula sa Sudan at
Northern Ireland na ang mga isyung isinusulong ng kababaihan ay may pagkiling (kasama
ang karapatang pantao, kabayaran sa biktima, kalusugan at edukasyon) para sa benepisyo ng
buong populasyon. Sabi nga ni Antonia Potter habang “hindi pa lahat ng isyu at lahat ng
nuance” ay naisasaayos, ang paglalapat ng perspektibang nagsasaalang-alang sa gender ay
nagpapayaman ng bisyon, mga diskusyon at marahil mga kasunduan tungkol sa kaaayusan
matapos ang digma, kapayapaan at pag-unlad.

Reading Material: Araling Panlipunan 10

Ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapalaot ng mga barko ng Tsina sa territorial waters
o katubigang nasa hurisdiksyon ng Pilipinas ay naging mainit na talakayan hindi lamang sa
pagitan ng mga namumuno sa pamahalaan kundi maging sa mga mamamamayan. Nitong
Marso ng 2021, pormal na nagpahayag ng protesta ang pamahalaan ng Pilipinas sa presensya
ng 220 barkong pandagat ng Tsina na nagkukunwaring pangisdang barko malapit sa Julian
Felipe Reef na malinaw na sakop pa rin ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas
(Lalu, 2021). Ang EEZ ay tumutukoy sa sakop na katubigan ng isang bansa kung saan ang
isang bansa ay may karapatan at hurisdiksyon sa paglilinang at pangingisda sa mga
katubigang 200 nautical miles mula sa mga dalampasigan nito. Samakatuwid, kung sa loob
ng Julian Felipe Reef nagpapaikot-ikot at 6 CO_Q4_AP6_Module6 humihimpil ang mga
barkong ito ng Tsina ay malinaw na paglabag ito sa karapatang itinakda ng EEZ ng Pilipinas.
Bukod dito, may manaka-nakang insidente rin ng pagtataboy sa mga mga maliliit na
bangkang pangisda ng mga kababayan nating Pilipino ng mga Tsinong nakasakay sa mga
barkong nagpapatrolya sa may Panatag Shoal. Dahil dito, marami sa mga mangingisdang
Pilipino ang hindi na halos nakakapamalaot sa lugar na ito dahil sa di-umano ay
panghaharang sa kanila na mangisda. Ayon sa Department of National Defense
Spokesperson Peter Paul Galvez, tuluy-tuloy ang pag-momonitor ng Armed Forces of the
Philippines sa mga pangyayari sa teritoryo ng bansa. Pinapaigting din ng DND ang
capability development ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Handa ang mga sundalong
tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa Pilipinas anuman ang kapasidad at equipment ng
mga sundalo. Subalit, ani Galvez, ang option ng pamahalaan ay daanin sa mapayapaang
pamamaraan ang usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea. At mas malaki ang
maitutulong ng mga mamamayan kung makikipagtulungan at magtitiwala sa pamahalaan. Sa
kasalukuyan ay patuloy ang usaping pangkapayapaan sa isyung ito. Bawat bansa ay
iniiwasan ang marahas na pamamaraan dahil alam ng bawat isa ang posibleng maging epekto
ng digmaan sa buhay ng bawat mamamayan.

Reading Material: Araling Panlipunan 9

HINDI na kailangan pa ng isang genius para maunawaan kung bakit partikular na nakatuon ang publiko sa
mga usaping may kinalaman sa ekonomiya, lalo na ngayong malapit na naman ang eleksiyon. Ang
ekonomiya, at kung paano nito naaapektuhan ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao, ay isang usaping
direkta sa sikmura—isang malaking bagay para sa mga botante dahil nararamdaman at naiintindihan nila
ang aktuwal na epekto nito sa kanila.
Muling nakumpirma sa huling survey ng Pulse Asia ang katotohanang ito. Sa September 2018 Nationwide
Survey nito, apat sa limang “most urgent national concerns” ay mga usaping may kinalaman sa ekonomiya:
inflation, dagdag-sahod, kahirapan, at trabaho

Nasa 63% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang pagkontrol sa lumolobong inflation ang pangunahing
dapat na resolbahin sa ngayon. Limampung porsiyento naman ang nagsabing ang pagkakaloob ng umento sa
mga manggagawa ang marapat na aksiyunan. Nasa sangkatlong bahagi naman (32%) ang naniniwalang
“reducing the poverty of many Filipinos” ang mahalagang tutukan ng pamahalaan, habang 30% ang
nagsabing importanteng usapin ang pangangailangang makalikha ng mas maraming trabaho.

Ang pagbibigay-tuldok sa katiwalian at kurapsiyon (26%) ang panglima sa listahan, habang ang pagsugpo sa
kriminalidad (23%), pagtiyak sa kapayapaan sa bansa (14%), at pagbibigay-proteksiyon sa kalikasan (13%)
ay hindi prioridad ng mamamayan sa ngayon. Kapansin-pansin ding nangulelat ang charter change na
nakakuha lang ng tatlong porsiyento.

May ilang puntos na mahalagang linawin dito. Una, kailangan nating ituon ang ating atensiyon sa
pinakamahahalagang usaping pang-ekonomiya na dapat na unahing resolbahin, at huwag magpaapekto sa
away-pulitika, na namamayagpag bagamat wala namang positibong pakinabang para sa mga karaniwang
mamamayan. Nakakaaliw subaybayan ang batuhan ng batikos ng mga pulitiko, dahil para ka lang nanonood
ng telenovela, subalit ang pamamahala sa bansa ay tungkol sa pagtugon sa kadalasan ay “unsexy” subalit
napakahahalagang usaping pang-ekonomiya.

Pangalawa, kailangan nating matamang pakinggan kung ano ang ninanais ng ating mamamayan. Noong
nasa pulitika pa ako, lalo na noong kumandidato ako taong 2010, ginawa kong prioridad ang sugpuin ang
kahirapan sa buong panahon na ako ay lingkod-bayan. Sa aking paglilibot-libot sa iba’t ibang panig ng
bansa at habang nakikilala ko ang iba’t ibang tao, personal kong naunawaan na ang mga usaping tinatalakay
sa antas ng pamahalaan ay kadalasang hindi importante para sa mahihirap.

Hindi ko sinasabing hindi importante ang mga usaping pambansa, subalit mas nanaisin ng mamamayan ang
solusyunan ang mga problemang hinaharap nila sa araw-araw. Isa sa mga dahilan kung bakit nahalal si
Pangulong Duterte noong 2016 ay dahil nauunawaan niya ang kahalagahan ng kapayapaan at kaayusan, at
ang epekto ng ilegal na droga sa paraan kung paano rin ito nauunawaan ng publiko. Ang punto ko ay ang
kaibahan ng pinagdedebatehan sa pamahalaan sa kung ano ang direkta at agarang pangangailangan ng
mamamayan na kailangang solusyunan.

Nakatanggap ang administrasyong Duterte ng “very good” performance ratings sa ilang usaping mahalaga
sa publiko. Walo sa bawat sampung Pinoy ang sang-ayon sa pagtugon ng gobyerno sa kriminalidad.
Natukoy naman sa hiwalay na survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo 2018 na 78% ng mga
Pilipino ang kuntento, habang 13% lang ang hindi masaya sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na
droga.

Mataas din ang marking na natamo ng gobyerno sa larangan ng “protecting the welfare of OFWs” (75%),
“responding to the needs of areas affected by calamities” (74%), at “fighting graft and corruption” (71%).

Kahit na sa pagtugon sa “most urgent issues”, nakatanggap ang administrasyong Duterte ng positibong Net
Approval Ratings (% approve minus % disapprove): Paglikha ng mas maraming trabaho (+43), dagdag-
sahod (+32), at pagsugpo sa kahirapan (+11).

Kaya naman hindi na nakagugulat na sa SWS poll nitong Setyembre, 70% ng mga Pilipino ang kuntento sa
pagtupad ni Pangulong Digong sa kanyang tungkulin, at nasa 16% lang ang hindi kuntento.

Dapat na ang mga survey na gaya nito ay magsilbing patnubay ng mga pulitiko at opisyal ng gobyerno sa
pagtukoy sa mga problemang dapat na pagtuunan ng pansin. At umaasa akong ang mga suliraning ito na
nangangailangan ng agarang solusyon ay magiging pangunahing mga usaping ikokonsidera sa midterm
elections sa susunod na taon. Mahirap mamuno, subalit magiging mas madali ito kung marunong tayong
makinig sa daing at pangangailangan ng ating mamamayan.

-Manny Villar

Reading Material: Grade 11

Peace education activities promote the knowledge, skills and attitudes that will help people
either to prevent the occurrence of conflict, resolve conflicts peacefully, or create social
conditions conducive to peace.

Core values of nonviolence and social justice are central to peace education. Nonviolence is
manifested through values such as respect for human rights, freedom and trust. Social justice
is realised by principles of equality, responsibility, and solidarity.
To achieve these ideals, peace education programmes across the world address a wide range
of themes. These include nonviolence, conflict resolution techniques, democracy,
disarmament, gender equality, human rights, environmental responsibility, history,
communication skills, coexistence, and international understanding and tolerance of
diversity.

Peace education can be delivered to people of all ages, in both formal and informal settings.
Programmes exist at local, national, and international levels, and in times of peace, conflict,
and post-conflict.

To create public dialogue different factions of society are often brought together in peace
education programmes – these typically include civil society groups, schools, tribal leaders
and the media. Yet due to the many areas covered by peace education, initiatives are
primarily determined by culture and context, as well as by the projects’ scopes and
objectives.

Peace education and peacebuilding are therefore intrinsically linked. The UN’s actions for
peacebuilding include education as one of its principal components. For peacebuilding
initiatives to remain sustainable it is vital that attitudes towards war and violence are
transformed and translated into long-term behavioural change which seek alternative
solutions to armed conflict.

Reading Material: Grade 12

Education for peace and respect for human rights is particularly important in this period, if we
compare the values this education promotes with the daily violence, the horrors of war and the
gradual destruction of values such as solidarity, cooperation, and respect for others: all of them
problems that assault us every day.

Indiscriminate persecution, massacres and ethnic cleansing are difficult to explain when our
shocked and surprised students ask us about them; perhaps they are even incomprehensible in
the context of education. It is harder still to clarify these processes when the possible solution
for acts such as these is, in fact, the continued bombing of cities and of a desperate civilian
population.

We also come across extreme everyday situations when we analyze the inequality and injustice
of our socio-economic surroundings and the brutal violence of our “ideal” modern societies… in
which it is the state itself that attacks the population, where individualism and self-interest are
promoted and where whatever is considered “different” becomes “dangerous”. These are all
wars, of a different type, but with the same ingredients of injustice, violence, and destruction.

Here the responses of educators become drained of content and their explanations no longer
work. The practice of building knowledge through research, reading, the analysis of information,
interviews, genesis of conflicts, systematization of what has been learnt, the development of
critical thinking, etc, should lead us to rethink the educational model applied until now. This
model is perhaps slightly naive, despite its apparent progressive pedagogical nature, and it is one
with which educators us have come to be unhappy.

I believe that Peace Education, although considered a transversal element in many educational
curriculum models around the world, has in fact been conceived as a secondary matter.
Something necessary but accidental, important but not essential, present but “absent”. A view of
the curriculum which dignifies it without modifying it, without designing new alternatives for a
humanitarian, ethical, civic education — something increasingly necessary in the world we live
in.

Because Peace Education means developing a critical, serious, and profound approach to the
current situation of which we form a part and the historical epoch in which we find ourselves, an
undeniable reality that does not always appear in the plans of the Ministries, of educational
institutions nor of many principals and teachers.

Peace Education has been conceived as a secondary matter; something necessary but
accidental, important but not essential, present but “absent.”

“Peace is not defined only by the absence of war and conflict, it is also a dynamic concept that
needs to be grasped in positive terms, such as the presence of social justice and harmony, the
possibility for human beings to fully realize their potential and respect for their right to live with
dignity throughout their lives. Sustainable human development is not possible without peace.
And without just, equitable, ongoing planning, peace cannot be maintained.”

You might also like