You are on page 1of 2

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas ni: Roxanne Gregorio

I.

Isinalaysay ng Awtor na ang pagiging korap ng mga politiko ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap
ang bansa. Ipinahayag nya ang ibang pangyayari na nagpapakitang korap ang ilang politiko sa Pilipinas
tulad noong nakaraang bagyong Yolanda, mahigit labing-walong bilyon ang ibinigay ng limamput-anim
na bansa ngunit ni katiting ay walang napunta sa mga tao. Isa pang dahilan kung bakit lumulubog ang
Pilipinas ay dahil sa Kasakiman ng mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang tanim-bala iskam na hanggang
ngayon ay laganap pa rin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa pang dahilan ng kahirapan sa
Pilipinas ay dahil sa paglobo ng populasyon. Ayon sa awtor, kung sino pa ang mahihirap, sila pa ang
nagpapalobo ng ating populasyon. Dahil sa paglaki ng populasyon, mas lumalaki rin ang mga taong
walang trabaho at hindi nakakatanggap ng sapat na benepisyo mula sa gobyerno. Sa Edukasyon naman,
napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral dahil na rin sa kahirapan.
Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na
tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil dito, mas
nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang
makapagtrabaho sa malalaking kumpanya. Isa pang Sanhi ng kahirapan sa Pilipinas ay ang Kawalang
Disiplina ng mga Pilipino. Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod
sa mga batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging
disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang
nagdaang matatalinong mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay
wala ring patutunguhan ito. Pagdating naman sa Kolonyal na Kahirapan, ang “crab mentality,”
procrastination, “bahala na,” pagiging ipokrito, ningas kogon, Pilipino time, pagiging tsismoso, paninisi sa
ibang tao, pagsasawalang-bahala ng mga patakaran, at pagiging balat-sibuyas ang ilan sa mga ugali ng
mga Pilipino na pumipigil sa pag-asenso ng mga mamamayan.

II.

Ang aking napiling artikulo ay isang tekstong impormatibo na nasa anyong Sanhi at Bunga dahil
isinalaysay ng awtor ang mga sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas tulad ng Korupsyon, Kasakiman, Paglobo ng
Populasyon, Kakulangan sa Edukasyon, Kawalang Disiplina, at ang Kolonyal na kahirapan.

III.
Ang kalakasan ng artikulong aking nabasa ay, ito ay nagsasaad ng tunay na impormasyon na
nakakapukaw at nakakapagbigay-alam saatin tungkol sa kung bakit lumulubog o patuloy na humihirap
ang ating bansa. Ito'y nagsalaysay ng mga halimbawang panyayari sa bawat salik ng kahirapan ng
pilipinas. Ito ay nagbigay ng numerikal na datos na nagpapatunay ng reliability/kahusayan ng
impormasyong tinataglay ng artikulo. Ito'y nanghihikayat na unahin natin sa ating mga sarili ang
pagbabago tungo sa pagwakas ng kahirapan sa ating bansa. Isinaad din ng artikulo ang mga sanggunian
na pinagbatayan nito ng impormasyon.

Ang Kahinaan ng artikulong aking nabasa ay, hindi ito naglagay ng "trigger warning" sa bidyong ipinakita
nito na may barilan sa umpisa. Ang awtor ay nakapagsabi ng masasakit na salita sa mga politiko, sa
gobyerno, at maging sa mga mamamayan dala ng kanyang sariling emosyon. Puro teksto at isang bidyo
lamang ang nakapaloob sa artikulo, kung kaya'y hindi hustong mararamdaman ng kanyang mambabasa
ang bawat salik ng kahirapan na kanyang binanggit. Mas mabuti na sa bawat salik ay nagbigay ng isang
litrato na makakaantig ng damdamin ng mga mambabasa nang sa gayon ay tapusin ng kanyang
mambabasa ang artikulo hanggang sa katapusan. Bukod pa rito ay hindi lahat mapapanood/ma-access
ng kanyang mga mambabasa ang isang bidyo dahil ang iba ay unstable ang internet.

You might also like