You are on page 1of 34

Ang Ugat NG Korapsyon at Ang Epekto Nito Sa

Lipunan Search
Show full title

Uploaded by Jadestone Green on Jul 03, 2018

 61% (36) · 144K views · 14 pages


Document Information 
Of course
Date uploaded
Jul 03, 2018
Download 
Original Title
Ang Ugat Ng Korapsyon at Ang Epekto Nito Sa Lipunan

Copyright
© © All Rights Reserved

Available Formats
DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd

Share this document

Facebook Twitter

Email

Did you find this document useful?

 
 
:
 
 

KABANATA I
 Ang Suliranin

Introduksiyon

Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa ibang bansa rin ay
ang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa loob
ng ating sistema, at naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan
na may pansariling interes at isang baluktot na kahulugan ng katapatan sa mga
kaibigan at kamag-anak. Ngunit masasabi ba talaga nating isa na nga ba itong parte ng
ating kultura?

 Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa


kawalan ng integridad at katapatan.  Ito ay karaniwang tumutukoy sa  pampolitika na
korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan
o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal,  o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral
na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
 Ang korapsyon ay laganap na sa buhay ng mga tao. Nakikita ito sa gobyerno, sa
kapulisan, at maging sa sistema ng hustisya na mayroon ang isang bansa. Sa mga
kaso ng pork barrel, mga massacre na nangyayari at nababalita sa bansa, bakit nga ba
walang naidadala sa kulungan? May iilan ngang hindi naibabalita, at may ilan namang
naidadala naman sa awa at pangungutya lamang. Makikita rin ang korapsyon sa pang-
aabuso sa kapangyarihan, pakikipagsabwatan, pandaraya sa halalan, pagnanakaw ng
kabang yaman ng bansa, panunuhol at pagtanggap ng suhol, pagtangkilik o Padrino, at
pangingikil.

Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalo na kung ikaw ay uhaw
na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi
lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa
pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay
may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang
nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalo
na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero
dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga
taxpayer.

Makikitang ang kahirapan ang isa sa mga dahilan ng korapsyon. Sabi nga ng
kasabihang, “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”, napipilitang magnakaw ang
mga tao. Ngunit masasabi rin nating, paano naman ang mga mayayaman na patuloy pa
ring nagnanakaw? Sadyang hindi nga makuntento ang tao sa kung anong mayroon sila.

1
:
 
 
:
 
 

Hindi nga natin itinatakwil ang korapsyon, sapagkat binabati pa natin ito,
pinapaimbabaw, at hinahayaang magpatuloy sa bansa at maging sa sarili. Makikita ito
sa ‘pakikisama’ ng bawat Pili pino at pamilya, kaibigan, at iilan sapagkat nakikinabang  
ang lahat kung hindi isusumbong o  isusuko sa may taas. At dito rin makikita ang ‘utang
na loob’ sa mga nagawa ng kapwa sa atin na wari ay isang pagpapahalaga ng mga
Pilipino. Minsan nama’y sadyang b ahag ang buntot ng mga Pilipino, takot sa mga
maaaring mangyari, at baka maging mapanganib pa ang buhay kung magsumbong
man.

 Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal.


Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga
Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng
nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa
mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad;
Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa
trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan
lamang sa epekto ng korapsyon . Ito ang napakasamang epekto ng korapsyon, oo nga
masaya ang mga taong mayaman at may kaya pero lugmok sa kahirapan ang mga
Pilipinong nagtatrabaho sa Pilipinas dahil hindi nila basta maiwan o mahiwalay sa
kanilang pamilya. Ganito ba habang buhay Pilipinas naghihirap dahil sa korapsyon? At
napansin naman natin na maraming Pilipino na pinipili na maging OFW upang maibigay
at masuportahan ang kanilang pamilya kahit man ito ay mahirap.

 Ano nga ba ang ugat ng korapsyon? Isa sa mga ginagawa natin upang
mapayapa an gating konsyensya ay ang pag-iisip na, “maliit na bagay lang naman,
hindi naman ito makakasakit.”; “ginagawa rin naman ng lahat ito eh.”; “nasa sistema na
rin naman, makikinabang na lang rin ako.”. Mga ganitong pag -iisip ay nakakapag-udyok
ng korapsyon, kasakiman, at pagkamakasarili. Itong mga pag-iisip ang naggaganyak sa
atin na tahakin ang daan kung saan madaling gawin ang isang bagay at kapaki-
pakinabang. Isa sa maaaring dahilan kung bakit bulag tayo sa kahirapan ng iba, na
biktima rin lamang ng korapsyon.

Konseptwal na Balangkas

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maaari itong maging
basic na kaalaman para mapapalawak ang kaalaman tungkol sa maging dulot ng korapsyon.

Mahalaga ang mga impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito, hindi
lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral na gumagamit nito kundi pati na rin sa mga mambabasa na
maaaring naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglaganap ng korapsyon sa
lipunan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ng mga mambabasa ang mga
ibinuklod na salita na tinawag na “corruptionary”. 
Bukod dito, maeebalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at ang mga
pag-aaral na dapat pang alamin at mapagtuunan ng atensyon ang nangyayaring korapsyon sa

2
:
 
 
:
 
 

lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang mga mambabasa ay magkakaroon


ng mas malawak na kaalaman upang maunawaan nila ng lubos ukol nito.
 Ang konseptual na balangkas ng pag-aaral na ito ay makikita sa Figura 1 na naglalahad ng
iskematik na modelo sa pananaliksik.

Korapsyon Lipunan

Paglalahad ng Suliranin

 Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na maunawaan ang ilan sa mga problema na


may kaugnayan sa korapsyon. Matutukoy dito ang mga iba’t ibang tawag sa korapsyon
 Ang mga problema na nangngailangan ng kaukulang pansin ay ang mga
sumusunod:

1. Ano ang mga negatibong epekto sa paglawak ng korapsyon sa ating lipunan?


2. Paano makakaapekto sa lipunan ang patuloy na paglawak ng korapsyon?
3. Posible kayang mawala ang korapsyon sa ating lipunan?
4.Ano-ano ang dulot ng korapsyon sa lipunan?
Saklaw

 Ang pag-aaral na ito ay umaabot ng tatlong buwan at dito nakikita ang dahilan ng
pangungurap ng ating mga namamahala ng ating gobyerno. Kadalasan ng mga ito ang
mga opisyales o ang nangunguna sa isang ahensya.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag  –aaral na ito para sa sumusunod na indibidwal nang


magkaroon ng gabay,kaalaman,liwanag, at mabawasan ang mga suliraning nangyayari
sa lipunan dahil sa korapsyon na nakaaapekto sa mga mamamayan at maging
mahalaga at makapagtibay ng kabatiran,kamalayan,malawak na pag-unawa tungkol sa
masamang dulot ng korapsyon. Masuring-masuri ang pananaliksik at makamtan ang
mga layunin ng pag-aaral na ito.

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng epekto ng korapsyon sa


lipunan. Magiging gabay nila ang pag-aaral na ito upang malaman nila ang ugat ng
korapsyon at ang magiging epekto nito sa lipunan na kanilang kinabibilangan.

Sa mga Guro.  Ang pag-aaral na ito ay maipabatid ang masamang dulot ng korapsyon
sa kanilang mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay masusuri nila at
makatutulong sa pagbabago ng mga kaalaman ng mga mag-aaral na maunawaan nang
lubos ang epekto ng korapsyon.

3
:
 
 
:
 
 

Sa  mga Magulang.  Ang kalalabasan ng pag-aaral ay malalaman nila ang dahilan ng
korapsyon at paano ito masosolusyonan..Magkakaroon din sila ng sapat na kaalaman
sa mga nangyayaring korapsyon sa lipunan.

4
:
 
 
:
 
 

KABANATA II

METODOLOHIYA

 Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng metodolohiyang ginagamit tungkol sa


pag-aaral na may pamagat na epekto ng korapsyon sa lipunan.

DISENYO NG PANANALIKSIK

 Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang suriin ng husto ang mga epekto ng
korapsyon sa lipunan. Ang mga mananaliksik na ito ay gumamit ng paraang palarawan
(descriptive). Ang pag-aaral ay gumamit ng iba’t-ibang basehan at hanguan tulad ng
mga artikulo na makikita sa internet at upang mapagtibay ang pananaliksik ukol sa
epekto ng korapsyon sa lipunan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ginamit ng mga mananaliksik upang matukoy ang epekto ng korapsyon sa
lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter at panonood ng telebisyon.

5
:
 
 
:
 
 

KABANATA III

PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON

Depinisyon ng Corruptionary

 Ang “corruptionary ”  ay nagpapakita ng kolektibong karanasan ng bayan at ang


bayan bilang isang leksikograper. Ito ay konseptong nagmula kay Evi-ta Jimenez,
Executive Director ng CenPEG. Itong aklat ang resulta ng proyekto ng mga political
science students mula sa University of the Philippines-Manila na parte ng Volunteers
Integration Program sa Center for People Empowerment and Governance (CenPEG)
noong 2006 at 2007. Ang bawat salita o parirala ay mga depinisyon, may ‘derivation’ pa
kung saan nagmula ang ibig sabihin, at mga halimbawa ng paggamit nito sa diskurso.
Nakatutuwa ngang may mga guhit pa ito. At para sa mga hindi marunong mag-Tagalog
ay may ‘pronunciation guide’ pa. Dito makikita ang halos mga salitang ginagamit
lamang ng mga eksperto na ngayon ay bukambibig na ng taumbayan at nagkaroon na
rin ng makabagong semantikong pagpapakahulugan. Isang paraan ito ng pagkamulat
ng mamamayan sa mga katiwaliang nagaganap, kahit na halos bawat salita ay
kakikitaan ng pagkamalikhain at ‘sense of humor’ ng mga Pilipino.  

Pagkabuo ng mga salita

 Ang mga salita sa Corruptionary ay nabubuo sa iba’t ibang paraan:  

PARIRALA

 Ako’ng bahala sa’yo  Kwarto o kwatro?

 Alam mo na Luto na

 Alam mo na ‘yan  Magkano ka

 Ayos na Meron ka sa akin

If the price is right Ok, pag-usapan natin

Ikaw na ang bahala Deal

INUULIT o PAG-UULIT  

biyak-biyak dagdag nang dagdag

barya-barya zero-zero

bulsa-bulsa

PAGKAIN

appetizer

KULAY

asul yellow

lila yellow 3

6
:
 
 
:
 
 

red tape green

MULA SA IBANG LENGGWAHE

dorobo (Hapon)

blue (Ingles)

ginagmay; hungihong

(Visayan)

ONOMATOPEIA

hush-hush

PAGSASANIB NG MGA SALITA o BLENDING

cash-sunduan consuholtant

fixcal inaregalo

horrorable representathief

hulidap

KALIKASAN

araw ambunan

galamay

PANG-ARAW-ARAW NA BAGAY

baterya

bukol

butas

gatasan

PANG-ARAW-ARAW NA KILOS

bisto

hilot

himas

diskarte

luto

lusot

lukot

laglag

KRIMEN

bangag

PELIKULA

bituing walang ningning

SYENSYA

7
:
:
:
:
:
:
:
:
:
Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million titles without ads or interruptions!

Start Free Trial

Cancel Anytime.
:
:
:
:
:
Share this document
    

You might also like


:
Document 1 page

Mga Ugat ng Korupsiyon


Haidie Casillan
No ratings yet

Document 4 pages

Ugat Ng Korupsiyon Doc.


Haidie Casillan
No ratings yet

Document 6 pages

SPLP-1
Maria Theresa Adobas
No ratings yet

Magazines Podcasts

Sheet music
:
Document 4 pages

pananaliksik.doc
Aya
No ratings yet

Document 9 pages

Ap107and8Activity
El Cruz
100% (1)

Document 15 pages

Korapsyon Pananaliksik Sa
Filipino
Cherrie Franceliso
79% (62)

Document 22 pages

AP. 1.Kahulugan Ng Lipunan


oem bones
100% (1)
:
Document 8 pages

KABANATA IV - UNA AT
IKALAWANG ARALIN (KOMFIL)
rj tulbanos
No ratings yet

Document 2 pages

Kabanata i
Jomar Mendros
No ratings yet

Document 6 pages

Paglaganap ng Korupsiyon sa
Pilipinas
Aj Cunanan
No ratings yet

Document 8 pages

Kulturang Popular Ng
Korapsyon Bilang Panlipuna…
Marifel Patulot
at Pang-Araw-Araw Na
No ratings yet
Mobilidad - RBTolentino
:
Document 15 pages

Republika ng Pilipinas
Daniel de Pedro
No ratings yet

Show more
:
About Support

About Scribd Help / FAQ

Press Accessibility

Our blog Purchase help

Join our team! AdChoices

Contact us Publishers

Invite friends
Social
Gias

Scribd for enterprise Instagram

Twitter
Legal Facebook

Terms Pinterest

Privacy

Copyright

Cookie Preferences

Do not sell or share my personal


information

Get our free apps

Audiobooks • Books • Documents • Magazines • Podcasts •


Sheet music • Snapshots

Language: English

Copyright © 2023 Scribd Inc.


:
:

You might also like