You are on page 1of 2

PANGKATAN :

“IKAW ANG PINAKAMAHALAGANG NILALANG SA MUNDO”

Bumuo ng 5 limang PANGKAT at gawin ang mga sumusunod :

Magkaroon ng pangkatang talakayan at gawing gabay ang mga sumusunod :

1. Sa inyong sariling pananaw, ano ang aral tungkol sa pagpapahalaga sa buhay na nais ipahiwatig ng paksa.

2. Ano ang implikasyon nito sa inyo bilang kabataan?

3. Gumawa ng pag-uulat sa paraang nais ng buong pangkat : pasalaysay, paglalarawan gamit ng isang karanasan ng kabataan,
pag-awit, bigkasan o tula.

Bahagi 1 :

Marami kang biyayang tinanggap mula sa akin.

Bawat biyaya ay mahalaga sa pagtamo ng iyong kaganapan. Ang mga ito ay magsisilbing kayamanan at kasangkapan sa pagtayo ng
pundasyon para sa isang bago at higit na mabuting buhay.

Gamitin mo ang mga biyayang ito sa pagpapanumbalik ng buhay na buhay kaysa patay na buhay.

Bahagi 2 :

Ikaw ay namumukod-tangi sa mundo.

Walang katulaf, hindi matawarang kayamanan, may katangian sa isip at pananalita, paggalaw at kaanyuan, kilos na wala sa sinumang
nabuhay, nabubuhay at mabubuhay.

Gamitin mo ang katangiang ito sa pagpapanumbalik ng ‘buhay na buhay’ mula sa “patay na nabuhay”

Bahagi 3 :

Ilaan mo ang iyong buhay para sa kapuwa/

Mag-alay ka ng malaki at mabuting serbisyo nang higit na inaaasahan mula sa iyo. Hindi mo kawalan ang magsilbi sa iyong kapuwa
nang higit sa kabayarang matatanggap mo. Huwag mong iwasan ang pagmamahal sa kapuwa hanggat kaya mo.

Ikaw ay nabubuhay para sa kapuwa. Mahalin mo ang iyong kapuwa lalo na ang higit na nagangailangan ng pagsisilbi mo.

Bahagi 4 :

Binigyan kita ng kakayahang pumili. Piliin mo ang buhay!

Piliin mo ang pagmamahal..kaysa magalit..


Piliin mo ang tumawa..kaysa umiyak.

Piliin mo ang lumikha kaysa sumira.

Piliin mo ang magpursige kaysa bumitaw.

Piliin mo ang pumuri kaysa manira ng kapuwa.

Piliin mo ang humilom kaysa sumugat.

Piliin mo ang magbigay kaysa magnakaw.


Piliin mo ang kumilos kaysa magpabukas.

Piliin mo ang lumago kaysa mabulok.

Piliin mo ang magdasal kaysa magmura.

Piliin mo mabuhay kaysa mamatay.

Bahagi 5 :

Ikaw, ang iyong buhay, ang pinakamalaking milagro sa mundo.

Bawat hibla ng iyong buhay ay magiging hamon at ligaya. May kakayahan kang lumikha ng mga bagay na kagila-gilalas. Huwag mong
maliitin ang iyong sarili. Mula ngayon, huwag mong itago ang iyong talento.
Punuiin mo ang bawat hibla ng iyong buhay ng pag-ibig. Sa lahat ng iyong iisipin at ikikilos, gawin mo ito nang may pagmamahal,
pagmamahal sa iyong sarili, pagmamahal sa iyong kapuwa at pagmamahal sa AKIN.

You might also like