You are on page 1of 3

Epekto ng Climate Change sa Lipunan

May malaki ang inaasahang epekto ng climate change sa mga papaunlad pa lamang na mga bansa
gaya ng Pilipinas. Bilang isang maliit na bansa, hindi lubusang handa ang Pilipinas sa pagharap sa
matinding hagupit ng matinding pagbabago ng panahon.

Napatunayan na natin ito sa ilang malalakas at mapaminsalang bagyo na dumaan sa ating bansa.
Maaaring masira ang mga komunidad dahil sa epekto ng climate change. Nararapat lamang na
magkaroon ng sapat na kahandaan ang ating pamahalan sa pagharap sa paparating pang mga
epekto ng climate change upang hindi nito gaanong mapinsala ang ating bansa.

Halimbawa nito ay ang paghagupit ng bagyong Yolanda, Hanggang ngayon ay makikita pa rin natin
ang epekto ng nagdaang bagyong Yolanda, kung saan ilang komunidad ang nasira nito at ilang buhay
ang tinangay. Sa Pilipinas, hindi agad-agad nakakabangon ang isang komunidad matapos makaranas
ng malaking pinsala dahil na rin sa kakulangan natin sa kahandaan at mga polisiya na makakatulong
sana sa mabilis na pagbagon ng mga komunidad. Nagkaaroon ng malaking epekto sa lipunan ang
pagkakalugmok ng mga komunidad.
Epekto ng Climate Change sa Kabuhayan

Ang sumusunod ay ang ilan lamang sa mga maaaring maging epekto ng climate change sa ating
kabuhayan.

> Ayon sa ulat ng International Food Policy Research Institute, dahil sa halos kalahati ng populasyon
ng mundo ay nakatira sa papaunlad pa lamang na bansa, ang pagbabago ng klima ay may negatibong
epekto sa pagsasaka at pangingisda na pangunahing kabuhayan sa mga lugar na ito.

> Ayon sa ulat ng Philippine Movement for Climate Justice, International Rice Research Institute
(IRRI), at Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA),
bababa ang ating produksiyong agrikultural dahil maraming pananim ang sensitibo at hindi maaaring
mabuhay sa matinding init o lamig.

> Ang mga magsasaka ay nahihirapan dahil nababawasan ang suplay ng tubig para sa kanilang mga
panananim dulot ng matinding tagtuyot. Nahihirapan din silang labanan ang pag-atake ng mga
peste.

> Gayundin ang mga mangingisda, kapag tumama ang malakas na bagyo sa ating bansa, naaantala
ang kanilang kabuhayan dahil hindi sila maaaring mangisda dahil sa lakas ng alon at/o ulan.
Epekto ng Climate Change sa Kalusugan
Sa usaping kalusugan, ang sumusunod ay ang epekto ng climate change ayon sa Kagawaran ng
Kalusugan o Department of Health (DOH):

Ang mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo:  


Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:

>Dala ng tubig o pagkain tulad ng cholera at iba pang sakit na may pagdumi.
>Dala ng insekto tulad ng lamok (malaria at dengue) at ng daga (leptospirosis).
>Dulot ng polusyon (allergy)
>Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan
nito.

Maraming tao ang mapupuwersang lumisan sa kanilang mga tirahan lalo pa kung direkta silang
maaapektuhan ng climate change, gaya ng pagkasira ng kanilang mga tirahan dahil sa bagyo. Dahil
dito, maaari silang pumunta sa ibang mga lugar na tingin nila ay mas ligtas. Subalit, maaari itong
magdulot ng overpopulation na hindi rin maganda sa ating kalikasan.

Marami ring nagdurusa at nasasawi dahil sa hika, tuberkulosis, heat stroke, skin cancer, at mga
katulad nito dahil sa maruming hanging sanhi ng polusyon at usok mula sa wildfires at matinding
tag-init.

You might also like