You are on page 1of 8

Status Report

Panuto: Gumawa ng status report tungkol sa dulot o epekto ng ng climate change.


Gamiting gabay ang format sa ibaba. Maging malikhain sa paglalahad ng status report
maaring maglagay ng mga larawan.

Suliranin sa: (Magbigay ng isang epekto ng climate change)

Panimula:
(Magbanggit ng hindi baba sa limang mahahalagang datos tungkol sa suliranin, )

Kahalagahan:
(Ipaliwanag ang kahalagahan ng napiling suliranin. Suportahan ito ng mga datos,
hindi bababa sa 10 pangungusap)

Suliranin:
(Suriin ang mga suliraning nararanasan sa kasalukuyan at epekto nito, hindi bababa
sa 10 pangungusap)

Mga Pagkilos:
(Magsaliksik ng 5 - 10 na mga programa/gawain/aktibidad ng pamahalaan at iba’t
ibang sektor tungkol sa suliranin)

Konklusyon:
(Magbigay ng konklusyon kung bakit patuloy na nararanasan ang mga suliranin,
magbigay ng hindi bababa sa 10 pangungusap)

Paano ito nakakaapekto sa ating pamumuhay? (Hindi bababa sa 10 pangungusap)

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Wasto ang nilalaman. Gumamit ng 20


napapanahong datos at mga larawan. Nailahad
ang hinihingi ng status report

Pagsusuri Naipahayag ang pagsusuri sa dahilan kung bakit 20


patuloy na nararanasan ang mga suliranin sa
likas na yaman gamit ang napapanahong datos

Presentasyon Malikhain at organisado ang paglalahad ng ideya. 10

Kabuuan 50
SULIRANIN :Ang Climate Change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas
ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga panganib
kagaya ng baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.
Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue,
diarrhea, malnutrisyon at heat stroke. KLIMA AT KALUSUGAN.

PANIMULA:
1. Kasalukuyan at hinaharap na mga panganib sa klima
- dahil sa pagtaas ng temperatura at pagtaas ng tubig maaring makasira ng mga
pananim at makakadulot ng pagkawala ng pagkain at pagdami ng sakit kagaya ng
dengue, diarrhea, malnutrisyon at heat stroke
- Ayon sa IPCC, isa pang matinding epekto ng nagbabagong klima ay ang banta ng sakit,
dahil may mga pathogen at parasite na mas mabilis na dumarami sa mainit na
kapaligiran. Nakukuha rin ang mga sakit dahil sa pagdalas ng exposure natin sa
kontaminadong pagbaha.
- Sa presentasyon sa Metcalf workshop ni Dr. Geoffrey Scott, chairman ng Department of
Environment Health Sciences sa University of South Carolina, tinatayang 310 milyong
tao raw sa mundo ang magkakaroon ng sakit na konektado sa climate change bago
dumating ang taong 2030. Siyam sa sampung tao na ito ay magmumula sa mga
developing country tulad ng Pilipinas.

2. Kasalukuyan at hinaharap na peligro sa kalusugan dahil sa pagbabago ng klima


- Ayon sa artikulo ang pilipinas ay makakaranas ng panganib na baha sa loob ng
ilog sa taon 2030.
- Magkakaroon din ng mga heat relate morality dahil sa pagtaas ng temperatura
maaaring magkasakit ang mga bata, matanda, at kahit ano man edad dahil sa
sobrang init. Maaring magkaroon ng 5 kada 100,000 na matanda ang sanhi ng
heat related death sa 2080.
- Undernutrition dahil sa mataas na temperatura magkaroon ng pagkatuyo ng lupa
na maaaring magdulot ng problema sa agrikultura at sa pangunahing
pinagkukunan ng pagkain.
- Ayon sa W.H.O (World health organization) Sa pagitan ng mga taong 2030 at
2050 ay maaring magtala ng 250,000 deaths per year dahil sa, malnutrition,
malaria, diarrhoea at heatstroke na maiigunay sa tuluyang pag-init ng panahon.
3. Kasalukuyang pagkakalantad at panganib sa kalusugan dahil sa polusyon sa
hangin
- Ang polusyon sa hangin ay nakakasira sa baga ng tao dahil sa maliliit na
buhangin na nakakadulot ng inpecsyon sa baga, o inpecsyon sa puso. Ang
pangunahing sanhi nito ay ang climate change dahil sa polusyon ng hangin.
- Ang problema, karamihan sa enerhiyang ginagamit natin ay mula sa pagsusunog
ng langis, coal o natural gas (fossil fuels) na naglalabas ng greenhouse gas sa
himpapawid. Maari ito maging sanhi ng air pollution na nakakasira sa ating
ozone layer na nagproprotekta sa masamang init na binibigay ng araw
-
4. Emissions and commitments
- Ang karbon emisyon ng mundo ay patuloy na tumataas ng 80% noong 1970
hanggang 2010 maari ito ang maging sanhi ng pagtaas ng temperatura. Maari
magkaroon ng pagkatuyo ng lupa na nakakaapekto sa agrikultura at maaaring
magdulot ng mga sakit kagaya ng pigsa, tigdas, bulutong at mga sakit na
nakakaapekto ng bata.
- Ang mga greenhouse gas, nagta-trap ng init mula sa araw. Kaya imbes na
makalabas ang init sa kalawakan, parang ikaw ang mga greenhouse gas na
ayaw pa rin bitawan ang dapat ay pakawalan na. Hindi rin sila maka-move on
kaya uminit ng uminit ang daigdig. Ayon sa IPCC report, pinakamataas na daw
ang dami ng greenhouse gas na nasa himpapawid ngayon kumpara sa
nakaraang 800,000 taon. Maari tumaas ang temperatura ng mundo at maari rin
maging sanhi sa pagtaas ng lebel ng tubig na makakaapekto sa ating
pamumuhay

5. Tugon sa pambansang patakaran


- Ang climate change maaaring makaapekto sa pamumuhay ng tao. Maari
makakaapekto sa papatupad na batas na makakaapekto sa pamumuhay ng tao
dahil sa dulot na sakit at sa pamumuhay ng tao dahil sa temperatura.
- Ayon sa W.H.O ang sobrang pagtaas ng temperatura ay ang nagbubunga ng
iba’t ibang uri ng cardiovascular complications na mas madalas na makikita sa
mga nakakatanda na at noong 2003 ay nagtala ang Europe ng 70,000 deaths.
Dahil sa pagtaas ng temperatura na dulot ng climate change maari mas maging
makapinsala ang heat stroke dahil sa sobrang init ng mundo
- Dahil sa mga bagay na magagawa ng climate change hindi mawawala sa isip ng
mambabatas na maresolba ang problema. Maari na gumawa sila ng batas para
protektahan ang kalikasan kagaya ng pabawas ng pagputol ng puno na
makakaapekto sa mga material na kailangan para sa mga inprastructure.

KAHALAGAHAN: Ang climate change ay isang suliraning kailangang bigyang pansin


dahil ito ay nagdudulot ng masasamang epekto sa iba’t ibang uri ng aspekto.
Mahalagang alam natin ang mga sumusunod na suliraning dulot ng climate change
dahil ito ay nakakaapekto sa buhay ng marami.

Una, ang panganib sa ating kalusugan dulot ng pabago-bagong klima sa ating bansa.
Maraming posibleng banta o mangyari sa ating kalusugan ng hindi natin inaasahan
kaya dapat may malay tayo sa anumang epekto nito para tayo ay maging handa at
alerto, dahil kung hindi natin ito mapaghahandaan ay maaari itong maging sanhi ng
pagkakasakit o pagkamatay ng mga tao.

Ikalawa, ang pagkasira ng agrikultura, ito ay isa sa mga pangunahing suliranin ng ating
bansa kaya nararapat lamang na alam nating lahat ito upang agad na mabigyang
aksyon, dahil hindi biro ang magiging epekto nito sa ating lahat kung hindi ito
maaagapan. Maaaring maapektuhan ang ating mga natural na likas-yaman na siyang
nagbibigay ng iba’t-ibang pangangailangan natin. Maaari itong magdulot ng shortage o
kakulangan sa mga pangunahing suplay sa kailangan nating lahat.

Ikatlo, ang El Niño at La Niña ay isa sa palaging suliranin ng ating bansa. Ito ay dapat
nating bigyang pansin dahil habang tumatagal na nararanasan natin ito ay nasisira
lamang ang ating kapaligiran dahil rin sa ating kapabayaan. Ito ay maaaring magdulot
ng iba’t-ibang klaseng panganib sa atin kung hindi natin ito maiiwasan. Kaya dapat sa
panahon ngayon ay nakapag-iisip na tayo ng mga paraan ng sa gayon ay hindi tayo
mawalan o maubusan ng oras sa paghahanda tungkol sa mga bagay na pwedeng
mangyari. Kaya dapat magkaroon ng malay ang mga tao ukol dito para ito ay
mabigyang solusyon agad bago pa makaperwisyo sa ating lahat.

At ikaapat, ang panganib sa kagubatan ay isa din sa mga suliranin na ating


kinakaharap. Ito ay kailangang alamin at siyasatin ng mabuti dahil malaki ang ambag na
naibibigay ng kagubatan sa ating araw-araw na pamumuhay. Ito ay natural na tirahan
ng mga hayop at kalimitang nagbibigay din ng pagkain at sapat na materyales para sa
ating mga pangangailangan. Dahil sa pabago-bagong klima na nararanasan natin
pwedeng maubos at malagay sa panganib ang ating kagubatan at mga buhay na
pinapangalagaan nito dahil ang climate change ay maaaring magdulot ng tagtuyot o
pagkasunog ng mga kagubatan dahil sa matinding init na maaaring makasira dito kaya
mahalagang pangalagaan natin ang ating mga kagubatan dahil napakaraming buhay
ang naroon dito.

Mahalagang alam natin lahat ang mga suliranin at pangyayaring nagaganap sa ating
bansa upang tayo ay maging handa at alerto sa anumang posibleng mangyari sa ating
kapaligiran na maaaring makaapekto sa ating lahat dahil dito nakasalalay ang buhay ng
nating mga tao at lahat ng likha ng ating panginoon

SULIRANIN:

Ang mga suliraning nararanasan sa kasalukuyan at epekto nito sa Pilipinas:

1. Panganib sa Kalusugan

Ang pagtaas ng temperatura at kadalasang pag-ulan ay maaring magpalitaw ng


maraming masamang epekto sa kalusugan. Tulad ng pagkalat ng mga waterborne
diseases na humahantong sa mas mataas na pagkamatay. Maaring magkaroon ng mga
sakit sa baga ang mga kabataan, sakit sa puso naman sa mga matatanda. Bilang
karagdagan, maaari ding madagdagan ang panganib sa kalusugan mula sa hindi
magandang kalidad ng hangin lalo na sa mga urbanisadong lugar.

2. Pagkasira sa Agrikultura

Ang agrikultura sa ating bansa ay matinding naapektuhan ng mga pagbabago sa


temperatura kasama na rin ang pagbabago ng pattern ng ulan. Ang mga pananim ay
lubhang magdurusa sapagkat bumababa ang mga ani tuwing ang temperatura at
lumampas at posibleng magresulta sa "spikelet sterility" (pagbaba ng produksyon ng
bigas)

3. El Niño at La Niña

Ang El Niño (malalaking pagbaba ng ulan o tagtuyot) ay makakaapekto sa dami ng


tubig sa mga dam na nagbibigay serbisyo sa pang-araw araw nating pamumuhay at
irigasyon sa mga magsasaka na kung saan ay nililimitahan ang produksyon ng
agrikultura. Gayundin, ang mga kaganapang pagbaha dulot ng La Niña (walang
humpay o walang hinto ang pag ulan) ay maaaring makaapekto nang husto sa mga
pampublikong imprastraktura, magdulot ng panganib sa mga tao gaya ng pagguho ng
lupa.

4. Panganib sa Kagubatan
Ang mga pagbabago sa climate change na nagreresulta sa pagtaas o pagbawas sa
paggamit ng tubig at pagtaas ng temperature ay humahantong sa pagbabago ng
ecosystem ng kagubatan, gaya sa mga lugar na kung saan limitado ang pag-ulan, hindi
rin mabibigyan ng kanais-nais na kondisyon para sa mga sensitibong species sa
kagubatan. Bilang karagdagan, ang mas tuyo na panahon at mas mainit na temperatura
ay maaaring maging sanhi ng pagkasunog sa kagubatan..

MGA PAGKILOS:
Mga Programa/Gawain/aktibidad ng pamahalaan at ibat ibang sektor

NATIONAL CLIMATE CHANGE ACTION PLAN


Mga programa ng local na pamahalaan para mapigilan at mabawasan ang masamang epekto ng
climate change.
Pinaprayoridad nila ang siguridad ng pagkain, sapat na tubig, ekolohiya at environmental
stability, siguridad ng mga tao, napapanatili na enerhiya at kaalaman at kakayahan na pagsulong
bilang pamahalaang may estratehiya at dereksyon mula 2011 hanggang 2028

CLIMATE and DISASTER EXPOSURE DATABASE


CLIMEX.db
Bilang Disaster risk assessment tool, ang ClimEx.db ay nagagamit para sumuri ng kasalukuyan
panganib at sistematikong pag uulat sa pagkalalantad ng datus nakuha mula sa system.
Tinitiyak ng ClimEx.db na nakukuha ng kumunidad ang tamang inpormasyon sa tamang oras
para mabigyan ng tamang aksyon.
Nasasakatuparan sa Cagayan De Oro at Iligan City

CLIMATE SUMMIT
Layunin nila na mabawasan ang greenhouse gases sa buong mundo para maprotektahan o
pigilan ang pagtaas ng temperature ng higit sa 1.5degrees celsius

CARBON SEQUESTRATION
Pagpigil ng paglaganap ng carbon dioxide sa atmospera sa pamamagitan ng pagdedeposito nito
sa ibang lugar. Ito ay iminungkahi sulosyon bilang pag bagal ng atmospera at nang marine
accumulation ng greenhouse gases, na binubuga ng nasusunog na petrolyo.

CLIMATE CHANGE ACT OF 2009


Ang layunin ng Climate Change Act of 2009 ay maipakita ang climate change bilang pulisiya ng
gobyerno upang itatag ang pagbalangkas ng istratehiya at programa tungkol sa climate change
at pagtatag ng Climate Change Commission. Ito ay tumututuk sa pagtaas ng tubig-dagat,
pagkasira ng yamang-dagat, at matinding pagbaha at tagtuyot.
Hangarin sa Pagbawas ng Gas ng Greenhouse ng 2050
Nagtatayo mula sa pang-estado at panrehiyong mga pagsisikap sa proteksiyon ng klima, ang
Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng isang resolusyon
( https://www.baaqmd.gov/~/media/files/planning-and-research/climate-protection-
program/climateresolution.pdf?la=fil-ph)
(348 Kb PDF, 3 pgs, revised 07/17/15)
upang bawasan ang mga emisyon ng GHG sa pamamagitan ng:
· Pagtatatag ng isang hangarin para sa rehiyon ng Bay Area upang bawasan ang mga
emisyon ng GHG bago lumampas ang 2050 sa 80% na mas mababa kaysa antas ng 1990.
· Pagbuo ng isang Panrehiyong Estratehiya sa Proteksiyon ng Klima upang gumawa ng
progreso patungo sa hangarin ng 2050, gamit ang Plano sa Malinis na Hangin
( https://www.baaqmd.gov/plans-and-climate/air-quality-plans/plans-under-development )
ng Distrito ng Hangin upang simulan ang proseso.
· Pagbuo ng isang 10-puntong programa sa trabaho upang patnubayan ang mga aktibidad sa
proteksiyon ng klima ng Distrito ng Hangin sa nalalapit na panahon.

Panloob ng mga Aktibidad sa Proteksiyon ng Klima


Ang Distrito ng Hangin ay nagpapatuloy sa pagsusuri at paggawa ng mga hakbang upang
bawasan ang panloob na paggamit ng kuryente at gatong. Ang Distrito ng Hangin ay nagbawas
ng carbon footprint nito sa pamamagitan ng:
· Pagtatatag ng isang luntian, episyente-sa-enerhiya na fleet ng mga sasakyan
· Pag-aalay ng mga tulong sa paghahatid ng mga empleyado
· Paggawa ng pataba
· Paglikha ng isang “Luntiang Pangkat” na bumubuo ng mga bagong pagsisikap sa pagbawas
ng GHG
· Pagbabago ng yari ng mga pasilidad ng Distrito ng Hangin na may mga pagtataas ng
kalagayan na episyente sa enerhiya

· LINK: https://www.baaqmd.gov/plans-and-climate/climate-protection/climate-
protection-program?sc_lang=fil-PH&switch_lang=true

Paggamit ng Renewable Energy


- Isinusulong ng DA at DOE ang paggamit ng renewable energy na makakatulong para
mabawasan ang cost of production sa agriculture at fisheries maging ang pagpapabilis ng
modernization, mechanization at agro-industrialization ng nasabing sektor.

National Energy Efficiency and Conservation Program


- Programa ng DOE na may layuning magamit ng maayos at mapabuti ang paggamit ng
lahat sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng enerhiya at mga programang
nakakatulong sa pagtitipid nito.
Climate Change Adaptation Program
- Programa ng DENR na may layuning bumuo at magpakita ng mga pamamaraan na
magbibigay-kakayahan sa mga komunidad na umangkop sa mga potensyal na epekto ng
climate change. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng umiiral na mga
balangkas ng institusyon para sa pag-aangkop sa epekto ng climate change, at sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga estratehiyang hindi kinakailangan ng malaking halaga
na angkop sa agrikultura at pinagkukunan ng yamang natural.

Mangrove Reforestation
- Pinangungunahan ng DSWD ang proyektong Mangrove Reforestation dahil ayon sa kanila,
ito ay mabisang aksyon para sa epekto ng climate change. Layunin nito ay alinsunod sa
R.A. 9729 o mas kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ang pagtatanim mangrove o
bakawan ay nagsisilbing proteksyon laban sa kalamidad at maaring ring pagkunan ng
kabuhayan ng mga mamamayan.

Climate Change Adaption and Mitigation (CCAM) Program


- Ang CCAM Program pinangungunahan ng Disaster Response Management Division
(DRMD). Ito ay naglalayong tugunan ang kasalukuyang problema na dulot ng nagbabagong
panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyektong nakaangkla sa Local
Climate Change Action Plan ng mga lokal na pamahalaan. Parte rin ng programa ay, ang
pagbibigay ng pansamantalang hanap buhay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng
Cash for Work.
KONKLUSYON:

Patuloy na nararanasan ang mga suliranin na ito sapagkat sa pagkawala ng


disiplina,pagiging makatao at walang sapat na kaalaman sa mga kilos na ginagawa ng
isang tao. Sapagkat isa ito sa mga puno’t dulo kung bakit lalong lumalala at lalong
lumalawak ang suliranin sapagkat kahit sa sarili natin hindi natin ito masimulan at hindi
tayo nag iingat sa mga desisyong ating ginagawa. Maaari rin isa sa mga dahilan ay
pagkawala ng sapat na resources o kagamitan na kinakailangan sa mga oras ng
kagipitan dahil nagkukulang o binabalewala ang mga kailangan pagtuunan ng pansin at
halaga. Isa pang rason ay ang hindi agad pag aksyon at tila pinag aantay lamang ang
mga mamamayan ng mga namamahala kung ano ang mga kongkreto, epektibo, ka nais
nais na plano upang maagapan ang iba’t ibang suliranin sa ating bansa. Maaari rin isa
sa mga dahilan ay ang pag ubos ng mga natural resources na nagdudulot na shortage
at hindi akma o balanse na distribusyon sa bawat komunidad. Maaari rin na
nararanasan ito sapagkat isa itong natural o man made dahil ang natural ay hindi
maiiwasan sapagkat naka takda na ito mangyari o mararanasan ng mga tao ngunit
maari natin itong maagapan at mabigyan ng solusyon upang mapa tigil ang paglala nito.
Maaari rin na pagdami ng mga ilegal na gawain na nagdudulot ng pangmalawakang
pagkawala ng tiwala sa bawat isa upang magresulta na hindi maayos at mapayapang
pakikipag ugnayan o komunikasyon. Patuloy natin nararanasan ang mga suliranin dito
sa ating bansa. Isang halimbawa na neto ay ang Climate Change na bunga ng Global
Warming. Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng Climate Change? Patuloy parin tayo
gumamit ng mga fossil fuels at ang mga Carbon Emissions na nanggagaling sa mga
sasakyan at mga factories. Dahil dito mas nabubutas natin ang Ozone layer na
pumoprotekta sa atin sa Ultra-Violet Rays na nanggagaling sa araw. Mas tataas ang
temperatura o iinit ang mundo sa pagkabutas ng Ozone layer. Ang mga yelo sa North
pole at South Pole ay matutunaw kaya ang tubig sa dagat ay aangat rin or tataas. Ang
mga mabababang lupa o lugar ay possibleng lumubog sa ilalim ng tubig dahil sa
patuloy na pagtaas ng tubig dagat. Isang halimbawa ng lugar na nanganganib dahil sa
pagtaas ng tubig ay ang Kiribati na isang bansa na matatagpuan sa Pacific ocean.

Paano ito nakakaapekto sa ating pamumuhay?

Nakakaapekto ito sa ating pamumuhay sa paraan na naghihirap at nagkakaroon ng


pagka kulang ng mga ating kailangan sa pang araw araw na buhay. Naapektuhan nito
ang ating kapaligiran at sa mga primaryang pangangailangan upang mabuhay at
pagkakaroon ng problema upang matustusan ang kailangan at mga gusto ng isang tao.
Naapektuhan lalo ang sektor ng agrikultura sapagkat isa ito sa mga pinagkukunan ng
maraming tao upang mabuhay at ito sa mga bukas na trabaho at lahat ay may
kaalaman tungkol dito at karamihan sa ating mga mamamayan ay nakadepende dito
kung paano ang magiging klima at sitwasyon ng lupa at tubig sa ating paligid. Nasisira
nito ang mga likas na yaman nagkakaroon ng kakapusan na magdudulot na hindi na
pagkabalik at permanenteng pagkawala. Maaari rin magdulot na pagka unti ng mga
produktong pang agrikultural mas at marami ang maghihirap at baka sa huli ay
magdulot ito ng kagutuman dahil sa pinsala at epekto nito sa atin. Maaari rin
maapektuhan ang naipundar na kaunlaran sa ekonomiya natin dahil magsisilbing ito
domino effect sa bansa dahil magsusunod sunod ang mga suliranin sa pang sarili, pang
kapaligiran, at pang ekonomiya dahil sa tuwing tayo ay makakaranas ng mga kalamidad
sa bansa mas lalong dumarami ang nasisirang imprastraktura na nagreresulta na
walang katapusang pag aayos at pagkukumpuni dahil imbes na tayo ay nagpopokus sa
mga susunod na panahon na naiiwan tayo at pilit na inaayos ang bagay na pa ulit ulit
rin nasisira dahil sa hindi na matibay na pundasyon. Mag dudulot rin ito sa pagkaubos o
pagkawala ng malaking pondong dapat ilalaan sa susunod na henerasyon at marami
ang mamatay ang pananim at mababawasan ang kita ng mga magsasaka t
magkukulang ang pagkain sa bansa. Higit sa lahat ay mahihirapan tayo maging handa
sa ganitong mga partikular na pagbabago kung kaya’t magkaisa at maging
responsableng mamamayan.

You might also like