You are on page 1of 22

Labay Sanaysay

Ano nga ba ang Lakbay


Sanaysay
• Ito ay naglalaman ng mga
impormasyon na maaaring
makaganyak sa mga
mambabasa.
• Ito ay naglalaman ng mga
sumusunod.
1. Pagdiskubre sa
pamumuhay ng mga tao sa
nasabing lugar
2. Kultura ng mga tao sa
nasabing lugar (kinagisnang
kaugalian at gawain)
3. Mga suliranin ng mga tao sa
lugar na pinuntahan.
Madalas nagiging personal ang
dating nito lalo na sa mga
bagong manunulat nito. Kung
saan ito ay nakadetalye lamang
sa kanilang personal na
karanasan.
• Mga tips kung paano
maging mahusay sa
pagsulat ng isang LAKBAY
SANAYSAY
1. MAGBASA – Dapat alamin
muna ang lugar na pupuntahan
tulad ng kasaysayan ng lugar,
kultura, ekonomiya, pamumuhay
ng tao, at pagkain at agrikultura at
lalo na higit ang kanilang
pananamapalataya dahil ito ang
pinaka sagrado sa lahat.
• MAGMASID - Tandaan na malaki
ang pagkakaiba ng manlalakabay
sa turista, Ang turista ay
nagbabakasyon lang ngunit ang
manlalakabay ay nagsusulat o
maaaring nagvivideo vlog.
• Ang turista ay kumukuha ng larawan
para ipakita na nakapunta siyta sa
lugar na yun. Pero ikaw ay kumukuha
ng larawan o video upang sabihin
kung anong meron ang lugar na
pinuntahan at ano ang kaibahan nito
sa iba tulad ng kalakasan at kahinaan
nito.
• SAMPUNG UTOS NG
ISANG MANANAYSAY-
PAGLALAKABAY
1.HUWAG PILITINI MAGLAKBAY SA
IBANG BANSA
- Isinasaad dito na unahin muna ang
sariling bansa dahil maraming mga
kakaibang karanasan ang maaaring
makita sa mga lugar sa sariling bansa.
Kung taga probinsya ay magtungo sa
siyudad, At kung taga siyudad naman
ay magtungo sa probinsya.
2. HUWAG SAKUPIN ANG KABUUAN
NG LUGAR
- Hindi magiging mabunga ang iyong
sanaysay kung pipilitin mong sakupin
ang kabuuan ng isang lugar sa loob
lamang ng isang araw. Sa pagsulat ng
lakbay sanaysay ay dapat maglaan ng
tamang oras at araw upang maging
mabunga ang kakalabasan nito.
3. HUWAG MAHIHIYANG MAGTANONG –
- Dito mas magiging madali ang iyong
pagpapaliwanag sa lugar na pinuntahan kung
ikaw ay magsasagawa ng interbyu sa mga tao
na namumuhay sa nasabing lugar dahil sa
kanila ay makakakuha ka ng impormasyon na
maaari mong maisulat dahil higit silang kapani-
paniwala dahil sila ang may pinakamaraming
karansan sa lugar na iyon.
4. HUWAG BASTA MAKUNTENTO SA
NAKUHANG IMPORMASYON
- Isasaad dito na maghanap pa ng mga
ibang impormasyon tungkol sa
nasabing lugar at huwag umasa sa
mga sinasabi ng mga tao. Mas mainam
na makuhang impormasyon tungkol sa
isang lugar na konti pa lang ang
nakakaalam.
5. HUWAG KALIMUTAN ITALA ANG MGA
KARANASAN SA BAWAT BAHAGI NG
LUGAR NA PINUNTAHAN
- Dahil bawat bahagi ng isang lugar ay
may iba’t-ibang karanasan na maibibigay
sa isang manlalakabay. At hindi lahat ng
paglalakbay ay masaya dahil maaaring
mayroon din na di kanais-nais na
pangyayari ang maaaring maranasan ng
isang manlalakbay.
6.HUWAG MATAKOT MAGING
MAPANGAHAS
- Dapat subukin ng isang manlalakbay
ang mag eksperimento sa paglalakbay
at hindi dapat matakot maligaw. Dapat
I explore ang lugar dahil siguradong
makakatagpo ng bagong karanasan na
maaaring maisulat o ma video.
7. HUWAG MAGPABAYA
- Sa paglalakabay ay may pagkakataon
ang isang manlalakbay na matuto ng ibang
mga bagay mula sa lugar na kanyang
pinuntahan (tulad ng pagluluto ng pagkain
ng nasabing lugar o mga ritwal na
ginagawa). Ang mga ganitong
pagkakataon ay hindi hinahayaang
makalusot sa ating mga kamay dahil ito ay
kanyang mababaon sa pag-uwi
8. HUWAG KALIMUTAN ISAMA ANG
SARILI SA LAKBAY SANAYSAY
- Dahil iba ang iyong perspektibo at
nakikita sa iyong paglalakbay
(personal) sa nakikita ng iba lalo na
kung ito ay naka video dahil dito
naipapakita ang pagkakaiba-iba ng
lakbay sanaysay at dito din makikita
ang katauhan ng nagsasalaysay.
9. HUWAG PURO SARILI LAGI ANG
MAKIKITA SA LAKBAY SANAYSAY
- Bagama’t sinabi na huwag kalimutan ang
sarili sa lakbay sanaysay ay isinasaad dito
hindi puro sarili mo ang makikita sa iyong
ginagawa. Dahil hindi lahat ng tao ay
interesado sa iyo dahil ang habol nila ay
ang lugar na iyong pinuntahan at gagawan
ng sanaysay at mga bagong karanasan na
maaari din nilang maranasan.
Kasama din dito ang mga ginagawa ng
mga tao sa lugar na iyong pinuntahan lalo
na ang mga katutubo dahil mas
interesado ang ibang mga tao kung ano
ang ginagawa ng mga katutubo at kung
ano ang kultura nito.
10. MAHALIN ANG IYONG
GINAGAWA
- Gawin mo ang bagay na ito hindi dahil
napag-utusan ka o ito ay isang
proyekto sa paaralan, bagkus gawin
mo ito dahil ng bukal sa iyong loob na
may halong pagmamahal dahil dito ay
mas lalo pang magiging mabunga ang
iyong isusulat na sanaysay.

You might also like