You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG

KATITIKAN NG LINGGUHANG PAGPUPULONG NG STEM 12 B

Ika-5 ng Disyembre, 2022

Ika-4 ng Hapon

Sa Room No. 301, Granby Colleges of Science and Technology – Building C

Dumalo:

Shieann Perea – Presidente Zyrine Lopez – Miyembro

Dazzlyn Mae Numbanal – Bise Presidente Jamir Carmen – Miyembro

Jewel Fernandez – Sekretarya Jamlie Paderog – Miyembro

Aj May Riel – Ingat-Yaman Seala Villasica – Miyembro

Florabelle Umbao – Miyembro Renz Rayela – Miyembro

Akisha Labay – Miyembro Art Joseph Riel – Guro

Panukalang Adyenda:

1. Pagdiriwang ng Pista ng Nayon 2022


2. Christmas Party 2022

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay sinimulan ni Shieann P. Perea, ang Presidente ng STEM 12 B sa ganap na ika-4:00 ng hapon,
at ito ay pinasimulan sapamamagitan ng isang panalangin. Kasunod ay ang roll-call ng mga inaasahang dapat dumalo na
isinagawa ni Dazzlyn Mae Numbanal, at matapos ay nagpahayag nan g paunang salita sa pagsisimula ng mga pag
uusapan.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Jewel Fernandez, ang Sekretarya ng STEM 12 B ng katitikan sa
nakaraang pagpupulong noong Nobyembre 15, 2022. Iniulat niya ang tungkol sa mga nakaraang napag-usapan at
napagkasunduan tungkol sa mga Batas at Regulasyon na kailangan sundin ng aming mga kaklase sa loob ng silid-aralan.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

- Binuksan ni Shieann Perea ang pagpupulong sa isang maikling mensahe para sa mga dumalo tungkol sa kanilang
mga gampanin.
- Sinimulan nina Shieann Perea at Jamlie Paderog ang unang adyenda - Mga planong gagawin para sa darating na
Pista ng Nayon at Kapaskuhan. Ipinaalam nila na pagsasamahin na lamang ang pagdiriwang ng Pista ng Nayon at
Kapaskuhan ng STEM 12 B upang hindi malaki ang gagastuhin na pera para sa selebrasyon. Magkakaroon ng mga
dekorasyon ang silid-aralan, na pagtutulungang gawin ng mga namumuno at makikipag usap sa mga ibang
namumuno ng ibang grade na napasok sa kanilang silid-aralan. Ang daloy ng preperasyon ay uunahin ang
dekorasyon, magkakaroon ng ambagan sa pagkain, at magkakaroon ng exchange gift (bunutan) isang lingo bago
ang selebrasyon. Sa programa naman ay inaayos na ni Jamlie Paderog na magiging punong taga pagsalita sa
darating na selebrasyon.

- Sumunod ay ang pagbanggit nila Dazzlyn Mae Numbanal at Jamlie Paderog sa - Mga palamuting gagamitin at
gagawin sa room na pagdadaluhan ng selebrasyon. Ang mga gagamiting dekorasyon ay mga pailaw o makukulay
na ilaw na tinatawag na Christmas Lights, Christmas Garlands, Small Christmas Tree, Some Christmas Socks, at
iba pang mga dekorasyon. Aayusin ito ng ating Business Manager sa tulong ng ibang mga namumuno kapag
nakolekta na ang mga funds para dito.

- Mga Pagkain at Prizes na ibibigay sa mga dumalo at dadalo, ayon kila Florabelle Numbanal at Jamlie Paderog.
Para muna sa mga pagkain sa darating na selebrasyon, magkakaroon ng toka toka by group ang lahat ng
estudyante upang magkaroon ng kaayusan ang bawat isa. Magkakaroon ng mga iba’t ibang palaro tulad ng
paper dance, calamansi race, at iba pa, ang mga prizes naman para sa mga sasali at mananalo ay supresa na
gagawin ng mga namumuno. Magkakaroon ng tema sa susuotin ng mga estudyante upang mas maging masaya
ang selebrasyon at magkakaroon din ng exchange gift na hindi pangalan ng estudyante ang ilalagay kundi screen
name upang maging katuwa tuwa ang daloy ng programa.

- Ang pagbabanggit ng Pagtatalaga ng mga gawain ng bawat isa sa darating na selebrasyon, ayon kay Dazzlyn Mae
Numbanal. Ang sa programa pati palaro ay si Jamlie Paderog dahil siya ang businessmanager kasama na ang
pagdedekorasyon ng room na tutulungan nina Jewel Fernandez at Shieann Perea. Sa pagtoka ng pagkain ay
pamumunuan nina Dazzlyn Mae Numbanal at Shieann Perea kasama na ang pagkakaroon ng bunutan sa
exchange gift. Ang pag aannounce naman ng lahat ng napag usapan kasama na ang tema na susuotin ay naka
toka kay Florabelle Umbao. Ang pagbubudget naman ng mga gastusin ay nakatoka kila Aj May Riel at Seala
Villasica. At ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ay nakatoka kila Zyrine at Jamir.

- Ang Badyet na magagamit para maisakatuparan ang selebrasyon na ayon kay Aj May Riel.

*10 pesos (bawat isa para sa dekorasyon) kung 37 lahat ng estudyante at minimum na 4 na seksyon ang nag
ookupa sa room, ang resulta ay: 1,480 ang minimum na makakalap para sa dekorasyon.

*200 pesos minimum sa exchange gift.

IV. Iba Pang Pinag-usapan

Pagbubukas ng usapin sa mga opinion ng mga kasapi para sa mga napag usapan na plano at pag sasaayos ng mga
napagkasunduan na plano.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong

Wala pang napag uusapang petsa.

VI. Pagtatapos ng Pulong

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 5:00 ng Hapon.

You might also like