You are on page 1of 2

Ezra O.

Celetaria STEM 12-C

Lakbay Sanaysay : Baguio City

Tuwing pasko unang lumalabas sa isip ko ay pupunta sa ibang


lugar para magbakasyon. Bilang isang kabataan, pangarap kong
pumunta sa magaganda at sikat na mga lugar. Noong 2017 natupad ang
isa sa mga pangarap kong lugar na mapuntahan at ito ay ang Baguio
City na kilala bilang Summer Capital of the Philippines. Matagal na
man ito ngunit nasa puso’t isipan ko pa rin ang mga ekspirensya ko
noon. Halina’t bumalik tayo limang taon na ang nakararaan.

Noong ika-23 ng Disyembre taong 2017 ay sumakay


kami ng bus na biyahe papuntang Baguio. Nasa tatlong
oras ang biyahe at dahil dapit-hapon na kami
nakasakay, hating-gabi na kami dumating. Pagbaba ko
pa lang sa bus ay naramdaman ko na agad ang sobrang
lamig at makikita mo na kapag nagsasalita ka ay parang
may lumalabas na usok sa bibig mo. Nasiyahan ako dahil para na rin akong nasa ibang bansa at
dati ay nakikita ko lang ito sa telebisyon. Una naming pinuntahan ay ang SM City Baguio. Ito ay
iba sa mga napuntahan kong SM dahil nakatayo ito sa taas na parte ng bundok na kahit nasa baba
ka ng parke ay makikita mo ito. Sa paglalakad mo papunta roon
ay makikita mo ang mga makalumang estruktura at mapapansin
mo na ang mga tao na mga naglalakad doon ay mga turista na
galing sa ibang bansa. Sunod ay pumunta kami sa Burnham Park
na kung saan ay pwede kang mamangka, magbisikleta,
magpiknik o simpleng umupo habang pinagmamasdan ang
maganda ng tanawin at masasayang tao. Dito mo rin mabibili ang
napakasarap na Strawberry Taho.

Pumunta rin kami sa Botanical Garden na kung saan


makikita mo ang napakatahimik at nakakarelax na tanawin. Ito ay
napapaligiran ng mga bulaklak at pine trees. Dito rin makikita ng
mga Igorot na pwede mong bayaran ng maliit na halaga upang
makapag-picture kasama sila.. Pagnakapunta ka sa probinsya ng
Benguet ay hindi mo siyempre palalampasin na puntahan ang
kilalang Strawberry Farm Baguio. Dahil sa malamig at nasa
kabundokan ang Benguet ay kaaya-aya ito sa pagtatanim ng
Strawberry. Dito nga natin makikita ang napakalaking
plantasyon ng strawberry kung saan pwede kang pumitas
ng masarap at sariwang strawberry. Huwag din nating
kalimutang kumuha ng litrato sa paligid dahil bukod sa
strawberry ay makikita mo rin dito ang napakaraming
bulaklak tulad ng sunflower.Ang huli naming pinuntahan
ay Mines View Park. Dito ay makakabili ka ng snacks, trinkets at
subenir na makikita mo lang sa Baguio. Pwede ka rin dito magpa-
picture ng nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng Igorot habang
nakasakay sa kabayo. Dito mo rin makikita ang magagandang
kabundokan,kagubatan at ang Itogon Abandoned Mines sa
pamamagitan ng pagamit ng teleskopyo.

Malayo man ang Baguio ay masasabi mong sulit ang karanasan dito. Magagandang
tanawin at malamig na klima ay bagong ekspirensya ito sa akin. Sa anim na araw namin sa Baguio
ay puno ng alaala na tumatak sa puso ko. Mga bagong kaalaman tungkol sa lugar na ito ay aking
natutunan kung bakit nga ba ito tinatangkilik ng mga turista. Isa na ito sa lugar na nais kong
mabalikan kasama ang buo kong pamilya.

Realisasyon:

Sa paglalakbay na ito ay namulat ako sa ganda ng tanawin ng


ating bansa. Ang Baguio ay dapat nating alagaan dahil isa ito sa mga
tanawin na ating maipagmamalaki. Ito ay mas maganda pa sa
inaasahan ko. Ang paglalakbay rin na ito ay nagpatibay ng relasyon
namin bilang magkakapatid. Ito ay nagiwan ng magagandang alaala
kasama sila na aking iingatan at hindi malilimutan. Huwag natin
kakalimutang magsaya sa kabila ng maraming stress na dala ng ating
buhay bilang isang mag-aaral o adulto. Isang beses lang tayo
mabuhay kaya dapat nating sulitin na gawin ang masasayang bagay
dito sa mundo kasama ang mga mahal natin sa buhay.

You might also like