You are on page 1of 1

ANG BYAHE SA NORTE: ISANG

LAKBAY-SANAYSAY
Isang mahaba-habang byahe ang aming naranasan papuntang norte. Kami ay nagkaroon
ng oportunidad na makapunta sa isa sa mga kilalang lugar sa norte. Ang tinaguriang “Summer
Capital” ng Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ang Lungsod ng Baguio
ay may pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang malamig na klima ng siyudad
ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan ito ng mga bakasyonistang
Filipino at mga dayuhan lalo na sa panahon ng tag-init.

Tila isang paraiso ang nasaksihan ko sa unang pagmulat ng aking mga mata nang
nakarating kami sa Baguio. Bukod sa malamig ang klima, napakaganda ng mga tanawin na
mabibisita mo rito. Isa sa mga napuntahan namin ay ang The Mansion, nakakabusog ng mata ang
napakalawak na tanawin, isama mo pa ang ganda ng mansyon. Susunod, ay ang Burnham Park,
dito madalas na nagtatagal ang mga turista sapagkat maraming pwedeng gawing mga aktibidad
na ikakaligaya niyo. Hindi ko makakalimutan ang unang karanasan ko na sumakay sa isang
kabayo, nakakalungkot lang at nawala ang aming mga litrato rito, pero isa ito sa mga nais kong i-
mungkahi na inyong gawin kapag kayo ay pupunta ng Baguio. Tiyak na matutuwa rin kayo sa
mga tindahang nakapalibot dito na may ibnebentang tatak Baguio talaga. Sa pagpunta namin ng
Strawberry farm ay ikinasaya naming magkapatid. Napakaganda ng tanawin sapagkat puno ng
mga tanim ng strawberry. Nakakatuwa at nakaka-aliw ang pagpitas ng mga strawberry. Talaga
nga namang mararamdaman mo na nasa Baguio ka talaga. Ang pinaka hindi ko malilimutan
talaga ay ang pagsapit ng gabi noong kami ay nasa Baguio. Talaga nga namang ikaw ay maaaliw
sa mga ilaw sa paligid. Ang sarap lang sa pakiramdam makakita ng tanawin nag anito at marinig
ang ingay ng mga tao. Noong gabi, kami ay nag-ikot sa Baguio at pinuntahan ang sikat na
Baguio’s Night Market. Kaya’t huwag niyong palalampasin ang karanasan na iyon.

Bilang isang kabataan, napakagandang oportunidad ang makalibot sa iba’t-ibang lugar.


Lalong-lalo na kung ito ay dito sa Pilipinas. Ating tangkilikin muna ang mga lokal na mga lugar.
Ito ay ang ating mga kayamanan marapat lamang na atin itong tangkilikin at ipagmalaki.

You might also like