You are on page 1of 14

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA IKALAWANG SEMESTRE SA


MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

PAGSUSURI SA MGA MAIKLING KWENTO

Inihanda Ni:
G. ALCARAZ,ANTHONY F..
ESFL 2-1

APRIL 2022

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Nagmamadali Ang Maynila


Ni Serafin Guinigundo

I. INTRODUKSYON
Ang kwentong ‘Nagmamadali Ang Maynila’ ay isinulat ni Serafin
Guinigigundo. Siya ay ipinanganak sa San Miguel, Bulacan noong ika-5 ng
Enero 1913. Nagtapos siya sa kursong Commerce mula sa Kolehiyong Far
Eastern University at abogasya sa Universit of Manila. Ang Kanyang
maikling kwento ay nagging tanyag sa kakulangan nito sa pokus o sentral na
tauhan. Sia ay sumulat upang mag-iwan ng haka-haka o impresyon sa
kanyang mambabasa. Katulad na lamang ng kanyang akda na
Nagmamadali Ang Maynila, na kung saan ay pumapatungkol at
naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng karaniwang tao. Ipinapakita rin
kaugalian, diskarte at mga pagkakakitaan ng mga tao kung paano mabuhay
sa lugar na pinangyarihan.
Ang pakikibaka, pakikipagsapalara, at pakikisalamuha ay lahat ng ito ay
maaaring mangyari sa isang mahabang byahe sa maingay,marumi, ngunit
masayang siyudad ng Maynila.

Pagsusuri

A. Sangkap
A.Pamagat
Ang akdang aking binasa ay ‘Nagmamali Ang Maynila’, na kung
saan hindi lamang ipinakita sa kwento ang kakulangan ng sentral ng tauhan
kundi ay ipiakita ang iba’t ibang pananaw ng mga karaniwang tao o
mamamayanan ng mga taga-maynila.Kung paano dapat ang kanilanng
gagawin upang magkaroon ng pera para sa kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan sa buhay nila.Ang unang bahagi ng kwento na
‘ginto,ginto..’ at ibat’ibang produkto ay sumisimbolo ng kahirapan ng
buhay na kung saan ay marapat na ikaw ay maging madiskarte lalo na sa
lugar na nabanggit sa kweto.

B.Tema

Ang tema nito ay ang kaugalian ng mga tauhan nasa kwento. Ang
mga kilos ng mga tao ay mabilis at madiskarte. Ang uri ng pamumuhay ng
mga tao roon sa kwento ay masipag, matiyaga, at masipag. Sapagkat kahit
anong uri ng produkto kanilang ibenta ay kanilang gagawin upang
mabuhay lamang sila at maging maitaguyod ang kanilang pamilya. Kaya
pinamagatan ng may-akda ang kwento dahil halos lahat ng tao doon ay
mabibilis na kumilos at kausap.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

C.Uri

Ang kwentong Nagmamadali ang Maynila ay uri ng maikling


kwento. Maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang imprseyon lamang. Ito rin ay
halimbawa ng maikling kwentong katutubong-kulay dahil ang mga lugar/pook
na nabanggit sa kwento ay naglalarawan sa ibat’ ibat uri ng pamumuhay ng tao.
Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook, hindi lamang pisikal kundi
pati na rin sa pangkalahatang pag-uugali ng mga pangkaraniwang tao roon, maging
sa kanilang mga kios/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at sa persepsyon/pananaw
ng tao sa buhay.

D.Panahon at tagpuan
Ang tagpuan sa kwento ay sa magulong kalye ng Maynila. Kung saan
inilalarawan na ang mga tao roon ay lagging nagmamadali upang
kumita ng pera.
 Escolta- inilalarawan sa kwento na madaling makatunog ang mga
mandurugas sa mga dayo at walang alam sa lugar na iyan.
 Binondo- inilarawan din ang lugar sa kwento huwag kalimutan ang
bawat ngiting nasasalubong ay may tagong pait na kinikimkim.
E.Tauhan
Narito ang mga ilang tauhan sa kwento:
 Maciong- Ang maabilidad na pangunahing tauhan sa maikling
kwento, kabilang sa mga bumibili ng walang puhunan at isang
ahente sa pamilihang kalye.
 Luista- Ang kabiyak ng dibdib ni Maciong.
 Tasio-Kanegosasyon ni Maciong at pinagbentahan ni Maciong ng
dalampung (20) gulong ng trak.

F.Banghay:
1.Simula.
Nagsimula ito sa paglalahad sa tagpuan. Ganoon rin si ale na
nagtitinda ng ginto suot ang kanyang kimono na may mahabnag say ana
hanggang sakong niya na kung saan ay narurumihan na dahil sa alikabok
ng kalye. Habang sinisigaw niya ang kaniyang tinda ay pinuna siya ng
isang lalaki na kung bakit daw niya ipagbibili ang kaniyang ginto na mas
hamak Malaki ang presyo nito.

2.Saglit na kasiglahan
Ang saglit na kasiglahan sa kwento ay patungkol sa isang tauhan
na si Maciong na nararanasan niya ang kahirapan sa kaniyang paghahanapbuhay.
Naroon din ang saglit na kasiglahan na agarang pagtawag ni Manedyer Maxmo
Kangis kung nais nitong bumii ng goma, pako, langis, yero ng trak,makina,bahay
at lote.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

3.Suliranin
Hindi nawala ang galit ng batang lalake sa kanyang ama sapagkat
tingin nya ay
Kinakawawa siya ng kanyang ama dahil sa mga gamit na
mayroon siya na kahit ultimo damit at sapatos na kaniyang
sinusuot ay hindi ganon kaganda na
Parang pobre ang kanyang suot
4.Kasukdulan
Ang kasukdulan nito ay walang anumang pagsambit ni
Luisita kay Maciong na wala itong mapapala sa pagbebenta niya ng mga buy and
sell.
5.Wakas
Ang wakas ng kwento ay nakabenta ng mga lumang gulo si
Maciong sa malaking halaga. Ang tagaumpay na matagal na niyang nais
hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi sa kaniyang pamilya.
Masayang uuwi si Maciong sa kanilang tahanan sapagkat sa wakas ay
mabibili na rin niya ang anumang gustuhin ng kanilang pamilya.

B.Konsepto:
A.Kaisipan/mensahe

Ang maikling kwento na isinulat ni Serafin C. Guinigundo ay


nabibilang sa maikling kwentong pangkapaligiran dahil ang kwentong ito ay
nakatuon sa paligid ng mga tauhan at maikling kwentong pangkakatubongkulay
nakapokus sa tauhan na siyang nakaapekto sa kung paano kikilos ang mga
tauuhan sa akda. Isinasalaysay nito ang reyalidad ng pammuhay ng mga
Pilipinong nagsusumikap na kahit anong uri ng kapitbahay upang matustusan
lamang ang kanilang pamumuhay at s higit sa lahat ay umunlad sila. Ang taglay
ni Luisita ay karaniwang nangyayari sa reyalidad dahil sila ang mga taong
pinagkakatiwalaan natin ngunit walang tiwala sa atin. Kamangha-mangha rin ang
ugaling ipinakita ni Maciong na hanggang ngayon ay may ganoon ugali na kung
saan ay hindi agad siyang nanghinala sa kanyang kakayahan bagkus dahil sa
kanyang determinasyon at tiyaga y nakamit niya din ang kaniyang inaasam-
asam.

B.Simbolismo
Ang simbolo nito ay ang mismong lugar na Maynila,
sapagkat kilala ang Maynila blang lugar kung saan matatagpuan
ang maraming trabaho at maraming oportunidad dito. Ngunit
kailangan gawin ito ng mabilis sapagkat ang buhay nga ang tunay
na mahirap at ang kumite ng pera ay hindi madaling gawin.
C.Teoryang pampanitikan .
Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na
ginagamit ng isang manunulat bilang paksa o paraan upang isulat
ang isang akda. Aking gagamitin sa akdang ito ang teoryang

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

realism, dahil maraming inilahad na pangyayari sa akda na


nangyayari din sa totoong buhay. Ang paksa rin ay tungkol sa
ating lipunan tuad ng korapsyon, katiwalaan, at diskriminasyon
lalo nasa kalagayn o estdao ng buhay ng isang tao sa kanilang
pook/lugar.

d.Sariling persepsyon kaugnay sa paninindigan ng teksto/may-


akda
Huwag tayong maaakit sa makikinang na ilaw sa
madaling paraan, sa halip mas mainam sa pakiramdam na maasam ang
isang bagay dahil sa hirap,diskarte, at tiyaga natin. Hindi lahat ng
kumikinang ay daan patungo sa ating pangarap. Karamihan diyan ay
mapanlinlang at mapagkunwari,kung minsan pa ay sinusubok tao ng ating
mahal sa buhay. Sa bawat desisyon na ating gagawin, alalahanin na hindi
lahat ng daan at dalawa (two-way). Isang pagkakamali lamang ay maaari
tayong maligaw at mawala sa paraan ng pagkamit ng ating mga pangarap.
Malaki at maraming oportunidad sa lugar ng Maynila.
Masarap magmasid sa maganda, maingay, at makulay na lugar na ito.
Magbabago ang ating pananaw at nais natin makamtam sa lugar na iyon,
ngunit gaya ng anumang uri ng pakikisalamuha ng buhay ito ay may
nagbabadyang panganib at hirap sa bawat kantong ating
daraanan.Maging katulad sana tay ng magandang ugali tulad ni Maciong.
Tuloy-tuloy lang ang byahe natin sa buhay,huwag natin ito ihinto dahil
may paroronan lahat ng ating plano. At kung mapansin na nag-iisa ka na
lamang sa byahe ng iyong buhay ay huwag kang mangamba. Ang
mahalaga ay makakarating ka sa iyong patutunguhan nang hndi
pinagsisihan ang bawat kanto at iskinitang dinaraanan natin.
Alalahanin natin na walang destinasyon ang ating plano kung tayo
pinanghihinaan ng loob at takot sa opinyon ng iba ay huwag natin ito
balewalain, bagkus gawin natin itong motibasyon dahil ang pakikisalamuha ng buhay
ay
walang katapusan. Tayo ay maniwala sa abilidad natin ay isipin ang makakabuti
sa ating buhay at darating din ang tamang kanto sa ating buhay, atin itong
pahalagahan.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Aanhin Nino ‘Yan


Isinalin ni Lualhati Bautista

I. Introduksyon
Ang may-akda ng “Aanhin Nino ‘Yan’ ay si Vilas Manwat ngunit isinalin
ito ni Lualhati Bautista,ipinanganak siya noong ika-2 ng Disyembre 1945 sa Tondo,
Manila. Siya ay isang tanyag na babaeng Filipinong manunulat sa ating bansa. Ang
mga kanyang gawa ay kadalasan ay sa anyong nobela at maikling kwento. Nagtapos
sa paaralan ng Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sa kanyang
sekondarya naman ay sa Torres High School noong 1962. Kumuha siya ng kursong
Journalism sa Lyceum of the Philippines, ngunit hindi rin nagtagal ay tumigil siya
bago man matapos ang kanyang unang taon sa kolehiyo. Ang akdang kanyang
isinalin na “Aanhin Nino ‘Yan” ay ipinapakita na hindi lamang umiikot ang mund
ng tao sa pera. Kayang mabuhay ng pangunahing tauhan sa masayang buhay kahit
na wala ang pera. Ang ugaling ipinakita ng pangunahing tauhan ay patunay lamang
na manatiling Mabuti ang kalooban sa kahit anumang sitwasyon ang mangyari sa
ating buhay. Iba-iba man ang estado ng buhay ng isang tao ngunit iisa pa rin dapat
ang tingin natin at handing tumulong at magkaroon ng malawakang pang-unawa.

Pagsusuri

A.sangkap

A.Pamagat
Ang akdang ‘Aanhin Nino ‘Yan’ tumatalakay sa magandang ugali ng
pangunahing tauhan sa kahit anong antas ng buhay ng kaniyang kausap. Ang
Kahirapan ay hindi hadlang upang tayo o ikaw ay makatulong sa taong
nangangailangan. Katulad na pangunahing tauhan na si Nhai Phan na hindi
naman mayaman ngunit nakakaya niyang magbigay ng tulong sa mga taong
hirap din sa buhay. Isa itong paksa na kung saan ay tumatalakay sa pagbabago ng
isang tao, may Karapatan ang bawt isa sa atin an pumili ng landas ngunit kay
Nhai Phan ay mas pinili ang landas na maging Mabuti ang puso sa lahat ng tao sa
maraming pagkakataon.

B.Tema
Nabigyan pansin ko na ang tema nito ay ang pagtulong sa kapwa ay
hindi lamang nalilimutan at nalilimitahan kagaya ni Nhai Phan. Hindi limitahan
ang pagbibigay ng pera o materyal na bagay sa mga taong nangangailangan. Ang

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

pagbibigay tulong sa ating kapwa ay yaong nagbibgay ng kasiyahan ng ating


puso. Maraming pagsubok man ang nakaabang sa ating buhay ay
marapat lamang na panatilihin ang pagiging mabuti at maging kalmado upang
maisip natin ng maayos ang susunod na gagawin natin. Pinakita sa akda na hindi
pera ang mahalaga kundi ang kabutihan ng ating kalooban at bukas-palad sa
pagtulong sa kakilala man natin o sa ating kapwa.

C.Uri
Ang akdang aking binasa ay maituturing na nasa halimbawa ng
maikling kwento ng tauhan, dahil binibigyang-pansin sa pangunahing
tauhan ang daloy ng kwento. Magagandang puna ang inilalarawan sa
pangunahing tauhan na si Nahi Phan bilang patunay na ito ay isang uri ng
maikling kwentong tauhan. Paglalarawan na nakapokus lamang sa kaniya
at kung paano pa niya ito mas pinalinaw na nakapokus ang kagandahang-
loob niya bilang pangunahing tauhan.
D.Panahon at tagpuan
Ang panahon na binanggit sa kwento ay Gabi, bago magsara ang
tindahan ni Nhai Phan.
Ang tagpuan naman ay sa tindahan ni Nhai Phan.
E.Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kwentong ‘Aanhin Nino
Yan’
 Nhai Phan-Sikat sa kanilang lugar
-magaling na mananayaw
-masarap at magaling magluto
-mapagbigay sa lahat
-mahinahon
 Binata/Estranghero – Walang pinaniniwalaan
-desperado
-nangangailangan ng pera

F.banghay

1.Simula
Inilarawan sa kwento na si Nahi Phan ay isang pangunahing
tauhan na matulungin sa kaniyang kapwa. Inilarawan din ang sitwasyon o
kalagayan ng kaniyang buhay at ang bawat tao nasa paligid niya.
Nagbigay diin ang magagandang katangian ng pangunahing tauhan at
kung ano ang mga bagay na kaniyang ginagawa upang na makatulong sa
buhay ng kaniyang kapwa.

2.Saglit na kasiglahan
Inilarawan sa kwento na nakagawian na rin niyang mamigay ng
minatamis sa mga bata,tulad ng mga kendi,sa mga bata sa kanilan glugar.
Makikita rin sa akda na magiliw si Nhai
Phan dahil maging sa mga suki itong lasenggo na lagging nasa tindahan niya

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

ay malugod niya itong tinatanaggap.

3.Suliranin
Sa akda nabanggit rin na nagagalit ang kaniyang asawa
dahil sa mahilig magbigay ng paninda ang kaniyang asawa na walang
hinihinging kapalit o bayad.

4.Kasukdulan
Isang gabi, umalis ang asawa ni Nhai Phan upang manood ng
sine. Naiwan lamang Nhai Phan sa kaniyang tindahan at lumalalim na ang
gabi kaya naisip niya na magsarado na ng kniyang tindahan ngunit isang
estranghero o binat ang pumasok sa kaniyang tindahan.

5.Wakas
Matapang si Nhai Phan at hindi nagpakita ng takot bagkus siya
ay kalmado at hinid natatakot sa anuman ang mangyari sa kaniyang sarili
dahil ang estranghero ay may baril na hawak at nakatutok sa dibdib niya.
Pinaliwanagan rin ni Nhai Phan na maaaring kunin ng estrangehro ang
lahat ng bagay na mayroon sa kaniyang tindahan dahil nalalaman niiya na
ito ay kailangan ng estranghero at nauunawaan ang masamang ginagawa
niya. Naliwanagan ang estranhero dahil sa maayos na pakikipag-usap ni
Nhai Phan. Sabi ng lalaki na nag-iiba lamang ang kanyang tingin sa
mundo dahl may sakit ang kaniyang ina. Umalis ang estranghero.binata
nang masaya. Ang naiwan nab aril ay naisipang ipagbili ni Nahi Phan.

B.konsepto:
A.Kaisipan / mensahe
Ang tunay na kasiyahan ay ang pagiging mabuting-loob lamang
sa ating kapwa. Huwag amang mawalan ng pag-asa sa buhay at hindi
kailangang gumawa ng masama para maging masaya at matugunan ang
ating pangangailangan sa ating buhay. Maging tapat ka sa mga taong
nakapaligid saiyo at mahalin mo ng lubusan ang taong nakapaligid sa iyo
kahit ano man ang ugali niya at ano ang ipinapakita niya. Pinatunayan din
sa akda na ang pangunahing tauhan na hindi salapi ang pinakamahalaga sa
tao kundi ang kniyang buhay. Ipinakita rin sa pangunahing tauhan sa akda
na hindi kailangang maging sobrang yaman upang makatulong sa ating
kapwa. Mas masarap mabuhay sa mundo nang walang galit o poot sa
kapwa mas mahalagang tayong mayroong pang-unawa, pagmamalasakit
sa ating kapwa at magkaroon ng pag-asa sa lahat ng antas ng ating
ginagawa sa ating buhay.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

B.Simbolismo
Para sa aking nabasang akda ay nabigyang pansin ko na ang
simbolo sa akda ay ang:
 Salapi-sapagkat sumisimbolo ito para sa iba na kaya
mong gawin ang mga bagay na hindi kayang gawin o
bilhin ng pangkaraniwang tao dahil sa iyong yaman.
Simbolo rin ito na ang tao ay gagawin ang lahat
magkaroon lamang maraming salapi na inaasam-asam
nila sa kanilang buhay.
 Baril- Sumisimbolo ito sa akda na ginagamit ito ng ilang
tao sa masamang bagay dahil iniisip nil ana ito na ang
huli at walang ng maisip na mainam na paraan para
matustusan ang pangangailang sa araw-araw bilang
ordinaryong tao lamang at salat sa pera. At ang katagang
madalas na mariinig na ‘kapit sa patalim’ dahil ito ang
kanilang huling pag-asa kahit na alam nil ana hindi ito
mabuting gawain.

C.Teoryang pampanitikan
Natutukoy na ang teoryang pampanitikan sa akdang ito ay
Teoryang Eksistensyalismo ang layunin nito na ipakita na may Kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang
pinakasentro ng kaniyang pananatili sa mundo. Ito rin and teora na kung
saan ang bawat tao ay responsible sa anumang maaaring kahihinatnan o
magiging resulta ng kaniyang desisyon. Taglay man ng tauhan ang
katatagan o kung minsan ay kahinaan, ay desisyon niya ito. Nakakaapekto
lamang ang kaniyang desisyon niya sa relasyon ng ibang tao o sa
kaniyang nasa paligid. Sinasabing hindi rin naman ang nabubuhay ang
tato nang mag-isa lamang kung kaya’t malaya siya sa desisyong kanyang
gagawin para sa kaniyang buhay.

D.Sariling persepsyon kaugnay sa paninidigan na teksto/may-akda:


Sa aking sariling persepsyon sa nabasang akda ay naimulat ang
binate sa sitwasyong kaniyang kinalalagyan. Ipinapaalala sa binata na hindi sa
salapi umiikot ang mundo. Ang tao ay nabubuhay upang tumulong sa kaniyang
pamilya at sa kapwa niya. Ang pagiging mabuting tao sa ibang tao ay maaaring
magdulot ng malaking pagbabago sa pananaw sa ating buhay. Sa panahon
ngayon, karamihan sa mga tao ay napupuno ng galit at poot ang mga puso na
siyang nagpipigil sa atin na gawin ang mga dapat at tamang gawin kagaya na
lamang ng apngunahing tauhan na si Nhai Phan. Hindi kailanman mahalaga ang

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

material na bagay,salapi o estado ng buhay ng isang tao upang maging mabuting


tao sa ating kapwa. Ano ang lubos na kakikitaan ng kawalang hanggang
kaligayahan at kaluwalhatian ay ang mga bagay na hindi maipagbibili ng salapit.
Ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit ay masarap sa ating
kalooban.

Pamana
Ni Lamberto Gabriel

Introduksyon
Ang may-akda ng kwentong “Pamana” ay si Lamberto Gabriel,
siya ay isinilang sa San Miguel, Bulacan. Naging guro siya sa paaralang
sekudarya mula noong 1966 hanggang 1974. Nahirang siyang Educational
Specialist sa Kawanihan ng Paaralang Sekundarya. Bukod sa pagiging
kwentista, nagkamit din siya ng ilang gantmpala sa larangan ng tulang
Filipino. Siya ay nagkamit din ng ilang gantimpala ng pangatlong
karangalan sa Talaang Ginto noong 1972 sa kaniyang Kamalayan,isang
Katipunan ng kanyang mga tula.Ang akdang “Pamana” ay sinusundan sa
kwento ng isang magsasaka at ng kaniyang mag-ina. Ipinapakita ang
pagiging matiyaga upang mapabuti lamang ang kanilang anak.

Pagsusuri

A.Sangkap
A.Pamagat
Ang “Pamana” ay pumapatungkol sa mga kayang gawin ng
magulang sa ikabubuti ng kanilang anak upang maging mas maganda
ang kaniyang hinaharap at hindi naisin na mamuhay habang buhay sa
hirap ng ginagawa upang matustusan ang pangangailangan sa pang-
araw-araw.
B.Tema
Ang tema na bumabalot sa kuwento ay patungkol sa pagtanggap
pagdating sa sarili at pagpapakatotoo pagdating sa nararamdaman ng
isang tao, lalo na kung ito ay patungkol sa kanilang sexual orientation.
Pagdating sa kuwento pinakita na kahit sa isang lipunan ay hindi pa
rin lubos na tinatanggap ang mga taong lgbt, maaari pa ring mahanap
ng isang tao ang tunay na kaligayahan sa pagtanggap ng sarili at sa
pagkakaroon ng isang taong maibabahagi ang kanyang mga
damdamin at emosyon. Pinapakita rin ng kuwento ang kahirapan ng
pagmamahal sa isang tao na hindi naman kayang magmahal sa iyo ng
pareho, at ang mga hamong dala ng pagtanggap ng sarili at pagsulong

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

sa sariling buhay.
C.Uri
Ang uri ng kwentong ang pamana ni lamberto Gabriel ay tipikal
na karansan ng pamilya na naninirahan sa bukid. Isang maikling
kwento dahil maikding salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinsasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang sa akda.

D.Panahon at Tagpuan
Ang panahon na nabanggit ditto:
 Umaga-Kung saan narinig ni Mang Karyas ang kanyang asawa
na si Aling Asyang na nagpapakain ng manok at siya’y
bumangon at umuunat pa.
 Dapitphapon
 Tagpuan: Sa sakahan,kung saan nagsasaka sila Mang Karyas at
Aling Asyang.

E.Tauhan
Ang mga pangunahing tauhan sa akda:
 Mang Karyas- Ang magsasakang asawa ni Aling Asyang
at ang tatay ni Kiyel
 Aling Asyang-Asawa ni Mang Karyas
 Kiyel- Anak nila Mang Karyas at Aling Asyang
 Pugante-Kalabaw nina Mang Karyas
 Pablo-Ang nagsabing darating si Kiyel kay Aling Asyang
 Kiko- Ang naiinggit kay Mang Karyas kasi nakapagtapos
ang anak ni Mang Karyas.
F Banghay:
1. Simula
Ang kwento ay nag-umpisa sa pangunahing tauhan na si Mang
Karyas. Paglalarawan sa mga tauhan na naninirahan sa bukid. Si Mang Karyas at
Aling Asyang ay mag-asawa na may isang anak na nag-aaral sa ibang lugar na
nangangalanag Kiyel. Inilarawan din sa akda na sat wing sasapit sa dapit-hapon
ay maririnig ni Mang Karyas ang kusang pagpapakain ng kaniyang asawa.
Umuunat pang bumangon sa papag ang pangunahing tauhan na si Mang Karyas.

2.Saglit na kasiglahan
Labis nainilarawan sa akda ang emosyon ng ama na si Mang Karyas sa
ibinalita sa kanilang asawa na darating ang kanilang anak na umaasa na hindi sila
bibiguin sa inaasam nilang magandang supresa para sa kanila. Sumilip sa
kaniyang kamalayan nang minsang tangkain ng anak na tulungan siya pag-aararo
ngunit agad niyang pinagsabihan na silang matiyagang magtatrabaho bilang
magsasaka upang maibigay ang nararapat sa kanilang anak.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

3.Suliranin
Ang suliranin sa akda ay kung saan noong dumating na ang kanilang
anak at madali nila itong sinalubong ng kaniyang asawa. Ang nararamdaman
nilang pagod at hirap sa kanilang pagsasaka ay napawi dahil sa nasilayan nila ang
magandang balita na dala ng kanilang butihing anak na Kiyel. Nakitaan man ng
kanilang anak ang pagod at sakit na nararamdaman sa kanilang katawan ay agad
na napalitan ng lakas ito dahil sa kaniyang pagbalik.

4.Kasukdulan
Natuwa ang magulang sa balitang hatid ng kanilang anak ngunit nabanggit
ng Kiyel na ibang kurso ang kaniyang kinuha salungat sa ibang kurso nan ais ng
kaniyang ama. Naikuyom ni Mang Karyas ang kaniyang palad dahil sa kaniyang
galit. Inakala ni Mang Karyas na ang nais na kurso ang kinuha ng anak niya
ngunit iba ito sa nais ng kaniyang anak na Kiyel.

5.Wakas
Nagalit man si Mang Karyas sa desisyon na pinili ni Kiyel ay wala siyang
magagwa. Lumambot ang puso ni Mang Karyas dahil sa magandang rason ng
kaniyang anak at doon naintindihan ang nais ng kaniyang anak na ipaubaya ang
paggawa ng bukid dahil siya ay matanda na at niyakap ang kaniyang anak na
nagging sanhi ng muling pagkasibol ng binhi ng kaligayahan sa puso ni Mang
Karyas.

B.konsepto
A.Kaisipan/mensahe
Ang mensaheng nais kong ilahad ay marapat lamang na bigyan natin ng
kasiyahan mabuting kapalit ang ating magulang dahil sa sakripisyong kanilang
inialay para sa atin bilang mga anak nila. Sila ay handang ibigay ang lahat ng
bagay sa mundo upang mapabuti ang ating kinabukasan. Wala tayong karapatang
husgahan ang katayuan ng isang tao upang magkaroon ng magandang
kinabukasan. Sa ating bansa, karamihan sa atin ay nalulugod at ipinagmamalaki
ang kanilang magulang na magsasaka dahil sa maliit na halaga na kanilang
natatanggap sa maghapong pagsasaka sa sakahan ay nairaos nila o nbigyang
katugunan sap ag-aaral ang kanilang magulang na siyang dahilan na tayo ay
tumanaw ng utnag na loob at ibalik ang kagandahang-loob ng magulang natin.

B.Simbolismo

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

Para sa akin, maaaring maging simbolo ang ilang tauhan sa


akda.Tulad na lamang ni:
Kiyel- bilang malayang pagpili ng desisyon sa tatahakin para sa buhay.
Mang Karyas at Aling Asyang- Sila ay simbolo bilang magsasaka na kung saan
sumisimbolo ng kahirapang nararanasan sa bansang ginagalawan. Sa
maghapong pagsasaka ay hndi sapat ang kinikita ngunit matiyagang
nagtatrabaho para sa ikabubuti ng buhay.

Kalabaw- Bilang Matiyaga at Malaks sapagkat ipinapakita sa akda ang


pagiging malakas nito sa lahat ng pasanin at hirap na ginagawa niya sa araw-
araw.
Manok-bilang pag-asa sa tuwing naririnig sa umaga ay nagbibigay ng pag-asa
na panibagong araw para sa panibagong pag-asa na makakamit ang panagarap.

C.Teoryang pampanitikan.
Ang teoryang “Ang Pamana” ay isang teroyang pampanitikang:
Realismo sapagkat inilalahad sa akda ang pangyayari katulad sa nararanasan
ng karaihang magsasaka sa ating bansa. Ang teoryang ito na kung saan ang
karamihan ng mga kamalayang may kinikilingan ay hindi pagkakamali,kundi
lohikal na pag-iisip at maparaan lamang para sa magandang buhay.
Tumatalakay din ang teoryang ito sa akda ang katotohanan sa lipunan,
ang kahirapan na nararanasan ng mga pangunahing tauhan. Nais maibatid ng
may-akda ang teoryang ito sa akda upang masaksihan natin ang lipunan na
mayroon tayo. Upang maging bukal tayo sa pagtanggap sa katotothanang
nangyayari ito sa ating lipunan. Ipinaglalaban ng teoryang realism ang
katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan
ayaon sa mga realista,ay dapat na maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad upang mas maunawaan ang daloy ng kwento.

D.Sariling persepsyon kaugnay sa paninindigan ng teksto/may akda:


Lahat tayo ay sariling desisyon sa kung paano natin maibabalik ang
sakripisyo ng magulang sa atin. Ang akdang ito ay hindi lamang simpleng
magsasaka lamang na nairaos maipagtapos sap ag-aaral ang anak bagkus ito ay
malaking bagay sa magsasaka bilang magulang dahil sa hindi nilang
inaasahang magkakaroon ng magandang resulta ang kanilang pagtitiyaga na
magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Inilalahad sa akda
ang pangyayari na kung saan nakakalimutan na ng ating gobyerno ang
kahalagahan ng mga magsasaka sa ating bukirin at kung gaano sila
nakakatulong ng Malaki sa ating bansa. Sumunod, ang hindi matatawarang
kasipagan at pagiging mababang-loob nila maluwag sa kanilang puso na
tanggapin na anuman ang kapalit na kanilang makukuha ay walang reklamo
dahil mas malawak ang kanilang pang-unawa.
Ipinakita sa akda na huwag taong sumuko na tulungan ang ating sarili
na makamit ang nais natin sa buhay lalo na at may mga magulang tayo na
handang magsakripisyo, kumulubot ang balat,mangitim, at pagpawisan dahil sa
hirap. Karapatan man natin ang mapag-aral nila tayo ngunit isipin natin na tayo

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat St., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114,
Philippines Tel. Nos. (046) 416-4341-42 www.eac.edu.ph
SCHOOL OF EDUCATION
ISO 9001:2015 CERTIFIED
` QUALITY MANAGEMENT SYSTEMS

ay mapalad dahil sa mga magulang na katulad nila.

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like