You are on page 1of 6

Tata Selo

Ni Rogelio Sikat Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang


binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa
San Roque, na tila isang magilas na pinunong
Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa
representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may
sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo.
kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan
ang malinaw na pinapaksa ng may akda. “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni
Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na
Anong paraan ang ginamit niya? akong saka?”

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi
nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang
si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”
bahay-pamahalaan. Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan,
nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at
sa istaked. nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon
ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam
“Totoo ba, Tata Selo?” po ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking
“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” asawa, naembargo lamang po ng Kabesa.
Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang
nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po
noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap
nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris po ako sa Kabesa kangina. ‘kung maaari po sana,
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. ‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag
Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong
ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na,
at kausap ang isang magbubukid ang kanyang ngunit ako pa nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay!
kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po
sumasawata sa nagkakagulong tao. n’yong putok sa aking noo, tingnan po ‘nyo.”
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na
wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko ho Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at
mapaniwalaan.” pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa
isang pulis.
Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at
natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng
mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata
Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na
walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito
ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok. ang isang magbubukid, anak-magbubukid na
naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na
“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata sumbrerong balanggot ng bata.
Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko
na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may
lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit halas. May sukbit itong lilik.
sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng
kahit isang pinangko kung anihan?” “Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa Pinaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw
labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod
ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang
sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
ako pupunta?” nasasalaminang mesa.

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.” “Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na
tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Selo.
Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika
“Patay po ba?” ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati
pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa lamang po at naembargo—“
pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa “Alam ko na iyan,” kumukupas at umiiling na putol
balikat. ng nabubugnot na alkalde.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin
Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata sa presidente, may nakasungaw nang luha sa
Selo na ulila na sa ina. kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw
na mata.
Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa
lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika
Saling?” ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka.
Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa naman ako, Presidente, malakas pa po.”
rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata
Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, “Saan mo tinaga ang Kabesa?”
kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng
kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang
hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. “Nasa may sangka po ako nang dumating ang
Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam
Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked. ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po
naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman
“Patay po ba? Saan po ang taga?” niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa
pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang
tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na
dalawang kamay upang payapain ang ang magsasaka.
pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking
hepe. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y
umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman,
“Saan po tinamaan?” ‘Besa?’ Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman
ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya
sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang ako ng tinungkod nang tinungkod.”
sa kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag na hepe.
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan,
naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—
mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng may mga eskribante pang nakapasok doon—ay
istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at
tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw
Selo sa istaked. ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab
na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde maalikabok at luyang paa.
pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa
“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng
alkalde. “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,”
sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na
Hindi sumagot si Tata Selo. nalaglag sa pagkakasabit nang muling
pagmalupitan ng hepe.
“Tinatanong ka anang hepe.”
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa
Lumunok si Tata Selo. bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na
naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay
“Umuwi na po si Saling, Presidente.” ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y
dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na
“Kailan?” hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng
mga papel sa itaas.
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang
“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?” bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. “Don ka suguro
“Tatlong buwan na po.” ikukulong.”

“Bakit siya umuwi?” Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming


sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. paligid niya’y natutuyong tamak-tamak na tubig.
Naiiyak na napayuko siya. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na
paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong
“May sakit po siya.” mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked.
Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw
sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa ang sartin ng maiitim na kape at isang losang
simbahan na katapat lamang ng munisipyo—ay kanin. Nilalangaw iyon.
umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si
Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy
ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at
Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po
ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.”
“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni
Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde.
halos mangudngod si Tata Selo. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya
ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok
“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang
umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata lalo nang nakiling ito.
Selo.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang
Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may
kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa
Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. bagong langkay na dumating at titingin kay Tata
Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang
“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala,
Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan
tinungkod…” ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang
nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin pangkaraniwang hayop na itatanghal.
ang dalawang pulis.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig
Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak na may tila gumigising sa kanya.
ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama,
mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na “Tata Selo…Tata Selo…”
humagulgol.
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
ipinatawag sa kanyang tanggapan. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na
Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos umabot sa kanya.
buhatan siyang dalawang pulis.
“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na
nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa
babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik,
Nagyakap ang mag-ama pagkakita. pagkaraa’y takot at bantulot nang sumunod…

“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat
Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso
ka!” nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel
matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng
ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y
nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas
namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang
mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw
nakatinging pulis. siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit
hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y
“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.
mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak.
Huwag, huwag ka nang magsasabi…” Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,
sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat,
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…
siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa
istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid.


“Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?”

“Naki-mayor.”

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis


si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang
siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling
ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked,
humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit
na humawak doon at habang nakadapa’y ilang
sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag siya ng
mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga
pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas,
bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong
Marxismo

Ang naunang marxismo na base sa idea ni mga manunulat na pagsamahin ang pormalismong
Karl Marx at Friedrich Engels ay isang ideolohiyang porma at marxistang nilalaman.
may layong ibalik sa humanisadong kondisyon ang Mahalaga ang naging kontribusyon ni
dehumanisadong tao partikular na ang uring Althusser sa paghila sa marxismo sa
manggagawa na siyang epekto ng direktahang istrukturalismo. Sa kanyang pananaw hindi na
relasyon sa pagitan ng ekonomiko (base) at masyadong naging mahalaga ang indibidwal,
ideolohiya (superstructure). Ang huling marxismo, tiningnan niya lamang ang pagiging bahagi ng
na sinimulan ni Louis Althusser ay naglalantad ng indibidwal sa kolektibong pananakop at
ideolohiya sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng pagpapagalaw ng ideolohiya. Kay Althusser, ang
mga aparatus sa lipunan na siyang nagpapanatili at ideolohiya ay isang ‘sistema ng representasyon’ na
bumubuhay ng hegemonya ng naghaharing-uri at nagpapanatili ng hegemonik na uri at kaalaman.
ekonomikal na sistema---ang kapitalismo. Kay Antonio Gramsci, ang ‘hegemony’ ay isang uri
Ang klasikal na marxismo ay may ng kontrol na nakapaloob sa lipunan na
fantasyang malikha ang tinatawag na ‘utopia’ o ipinapalabas na ang lahat ng kaalaman ay ‘natural’
‘classless society’ kung saan mayroong at palaging ayon sa ‘common sense.’ Ang mga
komonalidad sa pagmamay-ari sa ilalim ng estado. hindi pasok sa kaalamang ito ay nade-decenter o
Deterministiko ang pilosopiyang marxismo at nama-marginalized. Sa gawaing ito ng sentro
naglalayong mag-akda ng pagbabago. Kaya nga’t mahalaga ang tinatawag na
ang palaging hanap sa texto ay ‘social relevance’ at ‘symptomatic’(paghahanap sa piniping kaalaman at
tunggalian ng uri (class conflict). Sa tunggalian paglalantad ng ideolohiya) na pagbasa para
naipapakita ang alyenasyon ng uring manggagawa mailantad ang proseso ng ‘interpellation’ (pagsakop
at kung saan ang humanidad o katauhan ay sa subject na walang pwersahan) sa subject.
naisasawalang-bahala. Ginagamit sa analisis ang Inimbento ni Althusser ang konsepto ng
tinatawag na diskurso ng ‘dialectical materialist’ Ideological State Apparatuses (ISAs) na
para malikha ang marxistang idea. nagrerepresenta ng mga institusyong mapaniil at
Sa kritisismong marxista ina-assume na ang mapanakop simbahan, eskwelahan, medya,
pagsusulat ay hindi hiwalay sa subject-position ng pamilya, sining, panitikan at iba pa. Gamit ang
awtor. Maaaring ilantad ng kanyang texto ang mga pamamaraang dekonstraksiyon at
kanyang pagsandig sa hegemonik na sistema. postmodernismo naisasadiskurso ng marxistang
Tinutumba ng marxismo ang pormalismo dahil pagbasa ang ang lantad at nakatagong texto sa
inilalayo ng mga porma at pananaw na nabanggit mga akdang pampanitikan at naipapalitaw ang
ang kritikal na pagtasa sa realidad. Pinapaboran hegemonik na ideolohiyang kinasasandigan,
ang ‘social realism’ na naglalantad ng pinapalaganap at pinapanatili nito---ang gitnang uri
kontradiksyon at ilusyon sa lipunan. Sa kabilang at kapitalistang sistema.
banda, may mga pagsusumikap din sa panig ng Ang Pananaw Marxismo ni Karl Marx at
Freidrich Engels
Sa pananaw Marxismo, binibigyang-diin ang
tunggalian at ang labis na pagkakaiba ng mga uri
sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng malawakang
solusyon sa kawalan ng katarungan sa
pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang
magpapalaya sa mga manggagawa.

Ang panitikan sa ganitong pananaw ay


instrumento ng pagbabago o behikulo upang
gisingin ang kamalayan ng tao sa kanilang
kalagayang api.

Mga Katangian ng Akdang Kababakasan ng


Pananaw Marxismo:

Hindi maihihwalay ng kritiko ang akda sa


konteksto nito sa lipunan at sa panahong naisulat
ito.
Maaring maihiwalay ang laman (content) at
anyo (form) ng akda sa pagsusuri.
Mahalagang kilalanin ang manunulat ng
akda, ang uring kanyang kinabibilangan, at ang
mga impluwensya sa kamalayan niya.

You might also like