Professional Documents
Culture Documents
lumpati
ng Komisyon
sa Inagurasyon
sa Wikang
ni Pangulong
Filipino) Rodrigo R. Duterte
Talumpati sa Panunumpa
ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte
Palasyo ng Malacañang ǀ 30 Hunyo 2016
Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo
ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada, ng Senado Franklin Drillon at mga
miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng
Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga
Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga
miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete;
mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan; mga kababayan.
Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay
na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng
mga mamamayan na tungkulin niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.
Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na
rito ang administrasyong ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng
mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang
pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na
iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon
na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at
mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na
bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang
kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo.
Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang
malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng
lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa
kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon.
Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga
iyon sapagkat kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang
ipinahihintulot ng batas.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay
mali.
Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao
at ang ibá pa na mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa
isang uri ng pamamahala na umaalinsunod sa itinatadhana ng batas. Magiging
malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay
na Pagbabago. Tinud-anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa
akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang nása aking isip hindi lámang para
sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga kabag-
uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito
patungo ang ating gobyerno).”
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan
ng mga táong uhaw na uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang
pagbabago, kung nais na maging permanente at makabuluhan, ay dapat na
magsimula sa atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili.
Dahil dito, dapat na may tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “
Hindi mo mapalalakas ang mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas;
Hindi mo matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng
mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila
pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan
ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”
Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad,
upang matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga
Filipino, ang pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang
lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga
mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang
paglilingkod sa bansa.
Ana Lee
Home
20+
Friend Requests
1Messages
1Notifications
January 4, 2011Talumpati ni
BENIGNO S. AQUINO III
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
[Sumangguni sa pagkabigkas]
...