You are on page 1of 3

EL FILIBUSTERISMO

I. El Filibusterismo

a. May Akda -Dr. Jose Rizal

b. Talambuhay

-Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Reolonda

-Hunyo 19, 1861 - Disyembre 30, 1896 (35 taong gulang)

-ipinanganak sa Calamba, Laguna. -ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.

- Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral
ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.

- Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit.
Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na
Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.

- Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.

-isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong


panahon ng pananakop ng mga Kastila.

- Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng
Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

II. Mga Tauhan

• Joseph Ison bilang Don Simoun

- ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik.

• Shermaine Santiago bilang Maria Clara

- ang iniibig ni Ibarra/simoun

• Alvin Mañago bilang Basilio

- ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.

• Rona dela Rama bilang Juli

- anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

• Christian Tan bilang Isagani

- ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

• Paulyn Del Rosario bilang Paulita Gomez


- kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

• Pet Yanga bilang Padre Salvi / Tales / Quiroga

- ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

• Algene Mañago bilang Padre Camorra

- ang mukhang artilyerong pari.

• Sonny Alcantara bilang Padre Irene / Maestro / Paring Administrador / Propesor

- ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

• Bernard Carritero bilang Kapitan Heneral / Padre Florentino

- ang amain ni Isagani.

• Leo Bruno bilang Mr. Leeds / Cho Nga / Kapitan Basilio / Timoteo Pelaez

- ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila.

• Janna Trias bilang Doña Victorina

- ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

• Angelo Galang bilang Macaraig / Tano / Kapitan ng Bapor

- ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang


Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

• Jen Rae Cordero bilang Sandoval / Don Custodio

- ang kilalá sa tawag na Buena Tinta.

• Ardrich Reta bilang Juanito Pelaez / Ben Zayb

- ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila.

• Gerome Quiaoit bilang Tadeo / Padre Sibyla –

• Timmy Cabanero bilang Placido / Guwardiya 2 / Kalihim

- ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

• Joyce Gabion bilang Hemana Bali / Penchang / Madre Superyora / Kabesang Andang

• Richard Gutierrez as Tata Selo / Imuthis

- ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

IV. Buod
V. Mensahe

Nais iparating ng nobelang El Filibusterismo sa mga Pilipino ang paghihiganti ay hindi nagdudulot ng
kabutihan sa bayan at hindi kailanman mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Ito din ay nag papakita ng
pag mamahal sa bayan. Ginigising din ng nobelang ito ang mga Pilipino sa katotohanan o mamulat ang
mga Pilipino na hindi dapat tayp nag papasakop sa ibang mga lahi, na dapat natin ipakita ang ating pagka
Pilipino at pagmamahal sa bayan na kailan man ay hindi natin ito isusuko sa kanila. Pinakita din dito ang
pagmamahal sa pamilya gayun din sa kasintahan na kahit na gaano katagal na hindi nag sama ang
dalawang nag mamahalan ay nananatili ang kanilang pag ibig sa isa't isa.

VI. Reaksyon

Labis akong nagagalak at aking ipinagmamalaki ang aking kapwa Pilipino dahil sila ay patuloy na
itinatanghal ang nobelang ito. Dahil dito, nananatiling buhay ang ating kultura at nanantili itong buhay
sa bawat henerasyon. Dahil sa kanilang pag tatangghal, ang mga kabataan ngayon ay nakikilala parin ang
ating pambansang bayani gayun din ang mga ipinagmamalaki nating kasaysayan. Tungkol naman sa
nobela, labis akong namangha sapagkat ito ay punong puno ng aral lalong lalo na sa mga kabataang
Pilipino upang mag silbi itong inspirasyon para mas mahalin ang ating bansa.

You might also like