Professional Documents
Culture Documents
Ang naimpok ni Basilio ay pangtubos kay Huli. Dito matututunan natin na makapangyarihan ang pag-ibig.
Mapagtatanto rin natin sa kabanata na ito na ang mga estudyante ay kayang ipakulong ng sarili nilang
eskwela't simbahan. Mababa ang tingin ng mga prayle sa mga estudyanteng Pilipino at wala silang
pakialam kahit ipakulong pa ang mga ito. Ang mga mapang-abuso sa kapangyarihan ang siyang nagiging
dahilan ng pagkakaroon ng mga pagkamatay ng mga taong mabubuti at pagiging tulisan ng mga taong
ang hangad lamang ay mabuti.
Ipaglaban natin ang mga bagay na sa tingin natin ay tama at nakakabuti para sa atin. Matuto tayong
tumupad sa mga responsibilidad at tungkulin natin. Tumanggap tayo ng pagkukulang at mga
pagkakamali. Ngkaroon ng pagtatalo sina Isagani at Padre Fernandez hinggil sa mga suliranin at
kahilingan nga mga estudyante. Nais ng binatang tuparin ng mga pari ang kanilang tungkuling turuan at
akayin ang mga kabataan sa maayos na landas. HInihiling ni Isagani na bigyan sila ng kalayaang makalikha
ng isang bayang marangal, matalino at matapat. Ipinagtanggol ng pari na hindi sila nagpapabaya sa
tungkuling bagkus ang kabutihan ng mga estudyante ang lagi nilang iniisip.
Kabanata 29; Ang Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago
Dahil sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago marami ang nalungkot at meron din namang mga natuwa sa
kadahilanang iyon. Marami ang nakatanggap ng pinaghatitian na salapi mula sa naiwang yaman ng
kapitan ngunit ang aral na mapupulot dito ay may mga taong lulubusin ang pagkawala natin na minsan
kahit may malalim na rason sa likod ng lahat na ito hindi ito sapat para sabihing ang pagkawala ng isang
tao ay nararapat lamang sa kanya.
Kabanata 30; Si Huli
Napagtanto ko mula sa kabanata na ito ang mga sumusunod, una may mga pag-ibig na sadyang wagas.
Pangalawa, hindi lahat ng nasa simbahan ay banal at may malilinis na intensyon. Pangatlo, ang mga
mapang-abuso sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga pagkamatay ng
mga taong mabubuti at pagiging tulisan ng mga taong ang hangad lamang ay mabuti. Panghuli, may mga
taong nawawalan ng pag-asa at hindi dapat sila pinapabayaan dahil mayroon tayong mga moral na
obligasyon. Lahat ng buhay ay mahalaga.
Mas mahalaga ang karangalan kaysa sa posisyon at anumang kayamanan. Ipinakikita na hanggang
ngayon ay pang-aapi sa dukha ang larawan ng katarungan sa ating bansa.
Ang aral na mapupulot sa kabanatang ito na bunga ng paskil ay huwag nawa’y maging makasarili
sapagkat ang pagkamit sa isang bagay na hindi sa maayos na paraan ginawa ay hindi tama at walang
maitutulong na maganda sa kapwa na mas mapapalala lamang nito ang mga nangyari at ang mga ito ay
pansariling kagustuhan lamang.
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng dalawang kaisipan o aral. Una, ang paghihiganti ay walang
maidudulot na buti kaninuman. Ang mga masasamang plano ay maaaring magdulot ng kapahamakan ng
lahat, kasama ang mga inosenteng tao. Ikalawa, hindi maitutuwid ng mabuting hangarin o layunin ang
isang masamang gawain. Tandaan natin na ang paggawa ng masama ay mananatiling masama, kahit ano
pa man ang dahilan o layunin nito.
Ang pag iiba ng kwento sa mga pangyayari ni Ben Zayb ay ipinapakitang marami ang kasinungalingan na
pinaniniwalaan ng karamihan. Mali ang ginawang iyon ni Ben Zayb dahil hindi niya inilalahad sa
pahayagan ang totoong nangyari bagkus pinagtatakpan niya ang kabulukan ng pamahalaan at mga
namumuno noon. Talagang ipinapakita lamang sa kabanatang ito ang walang katapatang pagbabalita
noong panahong iyon.
Sa kabanatang ito ipinapakita ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na siyang impluwensya ng mga
Kastila. Ngunit namana rin ng ilang mga Pilipino ang pagkubli ng kanilang masasamang hangarin at mga
pansariling interes sa pamamagitan ng pagkakaroon ng posisyon sa lipunan at pagiging mapagpanggap
na mabait (gaya ni Isagani). Makikita rin dito ang kultura ng mga Pilipino na dapat at may ibigay na mga
regalo sa ikakasal. Ngunit pati ang kultura ng pag-kalat ng mga tsismis, kur-kuro at mga hakahaka ay
makikira rin dito.
Ang aral na aking natutunan sa kabanata na ito ay ang matinding hirap ng maging isang bilanggo kaya
dapat iwasang gumawa ng masama para hindi makulong, at ang posibilidad na ang sarili mo pang
kababayan o kadugo ang maaaring gumawa ng masama sa iyo.
Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan. Sa huli ay
kabutihan pa rin ang nanaig. Sa kabanatang ito ay ipinagtapat ni Simoun ang ang kanyang tunay na
katauhan .Tinanong niya sa pari kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos na isakatuparan ang plano at
ang sagot ni Padre Florentino ay dahil masama ng kanyang pamamaraan. Tinanggap ni Simoun ang mga
sinabi ng pari. Kailangan maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.