You are on page 1of 18

I.

KABANATA 21
a. Buod
 Itatanghal ng Operetang Pranses ang kanilang palabas na nagngangalang “Les
Cloches de Corneville.”
 Nagkakaroon ng mahabang pila sa may takilya at entrada general dahil nais din
ng mga taong huling dumating na makapasok sa Teatro de Variedades, ang
tanghalan.
 7:30 pa lamang ng gabi ay nagkakaroon na ng ubusan sa mga bilyete at
pagdating naman ng 7:45 ay malaki na ang halagang iniaalok para sa mga
upuan.
 Kumapal na rin ang mga tao sa may pasukan at nakaiinggit pagmasdan ang mga
taong dumating nang maaga.
 Tawanan, bulungan, at batian naman ang maririnig mula sa mga taong huling
dumating sa labas ng teatro.
 Samantala, mistulang may isang taong hindi nahahawa sa pagkasabik ng mga
taong makapanood ng palabas. Siya ay si Camaroncocido na nagmula sa tanyag
na angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na parang pulubi. Ito ay makikita sa
kanyang pananamit.
 Habang naglalakad-lakad sa may teatro ay binati siya ng kanyang kaibigan na si
Tiyo Kiko na tila kabaliktaran niya. Si Tiyo Kiko ay isang Pilipino na kung mag-
ayos ay mapagkakamalang Kastila. Sinabihan niya si Tiyo Kiko na malaki ang
binayad sa kanya ng Opereta para sa kanyang magdidikit ng paskil na
nagpatanyag sa palabas.
 Sinabi naman ni Camaroncocido na kung malaki ang bayad kay Tiyo Kiko, gaano
pa kaya kamahal ang binayad sa mga prayle na may kagagawan raw ng
pagdagsa ng mga tao. Ito raw ay dahil tutol ang mga prayle sa pagtatanghal
kaya naman inisip ng mga tao na mayroon silang matututunan sa palabas.
 Ang iba pang mga tutol sa pagtatanghal ay sina Don Custodio, at iba pang mga
ginang na may asawa na ayaw makakita ng kahalayan. Samantala naman, ang
mga sang-ayon sa pagtatanghal ay sina Ben Zayb, mga kalalakihan na may
matataas na pwesto sa pamahalaan, at mga kababaihan na walang kasintahan.
 Pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Tiyo Kiko, umalis na si Camaroncocido
ngunit napansin niya na may nagsidatingan na mga taong di kilala na di
mapakali at mukhang noon lang nakapagsuot ng amerikana. Sila ay
naghuhudyatan sa pamamagitan ng pagkindat at pag-ubo. Nag-isip si
Camaroncocido kung ang mga kahinahinalang taong ito ay espiya o magnanakaw
ngunit ipinagkibit-balikat lang niya ito.
 Narinig din ni Camaroncocido si Simoun na nakasakay sa kanyang karwahe na
nagsabi ng “Ang hudyat ay isang putok.”
 Pagkatapos marinig iyon ay sinabi niya na may pakana at dapat ingatan ang
bulsa ngunit noong kinapa niya ang kanyang bulsa at nalamang wala naman
itong laman ay ipinagkibit-balikat niya rin ang bagay na ito.
 Samantala, makikita rin si Tadeo na may kasamang tagabayan na walang
kaalam-alam sa mga pangyayari sa Maynila kaya naman ginawa itong
pagkakataon ni Tadeo upang magpasikat sa pamamagitan ng pagsabi na kilala
siya ng mga taong tanyag at makapangyarihan sa lugar na iyon
b. Mahalagang Aral
 Dapat gawin natin hindi lang ang mga bagay na makabubuti para sa atin, kung
hindi para rin sa ikabubuti ng ibang tao. Dapat din tayong makuntento sa kung
sino man tayo at hindi tayo dapat magsinungaling tungkol sa ating sarili gaya ni
Tadeo. Hindi rin dapat pinagsasamantalahan ang mga taong mas kaunti ang
kaalaman kaysa sa atin.

II. KABANATA 22
a. Buod
 Marami nang tao ang nasa loob ng teatro at kakaunti na lamang ang mga upuan
at palko na walang laman. Hindi pa rin dumadating ang Kapitan Heneral kahit
gumagabi na.
 May mga nagsasabi na kaya dadating ang Kapitan Heneral ay dahil hinahamon
siya ng simbahan o di kaya naman ay nais niya talagang manood.
 Samantala, habang di pa nagsisimula ang palabas, naiinip na ang mga tao, at
nagsisimula na ang mga ingay, nagkaroon naman ng eksena sa pagitan ni Don
Primitivo at ang taong umagang ng kanyang palko noong umalis lamang siya
nang saglit.
 Bilang hudyat ng pagdating ng Kapitan Heneral ay tumugtog na ang marcha
real. Sa wakas ay makapagsisimula na ang palabas.
 Naroon ang mga mag-aaral ng unibersidad gaya ni Isagani, Makaraig, Tadeo,
Pecson, at Sandoval. Kasama rin ni Makaraig si Pepay na makikipagkita kay Don
Custodio upang kumbinsihin ito na pumanig sa mag-aaral sa pagdedesisyon ukol
sa wikang akademya.
 Dahil dumating si Don Custodio sa palabas upang makipagkita kay Pepay, sa
kabila ng kanyang malakas na pagtututol dito ay naging resulta nito ang
pagpaparinig sa kanya ni Don Manuel na madalas niyang kaaway sa
ayuntamiento.
 Kumbinsido naman si Sandoval na magiging positibo ang resulta at balita na
dadalhin sa kanila ni Pepay pagkatapos nitong makipagkita kay Don Custodio.
 Samantala naman, malungkot at malamig ang pagtanggap ni Isagani sa kung
sino man ang kumakausap sa kanya dahil masama ang kanyang loob kay Paulita.
Napag-usapan na kasi ng dalawa na si Isagani muna ang manonood ng palabas
kung sakaling mayroon itong kahalayan na hindi dapat makita ng isang dalaga
ngunit laking gulat na lamang niya noong nakita niya si Paulitang pumasok sa
tanghalan kasama ang kanyang tiya na si Donya Victorina at ang kanyang karibal
na si Juanito Pelaez.
 Nagkaroon din ng sama ng loob si Paulita kay Isagani matapos siyang hindi
pansinin ng binate at sa halip ay nakatutok ang atensyon sa magandang
mananayaw na si Gertrude.
 Makikita sa palabas ang kahalayan at ang pagnanais ng ibang mag-aaral sa mga
babae. Makikita ito sa tuwing hinihintay ng mga mag-aaral ang pagsayaw ng
mga babae ng “cancan.”
 Nagkukunwari naman si Juanito na marunong magsalita ng Pranses sa
pamamagitan ng pagmamasid sa isang grupo ng tao na marunong ng Pranses at
paggaya sa mga reaksyon nito. Nagsimula naman ang pagtingin ni Donya
Victorina sa binate dahil ito raw ay maginoo at maraming alam.
 Noong matapos ang palabas ay nakipagkita na si Pepay kay Don Custodio ngunit
ang resulta ng desisyon ay hindi katuwa-tuwa sa mga mag-aaral kaya naman
napag-isipan nilang pumunta na lamang sa isang pansiterya at doon ikain ang
kanilang pagkabigo.

b. Mahalagang Aral
 Dapat matuto tayong magpahalaga sa oras hindi tulad ng Kapitan Heneral na
naging paimportante sa pamamagitan ng pagdating nang huli sa palabas.
Tandaan din natin na ang hindi pagkakaunawaan ang pangunahing sanhi ng pag-
aaway at samaan ng loob sa pagitan ng isang magkasintahan. Panghuli, may
mga pagkakataon na hindi aayon sa ating mga gusto ang pangyayari ngunit
dapat ay maging positibo pa rin tayo.

III. KABANATA 23
a. Buod
 Si Simoun at Si Basilio ay hindi pumunta sa tanghalan.
 Hindi nakapanood ng palabas si Basilio dahil inaalagaan niya si Kapitan Tiyago
na lubha na ang sakit dahil sa labis na pagkahumaling sa opyo. Nagdadalawang-
isip ang binata kung bibigyan niya pa ba ng opyo si Kapitan Tiyago dahil siya ay
sinasaktan nito kapag ito’y nakukulangan sa opyo at bumabait naman sa kanya
tuwing bibigyan niya ng opyo.
 Napagdesisyunan na lamang ni Basilio na alagaan na lamang na abot sa kanyang
makakakaya si Kapitan Tiyago.
 Noong gabi ng palabas, nag-aaral si Basilio ng medisina sa kanyang silid.
Napansin niya ang mga aklat nab ago at hindi pa nabubuksan na tungkol sa
rebolusyon at naalala niya ang napag-usapan nila ni Simoun sa kagubatan.
 Noong oras na iyon ay bigla namang dumating si Simoun sa kanyang silid na
ikinagulat at ikinatakot ni Basilio. Napansin si Simoun na hindi pa binabasa ng
binata ang mga aklat na binigay niya at sinubukan niyang kumbinsihin muli si
Basilio na tuloy lang ang pagkukuwento tungkol sa may sakit na si Kapitan
Tiyago.
 Sinabi ni Simoun na kung si Basilio ay hindi sasapi sa kanila ay siya’y
mamamatay ngunit kung siya ay sasapi, magkakaroon pa rin siya ng
kinabukasan.
 Nabanggit din ni Simoun na kung sasapi si Basilio sa rebolusyon ay siya ang
magbubukas ng mga pinto ng kumbento upang kunin si Maria Clara ngunit
napuno naman ng pighati ang mag-aalahas noong sinabi ng binata na namatay
na si Maria Clara noong araw ring iyon.
 Umalis si Simoun na puno ng pighati.
b. Mahalagang Aral
 Dapat natin gantihan ng mabuting kalooban ang mga taong nagpakita rin sa atin
ng kabutihan dahil ito ay kalugud-lugod sa Diyos. Kahit anong pahirap ang
ipadanas sa atin ng ating mga magulang ay dapat natin silang pagsilbihan sa
kanilang pagtanda o sa oras na sila ay may sakit. Hindi man totoong magulang
ni Basilio si Kapitan Tiyago ay siya pa rin ang nagpalaki rito. Panghuli, gawin na
natin ang ating makakakaya at sabihin na natin sa ating mga mahal sa buhay na
sila ay mahal natin dahil hindi natin alam kung kalian sila mawawala sa mundo.

IV. KABANATA 24
a. Buod
 Dahil nagkatampuhan sila sa palabas, naisipan ng magkasintahang Isagani at
Paulita upang pag-usapan ang mga naramdaman nila at mga naganap sa teatro.
 Naunang dumating si Isagani sa kanilang tagpuan at habang naroroon napag-
isipan niya kung gaano niya talaga kamahal si Paulita.
 Dahil siya ay isang natural na makata, inihambing ni Isagani ang mga nakikita
niya roon sa estado ng Pilipinas.
 Kilala ni Isagani si Paulita kaya naman naisip niya na hindi na siya magugulat
kung sakaling hindi sumipot si Paulita sa napag-usapan nilang oras at lugar.
 Malapit na gumabi at hindi pa rin dumadating si Paulita ngunit sa galak ni
Isagani ay kahit nahuli, dumating pa rin si Paulita.
 Pumunta si Isagani sa tagpuan na nasa isipan na hihingi siya ng paliwanag mula
kay Paulita kung bakit dumating siya kasama ni Juanito Pelaez ngunit sa halip
ay nabaliktad ang ayos. Naunahan ni Paulita si Isagani at ang nangyari ay si
Isagani ang nagpaliwanag kung bakit nakatuon ang atensyon niya kay Gertrude
noong palabas.
 Pagkatapos noon ay inilarawan ni Isagani ang kanyang tahanan na malayo sa
lungsod. Lubos ang papuri niya rito na ikinairita naman ni Paulita dahil gusto ng
dalaga na siya lamang ang pinupuri ni Isagani.
 Sinabi rin ni Isagani kay Paulita ang pangarap niya para sa Pilipinas at para sa
kanilang dalawa. Sinabi niya na sa oras na ikinasal sila ni Paulita ay dadalhin
niya ang dalaga sa kanyang tahanan at doon sa kabundukan na sila titira.
 Dahil dito, napaisip si Paulita dahil alam niyang mahirap at madumi ang daan
papunta sa bahay ni Isagani sa probinsya.
 Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na
maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña
Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez.

b. Mahalagang Aral
 Ang pinakamagandang paraan upang maayos ang isang di pagkakaunawaan ay sa
pamamagitan ng pag-uusap tungkol dito. Magandang magkaroon ng mga
pangarap dahil ito ang nagsisilbing tagatulak sa ating magsikap upang makamit
natin ang mga pangarap na iyon. Dapat din ang mga pangarap ay hindi lamang
makabubuti sa’yo kung hindi pati rin sa iba at sa bansa.
V. KABANATA 25
a. Buod
 Hindi pa man tapos ang palabas ay umalis na ang mga bigong mag-aaral upang
“ipagdiwang” ang kanilang pagkatalo sa Pansiteria Macanista de Buen Gusto
kung saan sila nagtatawanan at nagbibiruan na halatang pilit naman.
 Sa ikalawang pagkakataon noong gabing iyon ay wala na naman si Basilio na
ayon kay Tadeo ay masayang lasingin dahil maraming nalalaman na sikreto na
maaaring ilabas sa kanilang lahat.
 Maraming handing pagkain sa pagtitipon na iyon na gaya ng pansit lanlang na
inialay nila kay Don Custodio; lumpiang intsik na inialay nila kay Padre Irene;
tortang alimango na inialay naman nila sa mga prayle; at pansit gisado na
inialay nila sa pamahalaan at sa Pilipinas. Mayroon din namang nag-alay ng
pansit gisado kay Quiroga na nais magtatag ng konsul.
 Dahil sa ilang maliliit na pagtatalo kung kanino iaaalay ang mga handa, inatasan
ni Makaraig si Tadeo upang magtalumpati ngunit wala naman siyang naihanda
na talumpati kaya sinimulan na lang niyang ibigkas ang natutunang talumpati sa
paaralan.
 Tinutulan ni Sandoval ang pagtatalumpati ni Tadeo dahil ito nga ay hindi niya
orihinal na talumpati ngunit nagpatuloy pa rin siya.
 Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung saan, sila raw
ay kasa-kasama natin mula pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat
daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan nila.
 Sa huli, ang lahat ay nagkagulo dahil sila pala ay minamatyagan daw ng sabi-
sabing tauhan ng Vice Rektor.

b. Mahalagang Aral
 Sa oras ng kabiguan maganda pa ring maging positibo dahil ito ang nagbibigay
sa atin ng lakas upang magsimula muli at hindi sumuko. Tandaan din natin na
ang taong natural na masayahin ay hindi madaling matatalo ng anumang
pagsubok sa buhay. Panghuli, magandang idaan na lamang sa mga tawanan at
kasiyahan ang mga problema upang hindi tayo lalong masakta sa ating mga
kabiguan.

VI. KABANATA 26
a. Buod
 Maagang gumising si Basilio upang pumunta sa ospital, unibersidad, at kay
Makaraig.
 Tumungo siya sa ospital upang dalawin ang mga may sakit at pagkatapos ay
tutungo siya sa unibersidad upang pakialaman ang kanyang linsensiyatura at
ang kanyang pagtatapos.
 Pagdating niya sa unibersidad ay nalaman niyang nagkaroon ng kaguluhan at
marami ang mga usap-usapan tungkol sa isang pag-aalsa na iniugat naman agad
ni Basilio kay Simoun sa kanyang isipan kaya naman siya’y kinabahan.
 Nadaanan niya ang isang propesor na malapit sa kanya na nagtanong sa kanya
kung kasama ba siya sa piging at nagsabi sa kanya na sirain niya ang lahat ng
kasulatang magdadawit sa kanya sa grupo ng mag-aaral na gumawa ng
kaguluhan.
 Tinanong ni Basilio ni Basilio kung may kinalaman daw si Simoun sa pakanang
ito ngunit sinabi sa kanya na wala raw kinalaman ang mag-aalahas. Tinanong
din ng binate kung kasangkot baa ng mga tulisan ngunit pawang mga mag-aaral
lamang daw ang may kasalanan.
 Nakasalubong ni Basilio si Sandoval na hindi siya pinansin, si Tadeo na sigaw
nang sigaw sa tuwa dahil wala raw pasok, at si Juanito na pinagpilitang maging
saksi si Basilio sa kanyang pagiging inosente.
 Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa
pangyayari. Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming
ikinatakot ni Basilio para sa kanyang kaibigan.
 Pagkaalis niya sa unibersidad ay tumungo naman siya sa bahay ni Makaraig
upang mangutang ngunit nakita siya ng mga guwardiya sibil na nakabantay sa
labas ng bahay ng kaklase kaya naman hinuli siya kasama ni Makaraig na
mistulang hindi nagagambala na siyang ikukulong din.

b. Mahalagang Aral
 Kung ikaw ay tunay na inosente o malinis talaga ang iyong hangarin, hindi ka
dapat matakot sa mga nang-uusig sa iyo at sa halip ay dapat kang manatiling
metatag. Dapat din nating tandaan na sa oras ng pagsubok ay dapat tayong
maging metatag upang hindi tayo sumuko o mapuno ng pighati dahil sa mga
nadadanasa nating suliranin.

VII. KABANATA 27
a. Buod
 Narinig ni Padre Fernandez ang talumpati ni Isagani mula sa kanyang silid kaya
naman pinatawag naman niya ito.
 Malaki ang respeto ni Isagani at ni Padre Fernandez sa isa’t isa kaya naman
naisipan nilang mag-usap o magtalo nang mahinahon tungkol sa mga suliranin
ng Pilipinas lalo na ng mga mag-aaral.
 Pinarating ni Isagani kay Padre Fernandez na nais niya sanang tuparin ng mga
prayle ang kanilang tungkulin na maghatid ng kaalaman, turuan, at akayin ang
mga mag-aaral sa tamang patutunguhan. Nais din daw ng mga mag-aaral, ayon
kay Isagani, na bigyan sila ng pantay na karapatan at kalayaang matuto upang
makapagtayo ng isang maunlad na pamayanan.
 Sinalungat naman ito ni Padre Fernandez sa pamamagitan ng pagsasabi na
tinutupad naman ng mga prayle ang kanilang tungkulin ngunit ang pagkakaiba
ay naniniwala ang mga prayle na tanging ang mga karapat-dapat lamang ang
bigyan ng maayos na edukasyon at hindi ang mga yaong masasama ang budhi.
 Hindi sumang-ayon dito si Isagani. Binatikos ng binata ang paraan ng
pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.
 Dahil nararamdaman na niyang malapit na siyang matalo sa usapan, ginawa na
lamang dahilan ni Padre Fernandez ang pamahalaan sa mga pagkakamaling
ginawa niya at ng mga prayle.
 Kahit na hindi niya tinatanggap ang ilang mga punto ni Isagani, sa kalooban niya
ay humahanga siya sa binata at kinaiinggitan niya ang mga Heswita na nabigyan
ng pagkakataong maturuan si Isagani.

b. Mahalagang Aral
 Kung alam naman natin kung ano ang totoo at tama, dapat natin itong
ipaglaban dahil makabubuti ito di lamang sa ating sarili, kung hindi pati sa
ibang tao. Ngunit sa oras naman na sabihin natin kung ano ang totoo dapat ito’y
panindigan natin at huwag tayong manisi ng iba kung sakaling mali ang ating
akala. Matuto rin dapat tayong tumupat sa mga tungkulin natin, pati na ang
pagtanggap sa ating mga kakulangan at pagkakamali.

VIII. KABANATA 28
a. Buod
 Ipinakita sa kabanatang ito ang iba’t ibang reaksyon ng mga tao ukol sa
pagkakadisubre ng mga paskin na nagdulot na napalaking tension. Pati ang mga
Intsik na dati ay pawang walang pakialam ay gumagawa na rin ng mga paraan
upang maging handa kung sakaling biglang sumiklab ang rebolusyon. Isa na sa
mga Intsik na ito si Quiroga.
 Pinuntahan ni Quiroga si Simoun upang tanungin kung ano na ang gagawin sa
mga armas na nakatago sa kanyang tindahan ngunit hindi niya nagawa ito
sapagkat ayaw tumanggap ng kahit sinong bisita ang mag-aalahas. Pinuntahan
niya rin sina Don Custodio at Ben Zayb ngunit ang dalawang ito ay abala rin sa
paghahanda sa “darating” na pag-aalsa.
 May mga pumupilit na sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga may pakana ng
katatakutang iyong at mayroon din namang nagsasabi na magpakalat na lamang
ng guwardiya sibil at tiyak babalik na ang takot ng mga Indio.
 Sunud-sunod na ang mga pinag-uusapan tungkol sa nasasabing simula ng
rebolusyon. May mga nagsasabi na nakipagsanib daw ang mga mag-aaral sa mga
tulisan at marami pang iba.
 May isang pagkakataon din na mayroong binyag sa simbahan ngunit noong oras
na upang magpaulan ng pera ay nagkagulo ang mga tao upang makakuha at
inakala ng mga guwardiya sibil na ito na ang hudyat ng rebolusyon. Buti na
lamang at marami ang mga sabit-sabit at nagkandabuhol-buhol dito ang armas
ng mga guwardiya at walang masyadong nasaktan.
 Lubha na ang takot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at
napakatahimik ng lugar.
 Ipinakita rin sa kabanatang ito ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago noong
nagbalita ng lubhang nakatatakot at masasamang mga balita si Padre Irene kay
Kapitan Tiyago. Sa sobrang takot ay bumula ang bibig ng matanda, napakapit sa
bisig ng prayle at namatay.
 Sa huling parte ng kabanata ay mayroong nakita si Ben Zayb na bangkay ng
isang babae na mistulang wala nang damit. Isinaisip na niya kung paano niya ito
ibabalita sa pahayagan ngunit kinabukasan ay wala naman lumabas tungkol
dito, pati na tungkol sa mga isyu ng rebolusyon.
b. Mahalagang Aral
 Madalas, ang tao ang gumagawa ng kanyang sariling multo. Ibig sabihin nito ay
tayo-tayo rin ang gumagawa ng ating ikinatatakot. Kahit hindi naman totoo at
sabi-sabi lamang ay agad ating pinaniniwalaan. Dapat din natin tandaan na
hindi lahat ng kwento ay totoo dahil madalas ay kapag ito’y napagsalin-salin ay
naiiba na ang nilalaman.

IX. KABANATA 29
a. Buod
 Matapos ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago ay naatasan si Padre Irene bilang
tagapamahala sa mga pamana ng matanda.
 Bahagi ng mga nasabing pamana ay mapupunta sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at
Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang
mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay
ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing.
 Pinagtalunan ng iba’t ibang tao kung ano ang susuotin ni Kapitan Tiyago,
kagaya ng prak na sinabing suot ng kapitan noong nakita siya ng mga mongha.
Iminungkahi rin ni Kapitan Tinong na pagsuotin si Kapitan Tiyago ng isang abito
ng Pransiskano, ngunit sa huli, ang desisyon ni Padre Irene na pagsuotin na
lamang si Kapitan Tiyago ng isa sa kanyang mga damit ang nasunod.
 Napakarangya ng burol at libing ni Kapitan Tiyago. Ito ay makikita noong
tatlong prayle ang nagdaos ng misang pampatay at maraming kamanyang ang
sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
 Samantalang nainggit naman si Donya Patrocinio sa karangyaan ng burol ni
Kapitan Tiyago kaya ninais niya na ring mamatay upang matapatan ito.

b. Mahalagang Aral
 Dapat nating tandaan na balewala kung ano man ang yaman natin dito sa lupa o
di kaya naman ang karangyaan ng ating burol sapagkat hindi naman natin ito
madadala sa langit. Makikita rin dito mayaman man o mahirap, lahat ng tao ay
mamamatay rin sa huli.

X. KABANATA 30
a. Buod
 Kumalat na ang balita ng pagkakulong kay Basilio kaya naman hindi naiwasan na
malaman ito ni Juli na labis namang nag-alala.
 Nais niyang tulungan ang kasintahan niyang nagpalaya sa kanya mula sa
pagkaalipin kay Hermana Penchang ngunit wala naman siyang kapangyarihan.
 Marami ang nagpayo kay Juli na isa lamang ang paraan upang mailabas si Basilio
sa kulungan at iyo ay humingi ng tulong mula kay Padre Camorra.
 Lubha naman tinatanggihan ng dalaga ang mga payong ito sapagkat ramdam
niya sa kanyang sarili na may mahalay na pagnanasa sa kanya si Padre Camorra
at alam niya na ang kapalit ng pagtulong ng prayle ay ang kanyang puri.
 Gabi-gabi na lamang ay ikinaiiyak niya ang pamomorblema niya sa pagkakulong
ni Basilio hanggang sa binabangungot na siya ukol dito.
 Nabalitaan din ni Juli na si Basilio na lamang ang hindi pa nakalalabas ng
kulungan kaya naman lalong nagambala ang kanyang kalooban.
 Humingi siya ng tulong kay Hermana Bali na tumungo naman sa tribunal na
sinasabing magaling magbigay ng payo ngunit hindi siya nito natulungan. Sunod
na tumungo ang hermana na kasama na si Juli sa hukom tagapamayapa na
nagsabi rin na si Padre Camorra lamang ang makatutulong sa binate.
 Pinilit ni Hermana Bali na pumunta si Juli sa kumbento ngunit ayaw pa rin ng
dalaga. Sa huli ay napilit din siya ni Hermana Bali sa pamamagitan ng
pagpapaalala ng mga maaaring danasin ni Basilio sa oras na hindi ito makalabas
ng kulungan. Nang malaman ni Juli na maaaring ipapatay ang kanyang
kasintahan ay wala na siyang nagawa kung hindi puntahan si Padre Camorra
kasama ni Hermana Bali.
 Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi
maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng
nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Ang babaeng
tumalon ay si Juli samantala ang pangalawa naman ay si Hermana Bali.
 Pinuntahan ni Tandang Selo ang kumbento at hiniling na makita si Juli ngunit
hindi siya pinayagan. Humingi rin ang matanda ng tulong sa kung sino-sino
ngunti wala namang nakatulong sa kanya kaya naman kinabukasan ay dinala
niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod.

b. Mahalagang Aral
 Makikita sa kabanatang ito ang tunay na kapangyarihan ng simabahan. Sa kabila
nito, dapat nating tandaan na hindi lahat ng tao ay may malakas na kalooban
na gawin ang mga bagay na ikinatatakot nila para sa ibang tao. Hindi lahat ng
tao ay marunong magsakripisyo. Ngunit, mayroon din namang mga tao na tunay
na umiibig at handing gawin ang lahat para sa kanilang minamahal kahit na ang
bagay na ito ay mag-uuwi sa kasawian nila.

XI. KABANATA 31
a. Buod
 Sa halip na tungkol sa Pilipinas at sa mga lalawigan nito ang nilalaman ng mga
pahayagan, ang nilalaman nito ay mga balita ukol sa Europa, mga puri sa mga
Kastila at pati sa Operetang Pranses.
 Hindi rin nasali sa pahayagan ang tungkol sa grupo ng tulisan na pinamumunuan
ni Matanglawin na ang totoong katauhan ay si Kabesang Tales.
 Hindi rin nailagay ni napansin man lang ang insidente ukol sa babaeng nahulog
mula sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katunayan na nangyari ang
aksidenteng ito ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang
pagtuloy sa Maynila.
 Halos lahat ng mag-aaral na nakulong ay napalaya na maliban na lamang kay
Basilio na pinagpilitan ng Heneral na iiwan sa kulungan upang mailigtas ang
dignidad at awtoridad ng pamahalaan. Si Basilio ang napili dahil siya ang
iminungkahi ni Padre Irene sapagkat wala na naman daw ang maghahanap sa
binata sapagkat patay na si Kapitan Tiyago.
 Hindi sang-ayon ang mataas na kawani sa pag-iiwan kay Basilio sa kulungan
dahil siya ay naaawa sa binata kaya naman pilit niyang kinukumbinse ang
Kapitan Heneral upang magbago ang isip ngunit hindi pa rin pumapayag ang
Heneral.
 Matagal nang may samaan ng loob sa pagitan ng Heneral at Mataas na Kawani
dahil hindi sang-ayon ang pangalawa sa mga pinaggagagawa ng Heneral at
madalas niyang kinukwestiyon ang mga desisyon ng Heneral.
 Dahil dito, biglang naitanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Kawani kung
kalian aalis ang koreo na nagsilbing pahiwatig na kapag hindi mag-iingat ang
Mataas na Kawani sa kanyang mga sasabihin ay maaari siyang matanggal sa
pwesto.
 Hindi na lamang umimik ang Mataas na Kawani at umalis. Kinausap niya ang
Pilipinong alila na nagbukas ng pinto ng karwahe at sinabing tandaan daw niya
na mayroon din namang mga Kastila na lumaban para sa mga karapatan nila.
 Pagkatapos noon ay iniharap niya sa Kapitan Heneral ang tanda ng kanyang
pagbitiw sa pwesto at saka umalis patungong Espanya sakay sa unang koreong
umalis.

b. Mahalagang Aral
 Hindi tayo dapat magpadala sa diskriminasyon lalong lalo na sa pagitan ng mga
lahi dahil hindi ibig sabihin na parte siya ng ganitong lahi ay masama na rin ang
kanyang kalooban kagaya ng iba. Tulad ng Mataas na Kawani, hindi tayo dapat
magpadala o gumaya sa mga masasamang loob sa paligid natin at kung sa ano
ang tingin nating tama, ang lahat ng ating mga desisyon at aksyon ay dapat
alinsunod dito.

XII. KABANATA 32
a. Buod
 Dahil sa mga nagsipagganap, maraming mga magulang ang nagpauwi sa kanilang
mga anak sa lalawigan upang hindi na muli masangkot sa kaguluhan.
 Marami ang bumagsak noong dumating ang pagsusulit at napakakaunti lamang
ang mga mag-aaral na kasapi ng samahan ng mga mag-aaral ang nakapagtapos
ng pag-aaral.
 Hindi nakapasa sina Tadeo, Pecson, at Juanito Pelaez.
 Dahil si Juanito’y hindi nakapasa, pinatulong na lamang siya ng tatay niya sa
kanilang tindahan.
 Si Tadeo naman ay nagdiwang sapagkat wala nang katapusan ang kanyang
bakasyon.
 Dahil siya ay mapera, mabilis na nakakuha ng pasaporte si Makaraig at
nagmadali siyang lumabas ng bansa patungong Europa.
 Si Isagani naman ay pumasa lamang sa mga itunuturo ni Padre Fernandez at
bumagsak sa iba.
 Tanging si Sandoval lamang ang nakapasa sapagkat nalinlang niya ang mga taga-
litis gamit ng kanyang talumpati.
 Hindi nakakuha ng pagsusulit si Basilio dahil siya’y nasa bilangguan pa rin. Doon
niya nalaman na patay na si Juli at nawawala si Tandang Selo mula kay Sinong
 Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay
madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
 Nabili ng tatay ni Juanito Pelaez ang bahay ni Kapitan Tiyago. Simula noon ay
madalas nang nakikita si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez.
 Nawala naman ang pagmamahal ni Paulita kay Isagani noong nasangkot ang
binata sa isyu tungkol sa mga paskin at napagadesisyunan niya na ang kanyang
bagong mahal ay si Juanito Pelaez. Pagkatapos ng ilang linggo ay mayroon nang
balita ng pag-iisang dibdib ng dalawa.
 Hinihintay ng buong Maynila ang kasal ng dalawa sapagkat ito raw ay magiging
isang marangyang piging na pinamamahalaan ni Simoun at gaganapin bago
umalis ang Kapitan Heneral.

b. Mahalagang Aral
 Lahat ng mga bagay ay may epekto sa ating buhay. May mga pagkakataon na
kahit wala tayong kinalaman sa isang bagay ay nadadamay pa rin tayo sa
epekto. Pinapakita rin sa kabanata ang halimbawa ng hindi tunay na pag-ibig sa
katauhan ni Paulita na iniwan si Isagani dahil lamang sa maliit na pagsubok na
pinagdaanan ng binata.

XIII. KABANATA 33
a. Buod
 Naging abala si Simoun sa pagpaplano at sa pag-aayos ng mga armas na
kailangan para sa binabalak niyang rebolusyon. Nais niya sanang sabayan ang
pag-alis ng Heneral na ayaw nang patagalin pa ang panunugkulan.
 Ibinilin ni Simoun sa kanyang tauhan na kung sakaling may taong dumating na
nagngangalang Basilio ay papasukin agad at pagkatapos ay tumungo na siya sa
kanyang silid upang mag-isip.
 Noong dumating si Basilio ay hindi siya agad nakilala ni Simoun dahil ang laki ng
pinagbago ng binata lalo na sa itsura. Siya kasi ay nakulong sa loob ng apat na
buwan at nakalaya lamang sa tulong ni Simoun.
 Ayon kay Basilio, siguro’y parusa sa kanyang hindi pagsanib noon kay Simoun
ang pagkakulong niya kaya naman napagdesisyunan niya na tuluyan nang
sumapi sa himagsikan.
 Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo kung saan niya ipinakita ang
isang lampara di karaniwan ang pagkakagawa. Ibinatid niya kay Basilio na kaya
hindi karaniwan ang pagkakagawa ng lampara ay dahil hindi lamang ito isang
lampara kung hindi isa talaga itong bomba.
 Pagkatapos nito ay inilahad ni Simoun ang kanyang planong pangbobomba sa
piging at ang plano ng himagsikan. Noong narinig ito ni Basilio ay sinabi niyang
hindi na naman pala siya kailangan sapagkat buo na ang plano ngunit sinabi rin
ni Simoun ang mga kailangang gawin ni Basilio.
 Nagulat si Basilio sapagkat maraming tao ang mamamatay at nag-alala ito
tungkol sa kung ano ang sasabihin ng mundo. Pinalakas naman ni Simoun ang
kanyang loob.
 Binigyan ni Simoun ng armas si Basilio at binigyan niya sa binate ang detalye ng
mga dapat gawin at puntahan bago mangyari ang himagsikan.

b. Mahalagang Aral
 Sa kabanatang ito natin makikita ang epekto ng lubhang pagkauhaw sa
paghihiganti. Hindi na iniisip ng mga taong kagaya ni Simoun ang mga
kalalabasan ng kanyang mga kinikilos basta’t makamit niya lamang ang matamis
niyang paghihiganti. Balewala na lamang sa kanya na mali ang paraan, basta
maabot niya lamang ang kanyang hangarin. Ngunit dapat din nating tandaan na
kung hindi tayo kuntento sa mga bagay sa ating palagid, walang mangyayari
kung hindi rin tayo mismo ang kikilos para magkaroon ng pagbabago.

XIV. KABANATA 34
a. Buod
 Nais sabihan ni Basilio si Isagani ukol sa mga plano ni Simoun ngunit nagbago
ang kanyang isip.
 Tumungo siya sa dating bahay ni Kapitan Tiyago upang kunin ang ilang
kagamitan niya roon. Pagdating niya ay nakita niyang ayos na ayos ang bahay
na tila may inihandang piging.
 Nakita niya si Juanito Pelaez na kasama si Paulita na nakadamit pangkasal at
napaisip siya kung ano na kaya ang nangyari sa kanyang kaibigang si Isagani
dahil ang pagkakatanda niya, si Isagani ang kasintahan ni Paulita.
 Napaisip si Basilio sa kung ano sana ang mga nangyari sa kanila ni Juli kung
hindi lamang siya nakulong.
 Pagkatapos nito ay nakita niya si Simoun na lumabas sa kanyang bahay na
maingat na bitbit ang lampara. Sumakay ang mag-aalahas sa isang karwahe na
sumunod sa hanay ng mga dumalo sa kasal. Nagulat si Basilio dahil noong
napag-isipan niyang tandaang mabuti ang kutsero ng karwahe upang madali
niya itong masundan ay namukhaan niya si Sinong, ang kutserong binugbog ng
guwardiya sibil at ang nagbalita kay Basilio ng mga pangyayari ukol kay Juli at
Tandang Selo.
 Idinaos ang pista sa dating bahay ni Kapitan Tiyago na pagmamay-ari na ni Don
Timoteo Pelaez. Imbitado at mga nagsipagdalo ang mga tanyag na pangalan sa
Maynila, kabilang na ang mga prayle at iba pang mataas ang posisyon sa
pamahalaan.
 Gumanda nang lubusan ang bahay ni Kapitan Tiyago. Pati ang mga lumang
muebles ay napalitan ng mga bago at galing ibang bansa. Naging palamuti rin
ang mga kurtinang binurdahan ng ginto na naglalaman ng mga titik ng pangalan
nina Paulita at Juanito.
 Pati ang mismong kainan ay mayroong mararangyang gayak tulad ng mga
bulaklak at iba pa.
 Ang mesa naman ng mga tanyag na tayo ay nasa maluwang na asotea sa isang
magarang kiyosko. Sila ay nakapuwesto ditto sapagkat mahangin dito at
nananatili ang malamig na pakiramdam na nakatutuwa naman sa mga
nagsisipagkain.
 Pati ang mga kubyertos ay magara. Ang mga ito ay gawa pa sa pilak. Mamahalin
din ang alak na inihanda ng bagong kasal.
 Masayang-masaya naman si Don Timoteo Pelaez sapagkat ikinasal ang kanyang
anak sa heredera ng mga Gomez, dahil pinautang siya ni Simoun, at ninong ng
kasal ang Kapitan Heneral

b. Mahalagang Aral
 Hindi dapat tayo maging makasarili na gaya ni Don Timoteo na pinatupad sa
kanyang anak ang kanyang pangarap. Dapat ay pantay-pantay rin ang ating
turing sa ibang tao, hindi gaya ni Don Timoteo na inihanda ang
pinakamagandang pwesto sa bahay para sa mga tanyag na tao sa lipunan.
Panghuli, ang kasal ay sagradong sakramentong bigay ng Diyos sa atin kaya
naman dapat natin irespeto ito, mula sa dalawang ikakasal hanggang sa pagpili
ng mga ninong at ninang. Hindi lamang dapat ang katanyagan ng isang tao ang
basehan ng pagpili ng ninong at ninang. Ang isang kasal din ay hindi para sa
pagpapakita o pagmamayabang tungkol sa kayamanan ng mga kinakasal.

XV. KABANATA 35
a. Buod
 7 na ng gabi noong nagsimulang magsidatingan ang mga dadalo sa piging. Mula
sa mabababa ang pwesto hanggang sa mga diyos-diyosan na ng lipunan, lahat
ng mga dumating ay binate ni Don Timoteo.
 Nais tumungo ni Don Timoteo ngunit hindi pa dumadating ang Kapitan Heneral.
 May pumintas sa kromo ng pader na ikinagalit naman ng Don sapagkat ito raw
ang pinakamahal sa buong Maynila.
 Natigil nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta
siya kung ano ang gagawin. Tinugtog ang marcha real.
 Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya na
bumigay sa pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na
delikadesa muna bago ang lahat.
 Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiyago si Basilio at pinagmamasdan niya ang
mga pangyayari. Siya ay naaawa sa mga inosenteng buhay na madadamay sa
oras na maganap ang mga plano ni Simoun ngunit noong sandaling iyon ay
dumating na sina Padre Salvi at Padre Irene at napawi ang pagkaawang ito.
Naisipan niyang mabuti nang magbayad ang mga mga walang kinalaman kasama
ng mga masama.
 Dumating si Simoun na dala-dala ang lampara. Sa ikalawang pagkakataon,
muling naawa si Basilio kaya namang sinubukan niyang pumasok sa piging ngunit
pinigilan siya sapagkat marumi ang kanyang kasuotan.
 Samantala, malugod namang tinanggap ng bagong kasal ang bigay na lampara ni
Simoun. Pinuri ito ng lahat. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na
napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Pagkatapos ng
ilang minute ay lumabas si Simoun na bahagyang namumutla, sumakay sa
karwahe at nagmamadaling bumalik sa Escolta.
 Noong makita ni Basilio ang pag-alis ni Simoun ay nagmamadali na rin itong
umalis sa bahay ni Kapitan Tiago. Wala na siyang pakialam kung sino pa man
ang mabunggo niya. Ngunit, napatigil siya noon gang nabunggo niya ay si
Isagani. Pinilit ni Basiliong hilahin ang kanyang kaibigan papalayo sa bahay
ngunit ayaw ni Isagani dahil gusto niyang makita si Paulita. Walang nagawa si
Basilio kung hindi ikwento sa kaibigan ang pakana ni Simoun.
 Pagkatapos mapagtagpi-tagpi ni Isagani ang mga sinabi ni Basilio, nawala sa
isipan niya ang galit at selos, at ang nangibabaw lamang ay ang pagnanais
niyang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal na si Paulita.
 Samantala, sa loob ng pagdiriwang ay may isang papel na pinagpasapasahan na
may nakasulat na “Mane thecel phares” at sa ilalim nito ang pangalan at lagda
ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Noong tinanong ng Kapitan
Heneral kung sino ang taong iyon, ang mga sinagot lamang sa kanya ay isang
pilibustero na matagal nang patay.
 Napaisip si Don Custodio tungkol sa mensahe at napagtanto niya nab aka ang
ibig sabihin noon ay kamatayan. Agad naman niyang binitiwan ang kanyang
kubyertos sa pag-aakalang lalasunin sila.
 Sa sandaling iyon, biglang dumilim ang lampara na ikinagulat ng lahat. Iniutos
ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa upang lumakas muli ang ilaw ngunit
biglang may taong kumuha ng lampara at dalian itong itinapon palabas ng
bahay patungong ilog. Hindi nalaman ng mga bisita ang taong iyon sapagkat
tumalon din siya sa ilog.

b. Mahalagang Aral
 Dapat nating tandaan na sa kabila ng mga mapapait na karanasan at sakuna sa
buhay, manatili tayong matatatag. Tandaan natin na ang paghihiganti ay hindi
kailanmang magpupunyagi. Isipin at ikonsidera rin natin ang ating mga kilos
pati na ang mga epekto nito bago nating isagawa ang ating mga plano. At
panghuli, ang tunay na nagmamahal ay handing masaktan at magsakripisyo.

XVI. KABANATA 36
a. Buod
 Dali-daling umuwi si Ben Zayb pagkatapos ng mga pangyayari sa kasalan upang
maisulat na agad ang mga pangyayari roon.
 Sa kanyang mga isinulat, halos hindi na makita ang katotohanan dahil hinaluan
niya ito ng maraming mabubulaklak na salita na nagpapakita ng kabayanihan
daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay
dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara.
 Laking gulat na lamang ng manunulat kinabukasan noong ibinalik sa kanya ang
lathalain dahil ayaw raw ng Kapitan Heneral na mabalita ang kahit anumang
pangyayari sa kasalan.
 Lubhang nalungkot si Ben Zayb tungkol dito kaya naman ang sinulatan na
lamang niya ng balita ay yaong nangyari sa bahay-pahingahan ng mga prayle
kung saan, aniya, lumusob ang 40 na tulisang may dalang rebolber, armas, at
marami pang iba. Nagnakaw raw ang mga ito ng dalawang libong piso.
Nagkasira-sira pa raw ang kamay ng kura dahil sa paggamit sa upuan upang
pandepensa laban sa mga tulisan.
 Ngunit ang katotohanan naman ay tatlo lamang ang tulisan at itak lamang ang
kanilang dala. Ang nanakaw ring halaga ay limampung piso lamang. Pati si
Padre Camorra ay nakatamo lamang ng munting sugat sa braso at isang bukol sa
ulo.
 Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang
lalaking kamukha ni Simoun. Ikinwento rin ng mga ito ang lahat ng plano ng
rebolusyon, kasama na kung sino ang namumuno sa kanila, pati ang iba nilang
katulong sa pamahalaan. Noong una ay hindi sila pinaniwalaan ngunit nang
napansin na nawawala nga si Simoun ay pinaniwalaan na rin sila. Pinaghahanap
na ng mga guwardiya sibil ang mag-aalahas.

b. Mahalagang Aral
 Bilang isang mamamahayag, tungkulin natin na magbalita yaon lamang mga
totoong pangyayari. Hindi tayo dapat magsinungaling sa mga pahayagan dahil
kung sino-sino ang mga nakababasa nito at maaaring paniwalaan nila ang mga
nakasaad dito. Tandaan din natin na huwag tayo agad maniwala sa mga sabi-
sabi lamang.

XVII. KABANATA 37
a. Buod
 Ang mga bulung-bulungan ay naging paksa sa tahanan ng mga Orenda na nag-
uusap kung sino kaya ang may pakana ng mga pangyayari sa kasalan. Panauhin
ng pamilya ng mag-aalahas na ito si Isagani.
 Narito ang ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay
Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na
dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang
kasintahan ni Sensia na si Momoy.
 Lahat ay nakikinig kay Chichoy na nagkukuwento tungkol sa mga pangyayari sa
kasal at tungkol sa sako-sakong pulbura na kung saan-saang natagpuan sa bahay
ni Kapitan Tiyago.
 Sinabi rin ni Chichoy na ang may pakana ng lahat ng iyon ay walang iba kung
hindi si Simoun na dating kaibigan ng Kapitan Heneral na ngayo’y pinaghahanap
na ng pamahalaan at guwardiya sibil.
 Nagulat ang lahat sa nalaman. Sa kabila naman, nag-alala si Kapitana Loleng
sapagkat lahat ng kanyang pinautang ay nasa kasalan na iyon at pati ang isa
nilang bahay ay malapit sa pinagdausan ng piging.

b. Mahalagang Aral
 Mabilis kumalat ang mga balita kaya naman dapat tayong mag-ingat sa ating
mga kilos dahil walang lihim ang hindi nabubunyag. Tandaan din natin na mas
maganda sana kung ang kapakanan ng iba ang ating iniisip hindi ang ating
pansiriling kapakanan lamang, di tulad ni Kapitana Loleng.
XVIII. KABANATA 38
a. Buod
 Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo
na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa nang pinuno ng mga tulisan na
tinatawag na Matanlawin. Si Tandang Selo ay isa na ring tulisan at si Tano ay isa
nang guwardiya sibil na mas kilala sa ngalang Carolino.
 Ang pangalang Matanglawin (Kabesang Tales) ay kinatatakutan na sa buong
Luzon dahil sa kanyang matindi at madudugong pagsalakay sa mga bayan.
Kinatatakot din ng mga mamayan ang kanyang pandarambong o pagnanakaw.
 Isang tanghali, anim o pitong pinaghihinalaang kasama sa pagsalakay ang nahuli
ng mga guwardiya sibil at kasalukuyang naglalakad nang nakagapos.
 Walang awang pinapalakad ng mga guwardiya sibil sa ilalaim ng init ng araw
ang mga bilanggo ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw. Naawa sa mga ito
si Carolino at pinakiusapan si Mautang, isa pang guwardiya, na kaawaan ang
mga bilanggo at huwag nang hagupitin pa kung sakaling hindi na sila makatayo
sapagkat tao rin naman sila. Dahil sa kanyang kabaitan ay madalas
napapagalitan si Carolino.
 Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang
paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon. Dahil dito ay nagkaroon ng kaguluhan
kung saang kinailangan pang magpalitan ng putok mula sa magkabilang panig.
Napatay sa ingkwentrong ito si Mautang at iba pa nilang kasamahan.
 Noong may nakita silang isa pang taong nasa tuktok ng bato sa bundok ay
inutusang si Carolino na barilin kung sino man iyon sapagkat isa rin daw itong
tulisan. Tatlo sa mga guwardiya ang bumaril sa taong nasa tuktok ng bato.
 Isa si Carolino sa mga sumunod sa pinag-utos at bumaril din siya. Natamaan
niya ang tulisang nasa tuktok ng bato ngunit kinabahan na siya noong mistulang
pamilyar sa kanya ang anyo at boses ng kanyang binaril.
 Pagkatapos noon ay mayroon pang isang guwardiya na tumungo sa likod ng bato
at sumaksak sa nabaril na tulisan.
 Laking gulat na lamang ni Carolino, na ang totoong pangalan ay Tano, na ang
kanyang napatay ay si Tandang Selo, ang kanyang lolo.

b. Mahalagang Aral
 Dapat tayong maawa sa iba dahil sila ay kapwa rin nating tao. Sundin natin ang
utos sa Bibliya na gawin natin sa iba ang nais nating gawin ng iba sa atin.
Ipinapahiwatig din ng kabanatang ito na may mga pagkakataon talaga sa buhay
na pagsisisihan natin ang ating mga ginawa matapos natin itong gawin at hindi
na natin ito maibabalik. Kaya naman dapat nating pag-isipan muna ang bawat
kilos natin at isaisip ang mga maaaring kalalabasan ng mga kilos na ito.
XIX. KABANATA 39
a. Buod
 Isang araw ay nakatanggap ng telegrama si Padre Florentino tungkol sa isang
Kastila na nakikituloy sa kanya. Naisip agad ng prayle si Simoun at totoo ang
kanyang inakala.
 Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino,
ang amain ni Isagani. Agad at malugod naman niyang tinanggap ang mag-
aalahas nang hindi nagtatanong kung paano niya nakamit ang mga ganoong
sugat.
 Naisip ni Padre Florentino na maaaring kagagawan iyon ng mga taong may
hinanakit kay Simoun at mga taong naapi, lalo na at paalis na ang Kapitan
Heneral ngunit malakas din ang kutob ng prayle na kagagawan iyon ng pang-
uusig ng mga taong makapangyarihan.
 Tumanggi naman si Simoun na magpagamot sa kabisera na siyang lalong
nagpatunay na umiiwas nga siya sa maykapangyarihan. Pumayag lamang siya sa
pag-aalaga ni Don Tiburcio.
 Samantala naman, iniisip ni Padre Florentino ang kanyang dapat gawin sa oras
na dumating na ang mga guwardiya sibil upang hulihin si Simoun. Lubha kasi
ang mga sugat nito at halos di na makagalaw. Hindi rin daw kakayanin ni
Simoun na maglakbay pa nang malayo.
 Noong ipinaalam ni Padre Florentino kay Simoun na siya’y huhulihin na pagsapit
ng ikawalo ng gabi ay ngumiti lamang nang pakutya ang mag-aalahas.
Ipinagtaka ito ni Padre Florentino sapagkat mistulang hindi natatakot si Simoun
sa kanyang pagkahuli. Napaisip din siya kung bakit kaya pinili ni Simoun na sa
bahay niya pa makituloy samantalang noong kapanahunan nito ay hinamak siya
ni Simoun sa kanyang pagkamababang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.
 Nilimot na raw lahat ng prayle ang hindi pagpansin ni Simoun sa kanyang
paghingi ng tulong upang mapalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun din ang
gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay
Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa
tao. Ang lahat daw ng iyon ay nilimot na ni Padre Florentino at ang kanyang
iniisip na lamang ay ang kalagayan ng may sakit bilang may-ari ng bahay na
kinatutuluyan nito.
 Ipinatawag ni Simoun si Padre Florentino at agaran namang pumunta ang
prayle. Dito nalaman ni Padre Florentino na wala nang nais si Simoun iligtas ang
sarili dahil ito’y uminom na ng lason. Sinubukan ng prayleng humanap ng lunas
ngunit sinabihan siya ni Simoun na huwag nang mag-aksaya ng oras.
 Mas pinili pa ni Simoun na matagpuang patay kaysa mahuli nang buhay.
Ipinagtapat niya rin kay Padre Florentino ang kanyang tunay na pangalan at ang
lahat ng kanyang lihim. Mula sa buhay niya bilang Crisostomo Ibarra, pati ang
buhay niya sa Europa kung saan niya nakilala ang komandante pang Kapitan
Heneral, hanggang sa siya ay maging si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na
may maitim na balak.
 Ikinumpisal ni Simoun ang lahat ng kanyang mga kasalanan kay Padre Florentino
at humingi ng mga kadahilanan sa likod ng kanyang mga pagkasawi, pati na ang
pagkasawi ng bayan. Sinagot naman ito ng prayle na siyang tinanggap ng mag-
aalahas.
 Nagkaroon pa rin ng kaunting pagtatalo sa pagitan ni Simoun at Padre
Florentino tungkol sa payo ng prayle na gumawa na lamang at magtiis.
 Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, pinisil ni Simoun ng isang beses ang kamay
ng prayle at pagkatapos ng pangalawang pagpisil, nakarinig si Padre Florentino
ng isang buntong-hininga at pagkatapos ay naghari ang katahimikan.
 Namatay na si Simoun.
 Inilahad ni Padre Florentino ang kanyang paghahanap sa mga kabataan na
balang araw ay handa nang magbuwis ng buhay para sa bayan.

b. Mahalagang Aral
 Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at
kasamaan. Ang poot ay nagdudulot lamang ng takot at kaguluhan. Hindi
maganda ang pagbabagong dala ng isang masamang hangarin. Pag-ibig lamang
ang makapagdadala ng maunlad at mabuting pagbabago dahil ang pag-ibig ay
marunong magtiis at ang pinakamahalagang bagay sa lahat, ang pag-ibig ay
nagbibigay sa bawat tao ng lakas na kailangan natin upang makapagsimula ng
pagbabago.

You might also like