You are on page 1of 4

I.

KABANATA 14
a. Buod
 Ang mga mag-aaral ay nagtipon sa bahay ni Macaraig upang pag-
usapan ang isyu sa pagpapatayo ng akademya ng Wikang Kastila.
Naroroon sa bahay sina Isagani, Sandoval, Juanito Pelaez, Pecson,
at iba pang estudyante.
 Ayon kay Pecson, baka raw maging daan ang pagtuturo ng wikang
Kastila sa gabi sa paggawa ng di magagandang bagay at baka ito’y
makasira pa sa pangalan ng unibersidad.
 Ayon naman kay Sandoval, hindi dapat ito pansinin dahil dapat
sundin ng unibersidad kung ano ang kailangan ng mga mag-aaral
dahil ito ay institusyon na di dapat tutol sa pagbibigay ng
kaalaman.
 Nagsagutan pa ang mga mag-aaral na si Sandoval at Pecson kung
saan nagpapaliwanag si Pecson kung bakit maaaring hindi
mapatupad ang pagpapatayo ng akademya samantalang si
Sandoval ay kumukontra sa kanyang mga paliwanag.
 Ngunit ani ni Sandoval, habang wala raw silang nalalaman ay
huwag sana nilang paratangan ng masama ang pamahalaan.
 Gumawa ng talumpati si Sandoval ukol sa kinabukasan ng Pilipinas
at ang magiging resulta kung ang mga Pilipino’y magtitiwala sa
pamahalaan ng Kastila.
 Dumating si Macaraig habang isinasagawa ang pulong dala ang
magandang balita kung saan sinabi niya na maaari nang
mapatupad ang utos ngunit kailangan nila ang pagkiling ni Don
Custodio.
 Dalawang paraan ang naisip ng mga mag-aaral kung paano nila
mapapapayag si Don Custodio. Ang una ay kakausapin ni Isagani
ang tagapayong si Ginoong Pasta at ang pangalawa ay si Pepay na
tagasayaw at matalik na kaibigan ni Don Custodio. Pinili nila ang
unang paraan.

b. Magandang Aral
 Natutunan ko na kahit ang isang estudyanteng tulad nina Isagani
ay kaya at maaaring magdala ng pagbabago sa bayan. Sila man ay
bata pa, hindi ito naging hadlang upang ipaglaban ang kanilang
gusto at pagmamahal sa edukasyon. Natutunan ko rin na kaya na
talagang mag-isip nang malalim ang isang estudyante tungkol sa
mga isyu sa bayan.
II. KABANATA 15
a. Buod
 Pinuntahan ni Isagani si Ginoong Pasta upang pakiusapan na kung
maaaring payuhan niya sana ni Don Custodio na sumang-ayon sa
mga mag-aaral kung sakaling kay Ginoong Pasta siya humingi ng
payo.
 Umpisa pa lamang ay tinanggihan na ni Ginoong Pasta ang
kahilingan ni Isagani at sinubukan niyang lituhin ang bata sa
pamamagitan ng paggamit ng mabibigat na salita at pagbabanggit
ng mabibigat na isyu ngunit di naman nalito si Isagani.
 Pagkatapos ng kaunting sagutan, paalis na si Isagani nang sabihin
ni Ginoong Pasta na ipaubaya na lamang sa pamahalaan ang
desisyon at siya’y mag-aral na lamang nang mabuti. Tinanong din
ng tagapayo kung bakit nais pa ni Isagani na magpatayo ng
akademya kahit bihasa na ito sa wikang Kastila.
 Tugon naman ni Isagani na iniisip niya ang kapakanan ng iba na
hindi pa bihasa sa pagsasalita ng wikang Kastila. Sinagot naman
siya ni Ginoong Pasta na dapat maghirap din ang iba sa pag-aaral
ng wikang Kastila tulad niya. Dagdag niya pa na dumadami na ang
mga doktor at abogado kaya mas kailangan ng Pilipinas ng mga
magsasaka at di naman daw kailangan na marunong ng wikang
Kastila ang mga taong ganoon ang trabaho.
 Pinayuhan na lamang ni Ginoong Pasta na intindihin na lamang ni
Isagani ang kanyang sariling kinabukasan at pagtanda raw nito ay
masasabi niyang tama ang payo sa kanya ngunit sinabi ni Isagani
na ikahihiya niya ang kanyang sarili kung tumanda siya nang
walang naitutulong sa bayan.
b. Magandang Aral
 Natutunan ko na dapat di lang ang ating sarili ang ating iniisip
dahil mas ikatutuwa natin pagtanda natin kung mayroon tayong
nagawa para sa kapwa at bayan natin. Kapag tayo ay tumanda na
walang inisip kung hindi an gating sarili ay tiyak kapag binalikan
din natin an gating kabataan ay pagsisisihan din natin dahil maiisip
natin na tayo ay naging makasarili at gahaman.
III. KABANATA 16
a. Buod
 Naghandong ang isang Tsino na nagngangalang Quiroga ng isang
handaan at inimbitahan niya ang ilang kilalang tao na kanyang
mga suki. Kabilang na dito si Simoun.
 Sinabi ni Quiroga kay Simoun na bumagsak ang kanyang negosyo at
siya’y nalugi na na ikinagulat ni Simoun.
 Ipinaliwanag ni Quiroga kay Simoun na naibigay niya sa isang
magandang dilag na kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki
ang tatlong pulseras. Nabanggit din ng Tsino ang mga utang niya
kay Simoun.
 Nabahala si Simoun dahil kailangan niya ng salapi ngunit binabaan
niya na lamang ang halagang dapat bayaran ni Quiroga kung
papayagan nito ang pagtatago ng ilang baril ni Simoun.
 Nabagabag si Quiroga sa hiling ni Simoun. Ipinaliwanag ni Simoun
na maingat ang proseso ng kanyang paglilipat ng baril at di naman
mahuhuli ang Tsino ngunit hindi pa rin ito nasagot dahil takot ito
sa armas.
 Sinabi ni Simoun na kung hindi papayag si Quiroga ay ibabalik niya
ang orihinal na halaga ng utang ng Tsino sa siyam na libong piso
dahil kailangan niya ito upang suhulan ang mga makakakita sa
kanya. Sa huli ay napapayag ni Simoun si Quiroga.
 Nagtapos ang kabanata sa pangkat ni Don Custodio na nag-uusap
tungkol sa pagpapadala ng pera sa India para pag-aralan ang
paggawa ng sapatos ng mga sundalo.
b. Magandang Aral
 Natutunan ko na tunay na makapangyarihan ang pero kahit noon
pa mang panahon ng Kastila. Natutunan ko rin ang mga
negatibong epekto ng pangungutang at paghingi ng utang na loob
sa ibang tao. Maaari kang kontrolin at pagawin ng mga bagay na
hindi mo gusto lalo na kung gigipitin ka ng taong kinauutangan
mo.
IV. KABANATA 17
a. Buod
 Magkakasama sina Padre Camorra, Padre Salvi, at Ben Zayb.
Habang naglalakad ay halos lumutang na sa tuwa si Padre Camorra
dahil sa mga nakikita niyang naggagandahang babae. Sadyang
binubunggo niya ang mga ito at kinikindatan.
 Napadaan si Paulita at nais na nagandahan si Padre Camorra sa
dalaga at nasabing maswerte si Paulita dahil wala siya sa bayan
niya.
 Nakita ng mga prayle at ni Ben Zayb ang isang tindahan na
nagbebenta ng gawang-Pilipino na mga kahoy na imahen na
kamukha ng mga prayle. Nang nakakita sila ng imahen na kamukha
ni Simoun, ang mag-aalahas ang kanilang napag-usapan.
 Bago nila puntahan ang tanyag na ulo ni Mr. Leeds, sinabi ni Ben
Zayb na puno ng kadayaan ang ulong ito.
b. Magandang Aral
 Natutunan ko na may kabastusan pala ang mga prayle noong
panahon ng mga Kastila kahit sila ay dapat na representasyon ni
Hesus sa lupa. Natutunan ko rin na napakadali pala sa kanila na
magsabi ng masasamang bagay tungkol sa ibang tao kung di nila
kaharap ito. Minamaliit din nila ang mga gawang Pilipino noon.
Dahil sa mga maling ehemplo na tulad ng mga prayle natutunan ko
ang mga asal na hindi ko dapat gawin sa aking pang-araw-araw na
buhay.

You might also like