You are on page 1of 6

El

Filibusterismo
(Kabanata 11-20)

Kabanata 11: Los Banos


Talasalitaan:
1. Katigan - sang-ayunan, kampihan
2. Pangangamkam - pagkuha
3. Masinsinan - seryosong pag-uusap

Buod:

Ipinasa ni:
Jearajon O. Acoba
IV-C

Nangaso ang heneral sa Busu-buso kaalakbay ang mga kawal, prayle,


opisyal at kawani ng pamahalaan. Walang silang nahuli sapagkat
natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng musko. Ikinatuwa
ito ng heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng
kaalaman sa pangangaso. Nagbalik na lamang sila sabahay-bakasyunan
at naglaro ng baraha. Kusang nagpatalo sina Pari Irene at Pari Sibyla
sapagkat may silang hilingin sa heneral. Maraming mungkahi ang
nagpagpasiyahan at mayroon din namang hindi katulad ng kahilingan ng
mga kabataan na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Maraming paring salungat sa balak na ito sapagkat ayon sa kanila, kapag
ang mga kabataan ay natuto, mangangatuwiran sila. Sa sandaling masuri
nila ang mga aklat at kautusan, kakalabanin nila ang pamahalaan at
simbahan. Napagpasiyahan din na palayain si Tandang Selo sa pakiusap ni
Pari Camorra.

Reaksyon:

Kabanata 12: Placido Penitente


Talasalitaan:
1. Sagrado - banal
2. Pitagan paggalang
3. Tumangkilik - nag-aruga

Buod:
Apat na taon nang nag-aaral si Placido ngunit hindi pa rin siya
nakikilala at napapansin ng kaniyang guro kaya sumulat siya sa
kaniyang ina na payagan na siyang huminto sa pag-aaral at
magsaka na lamang. Bagamat masama ang loob, napilitan na
rin siyang makisabay sa mga estudyanteng patungo sa kanikaniyang klase. Nasalubong niya si Juanito, isang bulakbol na
mag-aaral at ibinalita ang ginawang bakasyon sa Tiani, gayon
din ang pagsasabing ilang araw na silang walang pasok dahil
umambon, kaarawan ng isan nilang propesor at nang minsang
pumasok ang isa sa kanilang mga guro, kinuha lamang ang
talaan ng mga naroon at nagbigay ng mahabang araling
isasaulo. Papasok na lamang si Placido nang may sumalubong
sa kaniyang nagpapapirma ng isang kasulatan. Hindi niya ito
pinirmahan. Pumasok pa rin siya bagamat huli na. Kinaladkad
niya ang kaniyang sapatos upang mapansin ng guro. Ngunit
dahil dito nanlaki ang mapanuring mata ng kura.
Reaksyon:

Kabanata 13: Ang klase sa Pisika


Talasalitaan:

1.Tinalunton - sinundan
2.Mauulinigan - Maririnig
3.Sinasaliwan Sinasabayan

Buod:
Padre Millon guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa
ang lahat ng nsa libro.
May natutulog sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng
tanong at noong minsay sumabat si Juanito, napasa ito sa kanya at
humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni Padre Millon na
tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito ang tinanong ng
tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at sinabing walang
karapatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw itong
karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng
klase.
Reaksyon:

Kabanata 14 : Sa Bahay ng mga Magaaral


Talasalitaan:

1.Marilag (pu) - maganda


2.Nakasaksi (pd) - nakakita
3.Mataginting (pd) napakatunog

1.Kagawad - miyembro ng lipon


2.Mangilak - manghingi
3.Makasasalungat makakalaba

Buod:

Buod:

Ang bahay ni Makaraig ay isang malaking paupahan sa mga


mag-aaral kaya sa dami ng nakatira ay magulo ang bahay
dahil sa ibat ibang aktibidades ng mga binatang nakatira
doon.
Si Makaraig ay isang istudyante ng abugasiya at siyang
nagpapasimuno sa pagtayo ng Akademya ng Kastila.
Nang araw na yaon ay nagkaroon sila ng debate ng kaniyang
mga kasamahan sa maaring maging aksiyon sa kanilang
isinusulong na paaralan
Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaprubahn ang
pagbukas ng paaralan samantalang si Pecson ay nagaalinlangan.
Ayon naman kay Makaraig, si Padre Irene ay ang siyang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumasalungat. Ang
kailangan na lang nila ay ang pagsang-ayon ni Don Custodio.
Dalawa ang maari nilang lapitan para kumbinsihin si Don
Custodio na tulungan sila. Isa ay si G. Pasta na isang
manananggol at isa ay si Pepay ang mananayaw.
Napagpasiyahan niya na lapitan si G. Pasta.

Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni


Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sangayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit
nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil
maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kayat kailangang
kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay
lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan
ng pag-iisip nito.
Reaskyon:

Reaksyon:

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta


Talasalitaan:

Kabanata 16: ang kasawian ng isang


intsik
Talasalitaan:

1.Kararangyaan - luho
2.Supling - usbong ng halaman/murang sanga anak
3.Naggigitgitan nagsisiksikan

Buod:
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon
ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan.
Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang
mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng
pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na
siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun
na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung
papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na
dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang
mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay
gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay
lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si
Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa
komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng
sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinaguusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa
Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Buod:
Maganda ang gabi. Ang peryay punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang
12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si
Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang
makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales!
Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa
tiyan si Ben Zayb. Si Isagani namay inis sa bawat tumititig kay Paulita.May
pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra.
Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre
Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.May isang kuwadrong tanso
ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa
at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang
umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la
Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay
naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga
guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba. Pinagtawanan din nila ito.May
nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito.
Ayon kay Padre Camorray natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa
paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin
ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyot ang lahat ay sa
salamin lamang.

Reaksyon:

Kabanata 18: Ang mga kadayaan

Reaksyon:

Kabanata 17: Ang perya sa Quiapo


Talasalitaan:
1.Tikas - hugis an
2.Kalo - kasangkapang may gulong at kanal sa kabilugan na dinaraanan
ng lubid o kawad ng panghila sa itinataas o ibinabaang karga.
3.Relikya - anumang natitirang alaalang lumipas natitirang bahagi o piraso
yo o kalagayan at tinig ng katawan ng isang tao

Talasalitaan:
1.Silakbong - pag-aalimpuyo at pagligid ng maraming alikabog
2.Isuplong - ipagharap ng sakdal o sumbong malakas na buga ng
apoy
3.Batikan - patakan, bahiran

Buod:
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula
ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayb upang makita ang salamin sa kanyang
inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa

isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag


niya na ito ay natagpuan aniya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang
Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na
kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng unang
salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng
ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.Bumigkas ng isang
salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si Imuthis. Siya
ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang
lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si
Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng
pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang
ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang
nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ay umibig sa isang anak ng pari
at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng
kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at
napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong
kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito.
Dahil sa takot hinimatay ang prayle.Kinabukasan nagpalabas ng utos ang
Gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo
ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

Reaksyon:

Kabanata 19: Ang Mitsa


Talasalitaan:
1.Kaimbihan - kasamaan, masama na pag-uugali kahamakan
2.Tungyayaw - malaswang o masasamang salitang nabubukas sa bibig o
nauusal kapag nagagalit ang sinuman.
3.Hampas-lupa - walang hanapbuhay, (png) taong tamad at walang
hanapbuhay, palaboy

Buod:
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating
mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t
isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido
Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang
at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla


at Don Custodio. Nais niyang habulin ang Kura at ihagis sa ilog.
Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng
basar ni Quiroga . Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May
naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa
niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.
Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa
sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik
at nang makita nila.
Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si
Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na
di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak.
Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San
Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom.
Naisipang umuwi.
Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay
upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina.
Naghihintay.
Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na
iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni
Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago
mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na
kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng
mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at
kalabanin ang mga prayle.
Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan.
Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito
ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong.
Napatulog siya sa mag-aalahas.
Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng
pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido.
Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal.
Nainggit si Placido. Kinainisan sina Simoun at Isagani. Anya: Sa
ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad
sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na
munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating
guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro
ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang
Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun:
sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang

rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay


na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro.
Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas
at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.

Reaksyon:

Kabanata 20: Si Don Custodio


Talasalitaan:
1.Mag-aabuloy - tutulong, magbibigay ng kontribusyon
2.Humihikbing - umiiyak
3.Pang-uuyam - paglait

Buod:
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang Kastila ay nasa mga
kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa
suliraning ito.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay
kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang
Buena Tinta. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa
pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit
kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya
ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa
kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya wala pang isang taon
nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa
kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.
Lumagay siya parang amot tagapagtanggol, ngunit siyay
naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang ibay upang

sumunod. Ang Pilipinoy ipinanganak upang maging utusan, kayat


kailangang pagsabihang lagi na ang mga itoy sa gayon lamang
ukol.
Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya
ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Reaksyon:

You might also like