You are on page 1of 3

Kabanata 29

Ang Huling Pati-ukol (Salita) kay Kapitan Tiyago

Talasalitaan:
1.Tagapangasiwa = tagapamahala
2.Kinalinga = kinupkop
3.Pumanaw = namatay
4.Naglalakbay = nagbibyahe
5.Nagmumuni-muni = nag-isip-isip
6.Labi = bangkay
7.Nanlilibak = nangungutya
8.Pakundangan = kontrol
9.Nagdudulot = nagbibigay
10.Bulalo = pagkaing masabaw na kung saan ay sinisupsop ang laman ng buto

Tauhan:
Kapitan Tyago: namatay dahil sa paghithit nya ng opyo upang makalimutan
ang kanyang mga problema
Padre Irene: hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng huling testemento
ni Kapitan Tyago
Donya Patrocinio: matandang kaagaw ng Kapitan sa pagpapataasan ng ihi sa
pagkabanal
Don Primitivo: naniniwalang pareho sina Kapitan Tyago at San Pedro na mananalo sa pag
sasabong salangit
Martin Aristorenas: ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya ay mayroon
talagangmananalo at matatalo.
Kapitan Tinong: nagprisintang ihandog ang gulanit damit Pranciscano
Quiroga: isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Buod:
Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta
Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga
dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni
Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na
sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano
na mungkahi ni Kaptan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si
Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din dito kung magsasabong
ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na
inggit sa libing ni Kap. Godoy at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit
pa sa naging libing para kay Kap. Tiago.

Tanong:

1.Ano ang mga naging pagpapasya ni Padre Irene hinggil sa mga naiwang pamana at sa libing?

2.Magbigay ng tatlong bahagi ng seremonyas na ginawa noon libing ni Kapitan Tiago.

3.Ano ang mga usapan tungkol kay Kapitan Tiago sa panahong ito?

4.Bakit daw walang matatalo sa sabong sa pagitan ni San Pedro at Kapitan Tiago?

5.Sino ang matandang kaagaw ng Kapitan sa pagpapataasan ng ihi sa

Pagkabanal?
6.Sino ang namatay dahil sa paghithit nya ng opyo upang makalimutan ang
kanyang mga problema?
7. Sino ang nagprisintang ihandog ang gulanit damit Pranciscano?
8-10. Ibigay ang kahulugan.
.Labi
Nanlilibak
Pakundangan

You might also like