You are on page 1of 12

El Filibusterismo

Kabanata 29 : Ang Huling Pati-ukol kay


Kapitan Tiyago

Mga Tauhan

Padre Irene
-Ang pari na nagsabing kahit daw hindi nakapag kumpisal si Kapitan Tiyago ay hindi dapat
ditto ipagkait ang dendisyon aat misa requiem  dahil kung ang mga intsik nga dawn a hindi
binyagan ay nakatanggap ng misa reuiem, si Kapitan Tiago pa kaya na lagi nang bukas palad
sa simbahan at sa anumang pag-aabuliyan. Si Padre Irene din ang sinasabing mamamahala sa
mga naiwang kayamanan ni Kapitan Tiago, At dukot bulsa di umanao niya ang perang
ibibigay kay Basilio sapagkat naawa daw siya ditto, Si Padre Irene din ang nagsabing
simpleng damit lamang ang ipapasuot kay Kapitan tiyago sapagkat ayon sa kanya hindi baro
ang sukatan ng kadakilaan kundi listahan ng mga nagawang kabutihan ng isang nilalang.

Don Primitivo
-Ang nagalit sa kabastausan ipinakita ni Don Martin siya rin ang nagwika na Walang
nagagapi sa langit pagbibigay diin ng Don sa dahilang ang pagkakatalo ay nagdudulot ng
kalungkutan Tandaan ninyo mga kasama pawing kaligayahan ang nadarama natin sa
kalangitan.

Don Martin Aristorenas


-Siya ang nagalit sa mga salita ni Don Primitivo kaya hinampas niya ng malakas ang
makapal na pasimano na ikinagulat ng mga nag-uusyuso.

Quiroga
-Ang labis na humanga sa mga talumpati ni Don Primitivo, kaya bilang parangal niya ditto
ay ipinagsindi niya ito ng tabako.

Isang Sastre
-Siya ang nagsabi na dapat prak ang ipasuot kay Kapitan Tiyago sapagkat prak daw ang suot
nito noong magpakita sa beateryo, at prak din daw ang suot lagi nito tuwing pupunta sa mga
mahahalagang okasyon kaya dapat lang dawn a prak ang isuot ditto.

Donya Patrocinio
-Siya ang kalabang mortal ni Kapitan Tiyago at ingit na ingit sa magarbong burol ni kapitan
tiyago, gusto na rind aw niyang pumanaw upang matalbugan niya ang burol ng Don.
MAHALAGANG PAHAYAG

Marangal ang naging libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang tagapamahala at
tagapagpatupad ng testament ng Kapitan. Ang kanyang kayamanan ay paghahati-hatiin sa Sta
Clara, Papa, Arsobispo at sa mga orden. May itinirang 20 pesos para pangmatrikula ng mga
mahihirap na estudyante. Si Padre Irene ang nagmungkahi nito para masabing tagatangkilik
siya ng mga estudyante. Inalis ng kapitan ang pamana kay Basilio na 25 pesos dahil sa
kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya daw ang magpapaluwal. Nang si
Kapitan Tiyago ay nakaburol maraming naging usap-usapan tungkol sa kanya at sa kanyang
kaluluwa. Si Donya Patrocinio, isang matandang kalaban ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan
ng ihi sa pagkabanal ay ninais mamatay kinabukasan upang malibing siya ng lalong kahanga-
hanga at dakila.

MENSAHE NG KABANATA

Ang katotohanan ay maaaring dahilan upang gawing kasinungalingan.


Ito ay base sa mga pahayag ni Padre Irene na marapat na lumang trahe lamang ang isuot ni
Kapitan Tiyago dahil hindi naman hinuhusgahan ng Panginoon ang tao ayon sa pananamit.
Ginamit ito upang mapatunayan ang isang pahayag ngunit sa likod nito’y personal na
hangarin ang siyang dahilan.
Ang galit/inggit ay nakasisira sa kung sino mang magtaglay nito.
Ang galit o inggit ay siyang nagiging dahilan upang gumawa ang tao ng hindi makatarungang
desisyon.
Pagpapatawad/Pagtanggap ang tanging gamot na magbibigay kagalingan sa indibidwal na
pinaghaharian ng damdaming ito.
BUOD NG KABANATA

Marangal ang Birthday ni Kapitan Tutan. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at
tagapagpatupad ng Party ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang Cake sa Clown, sa Papa
niya, sa Mama nya, at sa mga Children. P20.00 ay itinira para pangprize ng mga
estudyanteng patay-gutom. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya
ng mga Birthday Party. Inalis ni Padre Irene ang P25.00 kay Basilio dahil sa walang regalo na
kaloob at pinaalis niya ng Party si Basilio.
Nang matapos ang party si Kapitan Tutan ay marami ang nakain na Spaghetti ukol sa kanya.
Nakita raw ng mga Bata ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapita Tutan. Iyon daw ang utang sa
maraming Party na nagawa ni Kapitan.
Ang mag-aaral naman ng grade 10-humanity ay sama-samang naglalaro ng paligsaya kahit
marami ang nagbuwis ng buhay katulad ni Animeo na nauntog sa pader, si Jasmine na
nadulas sa madulas na court, at ang pinakaspecial sa lahat, si Jharmine na nagdive sa kanal na
walang tubig dahil nawalan siya ng balanse nang sinalo niya ang shuttle cock.
Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang
mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San
Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay
Pilosopo Primitivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay
walang puwang sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primitivo. Saka nagtanong nang malumanay:
Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May
nagtalo sa damit na isusuot kay Kapitan Tiyago. Abito? Mayroon nito si Kapitan Tinong.
Mahal ko ang bangtan sonyeondan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang
kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki
niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit
ang damit kasi lahat sila ay mapuputa sa impyerno. (Charot lungs)
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Sila ay sina Monica, Russell, at Louise. Sila ay
may dalang mamahaling bags katulad ng Prada, Gucci, at Louis Vuitton upang ipamigay sa
mga mukhang perang mga tao. Binisita nila si Kapitan Tutan upang sabihing, "Ang ganda ni
Louise". Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa
pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at
kahanga-hanga. Ngunit natalo siya dahil supot siya.
Sa huli, nagsabunutan ang tatlong magagandang prayle dahil hindi sila magkasundo kung
sino sa kanila ang pinakamaganda. The end hindi pa ito tapos mga gaga may kaklase kami na
feeling maganda.
El Filibusterismo
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Mga Tauhan
Ang mga pangunahing tauhan na gumanap sa kabanata 2 ng El Fibibusterismo ay ang mga
sumusunod:

Simoun
- siya ang pangunahing tauhan sa boung kwento ng El Filibusterismo. Siya si Juan Crisostomo
Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere na nagpanggap na mag-aalahas sa kanyang muling pagbabalik sa
bayang tinubuan. Sa kanyang pagbabalik, paghihiganti ang kanyang pangunahing layunin. Siya ay
tinaguriang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral.

Basilio
- siya ay isang mahusay na manggagamot kahit nag-aaral pa ng medisina sa kasalukuyan. Kaibigan
niya si Isagani at ipinakilala niya kay Simoun. Isa siya sa kakampi ni Simoun. Siya ay isa sa mga
tauhan ng nobelang Noli Me Tangere bilang isa sa mga anak ni Sisa.

Isagani
- siya ay isang makata na katatapos lamang sa Ateneo.  Pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan
niya si Paulita Gomez na sinasabing ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan. Isa siya sa
sumusuporta sa pagkakaroon ng wikang Kastila ang eskwelahan sa Pilipinas.

Kapitan Basilio
- isang magiting na kapitan na nag-aral ng kursong medisina. Matalik na kaibigan ni Kapitan Tiyago.

Ang mga sumusunod na mga nakalahad na pangalan ay nabanggit o napag-usapan na may kinalaman
sa Kabanata 2 ng El Filiibusterismo:
Kapitan Tiyago - siya ay isa sa mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere na palaging sunod-sunuran
lamang sa mga prayle.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit si Juanito Pelaez ang napangasawa.
Donya Victorina - tiyahin ni Paulita Gomez na mapagkunwaring mestisang Kastila.
Don Tiburcio De Espadaña - asawa ni Donya Victorina na nagtatago sa bahay ni Padre Florentino.
Padre Camorra
Padre Florentin
MAHALAGANG PAHAYAG
Nagkaroon ng dayalogo sina Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani ukol sa akademiya na magtuturo
ng wikang kastila na nais ipatayo ni Simoun.
Kinausap ni Simoun ang magkaibigan ukol sa kanyang negosyong tindahan ng alahas.
Niyaya ni Simoun ang magkaibigan na uminom ng serbesa ngunit tumanggi ang dalawa ngunit sa
kabila ng pagtanggi sa pag - inom ng serbesa ay patuloy naman ang balitaktakan nila ukol sa pagiging
malawak at sulak ng karagatan. Nagbigay ng kuro kuro ang dalawa ngunit natapos ang usapan ng
magpasya na umalis si Simoun.
Nang mapag - usapan ang tungkol sa akademiya na nais ipatayo ni Simoun ay sinalungat ito ng
matandang kapitan. Ayon kay Kapitan Basilio, hindi matutuloy ang pagtatayo ng akademiya
samantalang ang magkaibigan ay kapwa naniniwalang matutuloy ang pagpapatayo nito.

Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan na tumungo sa lalawigan at bisitahin ang kanyang tindahan
ng mga alahas. Sumagot si Isagani at sinabi na ang kanyang pakay sa pagpunta sa lalawigan ni Basilio
ay hindi upang mamili ng alahas.

Napatunayan ni Simoun na sina Basilio at Isagani ay kapwa mabubuting kabataan sapagkat kapwa
tyumanggi ang mga ito ng kanyang alukin na uminom ng alak.

MENSAHE NG KABANATA

Ang aral na makukuha dito ay huwag uminom ng serbesa lalo na ang mga kabataan matutong
tumanggi sa mga alok lalo na kung alam mong ito ay makakasa sa iyo, tularan ang ginawang
pagtanggi nina Basilio at Isagani ng alukin sila ni Simoun ng serbesa ayon sa dalawa ay hindi sila
umiinom noon, kapuri puri ang dalawa dahil marunong silang tumanggi at alam nila kung ano ang
ikasasama nila.
Ang pangalawang aral na makukuha sa kabanatang ito ay ipaglaban ang mga layunin lalo, ganun ang
ginagawa ng dalawang mag aaral na gustong magtayo ng akademya kahit pa nga sabihan silang
malabong mangyari ang kanilang mga gusto ay pilit parin nilang ipinaglalaban ang kanilang nais
sapagkat alam nilang iyon ay makatutulong sa maraming kabataan upang lumawak ang kaalaman.
Ang ikatlong aral na makukuha dito ay suportahan ang nais ng iba lalo na at alam mong marami ang
makikinabang dito, huwag tularan si Kapitan Basilio nan a sinasansala ang mga kabataang nais
magtayo ng akademya, sinabi pa niyang tiyak dawn a hindi matutuloy ang balaking iyon ng mga
kabataan at tiyak na marami ang kokontra iniingganyo niya ang mga kabataan na manghina ang loob
upang di na ituloy ang balak na pagpapatayo ng akademya imbis na sana ay suportahan niya.sapagkat
alam naman niyang Malaki ang maitutulong nito sa kabataan.
Ang pang apat na aral na makukuha dito ay huwag nating panghimasukan ang kagustohan ng ating
mga anak  bilang mga magulang ay nandito tayo upang gumabay sa kanila sa kanilang mga naisin,
huwag nating gayahin ang ina ni padre Florentino pinilit siyang mag pari nito kahit labag sa kalooban
ng isa wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa ina, kaya naman nagpakasal sa iba ang
kanyang kasintahan, at ng mamatay narin ang ina ni padre Florentino kahit naiwanan siya ng
maraming kayamanan ay hindi siya naging masaya.  
BUOD

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang
dalawang estudyate na pinakukundanganan ng iba - si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay
nang manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila
Kapitan Basilio. Napag-usapan si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng
Kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa
pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan Basilio. Magtatagumpay,
ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang
kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si
Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si De Espadaña, na sa
bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.

Dumating si Simoun at kinausap ang magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y
mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng
alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil
ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni
Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis
na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng
serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa
alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na
dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.

Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan
magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa
sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng
tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa
pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay
hahanapin pa.

Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na
Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t
nakita ng Kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
Kabanata XXXIV:
Ang Kasal ni Paulita

Tauhan:
Basilio
– ang binatang mag aaral na kaibigan ni Isagani. Sa kabanatang ito ipinagtapat
sa kanya ni Simoun ang plano nitong pagpapasabog sa tahanan ni Don Timoteo
Pelaez na dating pagmamay ari ni kapitan Tiyago.
Simoun
- ang nagplano ng pagpapasabog sa kasal ni Paulita at Juanito. Siya rin ang
nagbigay ng babala kay Basilio na wag gagawi sa tahanan ng mga Pelaez sa
daang Anloague.
Isagani
- ang kasintahan ni Paulita na nabigo dahil sa pagpapakasal ng dalaga sa
mayamang si Juanito Pelaez at labis na kinahabagan ni Basilio.
Huli
- ang kasintahan ni Basilio na nasawi matapos na pagsamantalahan ni Padre
Camorra. Siya ang naalala ni Basilio ng makita ang sitwasyon ni Isagani.
Don Timoteo Pelaez
- ang bagong may ari ng tahanan ni kapitan Tiyago. Siya ang ama ni Juanito
Pelaez at kilalang negosyante ng bayang ng San Diego.
Juanito Pelaez
- ang anak ni Don Timoteo Pelaez na pinakasalan ni Paulita Gomez.
Paulita Gomez
- ang kasintahan ni Isagani na labis niyang tinangisan bunga ng pagpapakasal
nito kay Juanito Pelaez.
Sinong
- ang kutsero ni Simoun na dumalo rin sa piging para sa bagong kasal na sina
Paulita at Juanito.
Mahalagang Pangyayari:

1. Ang pagkakatanda ni Basilio sa sinabi ni simoun na wag siyang dadaan sa


daang Anloague sapagkat sasabog ang ilawang inihanda nito at tiyak na ang
lahat ng naroon ay mamamatay kabilang na ang kaibigang si Isagani na ng mga
oras na iyon ay labis ang pighati sapagkat ang kanyang kasintahan ay
nagpakasal sa iba.
2. Naghinuha si Basilio na ang ilawan ay pasasabugin sa mismong tahanan ni
kapitan Tiyago na naging resepsyon ng kasal ni Paulita at Juanito. Batid niyang
naroon si Isagani kayat nagtungo rin siya sa lugar na iyon.
3. Naalala ni Basilio ang lahat ng mapapait na mangyari sa kanya mula sa
kanyang pagkabilanggo, paghinto sa pag aaral, at ang pagkamatay ng kanyang
nobya na si Huli.
4. Nakita niya ang magarang gayak ng tahanan ni kapitan Tiyago na siyang
ipinagayak ni Don Timoteo Pelaez. Ang lahat ng masasarap na pagkain ay
nakahain at maging ang mga mamahaling inumin.
5. Nakita niya ang ilawang handog ni Simoun na siyang magiging mitsa ng
buhay ng mga tao sa lugar na iyon. Naisip niya na maraming inosenteng buhay
ang madadamay kaya naman kahit nilalabanan ang konsensya ay ipinagtapat
niya kay Isagani ang maaaring sapitin ng mga tao sa resepsyon sa gabing iyon.

Aral:

Sa kabanatang ito matututunan kung gaano kalaki ang gampanin ng pera


sa mga usaping personal ng isang tao lalo na ng mga kababaihan noon. Tulad na
lamang ng ginawang pagpapakasal ni Paulita Gomez kay Juanito Pelaez gayong
ang totoong kasintahan nito ay si Isagani. Dahil sa yaman at impluwensya ng
mga Pelaez, nakumbinsi ni Don Timoteo si Paulita maging ang mga magulang
nito na pakasalan ang kanyang anak na si Juanito na walang ibang alam kundi
ang sumandal at umasa sa yaman ng mga magulang. Maging ang pagpapakasal
sa taong hindi naman niya totoong minamahal ay desisyon ng kanyang mga
magulang. Ito kadalasan ang nagiging pag uugali ng mga kabataan na
nabibilang sa mayayamang angkan o pamilya. Hindi sila natututong tumayo sa
sariling mga paa at nagiging tamad sapagkat ang lahat ya ibinibigay ng kanilang
mga magulang. Madalas ay kinukunsinti sila sa mga maling gawi at nagkakaisip
lamang kapag wala na ang kanilang mga magulang. Sa kabilang banda, ang mga
katulad ni Isagani na mahirap at may simpleng pamumuhay ay madalas na
naaagawan ng mga oportunidad at pag - aari sapagkat wala silang sapat na
impluwensya at kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang mga pag - aari
maging ang kanilang karapatan sa pag - ibig.

Buod

Ika-walo ng gabi at si Basilio ay nasa daan pa. Makikituloy sana siya kay
Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan ng buong araw na iyon. Dalawang
oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na
dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga
bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.
Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang iyon. May
binanggit na kasiyahan si Simoun. Sa bahay na iyon ay idaraos ang piging sa
kasal nina Paulita at Juanito. Nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong
kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakagin ito upang sumama
sa kanya si Isagani. Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong
madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa
kanya. Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral at ang
nangyari kay Juli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang
dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun.
Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga
bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat
– sa tahanan ni Kapitan Tiago. Ang Kapitan Heneral, ang ninong, ay dadalo sa
hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.
Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang
aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang
pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-
asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang
bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang
mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea
nakalagay. Ang pipitong naroroon ay luluklok. Naroon ang pinakamasarap at
pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo. Kung sinabi lamang ng
Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.
San Francisco Ocampo Camarines Sur
Ocampo National High School
S/Y 2019-2020

BUOD NG KABANATA
XXXIV:
Ang Kasal ni Paulita

Nathalie Gayle V. Nagrampa


10-PROSPERITY

San Francisco Ocampo Camarines Sur


Ocampo National High School
S/Y 2019-2020
BUOD NG KABANATA 29:
Ang Huling Pati-ukol kay
Kapitan Tiyago

ALYSSA M. IBARRIENTOS
10-PROSPERITY

San Francisco Ocampo Camarines Sur


Ocampo National High School
S/Y 2019-2020
BUOD NG KABANATA 2:
Sa Ilalim ng Kubyerta

JEAN PIERRE P. BEDANA


10-PROSPERITY

You might also like