You are on page 1of 1

Kabanata 4

Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.

Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.

Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa
tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.

Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500.
Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.

Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na
nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

Aral – Kabanata 4
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na
nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.

Kabanata 5

Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil
binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula.

Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang
rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor.

Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa
bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.

Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.

Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni
Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.

Aral – Kabanata 5
Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang
darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas.

You might also like