You are on page 1of 1

Feel Good Eats

Creamy Leche Flan


TRY RECIPE

El Filibusterismo
Kabanata 3 Buod,
Mga Tauhan, at Aral
by Noypi.com.ph

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang


maikling buod ng El
Filibusterismo Kabanata 3 – Ang mga
Alamat. Bukod pa d’yan, malalaman mo
din kung sinu-sino ang mga tauhang
nabanggit sa kabanatang ito pati na rin
ang mga mahahalagang aral na
mapupulot mo rito.

· · ·

Buod ng El
Filibusterismo Kabanata
3 – Ang mga Alamat
Nakatagpo ni Padre Florentino ang mga
tao sa kubyerta na nagtatawanan
habang pinag-uusapan ang pagkamulat
ng mga Pilipino at ang pag-uusig sa
mga bayarin sa simbahan. Dumating si
Simoun at ipinahayag ang kanyang
pagsisisi sa pagkakataong hindi niya
nasaksihan ang mga dinaanan ng bapor.
Sa kanyang pananaw, hindi kawili-wili
ang anumang lugar na walang alamat.

Dahil dito, sinimulan ng Kapitan ang


pagkukuwento tungkol sa alamat ng
Malapad-na-Bato. Ayon sa kanya, ito ay
itinuturing na banal ng mga katutubo
dahil sa paniniwalang tahanan ito ng
mga espiritu. Ngunit nang tirahan ito ng
mga tulisan, nawala ang takot sa
espiritu at pumalit ang takot sa mga
tulisan.

Nabanggit din ang alamat ni Donya


Geronima. May magkasintahan sa
Espanya, at naging arsobispo sa
Maynila ang lalaki. Nagbalatkayo ang
babae at sinundan ang kanyang
kasintahan sa Maynila, hinihiling na
tuparin ang pangako ng pagpapakasal.
Ngunit ang arsobispo ay nagpasyang
itira ang babae sa isang yungib sa tabi
ng Ilog Pasig.

Habang pinag-uusapan ang alamat,


pinuri ni Ben Zayb ang kwento at
nainggit si Donya Victorina, na nais ding
tumira sa kweba. Tinanong naman ni
Simoun si Padre Salvi kung hindi ba mas
mainam na ilagay ang babae sa isang
beateryo. Tugon ni Padre Salvi, hindi
siya makakahatol sa mga ginawa ng
isang arsobispo.

Ibinahagi naman ang alamat ni San


Nicolas na nagligtas ng isang Intsik
mula sa pagkamatay sa mga buwaya,
na naging bato matapos dasalan ng
Intsik ang santo. Paglapag ng bapor sa
lawa, tinanong ni Ben Zayb sa Kapitan
kung saan doon napatay ang isang
Guevarra, Navarra, o Ibarra. Itinuro ng
Kapitan ang lugar at sinubukan pa ni
Donya Victorina na hanapin ang bakas
ng pagkamatay.

Ayon kay Padre Salvi, kasama ng ama


ang bangkay ng anak sa paglilibing.
Binanggit naman ni Ben Zayb na ito ang
pinakmurang paraan ng paglilibing,
kaya nagtawanan ang iba. Ngunit
namutla si Simoun at nanatiling tahimik,
ipinalagay na lamang ng Kapitan na
nahihilo ito sa paglalakbay.

Mga Tauhan sa El
Filibusterismo Kabanata
3
Ito ang mga tauhang nabanggit sa
ikatlong Kabanata ng El Filibusterismo:

Padre Florentino
Kapitan
Simoun
Donya Geronima
Ben Zayb
Donya Victorina
Padre Salvi

Mga Aral sa El
Filibusterismo Kabanata
3
Narito ang mga aral at mahahalagang
kaisipan na maaaring mapulot sa
Kabanata 3 ng El Filibusterismo:

Ang kahalagahan ng mga alamat


at kuwento sa kultura ng isang
bansa ay hindi dapat maliitin. Ito
ay nagpapayaman sa ating
pagkakakilanlan at nagbibigay-
pag-unawa sa ating pinagmulan.
Ang takot at paggalang sa mga
espiritu o sa mga bagay na di-
makikita ay maaaring mawala at
mapalitan ng takot sa mga bagay
na mas konkretong
nararamdaman ng tao, tulad ng
mga tulisan.
Sa pag-ibig, maaaring magawa
ng isang tao ang lahat para sa
kanyang minamahal, kahit pa ito
ay pagiging mapusok o pagpili ng
isang buhay na malayo sa
kagustuhan ng lipunan.
Ang mensahe ng kabanatang ito
ay ang pagpapahalaga sa kultura,
mga kuwento at alamat na bahagi
ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ipinapakita rin nito ang iba’t
ibang aspeto ng pag-ibig at
pagtataguyod sa kanya, kahit pa
ito ay salungat sa inaasahan ng
iba. Sa kabuuan, ang kabanata ay
naglalayong ipakita ang
kahalagahan ng pagpapahalaga
sa ating pinagmulan at ang
pagpapahalaga sa mga bagay na
mahalaga sa ating buhay.

· · ·

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo


Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral.
Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo
ang araling ito? Kung oo ang iyong
sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga
kaklase at kaibigan para sila din ay
matuto sa unang kabanata ng nobelang
ito.

Leave the spots behind


on your next holiday.

Samantala, maaari mo din itong i-share


sa iyong mga social media account. I-
click lamang ang share button na
makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin


Leave the spots behind
El Leave the spots behind
Filibusterismo Kabanata 7 Buod, mga
on your next holiday.
Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 8 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 10 Buod,


mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 11 Buod,


mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 6 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 5 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 4 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 2 Buod, mga


Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 1 Buod, mga


Tauhan, at Aral

What is your reaction? 15 votes Powered by Vuukle

53% 7% 7%

Happy Unmoved Amused Excit

Popular Posts
Noli Me Tangere
Buod ng Bawat
Kabanata 1-64 w/
Talasalitaan
72.5K Shares

Bugtong, Bugtong:
490+ Mga
Halimbawa ng
Bugtong na may
Sagot
6.7K Shares

El Filibusterismo
Buod ng Bawat
Kabanata 1-39 w/
Talasalitaan
2.3K Shares

SALAWIKAIN:
550+ Mga
Halimbawa ng
Salawikain (Filipino
Proverbs)
1.6K Shares

TAYUTAY:
Halimbawa ng
Tayutay, mga Uri
ng Tayutay, Atbp.
1.1K Shares

Noli Me Tangere
Tauhan at mga
Katangian ng
Bawat Isa
876 Shares

Facebook Twitter Pinterest

© 2023 Noypi.com.ph — Privacy

69
Shares

You might also like