You are on page 1of 3

KABANATA 3: MGA ALAMAT

Buod

Dinatnan
ni
Padre
Florentino
na
nagtatawanan na ang nasa kubyerta.
Nagdaraingan ang mga prayle sa
pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig
sa mga bayarin sa simbahan. Dumating
si Simoun. Sayang daw at di nakita ni
Simoun ang mga dinaanan ng bapor.
Kung wala raw alamat ay walang
kuwenta sa kanya ang alinmang pook
ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan
ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito
raw ay banal sa mga katutubo noong una
bilang tahanan ng mga espiritu. Nang
panahanan daw ng mga tulisan ay
nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa
mga
tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang
alamat na ukol kay Donya Geronima. Si
Padre
Florentino
ang
nahingang
magkuwento. May magkasintahan daw
sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila

ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae.


Naparito at hinihiling sa arsobispo na
sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba
ang naisip ng arsobispo. Itinira ang
babae sa isang yungib na malapit sa Ilog
Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.
Nainggit si Donya Victorina na ibig ding
manirahan sa kuweba. Tinanong ni
Simoun si Padre Salvi. Sa inyong
palagay, hindi ba higit na mainam ay
ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta.
Clara? Hindi raw siya makakahatol sa
mga ginawa ng isang arsobispo, ayon
kay padre Salvi. At upang mabago ang
paksa ay isinalaysay ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa
pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong
si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa
lawa napatay ang isang Guevarra,
Navarra
o
Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya


Victorina ng bakas ng pagkamatay ng
tubig labingtatalong taon matapos
mangyari iyon. Nakasama raw ng ama
ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla.
Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon
kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si
Simoun ay namumutla at walang kibo.
Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay
nahilo dahil sa paglalakabay.

You might also like