You are on page 1of 37

ANG PERYA SA QUIAPO

KABANATA 17 NG EL FILIBUSTERISMO
MGA TALASALITAAN
1. 2.
NAKAPAGPAPAINDAK KAPURI-PURI
- nakapagpapasayaw - kahanga-hanga

3. 4.
MAGPAKAKULTO SUKLAM NA SUKLAM
- magpakatalino - galit na galit
MGA TALASALITAAN
5. 6.
NAMAMALIKMATA NAKIGITGIT
- nananaginip - nakisiksik

7. 8.
LANSANGAN MAPANGHALINA
- kalye - mapang-akit
MGA TAUHAN SA
KABANATA 17
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

PAULITA GOMEZ
Naging kasintahan ni
Isagani; napangasawa ni
Juanito Pelaez; pamangkin
ni Donya Victorina.
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

BEN ZAYB
Isang mamahayag na
gumagawa ng sariling
bersyon ng mga balita.
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

ISAGANI
Pamangkin ni Padre
Florentino; kasintahan ni
Paulita Gomez.
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

QUIROGA
Intsik na mangangalakal;
sa bodega nito ipinatago
ni Simoun ang mga armas
na gagamitin sa
paghihimagsik.
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

MR. LEEDS
Amerikanong nagtanghal
sa perya.
MGA TAUHAN SA KABANATA 17

PADRE CAMORRA
Paring gumahasa kay Huli.
TAGPUAN NG
KABANATA:
PERYAHAN SA QUIAPO
BUOD NG
KABANATA
17
Umalis na sa bahay ni
Quiroga ang labindalawang
bisita niya. Ngayon naman ay
pupunta sila sa isang
peryahan sa Quiapo at sa
bahay ni Mr. Leeds.
Aliw na aliw ang pari na si
Padre Camora sa mga
babaeng nakikita niya sa
peryahan. Kilala kasi bilang
makamundo ang prayleng
iyon.
Lalong nadagdagan ang
kaniyang tuwa nang
makasalubong si Paulita
Gomez. Kasama nito ang
kaniyang tiyahin na si Donya
Victorina.
Iyon lang, kasama din nila si
Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang
tindahan ng mga rebultong
kahoy.
Doon ay nagsabihan ng mga
kahawig ng estatwa ang mga
kasama ni Mr. Leeds.
Sabi ng isa na ang estatwa ay
kahawig ni Ben Zayb habang
ang isa naman daw ay
kahawig ni Camora dahil
maraming likha ang mga
kahawig ng pari.
Mayroon silang nakitang
larawan na kahawig ni
Simoun. Wala sa paligid ang
alahero kaya napag-usapan
nila ito.
Nagwika naman si Ben Zayb
na baka natatakot lamang si
Simoun na mabunyag ang
lihim ng kaibigang si Mr.
Leeds.
PAGTATAPOS NG
BUOD NG
KABANATA 17
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Ang perya ay puno ng manonood at


mga panonoorin. Ang labindalawang
galling sa bahay ni Quiroga ay
papunta sa kubol ni Mr. Leeds.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Si Padre Camorra ay ligayang-ligaya sa


dami ng magagandang dalaga.

•Si Isagani ay inis sa bawa’t tumititig kay


Paulita.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Sila Padre Camorra ay may


pinasok na tindahan ng mga tau-
tauhan na kahoy at sila ay
nahiwagaan. Kahawig daw ni Ben
Zayb ang isa at ang isa naman daw
ay hawig ni Padre Camorra.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI
•May nakita sila na larawang hawig ni
Simoun kaya’t hinanap nila ang mag-
aalahas ngunit wala ito.

•Natakot daw ito na baka pagbayarin


nila sa pagpasok sa palabas ni Mr.
Leeds, ayon kay Padre Camorra.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

•Ayon kay Ben Zayb naman ay baka


natakot ito na matuklasan nila ang
lihim ng kaibigan niyang si Mr. Leeds.
Makikita daw nila na ang lahat ay
salamin lamang.
MGA
SIMBOLISMO SA
KABANATA 17
Padre Camora –
Simbolismo ng makamundong pagkatao at
pagkalulong sa mundanong kaligayahan.
Ang kanyang pagkaaliw sa mga babae sa
peryahan ay nagpapakita ng kanyang hindi
banal na mga pagnanasa at pagkukumpara sa
mga tuntunin ng simbahan.
Bahay ni Quiroga –
Simbolismo ng pagsasara ng isang yugto o
pagtatapos ng isang bahagi ng kuwento. Pag-
alis ng mga bisita ay nagpapahiwatig ng
pagbabago o paglisan ng mga karakter mula
sa kanilang dating kinalalagyan.
Larawan ni Simoun –
maaaring simbolismo ng mga nakatagong
lihim at mga sikreto na hindi pa
nabubunyag. Ito ay maaaring
nagpapahiwatig na may mga bagay na hindi
pa alam ng mga karakter sa kuwento at may
mga sikreto pa na dapat pa nilang malaman.
PAGSUSULIT!
PANUTO: ISULAT ANG TIKTIK
NG TAMANG SAGOT.
1. Ano ang lugar na pupuntahan ng
mga karakter sa kabanata?

a. Bahay ni Quiroga
b. Peryahan sa Quiapo
c. Tindahan ng mga rebultong
kahoy
2. Sino ang pari na aliw na aliw sa
mga babaeng nakikita sa
peryahan?

a. Padre Camora
b. Mr. Leeds
c. Ben Zayb
3. Sino ang kasama ni Paulita
Gomez sa peryahan?

a. Simoun
b. Isagani
c. Ben Zayb
4. Sino ang inis sa mga taong
tumititig kay Paulita?

a. Padre Camorra
b. Isagani
c. Mr. Leeds
5. Sino si Paulita sa kwento?

a. Kasintahan ni Isagani
b. Tiyahin ni Donya Victorina
c. Kaibigan ni Simoun
MGA SAGOT SA PAGSUSULIT!

1. B
2. A
3. B
4. B
5. A

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like