You are on page 1of 27

Kabanata 17: Ang Perya sa

Quiapo
TALASALITAAN
liwasan – pasyalan o parke
mahalumigmig – malamig-lamig
nakasalansang – nakatumpok sa isang tabi
pumapalatak – pagtunog ng dila gawa
ng paghanga o pagkagusto
tungayaw – mura o sumpa
espinghe – halimaw na may katawan ng leon at
ulo ng tao, madalas maiugnay sa mga
bugtong na kapag hindi nasagot ng tama ay
mamatay ang sumagot. Ito ay tinatawag na
sphinx sa ingles.
- sa El Filibusterismo, ito ang tinutukoy na
mahika na gamit ni Mr. Leeds o nagsasalitang
ulo sa palabas ni Mr. Leeds
TAUHAN
Padre Camorra – ang kura ng Tiani na sinasabing
nasa ikapitong langit dahil sa mga naggagandahang
babae sa Quiapo
Ben Zayb – ang mamamahatag na kasama ni Padre
Camorra sa perya at minsanan pang nakurot nito
Padre Salvi – ang prayleng Pransiskanong panay
ang pagpansin sa mga magagandang dalaga sa
perya
Paulita Gomez – ang marilag na dalaga na
pamangkin ni Doña Victorina at katipan ni
Isagani
Isagani – isang makata at kasintahan ni Paulita
Gomez
Doña Victorina – ang Pilipinang walang
papapahalaga sa kanyang lahi, siya rin ang Tiya
ni Paulita
Juanito – ang manliligaw ni Paulita Gomez na
mas pinapaboran ni Doña Victorina, mayroon
ding kapansanang pisikal ngunit hindi ito
nagiging sagabal sakanya
Don Custodio – ang tagapayo ng Kapitan Heneral
at nagsabing ang paggawa lamang ng santo ang
dapat harapin ng mga Indio.
TAGPUAN
Sa Perya sa Quiapo
BUOD
Maganda ang gabi, mahalumigmig ang simoy ng
hangin at maliwanag ang buwan. Nagkakasiyahan
ang mga mamamayan, habang si Padre Camorra ay
ubod din ang saya dahil sa mga naggagandahang
dalaga sa Quiapo. Kasama niya rin sina Ben Zayb at
Padre Salvi. Marami ang nagulat nang bigla na
lamang mapamura at mapatalon si Ben Zayb habang
hawak ang kanyang bisig(braso). Ito ay nakurot ni
Padre Camorra nang makita si Paulita Gomez.
Kasama ng dalaga ang kanyang katipan na si Isagani
at tiya na si Donya Victorina. Makikita rin na lumapit
dito si Juanito, ang kanyang manliligaw.
Napadaan si Padre Camorra at Ben Zayb
sa isang tindahan kasabay ng mga kasama
nila kanina sa bahay ni Mr. Leeds. Doon
nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa
ang dalawa at nagtawanan. Nang makita
ang pigurin ng isang babae na iisa ang
mata at nakatingkayad na kung tawagin ay
"La Prensa Filipina", sinabi ni Padre
Camorra na hangal daw ang gumawa
nuon.
Nag-ikot pa sila sa tindahan at minaliit ang
mga pigura roon. Nagkaroon pa nga ng
pagtatalo kung ang mga Indio ay may
katalinuhang mag iskulptor na pinutol din
ni Don Custodio at sinabing ang paggawa
lamang ng mga santo ang dapat harapin ng
mga Indio. Napansin nila ang pigura ng
“Mulatong Saglis” at biglang naalala si
Simoun ngunit wala ito kaya't sila ay
dumiretso na sa espinghe ni Mr. Leeds.
SIMBOLISMO
La Prensa Filipina – sumisimbolo sa pamamahayag
sa Pilipinas. matanda (makaluma); pisak ang isang
mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang
ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang
pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa
si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang
kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon
lalo si Ben Zayb.

You might also like