You are on page 1of 10

KABANATA 21:

“MGA AYOS NG
MAYNILA”
Inihanda ni: Adrian G. Garcia
MGA TAUHAN
Camaroncocido Tiyo Kiko
 isang kastilal na ikinahihiya ng  matalik na kaibigan
kanyang mga kalahi dahil sa ni Camaroncocido
kanyang panlabas na anyo
 binayaran ng anim na piso
 isang kastila na ang hanapbuhay
ng mga Pranses upang
ay pagdidikit ng paskil magdikit ng paskil
 marami siyang naobserbahan at
napuna sa mga pumupunta sa
palabas na ipinagkibit balikat
MGA TAUHAN
Tadeo Donya Victorina,
 nagpanggap na maalam sa isang
Padre Irene,
kababayang bago sa Maynila Paulita Gomez, at
Juanito Pelaez
 nakapasoksiya sa dulaan dahil  mga nanuod ng dulaan
hindi dumalo si Basilio
MGA TAUHAN
Isagani, Makaraig,
Pecson, at Sandoval
 nanuod ng dulaan
 ibinigay ni Isagani ang tiket ni
Basilio kay Tadeo
BUOD NG KABANATA 21
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades, ang
Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Mabilis
naubos ang tiket para sa dula.
Isang Kastila lamang, si Camaroncocido na tila pulubi o palaboy ang
hindi abalang pumasok sa tanghalan. Dahil dito’y naobserbahan niya
ang mga nangaganap. Lumapit sa kanya si Tiyo Kiko, isang
matandang lalaki at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod.
Ipinakita ni Tiyo Kiko ang anim na pisong bayad ng ng mga Pranses
para sa pagdidikit ng paskil. Sinumbatan naman siya ni
Camaroncocido na ang kikitain ng palabas ay mapupunta sa mga pari.
BUOD NG KABANATA 21
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang
masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga
prayle, pati ang mga babaing may asawa o kasintahan. Mayroon
namang nagtanggol dito, gaya ng mga pinuno ng hukbo at mga marino,
ang kawani, mga dalagang walang kasintahan at maraming matataas
na tao. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang
nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.
Pinuna ni Camaroncocido na ang mga nais manood upang malaman
kung bakit bawal ang palabas at ang nais manood kung bakit dapat
ipagbawal ang palabas.
BUOD NG KABANATA 21
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camaroncocido na
mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at umiiwas makilala.
Napuna niya ang ilang mga lalaki, at pinagduduhan. Ipinagkibit-
balikat lamang niya ito. Narinig niya ang isang tao na nagsabi kay
Simoun na “ang hudyat ay isang putok.”
Nagpatuloy ng lakad si Camaroncocido. Dalawang tao ang narinig
niyang naguusap, na parehas ang sinasambit. Patuloy ang
pagkikibit niya ng balikat sa mga nangyayari.
BUOD NG KABANATA 21
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan
sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayan sa pagsasasbi ng mga
kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo
na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating
sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si
Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil
sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at
Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. Ibinigay ng apat ang labis na tiket
sa kanya dahil hindi sumama si Basilio. Iniwan ni Tadeo ang kababayan sa
labas.
Aral ng Kabanata 21
 Ipinapakita nito ang problema ng Pilipinas noong panahon
ni Rizal. Isang partikular na problema dito ang tinalakay sa
kabanata, ang pagiging makasarili at kawalan ng pakialam
para sa bayan.
 Gustong iparating ng kabanatang ito sa mga mambabasa
na huwag maging makasarili, magbigay sa mga
nangangailangan at bigyan pansin ang mga nasa paligid at
ang sariling bayan.
MGA KATANUNGAN
1. Ano ang nais ipahiwatig ng kabanatang ito?
2. Bakit nakapasok si Tadeo sa tanghalan?
3. Paano nahati sa dalawa ang Maynila?
4. Sino ang hindi napuna ni Camaroncocido sa
pagtatanghal?
5. Ano ang narinig niyang sinabi na kahina-hinala?

You might also like