You are on page 1of 8

MGA ANYO NG

TAGA-MAYNIL A
K A B A N TA 2 1
TAUHAN
• Camarroncocido - isang Kastila na nagdidikit ng paskil sa
dulaan
• Tiyo Kiko - isang kayumangging matanda na nagdidikit ng
paskil sa dulaan
• Simoun - isa sa nanood ng palabas; mag aalahas
• Tadeo - isang mag-aaral na nangloko sa isang kabayang
baguhan sa lungsod
TALASALITAAN
• Hudyat – palatandaan
• Kalmen – eksapularyong isinusuot bilang deboto sa isang
santa o santo
• Pagbabalatkayo – pagkukunwari
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades, ang Les
Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-
mahaba ang hanay ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si
Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang
kayumangging lalaki na matanda. Siya’y si Tiyo Kiko. Iisa ang kanilang hanapbuhay:
pagdidikit ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido:
Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.
Ang palabas ay “Humati sa Maynila”. Mayroong nagsitutol dito bilang
masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon
namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming
matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y
sang-ayon sa opera.Ang palabas ay ipinagbabawal ng mga prayle.
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong
tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna.
Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-
uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa
Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay
isang putok.
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod.
Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang
kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t
kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang
tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di
naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don
Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay
lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si
Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo.
Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.
ARAL
Mabuti na pahalagahan ang sarili ngunit
mas mabuti na pahalagahan din ang iba
kasama na ang sariling bayan.
QUIZ
1. Ano ang pamagat ng Kabanta 21?
2. Saan ginanap ang pagtatanghal?
3. Siya ay isang Kastila na nagdidikit ng paskil sa dulaan.
4. Isang kayumangging matanda na nagdidikit ng paskil sa dulaan.
5. Magkano ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko?
6. Ano ang palabas sa Tanghalan?
7. Ito ay isang eksapularyong isinusuot bilang deboto sa isang santa o santo.
8. Siya ay isang mag-aaral na nangloko sa isang kabayang baguhan sa lungsod.
9. Ang ibig sabihin nito ay nagkukunwari.
10. Aral ng Kabanata 21.
MGA SAGOT
1. Mga Anyo ng Taga-Maynila
2. Teatro de Variendades
3. Camarroncocido
4. Tiyo Kiko
5. Anim na piso
6. Humati sa Maynila
7. Kalmen
8. Tadeo
9. Nakabalatkayo
10. Mabuti na pahalagahan ang sarili ngunit mas mabuti na pahalagahan din ang iba
kasama na ang sariling bayan.

You might also like