You are on page 1of 13

Kabanata 20:

Si Don Custodio
By: Nikka Ysabel Vela
“Walang angking talino ang mga
Indiong dapat ipagmapuri
sapagkat ito’y kanilang ikasasawi
lamang ”
-Don Custodio

2
1.
Tauhan
TAUHAN
✢ Don Custodio- Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
ang kanyang buong pangalan.
Custodio- Tagabantay ng sangkatauhan
Salazar- nakatira malapit sa palasyo
Sanchez- banal an adhika
Monteredondo- “paikot ikot sa bundok”

Kilala siya bilang hindi marunong mapagod at liberal mag-isip. Tinaguriang


“Buena Tinta” dahil siya ay mahusay na manunulat. Nakuha niya itomula sa
pagkakaibigan kay Ben Zayb.

4
✢ Ginoong Pasta- Siya ay isang Pilipino at naging kamag-aral ng
amain ni Isagani na si Padre Florentino. May katandaan si
Gionoong Pasta. Maputi ang kanyang buhok , matigas ang
mukha, at tila nakasimangot.
-pinuntahan ni Don Custodio para humingi ng payo
✢ Pepay- Siya ay isang mananayaw at kilalang matalik na kaibigan
ni Don Custodio. Siya nag naisipang gamitin ng mga estudyante
upang impluwensyahan ang opinion ni Don Custodio at
umanib sa hangarin ng mga estudyanteng makapagtayo ng
isang akademya para sa wikang kastila.
-hiningan rin ng payo ni Don Custodio pero sinayawan niya lang ito
at hiningan ng dalawampu’t limang piso

5
2.
Simbolismo
Simbolismo
Ang simbolismo ng kabanatang ito ay ang pagiging
mataas na pagtingin sa sarili ng isang tao, Pagiging
mayabang, Katulad ni Don Custodio na
nakapangasawa lang ng mayaman at naka punta
lang sa Espanya at pag balik sa Pilipinas ay
nagmagaling na at naniniwala siya na May
ipinanganak upang mag - utos at ang ibay upang
sumunod,Ang mga Pilipino daw ay ipinanganak
upang maging utusan.

7
Simbolismo
Si Don Custodio ay kumatawan sa isang opisyal ng
kolonyak na gobyerno ng Espanya noon sa Pilipinas.
Nagawa ni Rizal na ipakita ang kahinaan at katatawan
sa anyo ng kaisipan ng mga tipikal na mga pinuno ng
pamahalaan sa panahong iyon at nilantad niya rin
ang kapalpakanng pamahalaan.

8
3. Pangyayari
Mahahalagang Pangyayari
✢ Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga
kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas
sa suliraning ito.
✢ Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay
kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at
tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang
mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa,
nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga
tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya
ay masipag.

10
✢ Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya
dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang
isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa
mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa
Madrid.
✢ Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay
naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y
upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging
utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y
sa gayon lamang ukol.
✢ Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng
pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa
lahat.

11
3. Aral
12
Aral
✢ Ipinakita ni Rizal sa parteng ito ng El Filibusterismo na ang tao
ay pantay-pantay, anuman ang kanyang kulay o
katayuan sa buhay. Hindi sapat na dahilan na ikaw ay may
kulay kayumangging balat o isang Pilipino para magkaroon ng
mababang katayuan sa lipunan.Likas sa ating mga Pilipino ang
humanga sa banyaga, ngunit sa kabilang banda, kaya din naman
nating gawin ang ginagawa nila at kung minsan nga ay higit pa.
Huwag nating maliitin ang lahing Pilipino.

13

You might also like