You are on page 1of 2

KABANATA 15(BUOD)

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong
Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang
manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon. Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa
kanilang balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.Naisalaysay
ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo
ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung
naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang
kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at
mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si
Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

KABANATA 16(BUOD)

Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay


nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa
bansa. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.
Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung hindi maging ang
paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya
makababayad kay Simoun ng limang libong piso.Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan
ng dalawang libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa
kaniyang bodega. Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti
rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok
ni Simoun. Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India upang matutong
gumawa ng sapatos para sa sandatahan.

KABANATA 17(BUOD)

Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang
peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng
nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang
kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya
Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.Nakarating sila sa isang tindahan ng
mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds.
Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora
dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun.
Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot
lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
Kabanata 15: Ang mga Sakristan

KANSER NG LIPUNAN: PANG-AABUSO SA MGA BATA AT KAWALANG-KATARUNGAN

Sina Crispin at basilio ay magkapatid na anak ni sisa. Kawalang katarungan ang ginawasaknila at
pangaabuso sapagkat sila ay bata pa lamang at mali ang binintang kay crispin sapagnakaw ng onsa at
pinagmulta si basilio. Ito’y pagmamaltrato sa mga bata at kawalang-katarungan

Kabanata 16: Si Sisa

KANSER NG LIPUNAN: KAHINAAN NG KABABAIHAN : KATAMARAN: PAGKAHILIG SA BISYO

Ang napangasawa ni sisa na si pedro ay labis ang katamaran at pabayang ama. Minaltratoniya si sisa na
kaniyang inaabuso dahil isang babae si sisa. Labis rin ang hilig ni pedro sa bisyokung kaya’t nagagawa
niyang saktan ang kaniyang asawa.

Kabanata 17: Si Basilio

Kanser ng Lipunan: PAGSISINUNGALING

Habang natuutlog si Crispin ay binangungot ito sapagkat nakita niya sa kanyangpanaginip ang
pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok siCrispin sa ulo hanggang ito
ay duguang humandusay sa lapag. Nang gisingin ni Sisa si Basiliokinaumagahan, nagsinungaling si Basilio
na naging maganda ang kanyang panaginip. Sinabihanni Basilio ang kanyang ina na sunduin na si Crispin
sa kura kinabukasan at kunin na ang kanyangsahod. Sinabi nya rin na ipagbigay-alam sa kura na hindi na
sila magsasakristan ni Crispin,magpapastol na lamang daw sila at magsasaka.

You might also like