You are on page 1of 11

Kabanata 7

Si Simoun
Mga tauhan sa kabanata 7:
Simoun
 Isang mayamang mag-aalahas na
nakasalaming may kulay, balbas
sarado at may bigote.

 Kilala rin bilang tagapayo ng Kapitan


Heneral.

 Siya si Crisostomo Ibarra at


nagpapanggap lamang bilang si
Simoun upang maghiganti.
Basilio
Ang mag-aaral ng
medisina at
kasintahan ni Juli.
Panuto: Alamin ang kahulugan ng
bawat matatalinghagang salita.
1. Nakabanaag- a. Lumiit

2. Naparam- b. bumilis

3. Sumasal- c. natagpuan

4. Hupyak- d. Naglaho

5. Buwitre- e. malaking hayop


Buod ng Kabanata 7
Pauwi na si Basilio nang may nakita siyang liwanag sa kagubatan at may
narinig na mga yapak kaya kaagad niyang hinanap ang pinagmumulan ng mga
yabag at nakita niya ang mag-alalahas na si Simoun. Wala itong suot na salaming
asul kaya ng masilayan ni Basilio ang kaniyang mukha ay kaagad na kinilabutan
ang binata. Ito ang misteryosong lalaking tumulong sa kaniyang ilibing ang inang
si Sisa at sa pagsunog sa bangkay ng isa pang lalaki labingtatlong taon na ang
nakakalipas. Ito rin ang lalaking tumulong sa kaniya noon, si Simoun ay walang
iba kundi si Crisostomo Ibarra. Nagpakita si Basilio kay Simoun at inalok ito ng
tulong subalit tinutukan lamang siya ni Simoun ng rebolber at pinagtangkaang
patayin.
Tinanong ni Simoun si Basilio kung sino siya sa palagay ni Basilio, at nang
sinagot siya ng binata na “Isang taong dakila. Isang taong inakala ng lahat na
patay na at ang naging kabiguan ay labis ko ring ipinagdamdam” ay biglang
natahimik si Simoun at ilang sandali pa ay inamin niyang siya nga si Ibarra,
ikinuwento niya ang paghihirap na dinaanan, ang kaniyang pagnanais na
makapaghiganti kaya siya nagbalik at ang mga ginawa niya upang maghirap pa
ang mga tao at magsimula ng paghihimagsik.
Hinusgahan din nito ang nais nila Basilio na magpatayo ng paaralan
upang magturo ng wikang Kastila, sinabi niyang bubuhayin niya si Basilio
at inalok ang binata na sumali sa paghihimagsik na binabalak niya.
Tumanggi ang binata dahil ang pangarap ni Basilio ay makatapos ng
medisina at manggamot. Ngunit pinagtawanan at kinutya muli ni Simoun
ang hangarin ng binatilyo at sinabihan niya ang binata na walang
kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay
dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit
nila ang mapayapang buhay. Binanggit na ni Simoun ang pagkamatay ng
ina at kapatid ni Basilio subalit hindi pa rin nito tuloyang nakumbinsi ang
binata, kaya tinapos niya ang kanilang usapin at sinabing kung magbago
man ang isip ni Basilio ay pumunta lamang siya sa tinutuloyang Escolta at
buong puso siyang tatanggapin ni Simoun. Nagpasalamat si Basilio saka
umalis. Sa paglisan nito ay napa-isip si Simoun kung nagkamali ba siya sa
kaniyang desisyon na pagkatiwalaan ang binata.
Mga Katanongan:
1.Sang-ayon ka ba na binuhay ni Simoun si
Basilio kahit na alam ng binata ang
pinakatatagong sikretong
makakapagpabagsak sa kaniya? Bakit?

2.Kung ikaw si Basilio, sasali ka ba sa


paghihimagsik na binabalak ni Simoun?
MARAMING
SALAMAT!

You might also like