Professional Documents
Culture Documents
Baitang 10 Yunit 24
Kabanata 31 Hanggang 39
ng El Filibusterismo
Aralin 1
Buod ng Kabanata 31 Hanggang 39
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
Kung susuriin, puro tungkol sa Europa ang nilalaman ng mga peryodiko sa Pilipinas, mga papuri,
pambobola, at patungkol sa tagumpay ng mga operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko
ang nailalaan sa mga nangyayari sa lalawigan. Lumalabas lamang ang ilang ulat tungkol sa mga tulisang
pinamumunuan ni Matanglawin kapag ang sinalakay ang isang kumbento o isang Kastila.Hindi inulat ang
pagkamatay ni Juli. Napabalita ang pag-alis ni Padre Camorra upang manirahan sa kumbento sa Maynila.
Naawa pa si Ben Zayb sa prayle dahil may mabuting kalooban daw ito. Napalaya na ang mga nakakulong
na mag-aaral. Unang napalabas ang mayamang si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang linggo pa
bago nakaluwas ang amaing si Padre Florentino. Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio, ngunit
lalo iyong nakasama nang malaman ng Kapitan Heneral na dati lamang itong utusan. Ipinaalala ng
mataas na kawani ang tungkulin ng Kapitan Heneral sa bayan, ang karapatan ng mga Pilipinong
maghimagsik dahil sa naranasan nilang kalupitan. Ngunit nagmatigas lamang ang Kapitan Heneral
hanggang sa lumubha ang alitan sa pagitan ng dalawa. Nagbitiw sa katungkulan ang mataas na kawani
at ipinabatid ang kaniyang pagbabalik sa Espanya. Pinaalalahanan niya ang isang kutsero na kung
darating ang panahon na makapagsarili ang Pilipinas, huwag kalimutang hindi nagkulang ang Espanya sa
mga pusong lumalaban para sa inyong mga karapatan.
Ibinilin niya sa katiwala na papasukin na lamang si Basilio dahil inaasahan niya ang pagdating nito.
Nang makita ni Simoun ang binata, naawa siya rito. Humpak ang pisngi, gusot ang maruming damit, at
gulo-gulo ang buhok. Tila ito bangkay na nabuhay sa sindak, ayon kay Simoun. Nang magsalita si Basilio,
sinabi niyang handa na siyang sumama kay Simoun at tumulong sa iba pang naaapi. Ikinatuwa ito ni
Simoun. Aniya, noong una, buhay pa kay Basilio ang pag-ibig, ngunit ngayon naghahari na siya sa
kaniyang kalooban dahil patay na sa kaniya ang lahat.
Dinala ni Simoun si Basilio sa kaniyang laboratoryo. Ipinakita niya rito ang isang napakagandang lampara.
Namangha si Basilio. Nang mabasa ni Basilio ang nakatatak sa bote bigla itong natakot at napaurong.
Ikinuwento ni Simoun ang kaniyang plano. Ipinaliwanag niya na ilalagay ang lamparang yaon sa gitna ng
isang kioskong kakainan sa pistang gaganapin sa gabing iyon. Magbibigay ng isang maningning na
liwanag ang lampara ngunit pagkaraan ng dalawampung minuto, lalamlam ito at sa gayon kapag
tinangkang itaas ang mitsa, puputok ito. Kasabay ng pagsabog ang mga pulburang nakatago sa mga
sahig at bubong ng silid-kainan. Itinanong ni Basilio kung papatayin lahat, at mariing “Oo” ang tugon ni
Simoun. Nang sumang-ayon si Basilio, iniabot ni Simoun ang rebolber dito. Nagbilin si Simoun na
maghintay na lamang sa simbahan ng San Sebastian sa ganap na ikasampu ng gabi. Pinalalayo ito sa
daang Anluwage sa ikasiyam ng gabi. Batid ni Simoun na sa pagkakataong ito, handa na ang bayan sa
paghihimagsik at tiyak na magtatagumpay sila.
Nangatal sa takot, mabilis ding umalis si Basilio. Nakasalubong niya si Isagani at sinabi rito ang plano ni
Simoun. Nang makita ang labis na pagkatakot sa mukha ni Basilio, nagpasiya si Isagani na makisangkot
na.
Sa loob naman ng pagdiriwang, may isang papel na pinagpasa-pasahan na may nakasulat na “Mane
thecel phares” at sa ilalim ay nakalagda ang pangalan ni Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan
Heneral kung sino ito at sinagot naman siya ni Don Custodio na isa itong Pilibustero na higit sampung
taon nang patay. Nangilabot si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing iyon,
agad niyang nabitawan ang kaniyang kubyertos. Nauwi sa matinding takot ang pagkabahala ng lahat.
Nangulimlim na ang ilaw at iniutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa ng lampara. Maya-maya pa‟y
may isang aninong nagmamadaling sumunggab sa lampara at itinapon ito sa ilog, agad ding nawala ang
aninong iyon. Inakala ng marami na isa itong magnanakaw kaya lalong nagkagulo sa pagdiriwang.
Pinalaki niya ang balita. Nakipagtalo siya sa nagsabi ng katotohanan pagkat masisira ang kaniyang
isinulat. Kailangan palakihin ang pangyayari.
Nalaman ito ni Don Tiburcio de Espadaña at sa pag-aakalang siya ang huhulihin ng mga guwardiya sibiln
dahil sa kagagawan ng kaniyang asawa, agad itong nag-empake at umalis. Ipinabatid ni Padre Florentino
kay Simoun ang paparating na mga Guardia Civil. Hindi alam ng prayle kung patatakasin o itatago lamang
si Simoun. Ngunit sinabi ni Simoun na anomang oras, matatapos na ang paghihirap niya. Napagtanto ni
Padre Florentino na uminom ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa raw nitong mamatay kaysa mahuli
nang buhay ninoman.
Bago malagutan ng hininga, ipinagtapat ni Simoun kay Padre Florentino ang lahat ng kaniyang lihim.
Ayon kay Padre Florentino, kagagawaan ng Maykapal ang kaniyang pagkabigo sapagkat hindi nito
nanaisin ang paraan na pinili ni Simoun upang makapaghiganti.
Namatay si Simoun na bakas sa mukha ang hapis na dinanas sa kaniyang buhay, ang sakit sa kaniyang
pagkatao na dala-dala niya hanggang sa kaniyang kamatayan. Samantala, kinuha naman ni Padre
Florentino ang maletang kinalalagyan ng kayamanan ni Simoun, nanaog ito at dinala sa batong inuupuan
ni Isagani upang masdan ang kalaliman ng dagat. Dito niya inihagis ang kayamanan ni Simoun.
–WAKAS-
Aralin 2
Talasalitaan
Sa naunang aralin, inilahad ang buod ng huling siyam na kabanata ng nobelang El Filibusterismo. Mula
rito, mababasa ang ilang matatalinghagang pahayag mula sa mga tauhang may mahalagang gampanin
tungo sa pag-unawa sa mga kaisipang taglay sa pagtatapos ng nobelang ito.
Gumagamit ang matatalinhagang pahayag ng mga piling salita upang mailahad nang mabisa ang ideya
ng tauhan sa akda. Nakatutulong din ang mga salitang ginagamit dito upang mas madali itong matandaan
ng mga mambabasa.
Naririto ang ilan sa mga pahayag na kinakailangang matamo ang kahulugan tungo sa lubos na
pagkaunawa ng nilalaman ng nobela. Tandaan lamang na nakabatay ang pag-unawa sa mga pahayag na
ito sa konteksto ng mga pangyayari sa akda at sa kabuuang diwa ng nobela.
Ipinahihiwatig sa pahayag na ito na mayroon ding mga Kastila noon na may hangad na mabuti para sa
mga Pilipino. Ipinakita ni Rizal sa katauhan ng Mataas na Kawani ang isang Kastilang handing
magtanggol sa karapatan ng isang abang Pilipino, si Basilio. Bagaman hindi siya nagtagumpay sa
pakikipag-usap sa Kapitan Heneral at hindi napalaya si Basilio, nailahad naman sa akda na taglay pa rin
niya ang kanyang dangal bilang isang Kastilang nagmamalasakit sa Pilipinas kahit pa ang katumbas nito
ang kanyang posisyong pinanghahawakan.
Mula sa kaisipang ito ni Simoun, mahihinuha ang kanyang pagnanais na mapanibago ang lipunang
kanyang nakilala noong mga panahon ng Kastila. Naniniwala siyang kailangang matutong manindigan at
lumaban ang mga Pilipino upang maputol ang pagmamalabis ng mga mananakop. Mangyayari lamang ito
kung mapupuksa ang buong bayan.
Ipinahihiwatig sa bahaging ito ang kabutihan taglay pa rin ni Basilio. Nais niyang sagutin si Simoun sa
tagpong pumunta siya sa tahanan nito upang umanib sa kanyang mga plano ngunit nanatili siyang tahimik
at pinangangatwiranan ang lahat sa kanyang sarili. Sa kaibuturan ng puso ni Basilio, alam niyang mali
ang plano ni Simoun ngunit dahil sa kagustuhan niyang makaganti mula sa mga kasawiang kanyang
naranasan, hinayaan na lamang niya ang mag-aalahas at nakilahok pa rin sa balak nito.
Wagas ang pag-ibig na alay ni Isagani kay Paulita. Bagaman nagtaksil ang dalaga sa binata, hindi pa rin
magawa ni Isagani na iwan ang kanyang dating kasintahan hanggang sa mga huling sandali ng pagiging
dalaga ni Paulita.
Patuloy na pinagtitibay ni Basilio ang kanyang dahilan sa pagsapi sa plano ni Simoun. Marahil, naabot na
nag hangganan ng pagtitiis ni Basilio. Ninais niya ng payapang buhay kasama si Juli matapos ang hindi
mabuting nangyari sa kanilang buhay ng kanyang inang si Sisa at kapatid na si Crispin ngunit ipinagkait
pa rin ito sa kanya. Sa pagkakataong ito, nabago na si Basilio ng pangmamalupit sa kanya at sa mga
taong mahahalaga sa kanya.
Naging manhid na si Basilio sa pangangailangan ng kanyang kapwa. Nawala ang kanyang prinsipyo
bilang isang mabuti at edukadong mamamayan at napalitan ito ng hangad na maipaghiganti ang lahat ng
kanyang kasawian.
Ipinahayag ni Padre Florentino ang hindi mabuting dulot ng poot sa tao. Sa mga gawang masama, tiyak
na magiging masama rin ang resulta. Kung totoong nais ng tao ang kabutihan, kinakailangang handa
siyang magsakripisyo at gumawa ng mabuti paulit-ulit mang masawi sa buhay. Hindi kalianman
magbubunga ng mabuti ang anumang masamang gawa.
Mula sa pahayag na ito, masasabing alam na alam ni Padre Florentino ang nangyayari sa lipunan.
Nauunawaan nila ang pinagmumulan ng masasamang balakain ni Simoun. Alam niyang nilikha ang
katauhan ni Simoun ng mga pangmamalupit na kanyang naranasan at ng mga nasaksihan niyang pang-
aapi sa lipunan..
Umaasa si Padre Florentino na babaguhin ng kabataan ang sistema, na mula sa kabataan, sisibol ang
panibagong lipunang handang kumilos para sa kabutihan ng bayan. Ito ang nagpapahayag ng dahilan ng
patuloy na pagbabasa ng obra maestrang El Filibusterismo, ang gisingin ang bawat henerasyon sa tunay
na pagmamahal para sa bayan. Isang rebolusyong hindi nangangailangan ng dahas sa halip, ng
mabubuting adhikain, pangarap at pagkilos para sa Pilipinas.
Ipinahihiwatig nito na ang nagiging kasangkapan ang kayamanan sa lahat ng hindi mabubuting gawa.
Madaling masilaw ang marami sa pera at karangyaan. Minarapat ni Padre Florentini na itapon sa dagat
ang kayamanan ni Simoun sapagkat ayaw niyang maging dahilan pa ito ng lalong pagkakagulo ng mga
tao, lalo na ng mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahang magmamalabis dito.
Mula sa matatalinhagang pahayag sa itaas, makukuha ang mga kaisipang nais ipahayag ni Rizal sa mga
huling bahagi ng El Filibusterismo. Maituturing na mahahalaga ang mga ideyang ito sa paglalapat ng akda
sa ating buhay at sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.