You are on page 1of 3

Cagnayo, Anthony John H.

April 23, 2020


BSBA-1 Rizal: Activity #1

El Filibusterismo
(Kabanata 22-28)

Isang gabi sa bayan ng San Diego, may pagtatanghal na magaganap sa Teatro de


Variendades, ang dulaan ay pinamagatang – Les Choches de Corneville. Marami ang
naghihintay na makapasok bago magsimula ang palabas habang patuloy pa rin ang pagdagsa ng
mga tao upang makabili ng tikit. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga estudyante ng akademya
na sina Isagani, Sandoval, Pecson, Tadeo, Macaraig, at Juanito; magkakatabing umupo sa palko
sina Isagani, Pecson, at Sandoval habang sa kanilang harapan ay pumwesto naman sina Juanito,
Paulita at Donya Victorina. Ang mag-aaral na si Tadeo ay lumapit kay Don Custodio upang ito’y
libangin samantalang si Macaraig naman ay minabuting tumabi kay Pepay. Napuno ng ingay ang
dulaan habang naghihintay sa Heneral upang magsimula at nang ito’y nakarating, tumugtog na
ang marcha real. Sa pagsisimula ng palabas, isang Pransesa ang umawit na siyang ikinagalak ng
nakararami, ngunit habang ito ay tumatagal tila bakas ang pagkalito ng mga manunuod sa
pagunawa ng wikang Pranses. Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa
wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit
ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses, isa na rito si Juanito
na pilit na nagpapasikat kay Paulita na siyang hinangaan ni Donya Victorina. Sa pagpapatuloy ng
palabas, pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses nang
biglang dumating si Macaraig dala ang isang sulat. Sa pagbasa ni Sandoval, napagalaman nilang
napagpasiyahan na ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Ikinalulungkot ng mga
estudyante ang pasya sapagkat ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng
Sto. Tomas kung kaya’t nilisan na lamang nila ang dulaan kahit na hindi pa tapos ang palabas.

Bilang pagdiriwang sa naging desisyon ni Don Custodio, idinaos ng mga estudyante ang
piging sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat na mag-aaral ang nagsalo-salo
samantalang hindi naman nakapunta sina Basilio at Juanito. Nagkatuwaan ang mga kalalakihan
at maingay na tinutuligsa ng matatalim na pananalita ang mga prayle habang pabirong inuugnay
Cagnayo, Anthony John H. April 23, 2020
BSBA-1 Rizal: Activity #1

ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili. Habang nagkakasiyahan, napansin ni Isagani na
may binatang nagmamasid sa kanilang usapan at palinga-lingang lumabas sa pintuan ng
pansiterya patungo sa karwahe ni Simoun. Kinabukasan, nagkalat ang mga paskil sa unibersidad
na mapanghimagsik kung kaya’t kaliwaan ang usapan ng mga mag-aaral tungkol sa mga
sangkot. Tuloy ang pagdami ng mga estudyanteng pinapalabas ng pamantasan na nakapukaw ng
pansin ni Basilio habang naglalakad. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa
kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina
Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio at kaniyang
natanaw si Isagani na namumutla habang tinutugon sa mga kapwa estudyanteng nasangkot na marapat
pasalamatan kung sino mang nagsulat ng mga paskil, at hindi dapat sila patangay sa kaguluhang yaon,
bagkus kung saan naroon ang panganib ay doon nila marapating dumako dahil naroon ang
karangalan; hindi ito masiyadong pinansin ng binata dahil siya’y taliwas sa tugon ng kamag-aral.
Tumungo si Basilio sa bahay ni Macaraig upang manghiram ng pera ngunit siya’y sinalubong ng mga
guwardiya sibil at pinigilan sa pagpasok, makalipas ang ilang sandali laking gulat ni Basilio na pati siya
ay dinakip at isinakay sa karwahe patungo sa tanggapan ng Gobyerno Sibil upang imbistigahan. Ang
simpleng piging ng mga mag-aaral ang naging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan.

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani upang kausapin. Ayon sa pari narinig nito ang
pagtatalumpati sa mga kamag-aral at kung siya ba ay kasama sa mga binatang namatsyagang
naghahapunan sa pansiterya; hindi ito itinanggi ng binata. Nagpalitan ng argumento ang dalawa
patungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging
maginhawa laman. Bukod pa rito, inisa-isa rin ni Isagani na parang may sabuwatan ang
pamahalaan at ang mga ito upang manatili sa kamangmangan ang mga Pilipino. Ayon sa pari,
lampas na sa guhit ng paguusap ang mga paratang ng mag-aaral at ipinaliwanag na kung ano
mang utos ng pamahalaan ay siya namang kanilang sinusunod lamang, idinagdag din niya na ang
kasamaang ugali ng isang estudyante ay hindi dapat isisi sa mga prayle ni sa pamahalaan kundi
sa masamang pagkakatatag ng kanilang kapisanan Sa naging usapan ng dalawa, malinaw na
naipakita ni Isagani ang kaniyang paninindigan sa planong maitayo ang isang paaralang
magtuturo ng wikang Espanyol sa mga katutubo. Bukod pa rito siya ay may katapangang taglay
upang ipahayag sa nakatatas man ang makabayang pananaw ng walang pag aatubili. Habang si
Padre Fernandez naman ay may liberal na pananaw ukol sa usapang Rehiyon at sistema ng
Cagnayo, Anthony John H. April 23, 2020
BSBA-1 Rizal: Activity #1

pamamahala, gayunpaman kaisa ang pari na mapuksa ang tiwaling gawain ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa prayle.

Iba’t-ibang karanasan ng katakutan ang lumaganap sa bayan patungkol sa mga


estudyanteng kasapi ng himagsikan. Napuno rin ng takot ang mga heneral, pari, at mga sibilyan
sa mga paskil na nakakalat sa bayan. Matunog na naging usap-usapan sa isang tindahan na si
Tadeo raw ay nabaril habang si Isagani naman daw ay kusang nagpadakip. Ibinalita naman ni
Padre Irena ang mga katakot takot na kaganapan sa bayan kay Kapitan Tiyago na ikinamatay ng
matanda dala ng pagkagulat. Patuloy ang kaharasang natatamasa ng mga sibilyan matapos may
mahuling dalawang lalaking nagbaon ng mga armas at isang beterano naman ang napatay.

Ang mga pangyayari sa kabanata 28 ay isang salamin ng lipunang may mapagsarili at


mapagdiktang pamamahala. Kuro-kuro man ang balita patungkol sa kinahinatnan ng mga mag-
aaral ito’y simbolo na ang pagiging kritiko sa pamahalaan ay isang mapangahas na gawi.
Ginagawang solusyon ng nakatataas ang dahas at pananakot upang pagtakpan ang mga
katiwaliang, kung kaya’t hindi mapuputol ang ganitong sistema kung walang tatayo at
maninindigan gaya ng mga estudyante ng akademiya.

You might also like