You are on page 1of 47

EL FILIBUSTERISMO

Modyul 3
Iba’t Ibang pamamaraan ng
Pagpapahayag

1. Pag-iisa-isa
• isang paraan ng paglalahad ng isang
kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng
maayos na paghahanay ng mga pangyayari
ayon sa talagang pagkakasunod-sunod nito
2. Paghamhambing at Pagsasalungatan
• ginagamit ang paraan na ito sa
paghahambing at pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga bagay-bagay

3. Pagsusuri
• sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na
nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito
4. Sanhi at Bunga
• tinatalakay kung ano ang sanhi o dahilan at
kung ano-ano ang kinalabasan

5. Pagbibigay Halimbawa
• nagpapatibay ng isang paglalahad
• madaling makumbinsi o mahikayat ang
nagbabasa o nakikinig
Modyul 4
graffiti
• anumang iginuhit o ipininta sa dingding o bakod
upang makita ng publiko
• maihahalintulad sa isang mural, mga ipinintang
letra gamit ang spray paint o maaari ding isang
uri ng vandalism na limbag o hindi limbag
• isang uri ng media na may ibig ipakahulugan
Kabanata 26-29
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Prayle at Pilipino
kabanata 28: Mga Katatakutang Balita ang Laganap
sa Bayan
Kabanata 29: Mga Huling Salita Ukol Kay Kapitan
Tiyago
May kinalaman ba si Simoun sa mga
paskin sa unibersidad?

Oo, si Simoun ang ang-utos sa grupo ni


Kabesang Tales na ipaskil ang mga paskin sa mga
paaralan para pagbintangan ang mga progresibong
mag-aaral dahil ayaw ni Basilio na sumapi sa
kaniyang planong rebolusyon.
Paano isinagawa ang paghahati ng mga
kayamanan ni Kapitan Tiyago?

Paghahati-hatiin ang kayamanan ni Kapitan Tiyago sa


kumbento ng Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo at sa mga orden.
Itinira ang dalawampung piso para sa pagpapaaral sa mga dukha.
Si Padre Irene ang nagpadagdag sa huling probisyon. Binawi raw ni
Kapitan Tiyago ang dating tagubilin na magmamana si Basilio ng
dalawampu’t limang piso dahil sa ipinakitang kawalang utang na
loob nitong mga huling araw. Ngunit ibinalik raw ito ng pari kahit
siya na ang magpapaluwal mula sa sariling bulsa.
Paghambingin si Simoun at Basilio sa kanilang
pisikal na anyo, pananaw, at katauhan.
Simoun Basilio

pisikal na anyo

pananaw sa buhay

katauhan
Mga Paglalarawan Gamit ang Pang-uri
at Tayutay

Nahahati ang paglalarawan sa:


• pang-uri (adjective)
• paggamit ng tayutay (figure of speech)
12
Pang-uring Paghahambing
• ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan
(noun) o panghalip (pronoun)

Dalawang uri ng paghahambing:


• magkatulad at hindi magkatulad
Paglalarawan na di-magkatulad o magkapatas:
• palamang
• pasahol
Pahambing na palamang

• ang paglalarawan ay may kahigitan na katangian


• ginagamitan ng mga salitang higit, lalo, mas atbp

Hal:
Lalong masipag si Antonio na lumaki sa hirap kaysa
kay Cris na mayaman ang mga magulang.
Pahambing na pasahol

• may katangiang kapos o kulang sa pinaghahambingan


• gumagamit ng mga salitang di-gaano, di-gasino,
di-tulad, kaysa sa, atbp

Hal:
Di-gaanong malakas ang palakpak kaysa sa
mga sigaw ng mga nanood sa araw ng parangal sa
mga estudyanteng nagwagi sa kompetisyon.
Paggamit ng Tayutay
(matatalinghagang pananalita)
Pagtutulad (simile)
• isang payak at lantad na paghahambing na
karaniwang ginagamitan ng mga salita,
pariralang: katulad ng, tulad ng, parang, para
ng, kapara ng, animo’y, anaki’y, kawangis
ng, kagaya ng, gaya ng, atbp

Hal:
Ang buhay ng tao’y parang gulong, minsang nasa
ibabaw, minsang nasa ilalim.
Pagwawangis (metaphor)
• naiiba sa pagtutulad sapagkat ito’y isang tuwirang
paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang
pariralang nagtutulad o naghahambing

Hal:
Uod siya sa bagal kung kumilos.

Siya’y isang mangingisda sa dagat ng buhay.

Ang buhay ng tao ay gulong, minsang nasa ibabaw,


minsang nasa ilalim.
Pagsasatao (personification)
• nagsasalin ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa bagay na
walang talino, gaya ng mga hayop, ibon, mga bagay,
pangyayari, atbp

• Pinakikilos ang mga ito sa tulong ng mga pandiwa

Hal:
Nagtago ang buwan sa likod ng mga ulap.

Lumuluha ang langit sa pagpanaw ng isang dakilang ina.


Taguri (Epithet)
• pinapalitan ang pangalan ng tao ng bagay na
nakakatulad ang katangian

Hal: Buena Tinta

Ito ang naging taguri kay Ben Zayb, ang mamamahayag na


nagsulat, nagbura, nagdagdag, at nagkinis ng balita upang
lumabas na dakila at pawang katotohanan ang kaniyang mga
isinulat bagaman ang taguring ito ni Rizal ay mapanuya.
Pagpapalit-saklaw (Synedoche)
• ginagamit ang bahagi sa halip na kabuoan o ang
kabuoan sa halip na bahagi sa paglalarawan

Hal:
“Ah, ano nga ba ang mapapala ko kung ang daigdig ay hindi
nababahala at walang pakundangan sa mga api?”

Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga sa mga magulang


nito.
Patalinghaga (Allegory)
• ang kuwento o tunay na pangyayari ay
ipinahihiwatig lamang

Hal:
Samantalang ang babae ay unti-unting
namamatay sa hawla na inakala niyang katatagpuan
ng kapayapaan ngunit sa halip ay natagpuan ang
ibayong paghihirap, nang siya’y pumasok ay sariwa
at dalisay ngunit lumabas na isang winasak na
bulaklak. (Maria Clara - kabanata XXIII)
Pangitain (Vision)
• paglalarawan na nagpapahayag ng isang
pangitain o isang kalagayang wala mang
katotohanan ay parang nagaganap na totoo
• isang pangitain o malikmata na na likha ng pag-
iisip sa maaaring maganap o mangyaring
kondisyon

Hal:

Naisip niyang maraming tao ang tatakbo nang walang


ulo, at sumagi sa kaniyang isipan na siya’y nakatayo sa
bunton ng mga bangkay.
Oksimoron (Oxymoron)
• paglalarawan na nagtataglay ng mga salitang
may salungat na kahulugan upang mapatingkad
ang paglalarawan at makabisa sa damdamin

Hal:
Ito’y kinatataguan ng buhay at kamatayan, ng lason
at lunas.
Panawagan (Apostrophe)
• pahayag na tumatawag o kumakausap sa isang
tao o imahe, o isang bagay na wala o hindi
kaharap

Hal:
Hangin, pawiin ang aking pighating damdamin.
Pagmamalabis (Hyperbole)
• matinding paglalarawan, labis, at maaaring angat
sa katotohanan

Hal:
“At sa pamamagitan ng isang dakot nito ay
mangyari kong paluhain ang lahat ng mamamayan
sa Pilipinas.”
d l r s t
pang+daliri = pandaliri
pangrelo= panrelo
mangsasayaw = mansasayaw

b at p
pangbata = pambata
sawingpalad = sawimpalad
Modyul 5
Kabanata 30-39
Kabanata 30-39

Bakit tanging si Basilio ang naiwan sa bilangguan? Ano ang


katibayan laban sa kaniya?

Walang padrino si Basilio sapagkat patay na si Kapitan


Tiyago. Bagama’t hindi siya kasama ng mga estudyanteng
nagtipon sa isang apnsiterya, ang isang akalt na ipinadala
kay basilio na may balot pa ay nangangagulugang hindi pa
ito nababasa at naging katibayan laban kay Basilio. Isa pa,
nakatala ang panglan ni Basilio sa listahan ng mga
estudyanteng sumusuporta sa Akademya ng Wikang Kastila.
Buhos na buhos sa pag-aaral si Basilio kaya’t hindi
man lamang mabigyang pansin ang mga mumunting aklat
ukol sa Pilipinas na ipinadala sa kanya mula sa ibang
bansa. Ngunit walang nakaaalam kung saan talaga
nanggagaling ang mga mumunting aklat na ito. Ang ilan ay
nakapukaw sa damdamin ng marami dahil sa masama at
kalait-lait na pagpapalagay sa mga mamamayan ng
bansa. Walang kapana-panahon si Basilio na mabuksan
ang mga ito. (Kabanata XXIII)
Bakit inaasahan ni Simoun ang pagpunta ni Basilio
sa kaniyang bahay?

(Kung ninais ni Simoun na makalaya agad si Basilio,


kaya niya iyong gawin. Maiisip na sinadya ni Simoun
nagdusa si Basilio sa bilangguan upang gisingin ang
mapanghimagsik na damdamin nito.)
Pumasok si Basilio na hindi nakaalalang bumati…

“May apat na buwan na ang nakararaan nang kausapin


niyo ako tungkol sa inyong mga balak. Tumanggi akong
makianib at nagkamali ako. Tama kayo. Nitong nakaraang
tatlo’t kalahating buwan, bago magsimula ang himagsikan,
hindi rin ako nakiisa. Nang mabigo ang kilusan, ang
kabayaran sa aking ginawa ay pagkabilanggo. At utang ko
ang aking kalayaan sa inyo. Kayo’y may matuwid noon.
Ngayo’y naparito ako upang humingi ng sandata. Hayaang
magsiklab ang himagsikan. Nahahanda akong maglingkod
kasama ng lahat ng mga sawimpalad.” (Kabanata XXXIII)
Ano ang nilalaman ng tarhetang nagpasa-pasa sa kamay
ng mga panauhin sa kasal? Bakit si Padre Salvi ay
nagkaroon ng reaksiyon na gaya ng panonood sa
espinghe (sphinx) at napatunayan na hindi peke ang lagda?

Ang tarheta ay naglalaman ng isang babala na


hinango sa Bibliya – Mane Thacel Phares. Ito ay
nangangahulugang nalalapit na ang pagbagsak ng
kaniyang kaharian. Ang tarheta ay may pirma ni Juan
Crisostomo Ibarra. Si Padre Salvi ang nakapagpapatunay
na hindi huwad ang pirma sapagkat alam ni Padre Salvi
ang sulat – kamay ni Ibarra. (Kabanata XXV)
Daniel 5
25 And this is the writing that was written, MENE, MENE, TEKEL,
UPHARSIN.

26 This is the interpretation of the thing: MENE; God hath numbered


thy kingdom, and finished it.

27 TEKEL; Thou art weighed in the balances, and art found wanting.

28 PERES; Thy kingdom is divided, and given to the Medes and


Persians.
Mga Teoryang Pampanitikan,
Isang Pagtanaw
Klasisismo
• sumibol noong 800 hanggang 400 BCE

• may pananaw na nagsasabing dalawa lamang


ang uri ng tao sa mundo – ito ay yaong mataas at
mababang uri

• matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita,


at laging nagtatapos nang may kaayusan
Romantisismo
• isang malaking kilusang pansining at pampanitikan sa Europa, na
sumibol noong huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900
• subjective o individualistic ang manunulat
• napapahalagahan dito ang pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran
sa pagiging masining ng akda
• nasusuri dito ang mga pahayag at kaisipang naglalahad ng pagtakas
sa katotohanan
• nasusuri sa akda ang iba’t ibang damdamin
• mababakas sa akda ang mahigpit na paniniwala sa Diyos
• ang masa o pangkaraniwang tao ang higit na pinararangalan
• imahinasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ng tao
ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan
Realismo
• nagsimulang sumibol noong ika-19 na siglo bilang isang
malakas na reaksyon sa Romantisismo nang lumaganap
ang rebolusyong industriyal

• buhay lipunan ang pinasisigla nito, higit na nakatuon sa


katotohanan at hindi sa kagandahan

• nakatuon ang pagsusuri sa mga tauhan batay sa mga


pagbabagong pisikal, emosyunal, intelektwal at ispiritwal
Humanismo
• isinilang noong ika-14 na dantaon
• ang TAO ang kawili-wiling paksain at wala nang iba
• ang pinakamahalagang bahagi ng pagiging tao sa
teoryang ito ay ang kakayahang mag-isip (the power of
cognition)
• ang karapatang pantao ay kaisipang nakapaloob sa
teoryang ito, sapagkat ito ay ang mga karapatang
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tao, at ang
pagsunod dito ay pagkakaroon ng mataas na moral na
alinsunod sa batas ng Diyos
Naturalismo
• nagsimula noong huling dekada ng ika-19 na siglo sa
pamamagitan ni Herbert Spencer
• ang akda ay kakikitaan ng kasuklam-suklam na detalye
ng buhay – marumi, mabangis, at mapaniil
• nagbibigay-diin sa namana at pisikal na katangiang likas
ng tao
• ang indibidwal ay produkto ng kaniyang kapaligiran at
pinanggalingan
• ang tao ay pesimista (taong palaging nag-iisip na di mabuti
ang mangyayari o kalalabasan ng anuman)
Eksistensiyalismo
• ang tao ay malaya at responsable, siya lamang ang
maaaring magdesisyon sa kaniyang buhay
• ang tao ay individualistic, kailangang makilala muna nang
lubos ang kaniyang sarili bilang tao bago niya ituring na
bahagi siya ng lipunan
• ang tao ang lumilikha ng moralidad at relihiyon
• kadalasan may pagkarebelde ang manunulat, ito ay makikita
sa tauhang kaniyang nilikha
• sa konsepto ng relihiyon, may mga eksistensiyalistang
naniniwala na walang Diyos at mayroon namang naniniwala
na may Diyos subalit di kayang kilalanin ng tao
Marxismo
• nagmula sa pangalang Karl Marx, isang Alemang pilosopo,
ekonomista, at rebolusyunaryo
• noong 1850 ay nagsimula ang pagsusuring ito sa panitikan
• ang panitikan ay kaugnay ng realidad ng kasaysayan ng
lipunan
• nagpapakilala ng dalawang uri ng nagtutunggalian ang
kapitalista (mayayaman) at ang mga proletaryado
(manggagawa)
• sa akda, higit na kapansin-pansin ang tunggalian ng interes
ng mayaman at mahirap ng kapitalista at manggagawa
Sa pagbuo ng teoryang pampanitikan,
mahalagang masalamin ang kamalayan ng
manunulat sa mambabasa upang lalong matugunan
ang maraming katangiang taglay ng isang akda na
ang may-akda lamang ang makasasagot
Lohikal na Presentasyon ng El Filibusterismo
Kasukdulan 35
pinakamaigting na bahagi o pangyayari na
nakapaloob sa nobela

Tumitinding Galaw
naglalahad ng mga pangyayaring aakay sa
19 Kakalasan
unti-unting pagbaba ng takbo ng pangyayari
mga mambabasa tungo sa maigting na
pangyayari sa nobela

Simula 7 Wakas 39
nagpapakilala sa pangunahing tauhan kagyat na sumusunod pagkatapaos na
at ang napipintong suliranin makalas ang masasalimuot na pangyayari
sa nobela

You might also like