Professional Documents
Culture Documents
EL FILIBUSTERISMO
INTRODUKSYON: Jose Rizal. Ano ang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang kaniyang
pangalan? Pambansang bayani? Isang magaling na lider? Mahusay na doktor? Matalinong syentista?
Batikang manunulat? Kung ang lahat ng ito ay iyong naiisip, maaaring masabi mo sa sarili mong kilala mo
si Dr. Jose Rizal na tinagurian nating pambansang bayani. Subalit kung ating gugunitain ang kaniyang
nakaraan, marami rin siyang mga karanasang hindi kaaya – aya, mga sugat na walang lunas at ang sakit
na kaniyang naramdaman ay walang katumbas. Lahat ng ito ay kagagawan ng mga taong walang puso at
kaluluwa. Maging sa pag – ibig ay sawi siya kaya‘t ang mga karanasang ito ang naging daan upang siya ay
magsulat ng nobela na masasalamin mo ang kaniyang buhay. Hindi man niya pangalan ang nakasulat sa
mga nobelang nilikha niya, mahihinuha mo na isinasalamin nito ang kaniyang buhay, pangarap at
adhikain. Isa na nga sa mga nobelang kaniyang hinubog ay ang EL FILIBUSTERISMO. Nobelang
nagpamulat sa mga tao sa tunay na nangyayari sa kanilang bayan. Ito man ay kinutya at ipinagbawal ng
mga pinatatamaan, nanatiling matatag ang nobelang ito na hanggang ngayon ay ating pinag – aaralan at
ating tinatangkilik. Ano nga ba ang mayroon sa nobelang ito at ipinagbawal ito ng mga pinatatamaan?
(Nakagigimbal na musika)
Crisostomo Ibarra: Dalian mo! Paparating na sila! Hindi nila tayong maaaring maabutan. (Nagtago si
Ibarra sa gilid ng bangka)
Elias: (Akmang tatalon sa dagat) Ginoo, mauna na kayo. (Tumalon sa dagat, nang minsang lumitaw ang
ulo ay pinagbabaril siya ng guwardiya sibil na inakalang ito si Crisostomo Ibarra).
(Lalabas si Jose Rizal na nakapiring at babarilin patalikod ng mga kawal) (Putok ng mga baril).
(Mahabang sandali).
Narrator: Umaga noon ng Disyembre nang pumalaot ang Bapor Tabo, Bapo Tabo ang pangalan
nito sapagkat ito ay hugis-tabo. Subalit kahit ano pa ang ipintas rito, sinasakyan pa rin ito ng
mga pobreng mamamayan na labis na nakauunawang kung siya ay may kapintasan, sila man ay
mayroon ding kasiraan. Kapag nakita mo ang Bapor Tabo, pabuga - buga ito ng itim na usok,
malakas kung sumipol. Nahahati sa dalawang bahagi ang Bapor Tabo, ang ilalim at ang ibabaw.
Makikita sa ibaba ang mga Indio, Tsino at mestizo na pawisang nagsisiksikan katabi ng mga baul
at kalakal. Makikita naman sa itaas na maginhawang nakaupo ang ilang prayle, ilang nakadamit
pang Europeo at ang ilang kawani na hithitan nang hithitan ng tabako habang kwentuhan nang
kwentuhan at nagmamasid – masid sa napakalinaw na tubig. Tingnan natin ang mga pangyayari
sa Bapor Tabo.
Donya Victorina: (palakad-lakad, natatawa ang mga pasahero) Nakikita niyo ang suot ko?
Walang-wala ito sa mga suot niyo! (walang nakikinig at umalis na padali-daling pumunta sa
kapitan) Pambihira talaga yang asawa ko. Nilayasan pa naman ako! hmph! Hoy Kapitan!
pakibilisan pa nga ang pagpapatakbo niyo sa barko. Ang hina!
Kapitan ng barko: Patawad pero hanggang dito lang ang kaya ng bapor.
Donya Victorina: Ang babaw talaga ng ilog na ito! Ang bagal tuloy ng takbo ng makina.
Don Custodio: Hinid ako makasasang-ayon sa panukala mo Ginoong Simoun. Napakalaking pera
ang magugol at masisira pa ang ibang kabahayan.
Don Custodio: At saan namin kukunin ang salaping ibabayad sa mga mangangawa? Baka
magdulot iyan ng isang himagsikan?
Simoun: Eh ‘wag silang bayaran! Mga bilanggo ang gagawa ng kanal. At kung hindi sapat ay
samahan pa ng mga mamamayan. Himagsikan? Kabaliwan! Naghimagsikan ba ang mga Hudyo o
mga taga-Ehipto?
Don Custodio: Ngunit wala tayo sa Ehipto, ni mga Hudyo, Ginoong Simoun. Ikinalulungkot ko
pero hindi ako sang-ayon sa gusto mo. (hindi nakatagal ang ginoo kaya’t tinalikuran si Simoun.)
Kapitan Basilio: Akademya ng Wikang Kastila? Hmmm… Tiyak akong hindi ‘yan
maisasakatuparan.
Kapitan Basilio: Kung sa bagay, hindi naman masama ang panukalang iyan. Pero sa panahon
namin, Latin ang aming pinag-aralan. Ngayon, nag-aaral nga ng Latin ngunit walang libro.
Meron ngang aklat na Kastila ngunit hindi tinuturo. Tsk2x (Tumayo ang matanda at umalis.)
Isagani: Wala siyang tutol. Nagbibigay pa nga siya ng mga payo tungkol sa pag-asawa. Pero ang
tanging hadlang ay si Donya Victorina. Pumapayag na lang ako baka sa takot na mawalan ng
katipan. Ang totoo… shhh, nagtatago si Don Tiburcio sa bahay ng aking amain. (Dumating agad
si Simoun.)
Simoun: Huwag sana ninyong ikagalit, ginoong Isagani, totoo bang napakahirap ng mga tao sa
bayan ninyo kaya hindi bumibili ng mga alahas?
Simoun: (Napangiti) ‘Wag kang magalit, binata. Halina’t uminom na lamang tayo ng serbesa.
Isagani: Ewan ko ba, Basilio. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay iba na ang naramdaman ko.
Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.
Basilio: Aba oo! Si Kapitan Tiyago ang una niyang binisita sa kanyang pagdating. Napapabalitang
isa rin siyang kaagaw sa mana.
Narrator: Bumalik si Simoun sa kubyerta at narinig na nagkukwento ang kapitan tungkol sa mga
alamat.
Kapitan: Maraming malulungkot at masasayang alamat ang ilog na ito. Nariyan ang malapad na
bato, kinakatukan dahil sa paniniwalang may naninirahang mga engkanto. Ito’y
pinagsamantalan at ginawang pugad ng mga tulisan.
Padre Florentino: May alamat din tungkol kay Donya Geronima. May magkasintahan daw sa
Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako na makasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo.
Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Padre Salvi: Teka-teka. Huwag niyong kalimutan ang pinakamaganda at pinakatotoo sa lahat.
Ito ang milagro ni San Nicolas. Si San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga
buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Ben Zayb: Napakaganda! Ang anyo, isang takot na intsik, tubig sa ilog, at mga bato! Magnifico!
Pero may tanong ako Kapitan. Alam niyo ba kung saan napatay ang isang lalaking
nagngangalang Guevarra? Este Navarra o Ibarra? (Tumingin ang lahat. Namutla si Simoun.)
Kapitan: Siya si Crisostomo Ibarra. Ayon sa mga tumugis kay Ibarra nang malapit na siyang
abutan ay tumalon sa bangka. Sa paglitaw ng kanyang ulo sa tubig ay pinaulanan na siya ng
bala. Nawala sa kanilang paningin at ang tubig ay nagkulay-dugo. Ang kanyang… bangkay ay
kasama na ng ama.
Ben Zayb: Hindi ba isa siyang Pilibustero? Ibig sabihin napakamura lang ng kanyang pagkalibing.
Haha! (nagtawanan lahat) Ginoong Simoun? Bakit kayo namumutla? Huwag niyong sabihin na
ang isang bihasang manlalakbay ay malulula sa Ilog-Pasig.
Simoun: Hindi ako nalulula. (patawang sagot ng ginoo).
Ben Zayb: Siyanga pala Kapitan, ikuwento niyo pa ang tungkol sa buhay ng Crisostomo Ibarra na
‘yan.
Narrator: At nagkuwento nga ang kapitan pero hanggang sa pagkamatay lang ni Ibarra ang
natandaan. Nagsimulang magkwento si Padre Salvi at nakinig ang lahat.
Padre Salvi: Si Ibarra ay laki sa ginhawa. Matalino kaya sa Europa nakapag-aral. Sa kanyang
pagbalik, nalaman niya ang kahindik-hindik na nangyari sa ama. Ang kanyang katipan na si
Maria Clara ay hindi pumayag na magpakasal kay Linares. Mas pinili pa niyang maging mongha
at manatili sa kumbento kahit sa pagtutol ni Padre Damaso. Walang nagawa ang padre.
Matatag ang paninindigan ni Maria Clara.
Ben Zayb: Pinahanga ako ni Maria Clara. Bibihira na lang ang mga babaeng ganyan. Nasaan ba
siya ngayon?
Narrator: Nagpatuloy ang pag-uusap sa loob ng kubyerta. Si Padre Florentino ay naalala ang
mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Si Padre Florentino ay naging padre sa utos ng
ina kahit mayroon siyang katipan. Wala siyang nagawa kundi pumayag. Sa pagsapit ng kanyang
Ika-25 taong gulang, isa na siyang ganap na pari. Ang pinakamasakit sa lahat ay nang mag-
asawa ang kanyang katipan dahil sa sama ng loob. Mga tsismis ang kumalat nang arugain niya si
Isagani, ang kanyang pamangkin. Maraming nagsabi na anak siya ng padre sa dating katipan.
Ang mga pangyayaring iyon ang naglilok sa malalalim na gatla sa noo ni Padre Florentino.
SCENE 4: SA KUBO
Narrator: Naalala niyo pa ba si Kabesang Tales? Siya ang nag-aruga kay Basilio. Siya’y naging
Cabeza de Barangay ngunit ayaw na niya ang trabahong ito. Kinukuha ng mga prayle ang
kanilang lupain. Ang anak niyang si Tano ay naging guwardiya sibil at si Huli ay napilitang isanla
ang sarili para matubos ang ama.
Tandang Selo: Hindi ako makakapayag! Kung aalis ka… babalik na ako sa gubat.
Huli: Patawad, Ingkong pero ito lang ang solusyon para matubos ko si Ama.
Tandang Selo: Ganyan ba kaimportante ang agnos na ibinigay ni Basilio para isanla mo ang sarili
mo kay Hermana Penchang?
Tandang Selo: Binihag na nga si Tales at ngayon… ikaw ay magpapaalila dahil lamang sa P250?
Narrator: Gabi na’t inilalakad na ang prusisyon ng noche buena nang dumating si Basilio sa San
Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at walang ilaw ang parol
kaya’t binugbog ng mga guwardiya sibil. Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nananatili si Basilio.
Ngunit di siya makakain ng hapunan dahil sa mga ulat na ibinigay ng utusan. Pumunta siya sa
libingan ng kanyang ina na namatay labintatlong taon na ang nakaraan.
Basilio: Ano ba itong naririnig ko? May paparating? (Nagtago sa likod ng puno) Ginoong …
Simoun? Imposible! Siya ang taong tumulong sa paglilibing kay ina at sa pagsunog sa isa pang
lalaki. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- …si
Ibarra?
Simoun: (Lumapit) Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring ikasawi ko, at ngayo’y
natuklasan mo pa ang aking lihim na ikasisira ng aking mga balak. At kamatayan lang ang
tanging sagot diyan.
Simoun: Hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko papatayin. Gaya ko rin ay may dapat kang
ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan. Dapat tayong magtulungan.
Basilio: Karangalan kong matulungan ka ngunit ayaw kong makialam sa politika. Naniniwala
akong karunungan ang makaliligtas sa bayan.
Simoun: Iginagalang ko ang iyong desisyon. Pero kung magbago man ang iyong isip, bukas pa
rin ang aking tahanan. (Umalis si Basilio at nagpatuloy si Simoun sa paghuhukay)
Huli: Wag kang malungkot, Ingkong. Babalik naman po ako. (hinalikan ang locket) Diyos ko!
Ketongin ang dating may-ari nito. Baka ako mahawa! Sige Ingkong, aalis na ako. (umalis)
Narrator: Kumalat ang balita sa pagkapipi ni Tandang Selo. Marami ang walang pakialam.
Dumating na si Tales na malungkot na malungkot. Pinapaalis na sila sa kanilang tahanan.
Kinabukasan, nakituloy si Simoun sa kanila.
Simoun: Maraming salamat. (inilabas ang rebolber) Sa palagay niyo ba sapat na ang rebolber na
ito laban sa mga tulisan?
Kabesang Tales: Ewan ko po pero mayroon silang mga baril na malayo na ang narating. (biglang
nagdatingan ang mga bisita)
Simoun: Ito’y mga brilyanteng mahirap pantayan. Teka lang Kabesang Tales, mayroon ba
kayong maiaalok sa akin?
Kabesang Tales: Pero napakaimportante iyon para kay Huli na dating pag-aari ni Maria Clara.
Simoun: Kay… Maria Clara? (Umoo si Tales) Papaano ito napunta kay Basilio?
Kabesang Tales: Ibinigay daw ito ni Maria Clara sa isang ketongin na nagpagamot kay Basilio.
Kabesang Tales: L-Limang daang piso? Pero dapat malaman muna ito ni Huli.
Narrator: Kinabukasan, nakita ni Simoun na nawawala na ang kanyang rebolber at nakita ang
isang liham. Laking tuwa ni Simoun nang makita ang agnos ni Maria Clara. Nang gabing iyon,
tatlong bangkay ang natagpuan. Pugot ang mga ulo, may sumpal ng lupa sa bibig at may
katagang ‘Tales’.
Basilio: Sige na po Hermana Penchang, payagan niyo na akong kunin si Huli? Hindi pa ba sapat
ang ginawa niyang pagpapaalila sa iyo?
Hermana Penchang: Kung gayon ang nangyari, eh sana hindi ko na lang siya pinautang. Hindi
naman pala tutubo ang aking salapi.
Huli: Pero hindi ko pa rin alam kung saan kami titira? Teka lang? bakit ka napangiti?
Basilio: Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo kaya’t wala kang dapat alalahanin.
Juanito: (tinapik si Placido) Hoy Placido! Nakapag-aliw ka bang mabuti noong bakasyon?
Juanito: Masayang-masaya. May nakita akong magagandang mga babae. Teka-teka. Ano ba
nangyari nang nakaraang mga araw?
Narrator: At sumagot si Placido at nagtungo sa klase ngunit nagdadalawang isip siya. Sa klase
ng Pisika. Sinabi ng Propesor na labinlimang araw nang hindi pumapasok si Placido ngunit hindi
makapaniwala si Placido. At ininsulto siya ng Padre. Nagalit si Placido.
Placido: Tama na, Padre! Alam kong mas mataas ang ranggo ninyo ngunit wala kayong
karapatan na laitin ako! Hindi na ako makatiis kaya’t paalam na!
Ginoong Pasta: Bakit hinahangad ninyo pang ituro ang Wikang Kastila? Pagdating ng panahong
tubuan na kayo ng uban katulad ko, baka sabihin niyong hindi ako nagbulaan sa inyo?
Isagani: Hindi ito isang pansariling kagustuhan. Ako’y napag-utusan lamang. Ngayon hindi mo
pa masasabing ako’y nakatulong sa kapwa, pero bawat puting buhok ay magsisilbing tinik ng
aking kakulangan. Paalam!
Ginoong Pasta: Hanga ako sa kanya pero siya mismo ang gumagawa ng kanyang sariling
libingan.
Narrator: Nagdaos ng piging sa bahay ni Quiroga dahil nais niyang magkaroon ng konsulado ang
mga intsik. Kinausap siya ni Simoun.
Simoun: Makinig kayo, ang siyam na libong utang mo ay gagawin kong pitong libo na lamang
kung papayag kang itago rito ang ilang kaha ng baril na darating ngayong gabi?
SCENE 11 : SALU-SALO
Narrator: Nagkaron ng salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto sina Pecson, Sandoval,
Isagani at Macaraig.
Sandoval: O Macaraig, ano ang nangyari sa nilalakad natin?
Macaraig: Sumang-ayon ang lupon sa panukala at binati ang mga mag-aaral dahil sa kanilang
pagkauhaw sa karunungan.
Macaraig: Hindi pa ganap, Pecson. At kaya lang tayo makasasama sa pamamahala sa akademya
ay tayo ang maniningil ng mga abuloy. Ibibigay iyon sa mga ingat-yamang pipiliin ng
korporasyon. At saka lang tayo bibigyan ng katibayan ng pagkakatanggap.
Isagani: Ang nakakatawa pa’y pinayuhan ako ni Padre Irene na magdiwang ng isang piging.
Narrator: Gabi na ngunit nag-aaral pa rin si Basilio habang binabantayan si Kapitan Tiyago.
Basilio: Ah! Ginulat niyo ako Ginoong Simoun! Masama ang kanyang kalagayan at maaari siyang
mamatay anumang oras dahil kumakalat na ang lason sa kanyang buong katawan.
Simoun: Unti-unting nalalason katulad ng Pilipinas. Basilio, makinig kang mabuti. Sa isang
hudyat ay sisiklab ang isang himagsikan.
Simoun: Hawak ko ang pamahalaan Basilio. Nasa aking mga kamay ang Kapitan Heneral.
Simoun: Dahil hindi ako pwedeng malayo sa gitna ng labanan, gusto kong puntahan mo ang
kumbento ng Sta. Clara at kunin mo ang isang importanteng babae na tayo lamang ang
nakakikilala.
Simoun: Oo. Siya ang dahilan kaya’t ako’y nagbalik at maghiganti at himagsikan lamang ang
makabubukas sa kumbento.
Simoun: Patay na siya?… Namatay siyang hindi man lamang nalaman na ako’y buhay pa. Ano na
lang ang silbi ng lahat ng ginagawa ko kung wala na siya… (umalis)
Macaraig: Yun lang? Marangal na pagkatao! Maasahan ka talaga Basilio akala ko at katulad ka
ng iba. (Kinamayan ang binata)
Narrator: Nadakip ang mga estudyante at kasali na rito si Basilio. Sinabi ito ni Padre Irene kaya’t
sumama ang loob ni Kapitan TIyago. Dahil sa balitang iyon ay namatay siya. At naging magarbo
ang libing ni Kapitan Tiyago. Lumaganap ang balita at umabot rin ito kay Huli.
Hermana Bali: Pumayag ka na Huli. Walang gagawing masama si Padre Camorra kapag nandito
ako.
Huli: Pero hindi tayo nakatitiyak! Hindi siya nakuntento sa aking pasasalamat noong
ipinagtanggol niya si Ingkong.
Narrator: Hindi na nalaman kung ano ang nangyari sa loob. Tahimik noon nang nahulog ang
isang katawan mula sa itaas at ang paglabas nang parang nababaliw na babae. Marami ang
naidulot ng mga paskin, marami rin ang hindi nakapasa. Kumalat rin sa bayan ang pagpapakasal
nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez.
Paulita: Si Juanito na ang pakakasalan ko. Ayoko na kay Isagani. Iba ang kanyang mga pangarap.
Tumira sa nayon? Hindi iyan ang gusto ko! Gusto kong makapaglakbay at tumira sa syudad.
Juanito, pakakasalan kita.
Juanito: Talaga? Salamat. Matutuwa talaga si Ama. Pupunta sina Simoun at ang Kapitan
Heneral!
Kapitan Heneral: Hindi pwede! Isa itong leksyon sa mga taong tulad niya.
Kawani: Kung gayon ay magbibitiw na lamang ako sa aking katungkulan at babalik sa Europa.
Narrator: Umalis ang kawani. Isang lalaking binugbog ang nagsumbong kay Basilio tungkol sa
nangyari. At nang nakalaya ay pinuntahan si Simoun na siyang tumulong sa kanya.
Simoun: Oh Basilio…
Simoun: Nasa panig mo ang katarungan dahil kasama mo ako. Nilayuan ako nang karamihan
dahil sa panlalamig ko nitong huli.
Basilio: At ngayon?
Simoun: Tingnan mo ang loob nito. Mayroon itong nitro-gliserina. May magaganap na isang
piyesta at sa ganap na ika-siyam ng gabi ay titiyak na puputok ang lampara dahil hihilain ang
mitsa. Ang pagputok ay siyang hudyat! Maririnig ng mga tulisan na pinamumunuan ni Tales sa
Sta. Mesa. Dalhin ninyo ang sasanib sa tindahan ni Quiroga. At kung ayaw ay patayin! Pilipino
man o Kastila. At sa ganap na ika-10 ng gabi ay hihintayin ninyo ako sa San Sebastian.
Narrator: Kinuha ni Basilio ang rebolber at umalis. Habang naglalakad ay marami siyang naiisip.
Basilio: Hindi ko pala naitanong kay Ginoong Simoon kung nasaan ito? Teka nga.. Sina Juanito at
Paulita iyon ah! Sila ang ikinasal? Ano na kaya ang nangyari kay Isagani? Dito pala ang kasal sa
bahay ni Kapitan Tiyago.
Narrator: Nakita niya si Simoun na pumasok. Sa bulwagan ng bahay ay maraming mga opisyales
ang bumisita. Binabati ni Don Timoteo Pelaez ang mga bisita. Pupunta ang Kapitan Heneral.
Isagani: Bakit?
Basilio: Gusto mong mamatay? Hindi mo ako lubos na maintindihan. Nakikita mo ang
lamparang iyon? Puputok iyan! Kaya umalis na tayo! (Tumakbo)
Don Custodio: Huwag na natin itong isipin. Isa lamang iyang biro!
Narrator: Isang mabilis na anino ang kumuha ng lampara at tumalon sa may ilog. Nang gabing
iyon ay hindi narinig ang isang putok. Si Matanlawin o Kabesang Tales ay kinakatakutan sa
Luzon pero ang ibang mga tulisan ay nahuli at pinapahirapan.
Narrator: Sa kabilang dako, Si Carolino o Tano at ilang mga kasamahan ay pinapatay ang mga
alipin para wala nang trabaho. Isang lalaki ang lumabas sa likod ng bato at namukhaan niya ito.
Pero binaril niya. Isa pang lalaki ang lumabas at binaril din niya ito at nahulog. Nakilala niya na
ito pala ang kanyang Ingkong na sabay turo sa lalaking nahulog na siyang si Tales.
Padre Florentino: Walang anuman pero ano nga ba ang nangyari sa inyo?
Simoun: isang kasalanan sapagkat ayoko nang maghirap! Tiyak na ang aking kamatayan
sapagkat uminom ako ng lason. At may ipagtatapat ako sa inyo.. Ako si… Juan Crisostomo
Ibarra.
Padre: Mapapatawad po. Marahil ay hindi lang niya nagustuhan ang pamamaraan ninyo.
Narrator: Nangumpisal si Simoun. at sa huling sandali ay ipinikit ang mga mata at hindi na
idinilat kailanman.
Narrator: Kinuha niya ang mga kayamanan ni Simoun at tumungo sa dagat. Itinapon niya ito.
-WAKAS-