You are on page 1of 8

FLORANTE AT LAURA

Saknong 171-206
Ang Pagbabalik-tanaw ni
Florante sa kanyang
Kamusmusan
Inihanda ni: Zarabel T. Ngo at Zheng Yuan B. Xie
BUOD
Ikinuwento naman ni Florante kay Aladin habang sila ay nakaupo
sa ilalim ng puno ang kahabag-habag niyang sinapit bunga ng
isang kataksilan. Sinimulan niya ang pagkukuwento sa alaala ng
kanyang kamusmusan, Siya'y hinirang na anak ni Duke Briseo mula
sa bayan ng Albanya. Ang kanyang ina ay si Prinsesa Floresca na
mula naman sa bayan ng Krotona. Si Duke Briseo ay tagapayo at
sanggunian ni Haring Linseo ng Albanya. Ang tawag ni Duke
Briseo kay Florante mula nung bata pa siya ay Floranteng bulaklak
kong natatangi.
BUOD
Sanggol pa lamang si Florante nang unang manganib ang
kanyang buhay sa isang dambuhalang buwitre habang siya'y
natutulog. Nasaksihan ng kanyang ina ang nakaambang
panganib at dahil sa malakas nitong tili ay agad nakasaklolo, ang
pinsan niyang si Menalipo na noon ay may dalang pana at
panudla. Agad nitong natudla ang buwitre at siya'y nakaligtas.
Isang araw naman habang siya'y nasa gitna ng salas, isang alko
naman ang sumila sa kanyang suot na kuwintas na may palawit na
may kupidong diyamante.
BUOD
Nang sumapit na siya Sa edad na siyam na taon, nakagiliwan
naman niyang magpunta ng burol para mamana at manghuli ng
hayop. Sa batis naman ay nawiwili siyang pakinggan ang lagaslas
ng tubig na tila may mga nayadas na umaawit. Nauulinigan niya
ang taginting ng lirang katono ng awit. Ikinuwento ni Florante kay
Aladin ang kanyang masayang paglaki at kabataan sa piling ng
inang kalikasan.
BUOD
Sabi ni Florante na natutuhan niya mula sa kanyang ama na
kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata,
magiging mahina siya paglaki niya. Mundo ito ng kahirapan, kaya
bawat tao ay dapat matutong patibayin ang kalooban. Kaya
ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral. Sa Atenas ang
naging maestro niya ay si Antenor, na mabait na maestro. Ilang
buwan si Florante hindi makakain at madalas na umiiyak dahil sa
matinding kalungkutan. Si Antenor ang tumulong sa kanya upang
mawala ang lumbay sa loob ng ilang buwan sa Atenas.
Activity
Punan ang nawawalang letra sa pamamagitan ng
pagbabasa ng kahulugan na nasa loob ng panaklong.
1. F_ _ _ _ _ _ _ (Pangalan ng ina ni Florante)
2. _ _ _t_ _ _ (Pangalan ng bayan ng ina ni Florante)
3. _ _ _ _ _ _r (Pangalan ng maestro ni Florante sa Atenas)
4. _ _k_ (klaseng ibon na kumuha ng kwintas ni Florante)
5. M_ _ _ _ _ _ _ (Pinsan ni florante na nagligtas sakanya)
6. _ _ _ a _ _ (Dilidili)
7. _ _ _ y _ _ (humapis)
8. p _ _ _ _ _ _ _ _ _ (Lingap)
9. _ _ _ _ k _ _ (Lumbay)
10. _ _ _ _ R _ _ _ _ (karalitaan)
Thank You

You might also like