You are on page 1of 6

RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo

Aralin 2 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura

MELC: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


batay sa mga nabasang pahiwatig sa akda.
(F8PN-IVa-b-33)

Susing Konsepto

Si Francisco Balagtas ay naghimagsik laban sa mga maling


pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ayon kay Lope K. Santos, ang
Ama ng Gramatika, ang “Apat na Himagsik” ni Balagtas ay idinaan niya sa
pamamagitan ng panulat at panitikan. Narito ang mga hinaing ni Francisco
kaugnay ng pagsulat niya ng Florante at Laura.

Apat na Himagsik

Himagsik laban sa malupit na pamahalaan


Mahigpit ang pamamalakad at ang pamumuno ng mga Kastila sa
bansang Pilipinas sa panahon ng kanilang pananakop. Isa ito sa mga
suliraning nais bigyang pansin ni Balagtas sa kanyang awit na Florante. Isa
sa pahiwatig na binigyang diin nya rito ay ang Saknong 14 kung saan
ipinamamalas ni Francisco ang kanyang hinagpis sa katauhan ni Florante
habang nakatali sa puno ng Higera.

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Himagsik laban sa maling kaugalian


Maraming Pilipino ang narahuyo sa maling kaugalian ng
pagpapalaki sa mga anak na nagbunga ng pagkakaroon ng mga ito ng
mga ugaling katulad ng : pagiging maiinggitin,pagiging mapaghiganti,
pang- aagaw ng pag-ibig at iba pang mga negatibong kaugalian na

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

namana natin sa mga kastila. Ito ay ipinahiwatig ni Balagtas sa


saknong 202 kung saan binanggit niyang ang labis na pagmamahal sa
anak ay hindi nakabubuti sa halip ay nagiging dahilan ng pagiging
palalo.

“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.”

Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya


Sa panahon ng pananakop ng mga kastila ay ipinayakap din nila
sa mga Pilipino ang Kristiyanismo, subalit kaugnay nito ay ang mga
maling turo na kaugnay ng relihiyon. Ipinakita nila ang hindi
pagpapahalaga sa mga Moro (Muslim) sa halip ay ipinaturing nilang
kaaway ang mga ito. Sa akda ni Balagtas na Florante at Laura ay
ipinamalas niyang maaaring maging magkaibigan ang Moro at
Kristiyano na makikita sa katauhan nina Aladin at Florante.

“Ipinahahayag ng pananamit mo,


Taga Albania ka at ako’y Persiano,
Ikaw ay kaaway ng bayan at sekta ko,
Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”

Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay ipinagbawal ang


pagsulat ng mga akdang tumutuligsa sa kanilang pamamahala.
Tanging ang paksang relihiyon lamang ang pinapayagang mga paksa
na dapat taglayin ng mga panitikan. Gayunpaman sinikap ni Francisco
na sumulat ng isang awit na nasa anyong patula na tumutuligsa sa
pamamahala ng mga kastila. Ginamit niya rito ang paraan ng
paglalahad na nasa anyong patumbalik (flashback)

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

KATANGIAN NG FLORANTE AT LAURA

-itinuturing na awit ngunit sa patulang pasalaysay na anyo. Ito ay mayroong


399 na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan na may sumusunod
na katangian:
1. Mayroong apat na linya bawat saknong;
2. Mayroong 12 pantig bawat linya;
4.Mayroong sandaling pagtigil sa ika-anim na pantig;
5. Bawat saknong ay kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap;
6. Bawat saknong ay puno ng talinhaga

Susing Konsepto
Katangian ng Awit at Korido

Mga Pamantayan Awit Korido


Anyo ▪ Binubuo ng ▪ Binubuo ng
labindalawang walong pantig sa
pantig sa loob ng bawat taludturan
isang taludturan
Musika ▪ Inaawit sa tonong ▪ Binibigkas sa
mabagal o andante tonong mabilis o
allegro
Paksa ▪ May paksang pag- ▪ May paksang pag-
ibig, ibig, relihiyon,
pananampalataya, kabayanihan at
kabayanihan at mga
relihiyon, kapangyarihan at
pakikidigma. kababalaghan.
Katangian ng ▪ Makatotohanan at ▪ May tinataglay na
Tauhan hango sa tunay na kapangyarihan
buhay. ang mga tauhan
▪ Walang at may mga
kapangyarihan kakayahang hindi
ang mga karakter. kapani-paniwala.

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Mga Pagsasanay

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang himagsik na kinabibilangan ng sumusunod na mga
kalagayan sa ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

A. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya


B. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
C. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
D. Himagsik laban sa maling kaugalian

1. Ang mga Pilipino ay may matibay na paniniwala sa mga prayle (mga


kastilang pari) at labis nilang pinahahalagahan ang labis labis na
pagbibigay ng limos sa simbahan.
2. Hindi pinapayagang sumulat ng mga akdang laban sa mga kastila ang mga
Pilipino, ang sinomang magtangka ay pinararatangan ng pagiging
pilibustero.
3. Nabuhay ang ugali ng pagkainggit sa mga Pilipino dahil na rin sa maling
pagpapamulat ng mga mananakop na Kastila.
4. Ang pamahalaan at ang simbahan ay pinamumunuan ng mga prayle at
hindi pinapayagan ang mga Pilipinong pumasok sa politika.
5. Ang mga akdang nalimbag ay nakatuon lamang sa paksang relihiyon at
hindi maaaring tumutol ang mga Pilipino.

Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang katangiang binanggit sa mga pahayag. Isulat sa
sagutang papel kung ito ay Awit o Korido.
1. Ang mga taludtod ay binubuo ng labindalawang pantig na siyang
bumubuo sa mga saknong.
2. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabilis na tinatawag na
allegro.
3. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabagal o tinatawag na
andante.
4. Karaniwang paksa nito ay mga kabayanihan at kakayahan na
gumagamit ng kababalaghan.
5. Ang mga tauhan ay may mga katangiang katulad ng isang normal na
indibidwal at walang tinataglay na mga mahika at kapangyarihan.

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain 3
Panuto: Punan ang grapikong representasyon ng kahalagahan ng pag-aaral
ng Florante at Laura. Gawin ito sa sagutang papel.
kahalagahan ng pag-aaral
ng Florante at Laura

Mga Gabay na Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ito sa sagutang


papel.

1. Ano - ano ang apat na himagsik ni Francisco Balagtas na binigyang


pansin sa kanyang akdang Florante at Laura?
2. Magtala ng pangyayari sa kasalukuyan na maiuugnay sa mga
kaganapang ipinahihiwatig ng mga himagsik ni Francisco.
3. Bakit itinuturing na panuntunan sa kabutihang asal ang akda ni
Francisco?
4. Paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa natatanging obra na
katulad ng Florante at Laura?

5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. AWIT
2. B 2. KORIDO
3. D 3. AWIT
4. C 4. KORIDO
5. B 5. AWIT

Gawain 3 at Mga Gabay na Tanong


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020


Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
Publishing House, Inc. Quezon City
Obra Maestra II

Inihanda ni:
Rhea T. Bejasa

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Magdalena B. Morales

Sinuri ni:
Liezl E. Orbeta

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like