You are on page 1of 3

Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya

Introduksyon

Ang himagsik na ito ay nakapaluob sa akdang ‘Florante at Laura’ na isinulat ni


Francisco Balagtas. Ito ay tumutukoy sa paghihiwalay ng estado sa simbahan at pagtanggi ng
kalakhang Muslim sa Jolo at Mindanao sa relihiyon ng mga Kastila na Katolika o ang
pagtanggi ng kalakhang Jolo at Mindanao sa Katolisismo.

Diskusyon

Ang himagsik na ito ay tungkol din sa hidwaan ng dalawang malalaking relihiyon sa


bansa, ang Kristiyanismo at Islam, na siya namang hindi sinang-ayunan ni Balagtas. Sa
panahon na isinulat niya ang akda, ang simbahan at pamahalaan noon ay magkapisan at iisa
sa kapangyarihan at turing ngunit dalawa ang pangalan. At sa parehong panahong ‘yon,
itinuturing ng mga Kastila na kasuklam-suklam na mga nilikhang-diyos ang mga Moro at
naging kasingkahulugan pa ng mga salitang taksil at sukab. Ang mga paniniwalang iyon ng
mga Kastila ay hindi pinaniwalaan at hindi sinang-ayunan ni Balagtas bagkus ay sinalungat
niya ang mga ito at pinabulaanan ang mga paniniwala at mga paratang na hindi kumikilala ng
Diyos ang Moro, walang kaluluwa, walang mga magagandang-asal na nalalaman at laging
taksil at sukab pagdating sa mga pakikisama at pakikipagkaibigan. Isinalaysay at
ipinatunayan ni Balagtas na hindi lamang mga Moro ang may mga kakayahang gumawa ng
mga ‘di-mabuting gawain kung hindi pati na rin ang mga Kastila gamit ang kanyang akdang
isinulat. Sa akdang Florante at Laura, kabanata 12, saknong 147 hanggang saknong 149,
nakasaad sa kabanatang ito na tinulungan ni Aladin si Florante mula sa mga mababangis nga
leon at tinulungang makawala mula sa pagkatali sa punong higera kahit na magkaiba sila ng
relihiyon.

Sagot ng gerero’y “huwag kang manganib


Sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib,
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong ‘di ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.
Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako’y Pers’yano,
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

Hidwaan at kataksilan ang naghahari at namumuno sa sariling bayan ni Balagtas


noong panahong ‘yon kung kaya’t may maraming mga himagsik at pag-aalsa na mababasa at
mababakas sa akda na kaniyang isinulat na ‘Florante at Laura’.

Isang legal na konsepto ang pagkakahiwalay ng institusyon ng estado at ng simbahan.


Ito’y isang legal ding politikal na konsepto. Pinapanatiling magkahiwalay ang dalawa sa
bawat bahagi at aspekto ng kanilang paraan ng pagtugon sa mga usapin at problema nang
walang pakikialam at kontrobersya sa bawat isa hanggang ngayon. Ang konseptong ito ay
tinanggap din sa ilang bansa. Ang separasyong ito ay makikita sa Artikulo 2 ng “Deklarasyon
ng mga Prinsipyo at mga Patakarang pang-estado” ng 1987 ng Saligang Batas ng Pilipinas,
seksiyon VI. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang mga senador at politiko ay malaya pa ring
pumili ng kanilang relihiyon na walang kinalaman at kaugnayan sa posisyon at estado nila sa
pamahalaan at sekta ng gobyernong kanilang kinabibilangan.

Maikokompara ang nangyari noon sa pangyayari sa Marawi na nagsimula noong ika-


23 ng Mayo hanggang sa ika-23 ng Oktubre, 2017. Ang pangyayaring ito ay nagtagal ng
limang buwan at sa loob ng limang buwang iyon idineklara ang Batas Militar sa buong
Mindanao hanggang sa ika-31 ng Disyembre, 2017 na siya namang ipinatagal hanggang ika-
31 ng Disyembre, 2018. Maraming madugong bakbakan ang naganap sa loob ng limang
buwan na iyon at marami rin ang namatay na ang karamihan ay mga sibilyan na nadamay
lang sa bakbakan. Dito rin sa pangyayaring ito may naganap na pagputol ng mga ulo.
Karamihan sa mga taong napugutan ng ulo ng mga Maute ay yaong mga taong ang relihiyon
ay Kristiyanismo at hindi Islam. Sa kabila ng nangyaring krisis sa Marawi, mas lalong
tumatag ang mga samahan ng mga Muslim at Kristiyano sa Mindanao.
Konklusyon
Ang estado at simbahan dito sa bansang Pilipinas ay magkahiwalay. Noon may
hidwaan pagdating sa dalawang relihiyon dito sa bansa, ang Kritiyanismo at ang Islam. At sa
kabila ng mga ‘di-pagkakaunawaan at hidwaan noon sa pagitan ng dalawa ay nagawa nating
lahat i-ayos ang relasyon ng dalawa na ngayo’y mas lalong tumatatag sa kabila ng mga
pangayayari sa bansa. At ang pagpili ng relihiyon ay walang kaugnayan sa patag ng politika
at gobyerno.

You might also like