You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
Lungsod ng San Jose del Monte
KAKAWATE NATIONAL HIGH SCHOOL
Paradise III, City of San Jose del Monte , Bulacan

MASUSING BANGHAY - ARALIN SA FILIPINO 8

Lilinanging Kasanayang Pampagkatuto:


Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin. ( F8PN-IVc-d-34 )
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa. ( F8PB-IVc-d-34 )

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang piling saknong sa aralin 8 at aralin 9 ng Florante at Laura.
2. Natutukoy ang pangunahing kaisipan ng bawat aralin sa Florante at Laura Aralin 8 : Duke Briseo :
Amang Mapagmahal at Aralin 9 : Amang di Dapat Pamarisan.
3. Nailalarawan ang katangian ng dalawang ama batay sa araling tinalakay.
ll. Nilalaman :
A. PAKSANG-ARALIN: Florante at Laura- Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba ( Mula sa Aralin 8 : Duke Briseo :
Amang Mapagmahal at Aralin 9 : Amang di Dapat Pamarisan )
B. Sanggunian :
lll. Kagamitan :

Laptop ( E-Learning Florante at Laura )


Biswal, aklat at
lV. Pamamaraan :

A. Balik-aral
Mga katanungan mula sa nakaraang kabanata ng Florante at Laura.
May-akda ng Florante at Laura?
Siya ang dalagang nagpatibok sa puso ni Florante.
Siya ang binatang naging karibal ni Florante kay Laura.
Binatang moro na nagligtas kay Florante sa gubat.

B. Pagganyak
Isahang Gawain (Pumapaksa sa haligi ng tahanan)
Panuto: Gamit ang “scatch tape” at manila paper bubuo ng isang “tower” na matibay sa loob ng isang (2)
minuto. Para masubok ang tibay ng binuong tore ay papatungan ng kwaderno at sasagutin ang katanungang
inihanda ng guro.

C. Paglalahad at Pagtalakay
Panuto : Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita na makikita sa piling saknong sa Aralin 8 : Duke Briseo
: Amang Mapagmahal at Aralin 9 : Amang di Dapat Pamarisan gamit prosesong “ Decode “ .
Pagtalakay Aralin 8 : Duke Briseo : Amang Mapagmahal at Aralin 9 : Amang di Dapat Pamarisan (Dalawang Ama,
Tunay na Magkaiba)

Bawat saknong ay ipapaliwanag at magbibigay ng katanungan

DALAWANG AMA, TUNAY


NA MAGKAIBA

( Malayang talakayan at pagsuri sa pangunahing kaisipang nakapaloob sa piling saknong )

D. Paglalapat
A. Pinatnubayang Gawain
1. Panuto : Suriin ang katangian ng dalawang ama batay tialakay.

2. Suriin ang pangunahing kaisipan sa tinalakay na aralin at Ilahad ang iyong sariling idea o pananaw sa
pahayag.

Anomang sama ng magulang ay magulang pa rin ito na dapat igalang.

B. Isahang Gawain
Panuto : Bigyan ng angkop na salita ang bawat letra na bumubuo sa salitang ama.

AKROSTIK “ AMA “

RUBRIKS
10-9
Angkop ang salita at buo ang kaisipan

8-7
Angkop ang salita ngunit hindi gaanong buo ang kaisipan
6-5
Hindi gaanong angkop ang salita at ang nabuong kaisipan
4-3
Hindi angkop ang napiling salita at pagbuo ng kaisipan
2-1
Hindi naghanda sa isinagawang gawain.

E. Paglalahat
( Panonood ng Video )
Isapuso at damhin ang inyong mapapakinggan at mapapanood.
Katanungan :
1. Sa paanong paraan pinadama ng iyong ama ang pagmamahal ?
2. Magbigay ng mensahe para sa iyong ama.

F. Pagtataya:
Panuto : Piliin sa kahon ang tamang kasugutan.
a. Hinaing/ Pagmamakaawa d. Aladin

b. Duke Briseo e. Sultan Ali- Adab

c. Florante. f. Adolfo

1. Siya ang gererong tumulong sa binatang nakagapos sa puno ng higera.


2. Amang walang kasinlupit sa kanyang anak.
3. Amang mapagmahal at may mabuting puso.
4. Tukuyin ang damdaming nangibabaw sa binatang nakagapos sa puno.
5. Binatang may sala kung bakit nakagapos si Florante sa puno ng higera.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at remediation


KASUNDUAN
-bumuo ng isang liham na ibibigay sa inyong magulang.
Mga Dapat Tandaan :
- Lubusang ipadama ang pasasalamat at pagpapahalaga sa magulang sa isusulat na liham
- Wastong gamit ng maliit at malaking titik sa liham at wastong gamit ng bantas.
- Gumamit ng angkop na salita sa isusulat na liham at ang wastong pagbabaybay.
- Sikaping ang liham na isusulat ay malinis at walang bura.

You might also like