You are on page 1of 48

Paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto

ng mga mag-aaral
Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang
panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng
kongkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng
wastong gawi sa pag-aaral, nakagaganyak ito sa kawilihan
ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at
napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, at
nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at
mabisang pagtuturo at pagkatuto.
Paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto
ng mga mag-aaral
Bukod sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyaryo
ang mga guro kung paiiralin ang paggamit ng multimedia sa
mga makabagong paraan ng pagtuturo ayon kay Aton(2007).
Nagkakaroon din daw ang mga guro ng kawilihan, magaan at
sistematikong pagtuturo at mababawasan ang pagiging
dominante sa pag-sasalita o pagtalakay ng aralin sa loob ng
silid-aralan.
Paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto
ng mga mag-aaral
Bukod pa rito, isa pa sa mga dahilan ay dahil sa wala naman
sa mga makabagong kagamitan ang rason kung bakit natututo
ang bata kundi nasa sarili nila itong kagustuhang matututo.
Paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto
ng mga mag-aaral
Marami mang positibo o negatibong reaksyon sa
makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ang mahalaga ay
maunawaan ng bawat isa kung ito nga ba ay makatutulong o
hindi sa mga mag-aaral. Isa pa ay kung may nauunawaan nga
ba ang mga kabataan sa mga aralin gamit ang mga
makabagong teknolohiya o isa lamang itong paraan ng mga
guro upang masabing umuunlad na ang kanilang estratehiya
sa pagtuturo.
Pagsasanay :
1. Bakit mahalagang malaman at
pag-aralan ang simulain at
paghahanda sa ebalwasyon ng
Kagamitang pampagturo?
Pagsasanay :
2. Bukod sa limang nabanggit na
kahalagahan ng mga kagamitang
panturo, magbigay ng 3 sariling
kahalagahan ng paggamit ng mga
kagamitang panturo.
Pagsasanay :
3. Sa kalikasan at katangian ng
epektibong kagamitang panturo alin sa
apat ( orihinalidad, pagkakaiba-iba,
kaluguran at kahali-halina ) ang
pinakamahalagang dapat isaalang-alang
sa pagbuo ng kagamitang panturo at
bakit?
Pagsasanay :
4. Magbigay ng tig-isang halimbawa
kagamitan sa mga sumusunod :
a. Ginagawa
b. minamasid
c. Mga midyang pang-edukasyon
d. sinasagisag
At kung paano ito gagamitin sa pagtuturo

You might also like