You are on page 1of 15

PAGGAMIT NG MULTIMEDIA SA PAGKATUTO NG

MAG – AARAL

Isang tesis na ihiharap sa


Sultan Kudarat State University – Kalamansig Campus
Bayan ng Kalamansig

Bilang Pangangailangan ng
Kursong Bachelor sa Edukasyong Pang Sekondarya
Medyor ng Filipino

Ni:

RONALYN OROS SUAN


Mananaliksik

AGUSTO 21, 2019


Kabanata I
PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa panahon ng modernasasyon marami na rin ang mga mag – aaral na ginagamit ang

multimedia. Sa kasalakuyang panahon multimedia ay dinisensyo upang mapagaan ang pag –

aaral ng mga mag – aaral at napapadali rin nito ang proseso ng pagkatuto at pagtutut. Sa

pamamagitan nito nagiging kapanabik – nabik, nakakaganyak at mas natutulungan ang mag –

aaral na mapagaan ang pagkatuto sa makabagong panahon. Makikita sa mga gumagamit ng

multimedia ang totoong mundo na gusto ng mga kabataang mag – aaral kagaya ng tunod, mga

larawan, bidyo, atbp. na maaraing hindi naranasan ng mga mag – aaral sa tradisyunal na paraan.

Sa panahong tinatawag na digital, nagigigng mahalaga ang kakayahan at talento ng bawat

indibidwal. Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa ng mga bagay. Ang teknolohiya

ay nakapag-aambag na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang

tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng malawak na oportunidad para sa pagkatuto ng mga

mag-aaral, lalo na ang access sa midya. Sa panahon na tinatawag nating “knowledge explosion”,

ang guro sa makabagong panahon ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ng kailangang

hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng maraming bagong kasanayan at kaalaman na

kailangan sa curriculum development at pagtataya, mga bagong pedagohiya naman ang nalilikha

habang ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang teknolohiya sa pananaliksik at pagkatuto. Ang

suliranin ukol sa umaapaw na impormasyon ay tototo kaya ang mga guro ay napipilitang mamili

tungkol sa paggamit ng teknolohiya na maaaring magagamit sa pananaliksik at paghahanap ng

mga inobatibong lapit at estratehiya sa pagtuturo.


Ang kapangyarihan ng multimedia ay multi-sensor na kung saan magagamit talaga ang

mga pandama o sensor ng mga mag-aaral na magdudulot ng mas mataas na antas ng atensyon at

retensyon. Sa madaling salita, naibibigay ng multimedia sa isang indibidwal o maliit na pangkat

ang impormasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na mga element ng midya.

Ang halaga ng paggamit ng teknolohiya sa silid-aralin ay konsern ng halos lahat ng mga

guro ngayon. Maaaring hindi pa kasi uso ang kompyuter noon kaya maaaring mas maalam pa

ang estudyante natin ngayon kaysa mga guro. Isang hamon para sa mga guro ang paggamit ng

mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo pero maaring wala silang panahon at sapat na pondo

para sa mga bagay na ito. Sagana sa impormasyon at hitik sa pagbabago ang hated ng

teknolohiya. Huwag lamang tayong padala sa teknolohiyang hatid ng kompyuter. Gamitin natin

ang kompyuter bilang pantulong sa pagpapaganda at pagpapagaan n gating gawain, subalit

huwag tayong paalipin ditto.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang pag – aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Para sa Mag – aaral, upang mas malinang at madagdagan ang kaalaman nila sa paggamit

ng multimedia sa kanilang pag – aaral.

Sa Guro, upang mas mapadali ang kanilang pagtuturo at mas madagdagan pa ang

kanilang mga ideya sa pagtuturo sa pamamagitan ng multimedia.

Para sa mga Magulang, upang maipakita sa mga magulang ang tulong ng multimedia sa

kanilang mga anak.


Saklaw at Limitasyon

Ang pag – aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng multimedia sa pagkatuto ng mga mag –

aaral ng Sultan Kudarat State University (SKSU) – Kalamansig Campus ng Bachelor sa

Edukasyong pang Sekondarya (BSEd) II medyor sa Ingles at Filipino sa taong 2019 – 2020. Ang

pag – aaral na ito ay kukuha ng datos at impomasyon mula sa mga napiling mag – aaral.

Sinimulang buohin ang pananaliksik na ito sa buwan ng Agosto sa taong 2019 at natapos sa

buwan ng Disyembre sa parehong taon.

Dipenasyon ng mga Terminong Ginagamit

Epekto ng Kagamitan – ito ay bunga mula sa paggamit ng mga makabagong kagamitang

pagtuturo.

Kagamitan Pangturo – tinutukoy nito ang mga basahin at kagamitang makatutulong sa

mga guro upang maging matagumpay ang proseso ng pagkatuto ng mga mag – aaral.

Makabagong Kagamitan – ito ang mga kasalukuyang instrumenting elektronikong

nagpapabilis ng mga karaniwang gawain.

Teknolohiya - ito ang mga kagamitang nakakatulong sa mga tao upang mapapadali ang

mga gawain at mas mabigyang buhay pa ang mga bagay – bagay.

Antas ng Paggamit – tumutukoy sa dalas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pangturo.

Kompyuter – makinang elektroniko na gumagamit ng digital signal sa pagproproseso ng

mga komplikadong problema sa matematika, paggawa ng mga formal na documento.


Kabanata II
KAUGNAY NA PANTIKAN AT PAG – AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may


kinalaman sa mga kagamitang pampagtuturo, epekto at antas ng paggamit nito. Mayroon ding
mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng
Edukasyon.
Kaugnay na Panitikan
Sa mga huling dekada ng ikalabinsiyam na siglo nagsimulang magkaroon ng ibayong
pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang pampagtuturo. Bilang pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at
pag-aaral, ang guro ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo (Abad, 2001). Dagdag pa
ni Lee (2013), marami pa ring guro sa mga paaaralan, pribado at pampubliko, ang gumagamit ng
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo na kanilang nahasa sa maraming dekada. Marami pang
pamamaraan ang di lubusang nabubungkal ng mga guro na matatagpuan sa internet.
Sinabi pa ni Aguilar (2001), ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang
pampagtuturo ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo ng hindi gaanong napakahirap na
gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis, lakas ng loob at pagiging
maparaan ng guro. Kailangang pinag-iisipang mabuti at hindi lamang sariling kapakanan ang
iniisip sa paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
isang guro ay ang masiguro na may matututuhan ang mga mag-aaral sa itinuturo gamit ang mga
kagamitan.
Ayon din kay Riel (2013), ang teknolohiya ay mabilis na nagbabago sa maraming
aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya nararapat lamang na
pag-aralang mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng multimedia sa loob ng klase upang
maibigay sa mga mag-aaral ang mainam na edukasyon. Malaki man ang tulong ng teknolohiya
sa pagkatuto ng mga mag-aaral ngunit malaki rin ang magiging epekto nito kung hindi
magagamit at maipapakilala nang maayos sa mga mag-aaral.
Ayon naman kay Aquino (2010), ang epektibong pagtuturo ay sa paraan ng pagtuturo ng
isang guro. Ito ay masusukat sa dami ng kaalaman at masusing pagsasaliksik ng mga
makabagong pamamaraan. Kahit gaano kaganda gamitin ang isang kagamitan kung hindi naman
ito magandang naibahagi sa klase, mawawalan pa rin ng saysay ang kagamitang ginamit.
Magdudulot lamang ito ng pagkalito sa mga mag-aaral na makikinig sa mga aralin sapagkat
hindi nagamit nang tama ang makabagong kagamitan sa pagtuturo.
Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro at
mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng guro at
mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan pampagtuturo o
kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong
sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay, katotohanan, pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang
pagkatuto. Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang karakteristik
at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang nilalaman, iplano ang
suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa
pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pagisipan at simulang buuin ang mga gawain at
fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks.
Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ngmidyang
instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto,halimbawa: Nagbubunga
ito ng wastong gawi sa pag-aaral; Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat
higit na napasisigla at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto; Nagdudulot ito ng
maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto; Nag-aambag ito ng iba’t
ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo nila ng mga minimithing kaalaman,
pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa kanilang sarili at kapaligiran; Nagbibigay ito ng
mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng mag-aaral;
Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon ang pagtuturo at
pagkatuto; Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo;
Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng aralin sa loob ng
silid-aralan. Gayunpaman, may mga limitasyon din ang paggamit ng multimedia sa silid-aralan
tulad ng; kaamitang panteknolohiya (hard-ware at software), kakayahang panteknolohiya (para
sa mga mag-aaral at mga guro) at oras o panahon nakakailanganin sa pagpaplano, pagdidisenyo,
pag-linang at pagta tasa sa mga gawaing pang ultimedia.Ang multimedia ay dinisenyo upang
mapagaan ang proses o ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng multimedia, nagiging
kapanapanabik, nakagaganyak at natutulungan ang mga mag-aaral na matuto sa makabagong
paraan. Makikita sa gumagamit ng multimedia ang mga totoong mundo sa pamamagitan ng mga
tunog, , mga larawan at bidyo na maaaring hindi nararanasan ng mga magaaral sa tradisyunal na
paraan ng pagtuturo ng guro. Tumataas din ang antas ng interaksyon ng mga mag-aaral. Hindi na
sila pasibo kundi mga mag-aaral nang aktibong nakikilahok sa mga gawain.
Ayon nga sa mga sikolohista, ang mga karaniwang ikinikilos at inaasal ng isang bata ay
nababatay sa nakikita at naririnig sa kapaligiran. Ang lakas ng impluwensiya ng telebisyon ay
nangyayari sa isang bata na nagkakaroon ng pagkaantala sa kakayahang magbasa. Dagdag pa ng
American Academy at Pediatrics (AAP): “ang kabataan ay naiimpluwensiyahan ng media-
natututo sila sa pamamagitan ng pagmamasid at panggagaya. Ang impluwensiya ng media sa
kabataan ang naging dahilan para mabigyang pansin ito ng mga magulang, guro at propesyonal”.

Kaugnay na Pag – Aaral


Ayon nga kina Halal at Liebowitz (1994), “The choice of instructional materials can have
an impact as large as or larger than the impact of teacher”. Nangangahulugan lamang ito na
kailangang maging angkop ang mga kagamitang ginagamit ng isang guro sa pagtuturo.
Napapanahon at sumasabay sa pangangailangan ng mga mag-aaral ang mga kagamitang
pampagtuturong gagamitin.
Gayunpaman, sinabi nina Corpuz at Lucido (2008) sa librong Educational Technology 1
na, “ang teknolohiya ay ginawa para sa tao at hindi ginawa ang tao para sa teknolohiya. Ang
teknolohiya ay ginawa para sa guro at hindi ang guro para sa teknolohiya.” Dagdag pa nina
Norton at Wiburg (2003), “ang pinagmulan ng technology ay ang salitang technique na ang ibig
sabihin ay tamang paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao
sa kanyang mga gawain.” Marapat lamang na gamitin ng guro ang teknolohiya nang maayos at
batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Hindi nararapat hayaan ng isang guro na
magpasakop sa teknolohiyang umiiral sa kasalukuyan.
Sinabi pa sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa sa tulong ng
kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang interaksyon sa pagitan ng mga mag-
aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng klase. Binanggit naman ni Camino (2003), na ang
paggamit ng kagamitang pampagtuturo ay nakatuon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral
sa kakulangan ng aklat sa Filipino para sa madaling pagkatuto. Nahihikayat din nito ang mga
mag-aaral na aktibong makisali sa talakayan. Sa pamamagitan nito, mas madaling nauunawaan
ng mag-aaral ang araling tinatalakay.
Sa pag-aaral ni Mickshiey (2011) mula sa inilimbag na aklat ni Mayos (2008), sa mga
guro ng Filipino, kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kanyang pamamaraan at estratehiya sa
pangangailangan ng mga mag-aaral. Dagdag pa sa pag-aaral mula sa aklat nina Mayos et. al
(2008), ang paggamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo ay siyang kinagigiliwan ng mga
mag-aaral. Ito ang paggamit ng alternatibong pagtuturo sa karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng
resulta ng pag-aaral ni Anosans (2011) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong
gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang kanilang
atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase
dahil napupukaw ang interes ng mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.
Kabanata III
METODOLOHIYA NG PAG – AARAL

Sa kabanatang ito matatagpuan ang pamamaraang ginamit ng mananaliksik, disensyon ng


pananaliksik, paraan ng pagpili ng mga tagatugon, lugar ng pag – aaral, pangangalap ng mga
datos at ang instrumentong ginamit. Upang mas kapaki pakinabang ang pananaliksik na ito.
Disenyo ng Pag – Aaral
Ang mananaliksik ay gumamit ng dekriptong paraan ng pananaliksik layuning nitong
ilarawan ng mananaliksik ang mga pananaw ng mga mag – aaral sa paggamt ng mga
makabagong kagamitan sa pagtuturo.
Ang Descriptive Research Design na gumagamit sa talatanungan ang uri ng descriptive
method na piniling gamitin ng mananaliksik upang mas lalong mapagtibay ang mga datos na
nakalap sa pag – aaral. Sa pamaraang ito mas mapadali ang pagkuha ng mga datos sa mga
tagatugon at makakakuha ang mananaliksik ng malinaw at maayos na datos.
Mga Respondente
Ang pag – aaral na ito ay nakatuon sa paggamit ng multimedia sa pagkatuto ng mag –
aaral ng Sultan Kudarat State University (SKSU) – Kalamansig Campus ng Bachelor sa
Edukasyong pang Sekondarya (BSEd) II medyor sa Ingles at Filipino. Ang mga respondente ay
nanggaling sa BSED II medyor sa Ingles at Filipino. Mayruong dalawangpo (20) na respondente
na nanggaling sa medyor sa Ingles at labingwalo (18) sa medyor sa Filipino, na may kabuoang
tatlongpo’t walong (38) respondente.
Lugar ng Pag – Aaral
Ang pag – aaral na ito ay gaganapin sa Sultan Kudarat State Univesity (SKSU)
Kalamansig Campus. Ang Sultan Kudarat State Univesity (SKSU) Kalamansig Campus ay ang
kauna – unahang kolehiyo sa Kalamansig, Sultan Kudarat at kauna – unahang Unibersidad sa
dalawang magkatabing munisipyo ng Lebak at Kalamansig, Sultan Kudarat. Ang nasabing
kolehiyo ay may lawak na dalawang (2) hektarya at may labing lima (15) silid aralan. Ang sentro
ng edukasyon dito ay ang fisheries.
Instrumentong Ginamit
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan bilang patunay at mapagkukunan ng mga
datos. Ang antas ng paggamit at antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang
panturo ay mapaplitan sa pamamagitan ng mga talatanungan. Kabilang sa mga talatanungan ay
ang iba’t –ibang panturo upang masuri at magamit sapag - aanalisa sa antas ng paggamit ng mga
kagamitang ito.
Gagawa rin ang mananaliksik ng talahanayan ng posibleng epekto ng mga makabagong
kagamitang panturo. Sa talahanayan na ito mas mapapatunayn o mapapasubalian ng
mananaliksik ang resulta ng mga pag – aaral.
Pangangalap ng Datos
Upang masagot ang mga layunin ng pananalisik na ito ang mga sumusunod na paraan ay
gagawin ng mananaliksik;
Una bumouo ang mananaliksik ng talatanungan na sasagutan ng mga respondente,
pagkatapos itong mabuo ang mananaliksik ay mag handa ng liham para sa mga respondente na
humihinge ng pahintulot na sila ay tutugon sa mga tanong ng pananaliksik.
Pagtapos, ang mananaliksik ay ipakilala nya ang kanyang sarili at ipaliwanag din ang
kahalagahan ng nasabing pananaliksik at ipaliwanag din nya ang nilalaman ng talatanungan at
surbey upang makasagot ang mga respondente.
Nang matapos, matugunan ang mga talatanungan ay iipunin ang lahat ng datos, itala ang
mga resulta at analisahin. Ang kopya ng manuskrito ay aayusin para sa pangwakas na kritika ng
mga panel ng pananaliksik.
Pag-aanalisa sa mga Datos
Talahanayan I
Eletronikong Kagamitan sa Pagtuturo
Katumbas na Antas ng Paglalarawang
Mga Kagaitan Bigat Ginagamit
1. LCD Projector 3.27 Ginagamit
2. Kompyuter 3.86 Ginagamit
3. Telebisyon 2.72 Minsang Ginagamit
4. Lapel/Mikropono 2.6 Minsang Ginagamit
5. Tablet/Ipad/Cellphone 3.72 Ginagamit
6. Tape Recorder 2.4 Hindi Ginagamit
7. DVD Player 2.75 Minsang Ginagamit
8. Speaker 3.37 Ginagamit
Kabuuan: 3.08 Minsang Ginagamit

Batayan sa Paglalarawan:
1.0-1.74 – Hindi Kailanman Ginagamit
1.75-2.49 – Hindi Ginagamit
2.50-3.24 – Minsan Lamang Ginagamit
3.25-4.00 – Ginagamit

Ang antas ng paggamit ng mga elektronikong kagamitan sa pagkatuto ay 3.08 na


mailalarawang minsa lamang ginagamit. Patunay na hindi lahat ng guro ay may kakayahang
gumamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.
Ipinakita sa Talahanayan I ang pahayag, katumbas na bigat, at ang antas ng paglalarawan.
Dito’y lumalabas na ang mga elektronikong kagamitang pampagtuturo na nagkamit ng may
pinakamataas na antas ng paggamit mula sa mga kinuhang respondent ay ang Kompyuter na may
katumbas na bigat na 3.86, Table/Ipad/Cellphone na may 3.72, Speaker na may 3.37, LCD
Projector na may 3.72, DVD Player na may 2.75, Telebisyon na may 2.72, Lapel/Mikrupuno na
may 2.6, at Tape Recorder na may 2.4, na kung saan ang Tape Recorder ang nag tamo ng
pinakamababang nakuhang antas.
Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik na hindi lahat ng makabagong kagamitan ay
nagagamit ng mga guro sa pagtuturo. Ang kompyuter/Laptop ang lumalabas na pinakamagiting
sa kagamitang pampagtuturo sapagkat ito ang pinakamainam na gamitin sa pagtuturo at ito ay
sumasabay sa makabagong panahon.
Sa kabilang dako, ang Tape Recorde ay lumalabas na hindi ginagamit na kagamitan na
ito ay maaari na rin makita sa Kompyuter/Laptop.
Ayon sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa sa tulong ng
Kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang interaksyon sa pagitan ng mga mag-
aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng klase. Kaya, pinatunayan nito ang resultang
pinakamagiting ang Kompyuter/Laptop sa pagtuturo sapagkat nailalapat nito ang mga mag-aaral
sa paksang tinalakay.
Talahanayan II
Paglalarawa
Mga Pahayag Katumbas na Bigat n
1. Nakapagbibigay ¬ kasiglahan sa pagkatuto
ng mga mag-aaral. 3.21 SA
2. Napapabilis ang pag – unawa ng mga mag –
aaral sa paksang tinalakay. 3.64 MS
3. Nagbibigay ng malakaing porsyentosa
pagkamalikhaing biswal. 3.18 SA
4. Higit na nagiging makatotohanan ang
talakayan. 3.67 MS
5. Nakakasabay ang mga guro sa
napapanahong pangyayari. 3.83 MS
6. Napapaunlad ang kalidad ng edukasyon. 3.94 MS
7. Napapadali ang pagtuturo. 3.7 MS
8. Nagiging kampante sa paggamit ng
kagamitan. 3 SA
9. Nagiging aktibo ang mga mag – aaral sa
kasanayang pakikinig. 3.02 SA
10. Nagbubunga ng wastong gawi sa pag –
aaral. 4 MS
Total 3.51 MS
Makabagong Kagamitang Pampagtuturo

Batayan sa Paglalarawan:
1.0-1.74 – Mariing Hindi Sumasang-ayon (MHS)
1.75-2.49 – Hindi Sumasang-ayon (HS)
2.50-3.24 – Sumasang-ayon (SA)
3.25-4.00 – Mariing Sumasang-ayon (MS)

Ang unang pahayag ay nakakuha ng kayumbas na bigat na 3.21 na nangangahulugang


sumasang-ayon. Ito ay nagpapahiwatig na nakapagbibigay-kasiglahan sa pagkatuto ng mga mag-
aaral ang mga makabagong kagamitan. Ayon kina Abad at Ruedas (2001), nagbibigay ang mga
makabagong kagamitang pampagtuturo ng tunay at iba’t-ibang kalagayan upang mapasigla ang
pansariling gawain ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda ang ikalawang pahayag ay mayroong katumbas na bigat na 3.61 na
mailalarawang mariing sumang-ayon. Ito ay nagpapahiwatig na nagpapabilis ang pag-unawa ng
mga mag-aaral sa paksang tinalakay gamit ang mga makabagong kagamitang pampagtuturo.
Ayon parin kina Abad at Ruedas (2001), napapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng
mga mag-aaral sa tulong ng mga makabagong kagamitan. Sa pahayag din ni Camino (2001) mas
madaling mauunawaan ng mga mag-aaral ang araling tinatalakay.
Bukod pa rito 3.18 naman ang nakuhang bigat na antas na ikatlong pahayag na
nangangahulugang sumang-aypn. Ito ay nangangahulugan na nagbibigay ng malaking porsyento
ang makabagong kagamitan sa pagkamalikhaing biswal.
Samantala ang ikaapat na pahayag ay mayroong 3.67 na may katumbas na bigat na
mariing sumasang-ayon sa nasabing pahayag. Nagpapahiwatig na lamang na dahil sa
makabagong kagamitan higit na maging makatotohanan ang mga talakayan. Ayon kina Abad at
Ruedas sa pamamagitan ng makabagong kagamitang pampagtuturo nakikita ng mga mag-aaral
ang totooong mundo, mga larawan at bidyo na maaring hindi nararanasan ng mga tradisyunal na
paraan ng pagtuturo ng guro.
Bukod sa mga nasabing pahayg mayroon ding 3.83 na may katumabas na anta ang
ikalimang pahayag na ibig sabihin ay mariing sumasang-ayon batay sa paglalarawan nito.
Nagpapahiwatig lamang na nakakasabay ang mga guro sa napapanahong pangyayari sa tulong ng
makabagong kagamitang pampagtuturo. Sa pahayg nila Halal at Liebowits (1994). “The choice
of instructional materials can have an impact as largcasor larger than the impact of teacher.”
Nangangahulugang dapat maging angkop ang kagamitang ginagamit sa pagtuturo, papanahon at
sumasabay sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda mariing sumasang-ayon ang ika anim na pahayag na mayroong 3.94
na may katumbas na bigat na mariing sumasang-ayon. Ito’y nagpapahiwatig na napapaunlad ang
kalidad ng edukasyon dahil sa mga makabagong kagamitan. Ayon kay Abad (2001), bilang
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at
mabisang pagtuturo ang mag-aaral, ang guro ay gumagamit ng makabagong kagamitang
pampagtuturo.
Bukod pa sa mga naunang pahayag mayroong 3.70 na may katumbas na bigat ang
ikapitong pahayag na naglalarawan na mariing sumasang-ayon sa pahayag. Magpapahiwatig
lamang na dahil sa mga makabagong kagamitan napapadali ang pagtuturo. Napapagaan ang
proseso ng pagtuturo sa tulong ng mga makabagong kagamitang pampagturo. Abad at Ruelas
(2001).
Ang ikawalaong pahayag ay mayroong 3.0 na may katumbas na bigat na naglalarawang
sumasang-ayon. Nagkaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral sapagkat may direksyon ang
kanilang pakatuto ayon kina Abad at Ruedas (2001).
Sa kabilang banda 3.02 ang nakuha na bigat ng ikasiyam na pahayag na
nangangahulugang sumasang-ayon. Makikita sa gumagamit ng multimedia ang totoong mundo
sa pamamagitan ng mga tunog Abad at Ruedas (2001). Ayon pa sa mga sikolohista, ang mga
karaniwang ikinikilos at inaasal ng isang bata ay nababatay sa nakikita at naririnig sa kapiligiran.
Samantala ang panghuling pahayag ay mayroong 4.0 na may katumbas sa pahayag na
kung saan ito ay mariing sumasangayon sa pahayag. Ibig sabihin nagbubunga ng wastong gawi
ang makabagong kagamitan sa pagtuturo sa pag-aaral. Ayon kay Reil (2003) ang teknolohiya ay
mabilis na nagbabago sa maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto sa mga
kabataan kaya nararapat lamang na pag-aralang mabuti ang paggamit ng multimedia sa loob ng
klase upang maibigay sa mga mag-aaral ang mainam na edukasyon.
Ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay 3.51
na mailalarawang mariing sumasang-ayon. Binanggit ni Aguilar (2001) na ang paglinang ng mga
guro ng mga kagamitang pampagtuturo ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo ng hindi
gaanong napakahiran na gawin.

You might also like