You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

KABISAAN NG PAGGAMIT NG YOUTUBE BILANG PAMARAANG


PAMPAGKATUTO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO BAITANG 10
NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG NEW TAUGTOG

Kilos Pananaliksik

ni

RITZ ALLEJOS-CATACUTAN
Master Teacher I

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglayong mailarawan ang paggamit


ng youtube bilang pamaraang pampagkatuto sa pagtuturo ng asignaturang
Filipino sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang sa Pambansang Mataasna
Paaralan ng New Taugtog, sa taong panuruan 2015-2016.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib o panglarawang
paraan. Sa pamamaraang ito ginamit ang mga datos na nagmumula sa
kasalukuyang ulat, sarbey at pagmamasid. Ang instrumentong ginamit ay
sarbey o talatanungan. Ang talatanungan ay pinasagutan sa walumpo (80) na
mag-aaral sa baitangsampu, binubuo ito ng limang aytem.
Sa pagkalap ng mga datos, ginamit ang mga sumusunod:
pananaliksik sa mga aklat at pahayagan, mga sampol ng tesis at websites sa
internet. Gumawa rin ang mananaliksik ng sarbey sa pagkalap ng mga datos.
Ginamitan ng mananaliksik ng pagbibigay ng mga porsyento ang mga nakalap
na datos dahil ito ang pinakamadaling paraan upang mai-tally ang mga
kasagutan sa kwestyuner na ginawa.
Batay sa mga nakalap na datos sa pagbubuod, ang mananaliksik
ay nakabuo ng konklusyon na nagsasaad na karamihan sa mga tagatugon ay
mahilig mag online, ang ilan ay bihasa na sa paggamit ng internet, mayroong
may mga computer, laptop, tablet at android cellphone na karaniwan nang
ginagamit upang ma-access ang youtube.
Batay sa nakalap na pagbubuod at konklusyon, ang mananaliksik
ay naglahad ng kaukulang rekomendasyon sa ikalulutas ng suliranin tulad ng
mga sumusunod: Pagdalo sa seminar upang mapanahon ang teknik sa
pagtuturo lalo na sa teknolohiya. Gamitin ang makabagong teknolohiya sa
pagtuturo para sa mas mabisang pagkatuto.Magsagawa ng panibagong pag-
aaral na mas malalim at malawak upang mabalido o mapatunayan ang
kinalabasan ng pag-aaral.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Key words: pamaraang pampagtuturo, youtube, akademikong perpormans.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong


naging katuwang sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito.
Una, kay Gng. Lilibeth Bacolor, Education Supervisor sa Filipino,
sa kanyang mga payo at pagganyak sa gawaing ito.
Sa aking mga kapwa-guro sa Pambansang Mataas na Paaralan ng
New Taugtog lalung-lalo na kay G. Jose Ritchie R. Ofanda para sa sa
pagbabahagi ng kanyang oras, matalinong mungkahi at ideya na naging daan
sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng tesis na ito. Ang kanilang input ay
nakagawa ng malaking ambag upang maunawaan ang pagkakagawa at
pagsusuri ng pananaliksik na ito.
Kay G. Alexander N. Flores, Punungguro, sa pagpapahintulot sa
gawaing ito.
Kay Dr. Zenia G. Mostoles, OIC-Tagapamanihalang Pandibisyon,
Sangay ng Zambales.
Kay Dr. Blesilda D. Fontanilla, District Supervisor ng Botolan.
Sa aking pamilya, kapatid at kapwa-guro sa pag-udyok upang
tapusin ang pananaliksik. Ito ang nagpayabong sa paglalakbay sa oras ng mga
pagkabigo at pagganyak. Ang kanilang suporta at pagpapalakas ng loob ang
naging sandalan sa paggawa at pagtapos nito.
Higit sa lahat, sa Poong lumikha dahilan sa pagbibigay niya ng
liwanag, karunungan at kalusugan upang maisakatuparan ang lahat ng bahagi
sa pag-aaral na ito.

RAC

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

MAKATWIRANG PAGPAPALIWANAG

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-


aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong
nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting
paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon
ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay
isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang
maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya. Ito ay
itinuturing na karapatan ng mga mamamayan sapagkat ang lahat ng tao ay
may karapatang matuto at mag-aral. Ang pag aaral ang nagbibigay
pagkakataon sa mga tao na mas umunlad pa ang kaalaman, bigyan ng
respeto, at magkaroon ng magandang oportunidad sa buhay. Tunay ngang
isa sa mga pinakamahalagang karapatan ng tao ay ang edukasyon na
tumutulong upang maging matagumpay ang isang indibidwal.
Teknolohiya na marahil ang masasabing pinakamalagong imbensyon sa
buong mundo. Ayon sa Wikipedia.org, ang teknolohiya ay ang pagsulong at
paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao,
ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Ang depinisyon
na ito ay nagpapahiwatig na hindi na bagong tugtugin sa buhay ng tao ang
teknolohiya. Sa pang araw-araw na pangangailangan ay makaklasipika ang
teknolohiya sa maraming bahagi, ilan na dito ay sa larangan ng
komunikasyon, transportasyon, pagbibigay impormasyon, tulong-kagamitan,
medisina at marami pang iba. Pero sa kasalukuyang panahon, makikita na
ang teknolohiya ay mayoryang tumutugon sa ating pangangailangan na
pumapasok sa tulong-kagamitang bahagi ng teknolohiya. Masasabi na din na
ito ang pangunahing ideya kung bakit nagkaroon ng konsepto ang
teknolohiya sa ating buhay.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Hindi na lamang sa apat na sulok ng silid-aralan natututo ang mga


mag-aaral, kundi maging sa apat na sulok na ng computer sa kanilang
harapan.
Sa pag-usbong ng teknolohiyang pangimpormasyon, kaakibat na
sumibol ang paglaganap ng impormasyon na naipahahatid ng Internet sa
iba’t ibang mga gadgets tulad ng mga tablets, e-books, at siyempre ng mga
computers. Dahil sa pangyayaring ito, mas naging madali ang pagkuha ng
mga kaalaman na kung dati-rati ay nakalimbag lamang sa mga libro o
babasahin at learning modules. Ngayon, isang pindot lamang sa mouse ay
milyon-milyong impormasyon na ang lilitaw sa apat na sulok ng computer.
Kaya naman hindi na bago sa halos lahat ng mga estudyante ang
bumisita sa iba’t-ibang mga websites sa Internet upang kumalap ng
impormasyon na kanilang kakailanganin sa kanilang pag-aaral.
Sa katunayan ayon sa Neilsen Southeast Asian Digital Consumer
Report, sa apat na uri ng midyang pinagkukunan ng impormasyon, ang
Internet ang nakakuha ng pinakamalaking porsiyentong oras ng mga
Pilipino. Tinatayang gumugugol ang mga Pinoy ng 21.5 na oras sa pag-
iinternet kada linggo, samantalang13.3 oras ang nakalaan sa panunuod ng
telebisyon. Sa ikatlong puwesto naman ang pakikinig ng radyo na may 6.3
oras at ginugugulan ng pinakamaliit na panahon ang pagbabasa ng mga
pahayagan, magasin at peryodiko na nakatatanggap ng tinatayang 3.6 oras.
Kaya’t upang makasabay sa mga mag-aaral, nagsisikap ang mga guro
na maisama at magamit ang Internet sa kanilang pagtuturo. Ang ilan sa
kanila ay gumagamit at nagpapalabas ng mga educational videos na kanilang
naida-download sa Youtube. Ang iba naman ay sinasamantala ang social
networking site na Facebook kung saan nagpapaskil ang guro ng mga
website addresses na bibisitahin ng mga mag-aaral na mayroon ding account
sa Facebook. Gumagawa rin ng mga online quizzes ang mga gurong mas
may kasanayan sa paggamit ng Internet.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Ang ganitong pamamaraan ng pagtuturo ay walang dudang


nakatutulong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga estudyanteng masyado nang
nakayakap sa paggamit ng computer. Kaya naman isa rin itong magandang
aspeto na maaaring pagtuunan ng mga punong-guro na gawan ng
konkretong programa sa lalong ikayayaman pa ng kaalaman ng mga mag-
aaral.
Samantala, isyu din ang kawastuhan ng mga kaalamang nakakalap sa
Internet. Kaya naman matalinong pag-iisip at karagdagang pananaliksik ang
kinakailangan ng mga gurong gumagamit ng Internet sa kanilang pagtuturo
upang matiyak na wasto kaalamang naibabahagi sa mga mag-aaral.
Sa pagbisita ng mga mag-aaral sa Internet, hindi rin kaila na ilan sa
kanila ang bumibisita sa mga websites na naglalaman ng mga malalaswang
panoorin, larawan, at impormasyon. Malaking pagkondina ang ipinapataw sa
gawaing ito ng ilang mga mag-aaral sapagkat ang gawaing ito ay
nakapagnanakaw sa batang kamalayan ng mga mag-aaral. Kakaibang
kaalaman ang nasasagap nila na nakalalason sa kanilang isipan.
Bukod sa mga malalaswang nilalaman ng ilang website, kasama rin sa
mga nakalalason sa isipan ng mga mag-aaral ay ang mga laro sa Internet na
may kinalaman sa karahasan. Nariyan ang iba’t ibang larong patayan at
giyera na bagamat nakapagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol
sa iba’t ibang uri ng armas at estratehiya sa pakikipaglaban ay
nakapagdudulot naman ng masamang epekto sa mga mag-aaral.
Pinatutunayan ng iba’t ibang psychologists na ang mga malalaswa at
mararahas na mga panoorin ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa
pag-uugali ng mga mag-aaral. Dumarating anila sa puntong tinutularan sa
kanilang pananalita at paggawa ang anumang kanilang nakikita at naririnig
sa mga malalaswa at mararahas na panoorin. Sa mga ganitong pagkakataon
ay laging iminumungkahi ang higit na patnubay ng mga magulang sa
kanilang mga anak upang matulungang maitama ang mga ito.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Tunay ngang lumawak na ang silid ng kaalaman na pinagbabalungan


ng kaalaman kung kaya’t matalinong pamimili ng impormasyong ipapasok sa
isipan at isasabuhay sa gawa ang kinakailangang taglayin ng bawat mag-
aaral, maging ang impormasyong ito man ay mula sa apat na sulok ng
kanilang silid-aralan o sa apat na sulok na ng computer sa kanilang harapan.
Isang malaking hamon ang pagtuturo ng sabjek na Filipino. Nagsisilbi
itong pundasyon sa wasto at maayos na pakikipagkomunikasyon ng isang
mag-aaral. Malaking tulong sa isang guro ng nasabing asignatura ang ilang
mahahalagang konsepto sa Filipino tulad ng: ang Filipino ay isang sabjek
pangwika; sabjek batay sa kasanayan (skill based subject) na ang pokus ay
linangin ang mga makrong kasanayan sa komunikasyon pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, pagsulat,at panonood.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa panahon ngayon, ang mga mag-aaral ay tamad na sa pagbabasa ng


mga libro. Mas gusto na nila ang pagba-browse sa internet na isang click lang
nila ay naroon na ang mga kailangan nilang malaman. Ang pag-aaral gamit
ang teknolohiyang pang-impormasyon ay malaking tulong, lalo na kung nasa
mataas na antas ng kaalaman. Marami sa mga kabataan sa ngayon ang gamay
na ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral katulad ng
youtube. Narito ang mga ilan sa mga katanungan ang kailangan para
mapatunayan na makatutulong ba ang paggamit ng youtube bilang
pamaraang pampagtuturo.
 Bakit nakababagot para sa mga bata ang pagbabasa ng
mahahabang teksto/akda sa Filipino?
 Paano natin magagamit ang youtube sa pagtuturo ng mga
aralin?
 Bakit mas kawili-wili para sa mga mag-aaral na gumamit
ng teknolohiyang pang-impormasyon sa klase?
 Anu-ano ang mga sanhi ng kahinaan ng pag-unawa ng
mga mag-aaral?
 Ano ang kaugnayan ng mga pamamaraang pampagkatuto
sa antas ng akademikong perpormans ng mga mag-aaral?

WALANG BISANG PALA-PALAGAY

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

1. Walang pagkakaiba ang paggamit ng youtube sa paggamit ng learning


module/libro sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
2. Walang kaugnayan ang paggamit ng youtube sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa antas ng Akademikong Pagganap sa asignaturang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Ang pag-aaral na isinagawa ay malaking tulong lalong-lalo na sa


mga mag-aaral, magulang, guro, administrador, sa mga pinuno sa
larangan ng edukasyon at sa mga tagahanda ng kagamitang panturo.

Sa mga mag-aaral, ito ay magiging makabuluhan sa kanilang tamang


pagkatuto at magsisilbing batayan sa pagpapaunlad ng kasanayang
teknolohiya. Magsisilbi rin itong pagsasanay sa pagpapaunlad ng
kasanayang pangwika at kakayahang pangkomyunikatibo.
Sa mga magulang, ang kaganapan ng pag-aaral ay naglalayong
maihanda ang mga magulang na maunawaan ang hatid na kaigihan ng
paggamit ng youtube sa pagkatuto.
Sa mga guro, ito ay magagamit na sanggunian at bilang isang
kagamitang panturo na magsisilbing patnubay sa pagpapaunlad ng
asignatura. Magsisilbing lunsaran sa pagtuturo sa wika at panitikan,
lalung-alo na sa mga tekstong kinahihirapan ng mga bata.
Sa mga administrador, ito’y magsisilbing gabay upang makita ang
kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pagpapaunlad ng
asignaturang Filipino.
Sa mga Pinuno sa Larangan ng Edukasyon, ito’y magsisilbing
patnubay upang magdaos ng mga seminar-worksyap kaugnay sa
pagpapaunlad ng mga kasanayang pangwika ng mga mag-aaral gamit
ang makabagong teknolohiya at sa pagpapayabong lalo na sa wikang
Filipino.
Sa mga Tagahanda ng Kagamitang Panturo, ito ay magsisilbing
gabay upang magamit at mapaunlad pa ang paggamit ng youtube bilang
kagamitang panturo.

Sa mga mananaliksik, ito ay magsisilbing patnubay sa mga susunod


pang pag-aaral, magsisilbing sanggunian at mapagkukunan ng
kaalaman ukol sa asignaturang Filipino gamit ang teknolohiyang pang-

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

impormasyon at maging batayan sa paghahanda ng mga pagsasanay sa


higit na pagkatuto ng mga mag-aaral.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA KATAWAGAN O TERMINOLOHIYA

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Akademikong Perpormans. Ito ay kinapalolooban ng kurikular at ko-


kurikular na pagganap ng mag-aaral. Ipinapakita nito ang natamong
pagkatuto ng mga mag-aaral. (Metha K.K. 1969) (binanggit ni Bruce,
2014).
Botolan. Ang pinakamalawak na munisipalidad sa buong probinsya ng
Zambales. Ang salitang Botolan ay nanggaling sa salitang Sambal na
"boto" ibig sabhin ay mabuto dahil noon hitik ang lugar sa mga puno ng
saging.
Internet. Ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring
gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa
pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan
na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado,
pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may
lokal hanggang malawakang saklaw at pinagka-kaugnay sa
pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na
koneksiyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang
impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at
magka-kaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web. Dahil ito
ang pinakamalaki at pinakamalawak na internet (sa maliit na titik i) sa
buong mundo, tinawag ito na ang Internet (sa malaking titik I.
YouTube. Isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at
nagbibigay-daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload,
makita, at ibahagi ang mga video clips. Ang mga video na ito ay
maaaring husgahan; ang dami ng husga at ng mga nakanood ay
parehong nakalathala.
Teknolohiyang pang-impormasyon. Ang teknolohiyang
pangkabatiran, tinatawag ding teknolohiyang pang-impormasyon,
teknolohiya ng kabatiran, o teknolohiya ng impormasyon (Ingles:
Information Technology, na dinadaglat bilang IT) ay ang pagaaral,
pagdidibuho, pagbubuo, paglilingap o pangangasiwa ng mga sistemang

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

pangkabatiran na nakabatay sa kompyuter. Hinggil ito lalong-lalo na sa


pag-gamit ng kompyuter at software upang baguhin, tipunin, ingatan,
iproseso, ipadala at tanggapin ang mga kabatirang elektorniko sa
pamamagitan ng matatag at siguradong pamamaraan.
Facebook. (literal na "aklat ng mga mukha") ay isang social networking
website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook,
Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga
tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan
at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao.
Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa
kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam
sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang
pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper
facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na
pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan
sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor,
at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa
kampus. Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase
niya sa agham pangkompyuter.
Gadget. Isang maliit na kagamitan tulad ng isang makina na may isang
partikular na gamit, ngunit ito ay madalas na naisip bilang isang bagong
bagay o uso. Karaniwan na ito ay maliliit na kasangkapan na pinapatakbo
ng electroniko (circuit board).
Computer. Isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na
maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang
hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod
sunod na mga operasyon ay maaaring handang mabago, ang kompyuter
ay makalulutas ng higit sa isang uri ng problema. Sa konbensiyon, ang
isang kompyuter ay binubuo ng hindi bababa sa isang elementong
nagpoproseso na tipikal ay isang CPU at isang anyo ng memorya.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

E-book. Ito ay electronic book, isang elektronikong bersyon ng isang


nakalimbag na libro na maaaring basahin sa isang computer o handheld
device. Binubuo ng mga teksto, imahe, o pareho, na nababasa sa mga
computer o iba pang mga elektronikong aparato.
Learning Module. Nakalimbag na uri ng kurikulum package na
naglalaman ng mga aralin at teksto mula una hanggang ikaapat na
markahan para sa competency-based na pagkatuto sa K to 12
curriculum.
Pamaraang Pampagkatuto. Ginagamit upang mapabuti ang
'kaalaman, kakayahan, at kasanayan, upang masubaybayan ang
paglagom ng impormasyon, at upang mag-ambag sa kanilang mga
pangkalahatang pag-unlad at pag-aalaga. Ito rin ay materyal sa
pagtuturo na dinisenyo upang magsilbi bilang isang pangunahing tool
para sa pagtulong sa pagtuturo ng isang paksa o kurso. Maaaring mga
slide, pelikula at filmstrips, recording, manipulatives, electronic media
(mga programa sa pagtuturo ng computer, mga online na serbisyo, laser
disc , CD-ROM, at iba pa) at iba pang mga karaniwang tinatanggap na
edukasyonal na mga tool.

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral ay ekspiremental na disenyo
ng pananaliksik na kung saan aalamin ang kaugnayan ng mga pamamaraang
pampagkatuto sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

mga mahahabang teksto sa asignaturang Filipino.Ang kabisaan ng


pamamaraan ay sinukat mula sa pagtaas ng mean mula sa paunang
pagsusulit sa panapos na pagsusulit.
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay tatlumpu’t apat (34) na mag-
aaral na ang labimpitu (17) o kalahati ay gumamit ng youtube sa pag-aaral,
samantalang ang nalalabing labimpitu (17) ay gumamit ng module/libro/sipi
ng akda sa pag-aaral.
Ang mga iskor ay itinala. Kinwenta ang mean score, standard
deviations at t-test gamit ang MS Excel na aplikasyon at pinagkumpara.

ANG MGA TAGATUGON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang (2) grupo ng


klase sa Filipino sa Baitang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng New

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Taugtog, Botolan, Zambales na hawak ng iisang guro (ang mananaliksik) na


binubuo ng tatlumpu’t apat (34) na mag-aaral. Mula sa tatlumpu’t apat (34)
mag-aaral, labimpitu (17) ang grupong eksperimental, samantalang ang
natitirang labimpitu (17) ay kabilang sa grupong controlled. Ang pananaliksik
ay isinagawa sa loob ng apat (4) na buwan, mula Hunyo hanggang Oktubre
2015.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG MGA DATOS


Ang mananaliksik ay nagbigay ng pauna at panapos na pagsusulit. Ang
paunang pagsusulit ay ibinigay sa parehong pangkat upang matukoy ang antas
ng pag-unawa. Sa panapos na pagsusulit, pareho rin ang ginamit na pagsusulit

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

sa dalawang pangkat para malaman ang kaugnayan ng paggamit ng youtube


bilang pamaraang pampagtuturo sa pangkat na gumamit lamang ng
modyul/libro.
Ang mananaliksik ay gumugol ng animnapu (60) minutong pagtuturo sa
bawat grupo. Ang unang sampung minuto ay ginugugol sa mga preliminary
activities o pagganyak. Samantalang ang natitirang 40 minuto ay ginagamit sa
pagbabasa (tahimik at malakas) para sa grupong tradisyonal o lecture at
paggamit ng youtube para sa ekspiremental na grupo. Ang nalalabing 10
minuto ay para sa pagtataya. Ang mananaliksik ay gumamit ng magkaibang
silid-aralan para sa dalawang grupo.
Isinagawa ito tuwing Lunes sa loob ng apat na buwan.
Ang mga aralin mula sa K to 12 Module ang saklaw ng pag-aaral.
Ang mananaliksik ay personal na nagdala ng laptop at internet modem
sa paaralan para sa ekspiremental na grupo.
Ang tradisyonal na grupo naman ay gumamit ng mga learning module,
chalk at pisara sa lecture na pamamaraan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pagbibigay ng pauna at panapos na pagsusulit ang siyang


pinakamabisang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

mga kaalaman tungkol sa paglalarawan sa antas ng kabisaan ng


paggamit ng youtube bilang pamamaraang pampagtuturo sa
asignaturang Filipino. Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng New
Taugtog, Taong Panuruan 2014-2015.
Mga Gawain Itinakdang Panahon Kinakailangang Datos
Pagbibigay ng Hunyo Pre Test
paunang pagsusulit sa
mga mag-aaral (Pre
Test)
Pagsasagawa ng Hunyo-Hulyo Class Reading Profile
pagpapabasa ng mga
akda upang matiyak
kung alin ang
kinababagutang
basahin ng mga mag-
aaral.
Pagsasagawa ng pag- Hunyo-Hulyo Least Learned and
aanalisa upang Most Learned Skills
makapagsagawa ng Analysis
“interventions”
Paghahanap ng mga Hunyo-Hulyo Internet
paraang maaaring
magamit ng mga bata
gayundin ng mga guro
para mas mabisang
pagkatuto sa
asignaturang Filipino
Pagbibigay ng Oktubre Post Test
panapos na pagsusulit Achievement Test
sa mga mag-aaral

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

(Post Test) at
achievement test

Nagbigay ang guro ng paunang pagsusulit at kaparehong


pagsusulit bilang panapos na eksaminasyon pagkatapos ng apat na
buwang pagsasagawa ng pananaliksik sa dalawang grupo. Binubuo ito
ng limampung (50) aytem na may pagpipilian o multiple choice.

PRESENTASYON AT PAG-AANALISA NG MGA DATOS


Ang bahaging ito ay naglalaman ng presentasyon, interpretasyon at
pagsusuri sa mga nalikom na datos upang magbigay katiyakan sa mga
katanungang inilahad sa unang tsapter.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Ang Table I-A at Table I-B ay nagpapakita ng distribusyon ng mga mag-


aaral sa Baitang 10. Ang mga tagatugon ay ipinangkat ayon sa kasarian at ang
pagpili ay ginamitan ng random sampling. Gumamit ng drawlots upang maitala
ang bawat bilang sa bawat tagatugon, ang unang 6 mula sa 12 ay kabilang sa
Unang Grupo at ang natirang anim ay kabilang naman sa Ikalawang Grupo.
Ganun din ang ginawang paraan sa mga mag-aaral na babae. Ang Group 1 ay
ginamitan ng tradisyonal o lecture method habang ang isang grupo ay
ginamitan ng youtube. Ang parehong grupo ay tinuruan ng iisang guro.

Talahanayan 1-A. Tagatugon


Lalaki Babae
Frequency Percentage Frequency Percentage
12 35.29 22 64.71

Talahanayan 1-B. Tagatugon base sa grupo


Grupo Lalaki Babae
Frequency Percentage Frequency Percentage
Control 6 17.65 11 32.35
Group
Experimental 6 17.65 11 32.35
Group

Ang dalawang grupo ay nirepresenta ng parehong bilang ng lalaki at


babaeng mag-aaral. Ang mga babae ay may pinakamalaking porsyento ng
tagatugon.

PERPORMANS NG MAG-AARAL
Talahanayan II-A. Tala sa Kaibahan ng Resulta ng Paunang Pagsusulit sa
Panapos na Pagsusulit ng Dalawang Grupo (Lalaki)

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Grupo Mean Score Standard Mean Difference


Deviation
Control Group 19.67 2.58 4.5
Experimental 24.17 5.12
Group

Talahanayan II-B. Tala sa Kaibahan ng Resulta ng Paunang Pagsusulit ng


Dalawang Grupo (Babae)
Grupo Mean Score Standard Mean Difference
Deviation
Control Group 21 2.9 4.5
Experimental 21.09 3.99
Group

MGA RESULTA AT DELIBERASYON


Ang mga sumusunod ay mga kapansin-pansing napag-alaman sa panahon
ng pananaliksik.
Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

1. Profayl ng mga mag-aaral


1.1 Mas nakararami ang mga babaeng tagatugon kaysa sa mga
lalaki. Sa kabuuang 34 na tagatugon, 12 lamang o 35.29% ay
lalaki at 22 o 64.71% ay mga babae.
1.2 Mayroong 7 mag-aaral na lalaki o 20.59 % at 4 na babaeng
mag-aaral 0 11.76% ay gusting-gusto ang asignaturang Filipino;
5 lalaki o 14.71% at 4 na babae o 11.76% ang medyo gusto
ang asignatura at 0% sa lalaki at 11.76% o 4 na babae ang
ayaw ito.
Makikita sa Talaan I-C at Talaan I-D, mas nakararami ang babaeng mag-
aaral ang di-gusto ang asignaturang Filipino.

Talaan I-C. Antas ng pag-unawa ng mga tagatugon sa asignaturang


Filipino

Lalaki Babae
Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw
taman taman taman taman
Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag
nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan
7 20.59 5 14.71 0 0 14 41.18 4 11.76 4 11.76

Talaan I-D. Antas ng pag-unawa ng bawat grupo ng mga tagatugon sa


asignaturang Filipino

Lalaki Babae

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Grupo Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw Gusto Katam Ayaw
taman taman taman taman
Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag Prikwe Bahag
nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan nsiya dan
Contro 4 11.76 2 5.9 0 0 9 26.47 2 5.9 0 0
lled
Group
Experi 3 8.8 3 8.8 0 0 5 14.71 2 5.9 4 11.76
mental
Group

2. Perpormans ng mga mag-aaral


Ang talaan II-A ay nagpapakita na mas mataas an gang mean score ng
grupong ekspiremental kumpara sa grupong controlled na may
pagitang mean na 1.65

Talaan II-A.
Grupo Mean Score Standard Mean
Deviation Difference
Controlled 20.53 2.79 1.65
Group
Experimental 22.18 4.52
Group

Ang paggamit ng youtube ay nakatulong upang mapabuto ang


pag-unawa sa mga akda sa asignaturang Filipino.
Nadagdagan ang interes ng mga mag-aaral sa proseso ng
pagkatuto sa pamamagitan ng youtube.
Ang eksperimental na grupo ay mas nagbuhos ng partisipasyon
sa klase at naging aktibo.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Ang talaan III-C ay nagpapakita na mas mataas na achievement


gain score ng experimental group kumpara sa controlled group na may
agwat na 19.53
Makikita rito na nagkaroon ng malaking pagtaas ng antas ng
pag-unawa ng mga mag-aaral

Talaan III-C. Resulta ng agwat ng Achievement Gain Score ng


experimental at controlled group
Grupo Bilang Mean Gain Difference t-stat P one
ng Score Panapos between t
mag- Paunang na Xs (0.0)
aaral Pagsususlit pagsusulit
Controlled 17 20.93 38.76 18.23 17.21 4.872
Group
Experimental 17 22.18 41.71 19.53
Group

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

PAGBUBUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Ang mga sumusunod ay nabuo base sa pag-aaral:
1. Ang paggamit ng youtube bilang pamamaraang pampagkatuto ay mas
epektibong paraan sa pagtuturo ng mga akda/teksto sa Filipino
baiyang 10 kaysa sa tradisyonal na pagbasa ng tahimik o malakas ng
akda sa klase.
2. Ang mga ebidensya na inilahad sa paggamit ng youtube sa pagtuturo
ay nagdulot ng positibong epekto sa mga mag-aaral.
3. Naging interesado ang mga bata sa asignaturang Filipino dahil sa
pamamaraang ginamit.
4. Ang grupong ekspiremental ay mas naging aktibo sa klase.

Ang pagtuturo gamit ang iporamsyong panteknolohiya ay nagdulot ng


positibong paraan ng pagkatuto at paghasa ng skill at perpormans ng mga
mag-aaral sa mas madaling pagkatuto at pag-unawa ng mga akda at
aralin sa asignaturang Filipino. Darating ang panahon na hindi na
kailangan ang chalk at pisara kung ang lahat ng mag-aaral ay
magkakaroon nang access sa makabagong teknolohiya.
Ang paggamit ng internet sa kasalukuyang panahon ay isang paraan
upang makasabay sa mabilis na panahong tinatahak ng kasalukuyang
henerasyon.

Developing Writing Proficiency Through Repeating Strategy

You might also like