You are on page 1of 4

Pagpapabuti sa Pagbasa ng mga Mag-aaral ng Ika-pitong Baitang sa

Mataas na Paaralan ng na Nahihirapang Magbasa ng mgt Salitang Ingles


sa pamamagitan ng Peer Teaching/Tutoring o Pagtuturo sa Kapwa Mag-
aaral

PANANALIKSIK SA ASIGNATURANG FILPINO

Ipinasa kay:

Ipinasa nina:
I. NILALAMAN AT PALIWANAG

Ang Pagbasa ay ang unang hakbang tungo sa pagtuklas at pagkatuto. At mayroong


tatlong antas ang pagbasa; una ay ang Frustation level, ang antas na mababa sa 85% ang
nababasa at ang komprehensiyon ay mababa sa 50%. Ikalawa ang Instructional level,
ang antas na nasa 85% ang mg salitang nababasa at nasa 75% ang komprehensiyon. At
ang ikatlo ay ang Independent level, ang antas na ang mga mag-aaral ay nasa 99% ang
nababasa ng tama at 90% ang komprehensiyon.

Ayon kay Gng. Lorelyn L. De Leon (guro sa asignaturang Ingles ng Mataas na


Paaralan ng Tamayo), sa 140 na bilang ng mga mag-aaral ng ika-pitong baitang, 15.7%
ang nasa ilalim ng Frustration level, 64.3% ang nasa Instructional level, at 20% ang nasa
Independent level.

Ang kakayahan sa pagbasa ng isang mag-aaral ay isa sa suliranin ng maraming


paaralan. Ang pagbasa ay mahalaga dahil pinagyayabong nito ang isip ng tao. Ito ang
daan sa pag-unawa at pag-bigay kahulugan sa mga salita. Nagiging suliranin ito dahil
paano nila mauunawaan at mabibigyang kahulugan ang mga salita kung hindi nila ito
alam basahin ?

Ang pagkatutong bumasa ay nagsisimula bago pumasok ang isang bata sa paaralan.
Karamihan sa mga mag-aaral na nahihirapang bumasa ay pumasok ng kindergarten at
elementarya nang walang karanasan sa pagbasa. Kaya ang pagbasa ng mga salitang
Ingles ay mahirap para sa kanila. At doon pumasok anng ideyang Peer
Teaching/Tutoring o pagtuturo sa kapwa mag-aaral.

Ang Peer Teaching/Tutoring ay ang pagtuturo ng isa o ng grupo ng mga mag-aaral sa


kapwa mag-aaral. Ito ay isang epektibong kasangkapan para sa pagkatuto at pagkalap ng
mga kaalaman. Sa paghahanda sa pagtuturo, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na
bumuo ng sariling paraan nang pagtuturo upang malinaw at maayos na
makapagpaliwanag sa mga kapwa mag-aaral na tinuturuan.

Ang Peer Teaching/Tutoring ay ang terminong ginagamit sa pangkalahatang ayos ng


pagtuturo, ngunit karamihan sa matagumpay na pananaliksik, ito ay tumutukoy sa
pagtutulungan ng dalawang mag-aaral na matuto. Ayon kina Kunsch, Jitendra at Sood
2007, ang Peer Tutoring ay naisasagawa ng maayos kung ang mga mag-aaral na may
magkakaibang kakayahan ay magtutulungan.
Tuwing may Peer Teaching/Tutoring na isasagawa, natural na sa mga guro ang
makipagpalit ng gampanin sa mga mag-aaral kung kaya’t ang mga nagtuturo ang
tuturuan. Ang pagpapaliwanag ng isang konsepto sa iba ay nakakatulong na palawakin
ang sariling kaalaman, binibigyan nito ng oportunidad ang mga mag-aaral na mas
maunawaan ang pinag-aaralan.

Ilan sa mga benepisyo ng Peer Teaching/Tutoring sa mga mag-aaral ay ang


pagkakaroon ng mga napagtagumpayan sa larangan ng akademiko, pagpapabuti sa
pakikipagkapwa, at pagpapabuti sa sosyal at emosyonal na pagbabago . “To teach is
tolearn twice”, isang lumang kasabihan na nagsasabing ang pagtuturo sa kapwa mo ay
may kaakibat na pagkatuto.

Ayon kay McKeachie et al., 1986, maraming ebidensya ang nagpapatunay na ang
Peer Teaching/Tutoring ay epektibo para sa pagkamit ng malawakang layunin,
nilalaman at mag-aaral ng iba’t ibang antas at personalidad.

II. MGA KATANUNGAN SA PANANALIKSIK

1. Ano ang antas ng komprehensiyon sa pagbasa nang mga mag-aaral ng ika-pitong


baitang bago isagawa ang Peer Teaching/Tutoring bilang solusiyon ?

2. Ano ang antas ng komprehensiyon sa pagbasa nang mga mag-aaral ng ika-pitong


baitang pagkatapos isagawa ang Peer Teaching/Tutoring bilang solusiyon ?

3. Mayroon bang malaking pagkakaiba sa kakayahan ng pagbasa ng mga mag-aaral


ng ika-pitong baitang bago at pagkatapos isagawa ang Peer Teaching/Tutoring
bilang solusiyon ?
III. Iminungkahing Pagbabago, Solusiyon at
Estratehiya

Ang iminungkahing solusiyon para sa suliranin sa pagbasa ay ang


pagsasagawa ng Peer Teaching/Tutoring. May mga mag-aaral na maraming
kaalaman at may kakayahan sa pagbasa ang itatalaga na magturo sa mga kapwa
mag-aaral na nahihirapang bumasa ng mga salitang Ingles. Pagtutuunang mabuti
ng mga mag-aaral na magtuturo ang kanilang tuturuan simula sa mga
madadaling salita. Ito ay maaaring isagawa tuwing uwian sa oras na 4:00
hanggang 5:00 ng hapon.
Kinakailangang hingin ang permiso ng mga taga-payo ng ika-pitong
baitang o ng mga nakatalagang guro sa asignaturang Ingles, na humiram ng aklat
sa Ingles bilang kagamitan sa iminungkahing solusyon. At magkakaroon ng
lingguhang programa sa pagbasa na isasagawa tuwing biyernes upang malaman
kung mayroon bang pagbabago sa kakayahan ng pagbasa.

You might also like