You are on page 1of 21

Lebel ng Kahandaan sa Pagbasa Nang may Pag-unawa ng mga

Mag-aaral sa Ikapitong Baitang: Batayan sa Paggawa ng Modyul

sa Kasanayan sa Pagbasa
INTRODUKSYON

I. Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pagbasa ay isa sa itinuturing na mabisang sandata sa isang mabisang

komunikasyon. Ang mabisang komunikasyon ay makakamtan lamang kung nauunawaan

natin ang ating binabasa. Ang kaalaman sa pagbasa ay hindi lamang simpleng kasanayan,

kailangan pa natin ang iba pang uri ng kasanayan upang maging isang epektibong

mambabasa. Upang malinang ang kasanayang ito, kailangan ang seryoso at puspusang

pag-aaral. Sinang-ayunan din ito ni Galang (2007), na napakahalaga sa isang guro at mag-

aaral ang pagkakaroon ng isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa.

Sadyang mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil ito ay isang proseso ng

pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa pamamagitan ng limbag

na midyum. Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng aktibidad na

kinsasangkutan ng awtor na siyang nagsulat o nag-enkwod ng mga simbolo na walang iba

kundi ang mga letra para maghatid ng mensahe sa binabasa. (Urguhart et, al,1998)

Samantala, ang mga mag-aaral na hirap maunawaan ang mga mensahe, ideya at salita

ng tekstong kanilang binabasa ay isa sa mga hamong kinahaharap ngayon ng ating mga

mag-aaral upang maging mas malinaw at mabilis ang kanilang pagkatuto. Ang tagumpay

at kagalingan sa pagbabasa at pag-intindi sa mga binabasa ay isang napahalagang aspeto

ng kaunlaran at pagkatutuo ng isang mag-aaral. Sa pag-aaral namang ginawa ni

Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may mababang

komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa semantikang pag-unawa dahil sa

kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa mga salita” (ph. 6-22). Ayon naman kay Saucer

(mula kay Ranco, 2002). Ang kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga

mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa


pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga

mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng

kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.

Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-unawa ay isang

komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na

nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng isang

teksto” (ph. 315). Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na

“Habang ang mga mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa

nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto” ( ph.4-12)

Winika din ni Leipzig (2001) na “ Ang pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay isang

komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa isang sasakyan. May sariling sistema

na kailangang alagaan at panatilihin at ang pinaka mahalaga ay ang patuloy na paggamit

dito upang masiguro ang kaayusan nito”.

Sa panahon ngayon ng pandemya isang malaking hamon para sa mga guro kung

paano mahasa ang kasanayan ng bawat mag-aaral sa pagbabasa. Napakahalaga ang

kahandaan sa pagbasa para sa ikakaunawa ng mga mag-aaral. Kung kaya’t pinili ng

mananaliksik ang pag-aaral na ito upang alamin ang lebel ng kahandaan sa pagbasa nang

may pag-unawa ng mga mag-aaral nang sa ganoon malapatan ng nararapat na

interbensiyon na naaayon sa kanilang pangangailangan. Sa pamamagitan nito

mapapaunlad ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbabasa ayon sa kanilang

preperensiyang babasahin at mapalawak din ang kanilang bokabularyo at mapalaganap

ang kakayahan nila sa pagbabasa.

Magbibigay ng malaking ambag ang magiging kalalabasan ng pananaliksik na ito lalo

na sa mga may malasakit sa pagtuturo upang gabayan ang mga mag-aaral sa paglinang ng

kanilang kasanayan sa pagbasa.


II. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang lebel ng kahandaan sa pagbasa

nang may pag-unawa sa ikapitong baitang upang maging batayan sa paggawa ng modyul

sa kasanayan sa pagbasa..

Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mananaliksik ang sumusunod

na suliranin:

1. Ano ang lebel ng kahandaan sa pagbasa nang may pag-unawa ng mga mag-aaral sa

ikapitong baitang kung papangkatin ayon sa:

a. Babae

b. Lalaki

2. Alin sa mga uri ng preperensiyang babasahing ang nangingibabaw sa mga mag-aaral

sa ikapitong baitang?

3. Ano ang interbensiyon na gagamitin sa pagpapaunlad sa kasanayan sa pagbasa nang

may pag-unawa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang?


III. Theoritical and/or Conceptual Framework

Konseptwal na Balangkas

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang lebel ng

kahandaan sa pagbasa nang may pag-unawa ng mga ma-aaral sa ikapitong baitang

na magiging batayan sa paggawa ng modyul para sa kasanayan sa pagbasa. Ito ay

ginagamitan ng Input-process-output model. Sa input frame, inilahad dito ang mga

napiling respondente na tutugon sa pagsusulit at sarbey na ibibigay. Makikita

naman sa process frame ang mga hakbang na gagawin ng mananaliksik ukol sa

pagkuha ng mga datos saklaw ng pagbibigay ng pagsusulit mula sa Phil IRI at

sarbey sa preperensiyang babasahin sa Filipino ng mga napiling respondente. Ang

output frame ay sumasaklaw sa mga nakalap na mga datos ukol sa kung ano ang

lebel ng kahandaan sa pagbasa nang may pag-unawa ng mga mag-aaral na

magiging batayan sa paggawa ng modyul para sa kasanayang pagbasa.

Input: Output:
Process:
Mag-aaral sa Lebel ng
Paggawa ng
ikapitong baitang kahandaan sa
Talatanungan
ng Valladolid Pagbasa Nang
National High Pag-aanalisa ng may Pag-unawa
School resulta

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang tungkol sa lebel ng kahandaan sa

pagbasa nang may pag-unawa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang na siyang magiging
batayan sa paggawa ng modyul para sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa. Sakop sa

pag-aaral na ito ang mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang ng Valladolid National

High School. Pipili ang mananaliksik ng 40 respondente sa pamamagitan ng Simple

Random Sampling.

V. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Punong-guro- ang pag-aaral na ito ay lalong makapagbibigay ng kaalaman sa

tagapamahala ng paaralan na dapat hikayatin ang mga guro sa Filipino na gamitin ang

mga preperensiyang babasahin ng mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan

sa pagbasa.

Mga Guro sa Filipino- Ang mga guro ang siyang pangunahing gumagabay sa mga mag-

aaral, kaya ang pag-aaral na ito ay makatutulong at makapagpapalawak sa kanilang

kaalaman sa paghahanda at pagbubuo ng mga layunin at mga gawain sa pagtatasa ng pag-

unawa sa pagbasa na angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Mga Mag-aaral- Ang mga mag-aaral ay lalong magkakaroon ng ibayong pagpapahalaga

at positibong saloobin o pananaw hinggil sa kahalagahan ng pagbasa sa ikakapanatag ng

kanilang kalooban at sa kanilnag magiging propesyon.

Mga Magulang- Mabibigyan ng patnubay at magsisilbing gabay o instrument upang

mapalawak ang kakayahan at mapatalas ang isipan ng mga mag-aaral lalong lalo na sa

antas ng pag-unawa.

Mananaliksik. Ang pagkalap sa kaalaman ng isang tao ay walang katapusan at marahil

ay madaragdagan pa ang bilang ng mga mananaliksik sa darating na panahon. Magagamit

ang pag-aaral na ito bilang panimula sa mga susunod pang pananaliksik.


VI. Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino

Pagbasa- Ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.

Ang mga simbolong ginagamit ay mga titik o letra na kapag pinagsama-sama ay nabubuo

ang mga salita, mga salita na kapag pinagsama-samaay makabubuo ng parirala,sugnay o

pangungusap ( Bernales et. al, 2013).

Modyul- Sa panahon ngayon ng pandemya na ipinagbabawal ang face to face class, isa

ito sa alternatibong paraan para maihatid sa bawat mag-aaral ang mga aralin na dapat

nilang matutunan.

   Pagbasang may pag-unawa-ito ay pagbasang may komprehensiyon na may pagbuo ng

kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto

Preperensiyang babasahin- Bawat mag-aaral ay may kinahihiligang basahin.

Babasahin na kanilang napili ayon sa kanilang interes.

Interbensiyon- Saklaw nito ang mga kilos na naghahangad para sa mag-aaral na makamit

ang integral na kaunlaran sa pamamagitan ng edukasyon. Ang mga interbensyon sa

edukasyon ay hindi lamang anumang aksyon na pang-edukasyon, ngunit sumangguni sa

isang serye ng mga diskarte (na maaaring bahagi ng isang programa) na depende sa

pangangailangan ng mag-aaral.
VII. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Simula nang isilang, ang bawat tao ay binigyan na nang pantay-pantay na

karapatang linangin at gamitin ang mga makrong kasanayang pangwika sa kanilang

pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga ito ang nagsisilbing patunay na ang tao

ang may pinakaangat na abilidad at talino sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Isa sa mga mahahalagang kasanayang pangwika na dapat malinang ng tao ang

pagbasa. Ito ang nagsisilbing daan sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman at

karunungan na nagiging puhunan na tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang mundong

ginagalawan. Bukod pa rito, ito rin ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong

kasanayang pangwika gaya ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat dahil nagkakaroon ng

kakayahang makabuo ng kaisipan at maayos na pakikipagkomunikasyon sa lahat ng

larangan o disiplina.

 Sa kasalukuyang panahon, ang pangunahing tungkulin ng mga guro sa wika

ay mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa o reading

comprehension.  Nakalulungkot isipin na ang kakayahang taglay ng mga mag-aaral sa

pagbasa ay iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa

teksto, kahit pa marami nang paraan sa ngayon ang nakatutulong upang matutong

bumasa ang mga mag-aaral at isa na rito ang kompyuter.

 Samantala sinasabing taglay ng isang mag-aaral ang kakayahang ito kung ang

lebel ng kanilang pag-unawa ay nakabatay sa sumusunod;  Una, Reading the lines o

on the line, dito ipinakikita na ang isang mambabasa ay nakauunawa ng mga

kahulugan at mahahalagang detalye ng teksto.  Pangalawa ay pagbasa sa pagitan ng

mga linya; kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahang may mas malalim na pag-

unawa  sa binasa.  Dito ipinakikita ang paghihinuha sa layunin ng awtor, pagbigay ng


interpretasyon, pagbigay ng hatol at paghahambing ng ideya ng awtor sa ideya ng

mambabasa.  Pangatlo, Reading beyond the lines.  Dito sangkot ang teknik, kritikal at

malikhaing pagbasa; kung saan nahuhulaan ng mambabasa ang magaganap, natutukoy

ang kongklusyon ng binasa, nakapagbibigay ng mga bagong padron ng mga ideya, at

nakapagpapalawak ng sariling kaisipan.  Maliban dito, masusukat ang antas ng pag-

unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang taksonomi nina Bloom at Barret.

  Ang pagbasang may komprehensyon o pagbasang may pag-unawa ay pagbuo

ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto.  Sinasabing kung walang

pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap.  Ayon kay Goodman (1969) ang

pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon ang mambabasa at ang

teksto.  Kapag tayo’y nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang

dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan

sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang pagpapakahulugan. Ang

pag-unawa/komprehensyon ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan. Hindi

ito matututunan sa isang upuan lamang. Nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-

aaral at paggamit. 

Maraming babasahin sa kasalukuyan na nagtataglay ng mga mapanghamong

tema o paksa kaya’t nararapat lamang na pagtuonan ito ng pansin.  Mapauunlad ang

kasanayang ito gamit ang iba’t ibang estratehiya Ang estratehiya ay plinanong

pamamaraan tungo sa isang layunin.  Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Making Connection (Pag-uugnay)

Sa pamamaraang ito ang mga mambabasa ay nagkakaroon ng ugnayan sa

binasang teksto sa kanilang sariling karanasan (text to self), sa ibang teksto (text to

text), at pag-uugnay sa mga pangyayari sa mundo (text to world). 

Prediction (Paghuhula)
Isang pamamaraan sa pag-unawa sa pagbasa kung saan ginagamit ng

mambabasa ang mga impormasyong nakalap mula sa akdang binasa o tekstong binasa

(pamagat, mga larawan) tungo sa pagkakaroon ng panimulang kaalaman tungkol sa

kung saan ang kanyang babasahin.  Ginagamit ang Prediksyon bago magbasa, habang

at pagkatapos bumasa.  Nahihikayat nito ang mga mambabasa na higit na maging

aktibo sa pagbabasa at pinananatili nito ang kawilihan ng mga mambabasa, tama man

o mali ang kanilang prediksyon.

Questioning (Masining na Pagtatanong)

Sa pamamaraang ito nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsuri

sa kanilang binasa sa pmamagitan ng pagbubuo ng sariling tanong batay sa kanilang

binasa.  Napalalalim nito ang pag-unawa at paglilinaw sa kahulugan ng mga kaisipan

at ideya sa binasa. 

Summarizing (Paglalahat)

Ayon kay Rolando Bernales sa kanyang aklat na Pagbasa at Pagsulat, ito ay

paglalagom ng mga kaisipan at impormasyong natutunan o nakuha sa akdang binasa. 

Kailangang magkaroon ng maayos at sunod-sunod na pagpapahayag ng mga

pangyayari.

Sa pamamaraang ito natutukoy ng mga mambabasa ang pinakamahahalagang

ideya/kaisipan mula sa binasa at naisasalin ito sa sarili nilang pagpapahayag.

Visualizing (pagbuo ng biswal na imahe)

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng imahe mula sa

binasa/napanood/napakinggang teksto o akda.  Sa pamamaraang ito nagagamit ng

mga mag-aaral ang kanilang malawak na imahinasyon sa pag-unawa sa binasa. 

Madali nilang nauunawaan ang pangyayaring nagaganap,ang tagpuan, at ang mga

tauhan sa akda gamit ang kanilang imahinasyon.


    

Mahalaga ang pagbasa nang may pag-unawa sa buhay ng tao.  Halos lahat ng

kaalaman ay nasusulat, sa pagbili ng pagkain, gamut, bahay na titirahan, pagpasok sa

trabaho, at kahit sa paraan ng transportasyon.  Isa ito sa pinakamahalagang bagay na

dapat taglayin ng tao.  Ito ang nagsisilbing daan ng kanyang tagumpay, kaligtasan at

mabungang pamumuhay. (Sanchez, 2017)

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

I. Disenyo ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gagamit ng kwantitatib na metodolohiya at

deskriptibong paglalarawan. Kwantitatib sapagkat nais nang mananaliksik

malaman ang lebel ng kahandaan sa pagbasa nang may pag-unawa ng mga

mag-aaral sa ikapitong baitang. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagsusulit

na mayroong 20 aytem na kinuha mula sa Phil IRI.

II. Mga Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay nagmula sa mataas na

paaralan ng Valladolid National High School Baitang 7. Pipili ang

mananaliksik ng 40 respondente mula sa walong seksiyon sa pamamagitan ng

Simple Random Sampling.

Talahanayan I

Distribusyon ng mga Kalahok

Antas Seksiyon Lalaki Babae Kabuuan


1 3 2 5

2 2 3 5
3 3 2 5

4 2 3 5

5 3 2 5

6 2 3 5

7 3 2 5

8 2 3 5
Grade 7
Kabuuan 20 20 40

III. Mga Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay magbibigay ng dalawang talatanungan. Una,ang

mananaliksik ay magbibigay ng pagsusulit na kinuha mula sa Phil IRI na siyang

susukat sa lebel ng kahandaan sa pagbasa nang may pag-unawa ng mga mag-

aaral. Sasagutan lamang sa loob ng 30 minuto ang nasabing pagsusulit. Ang Phil

IRI ay isang programa ng Departamento ng Edukasyon na tumutugon sa

pangangailangan ng bawat mag-aaral sa pagbabasa kung saan sumusuporta sa

hangarin na bawat batang Filipino ay marunong magbasa at magsulat. Pagkatapos

nito ay magbibigay muli ng talatanungan o survey questionnaire tungkol sa

preperensiyang babasahin sa Filipino ng mga mag-aral sa ikapitong baitang. Ang

magiging kalalabasan ng mga talatanungan ang magiging batayan sa paggawa ng

modyul sa kasanayan sa pagbasa.

IV. Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay maghahanda ng liham pahintulot sa punong guro upang

siya ay pahintulutang magsagawa ng pag-aaral. Hihingi ng kabuuang bilang ng


mga mag-aaral sa ikapitong baitang na nakaenrol sa Taong Akademiko 2021-2022

na kung saan kukuha lamang ng 40 mag-aaral na magiging respondente sa pag-

aaral sa pamamagitan ng Simple Random Sampling. Pagkatapos nito ay hihingi

muli ng pahintulot upang ipamahagi sa mga respondente ang ginawang pagsusulit.

Personal na ipamamahagi ng mananaliksik ang mga papel na naglalaman ng

pagsusulit sa pamamagitan ng Learning Community Center at ipaliwanag ang

kahalagahan at parte nila sa isasagawang pag-aaral.

Ang nasagutang pagsusulit at survey questionnaire ay isasaayos, pagsama-

samahin at papangkatin upang bigyan ng interpretasyon.

V. Statistical Treatment/Data Analysis

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa

talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik, gagamit ang

mananaliksik ng Average Weighted Mean para sa pagtatasa ng lebel ng kahandaan sa

pagbasa nang may pag-unawa ng mga respondente paukol sa kanilang sagot sa mga

talatanungan. Sa survey questionnaire naman na tugon ng mga mag-aaral gagamit ang

mananaliksik ng Relevant frequency at Pecentage para matukoy ang ngangingibabaw

ng preperensiyang babasahing Filipino. Ang magiging kalalabasan nito ang magiging

batayan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng modyul para sa kasanayan sa pagbasa.

VI. Etikal na Konsiderasyon

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, ang mananaliksik ay hihingi ng pahintulot

mula sa Punong-Guro sa pamamagitan ng liham pahintulot. Ang mananaliksik ay

hihingi rin ng pahintulot sa mga magulang ng respondente na isasagawa ang pag-

aaral at sisiguraduhin ng mananaliksik sa mga magulang at sa mga respondente

ang pagiging sagrado ng resulta.


Sanggunian:

https://www.slideshare.net/cheryldemafiles2731/paraan-ng-pananaliksik

https://methods.sagepub.com/reference/encyc-of-research-design/n157.xml

http://www.udyong.gov.ph/index.php?

option=com_content&view=article&id=8920:pagbasang-may-pag-unawa-o-

reading-comprehension&catid=90&Itemid=1267

https://depedro1.com/wp-content/uploads/2019/02/Herbert-Perez.pdf

https://www.academia.edu/32846824/Thesis_1

https://www.academia.edu/36988303/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA

Talatanungan

Pangalan:________________________ Seksyon:____________kasarian: Babae

Lalaki
Ang talatanungan ito ay naglalayong matugunan ang ilang suliranin sa pagbasa at paglinang
ng komprehensiyon. Matapat na sagutin ng katanungang inihanda.

1. Ano ang mga kinahihiligan mong basahin? Mga Dahilan sa Pagpili


(Iranggo ang iyong sagot mula 1-3)

Ensayklopedia (Encyclopedia) __________________________

Komiks ___________________________

Magasin ___________________________

Pahayagan ___________________________

Panitikang Pambata (alamat, pabula, ___________________________

Maikling-kuwentong pambata)

Talatanungan

Pangalan:________________________ Seksyon:____________kasarian: Babae

Lalaki
Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 7

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang
mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Karapatang Sibil

Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay


sumasakop sa kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa
isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag,
kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian,
maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan,
laban sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of
habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito.
Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan
ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito
ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi
napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali
(beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis,
hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at
pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice
denied.”

Bilang ng mga Salita: 166


(Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc., Tarlac,
Tarlac.)

Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal)
HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan _________________ .
a. na maipahayag ang saloobin b. na makapagbiyahe saan
man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man d.sa malayang pagsamba at

pananalig

2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)


a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule.
c. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan.
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.

3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil?


(Inferential)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.

4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na


pagpapabilanggo? (Literal)
a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
b. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.

5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)


a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.

Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang


mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.

6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?

(Paghinuha)

a. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.


b. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
c. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.
d. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.

7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Gusto nitong magbigay ng aral.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
(Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.

9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)


Ito ay makikita sa ______________________ ng seleksyon.
a. gitna b. simula c. katapusan d. simula at

katapusan

10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
(Critical)
a. Pagkilala sa Ating Karapatan b. Mga Halimbawa ng
Karapatan
c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan d. Sibil na Karapatan sa Malayang
Bansa

Ang Hukbong Paggawa ng Pilipinas


Ang hukbong paggawa ng ating bansa ay binubuo ng mga taong may edad na
15 taong gulang pataas. Itinuturing silang may sapat nang lakas, kasanayan, at
kakayahan sa paggawa o produksyon. Ngunit hindi lahat ng saklaw ng edad na 15
taon at pataas ay kasapi ng hukbong paggawa. Kabilang nito ay ang mga kabataang
nag-aaral, mga inang hindi naghahapbuhay, yaong may mga kapansanan, mga
matatanda na at hindi na naghahanapbuhay, o ang mga nagretiro na sa
paghahanapbuhay.
Nahahati sa iba’t ibang pangkat ang hukbong paggawa ng Pilipinas. Nariyan
ang sector ng agrikultura, industriya, serbisyo, at propesyonal. Karamihan sa mga
kasapi ng hukbong paggawa sa mga sektor na nabanggit ay gumagamit ng lakas-
bisig sa paggawa.
Subalit hindi lamang ito ang gamit sa produskyon. Nakatutulong ding higit
ang lakas-isip na nakukuha sa pag-aaral at pagsasanay. Ang mga nagtatapos sa
pag-aaral ng kusa ay maaaring pumasok ng trabaho bilang mga propesyonal na
doctor, guro, inhinyero, abogado, accountant, at iba pa.
Hindi lamang sa loob ng bansa matatagpuan ang mga manggagawang Pilipino.
Mula noong taong 1975 ay mabilis na ang pagtaas ng dami ng mga migranteng
Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa. Karaniwang trabaho nila ay bilang
nars, caregivers, seaman, domestic helpers, manggagawa sa konstruksyon, at
kahit pa bilang mang-aawit at mananayaw.
Bilang ng mga Salita: 212
(Inocencio, et. Al Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6 (2006). Wizard Publishing
Haws, Inc. Tarlac, Tarlac)
11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hukbong paggawa? (Literal)
a. mga matatandang nasa opisina
b. retiradong patuloy na nagtatrabaho
c. mga mag-aaral na gumagawa ng aralin
d. mga inang tumutulong sa paghahanapbuhay

12. Alin sa sumusunod ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa hukbong paggawa?


(Literal)
Lahat sila ay _______________________________ .
a. walang pagod sa paghahahanapbuhay
b. walang tigil ng pagpapalakas at pagsasanay
c. nangangarap maghanapbuhay sa ibang bansa
d. may kasanayan at kakayahan na makibahagi sa produksyon

13. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa lakas-bisig sa paggawa? (Paghinuha)


a. doktor b. hardinero c. karpintero d. mangingisda
Nakukuha ang lakas-isip sa pag-aaral at pagsasanay

14. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)


a. Nasasanay ang nag-aaral na mag-isip.
b. Nahahasa ang kaisipan sa pag-aaral.
c. Nararapat na sanayin ang takbo ng pag-iisip.
d. Mauunawaan ng nag-iisip ang pinag-aaralan.

15. Sino sa sumusunod ang HINDI kasama sa hukbong paggawa? (Paghinuha)


a. isang pari na nagmimisa
b. isang dyanitor na may sakit
c. isang pulis na makikita sa lansangan
d. isang musmos na nagtitinda ng sampagita sa kalye

16. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)


Ito ay makikita sa ______________________ ng seleksyon.
a. gitna
b. simula
c. katapusan
d. simula at katapusan
17. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Gusto nitong magbigay ng aral.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Hangad nitong magbigay ng ibang pananaw.

18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.
d. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.

19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
(Pagsusuri)
a. Lakas-Bisig ng ating Bansa
b. Mga Manggagawa ng Ating Bayan
c. Mga Suliranin ng mga Manggagawa
d. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas

20. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon? (Paghinuha)


Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. mga problema ng hukbong paggawa
b. uri ng pamumuhay ng hukbong paggawa
c. iba’t ibang halimbawa ng hukbong paggawa
d. mga pagsasanay at mga paghihirap ng hukbong paggawa

You might also like